Book of Common Prayer
Ang kapangyarihan ng Panginoon at ang kaniyang nasasakupan.
97 Ang Panginoon ay (A)naghahari; magalak ang lupa;
Matuwa ang karamihan ng mga pulo.
2 (B)Mga ulap at kadiliman ay nasa palibot niya:
Katuwiran at kahatulan ay patibayin ng kaniyang luklukan.
3 Apoy ay nagpapauna sa kaniya, At sinusunog ang kaniyang kaaway sa buong palibot.
4 Tumatanglaw (C)ang mga kidlat niya sa sanglibutan:
Nakita ng lupa, at niyanig.
5 (D)Ang mga bundok ay natunaw na parang pagkit sa harap ng Panginoon,
Sa harapan ng Panginoon ng buong lupa.
6 Ipinahahayag (E)ng langit ang kaniyang katuwiran,
At nakita ng lahat na bayan ang kaniyang kaluwalhatian.
7 Mangahiya silang lahat na nangaglilingkod sa mga larawan,
Nangaghahambog tungkol sa mga diosdiosan:
Kayo'y magsisamba sa kaniya (F)kayong lahat na mga dios.
8 Narinig ng Sion, at natuwa,
At ang mga anak na babae ng Juda ay nangagalak;
Dahil sa iyong mga kahatulan, Oh Panginoon.
9 Sapagka't ikaw, Oh Panginoon, ay (G)kataastaasan sa buong lupa:
Ikaw ay nataas na totoong higit kay sa lahat na mga dios.
10 Oh kayong nagsisiibig sa Panginoon, (H)ipagtanim ninyo ang kasamaan.
Kaniyang iniingatan ang mga kaluluwa ng kaniyang mga banal;
Kaniyang iniligtas sila (I)sa kamay ng masama.
11 (J)Liwanag ang itinanim na ukol sa mga banal,
At kasayahan ay sa may matuwid na puso.
12 Mangatuwa kayo sa Panginoon, kayong mga matuwid;
(K)At mangagpasalamat sa kaniyang banal na pangalan.
Pagpuri sa Panginoon dahil sa kaniyang kahabagan sa Israel.
99 Ang Panginoon ay (A)naghahari: manginig ang mga bayan.
(B)Siya'y nauupo sa mga querubin; makilos ang lupa.
2 Ang Panginoon ay dakila sa Sion; At siya'y mataas na higit sa lahat ng mga bayan.
3 Purihin nila ang iyong dakila at kakilakilabot na pangalan:
Siya'y (C)banal.
4 Ang lakas naman ng hari ay umiibig ng kahatulan;
Ikaw ay nagtatatag ng karampatan,
Ikaw ay nagsasagawa ng kahatulan at katuwiran sa Jacob.
5 Ibunyi ninyo ang Panginoon nating Dios,
At magsisamba kayo (D)sa harap ng kaniyang tungtungan;
(E)Siya'y banal.
6 (F)Si Moises at si Aaron sa gitna ng kaniyang mga saserdote, At si (G)Samuel sa kanila na nagsisitawag sa kaniyang pangalan;
Sila'y nagsisitawag sa Panginoon, at siya'y sumasagot sa kanila.
7 Siya'y nagsasalita sa kanila (H)sa haliging ulap:
Kanilang iniingatan ang kaniyang mga patotoo, at ang palatuntunan na ibinigay niya sa kanila.
8 Sumagot ka sa kanila, Oh Panginoon naming Dios;
(I)Ikaw ay Dios na nagpatawad sa kanila,
(J)Bagaman nanghiganti ka sa kanilang mga gawa.
9 Ibunyi ninyo ang Panginoon nating Dios,
At magsisamba kayo sa kaniyang (K)banal na bundok;
Sapagka't ang Panginoon nating Dios ay banal.
Awit na pagpapasalamat.
100 Magkaingay kayo na (L)may kagalakan sa Panginoon, kayong lahat na lupain.
2 Mangaglingkod kayo na may kasayahan sa Panginoon;
Magsilapit kayo sa kaniyang harapan na may awitan.
3 Alamin ninyo na ang Panginoon ay siyang Dios;
(M)Siya ang lumalang sa atin, at tayo'y kaniya:
(N)Tayo'y kaniyang bayan, at mga tupa ng kaniyang pastulan.
4 (O)Magsipasok kayo sa kaniyang mga pintuang-daan na may pagpapasalamat,
At sa kaniyang looban na may pagpupuri:
Mangagpasalamat kayo sa kaniya, at purihin ninyo ang kaniyang pangalan.
5 Sapagka't ang Panginoon ay mabuti; ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man;
At ang kaniyang pagtatapat ay sa lahat ng sali't saling lahi.
Tinawagan ang Panginoon upang ipaghiganti ang kaniyang bayan.
94 Oh Panginoon, ikaw na (A)Dios na kinauukulan ng panghihiganti,
Ikaw na Dios na kinauukulan ng panghihiganti, sumilang ka.
2 Bumangon ka, (B)ikaw na hukom ng lupa:
Ibigay mo sa palalo ang panghihiganti sa kanila.
3 Panginoon, (C)hanggang kailan ang masama,
Hanggang kailan magtatagumpay ang masama?
4 Sila'y dumadaldal, sila'y nagsasalita na may kapalaluan:
Lahat na manggagawa ng kasamaan ay nangagmamalaki.
5 Kanilang pinagwawaraywaray ang iyong bayan, Oh Panginoon,
At dinadalamhati ang iyong mana.
6 Kanilang pinapatay ang bao at ang taga ibang lupa,
At pinapatay ang ulila.
7 At (D)kanilang sinasabi, Ang Panginoo'y hindi makakakita,
Ni pakukundanganan man ng Dios ni Jacob ito.
8 Gunitain ninyo, ninyong mga hangal sa gitna ng bayan:
At ninyong mga mangmang, kailan tayo magiging pantas?
9 (E)Siyang lumikha ng pakinig, hindi ba siya makakarinig?
Siyang lumikha ng mata, hindi ba siya makakakita?
10 (F)Siyang nagpaparusa sa mga bansa, (G)hindi ba siya sasaway,
Sa makatuwid baga'y siyang nagtuturo sa tao ng kaalaman?
11 (H)Nalalaman ng Panginoon ang mga pagiisip ng tao,
Na sila'y pawang walang kabuluhan.
12 (I)Mapalad ang tao na iyong pinarurusahan, Oh Panginoon,
At tinuturuan mo sa iyong kautusan.
13 Upang iyong mabigyan ng kapahingahan sa mga kaarawan ng kasakunaan,
(J)Hanggang sa mahukay ang hukay na ukol sa masama.
14 (K)Sapagka't hindi itatakuwil ng Panginoon ang kaniyang bayan,
Ni pababayaan man niya ang kaniyang mana.
15 Sapagka't kahatulan ay babalik sa katuwiran:
At susundan ng lahat na matuwid sa puso.
16 Sino ang babangon dahil sa akin laban sa mga manggagawa ng kasamaan?
Sinong tatayo dahil sa akin laban sa mga manggagawa ng kasamaan?
17 (L)Kundi ang Panginoon ay naging aking katulong,
Ang kaluluwa ko'y tumahang madali sana sa katahimikan.
18 Nang aking sabihin, (M)Ang aking paa ay natitisod;
Inalalayan ako ng iyong kagandahang-loob, Oh Panginoon.
19 Sa karamihan ng aking mga pagiisip sa loob ko
Ang iyong mga pagaliw ay nagbibigay lugod sa aking kaluluwa.
20 Makikisama ba sa iyo ang luklukan (N)ng kasamaan,
Na nagaanyo ng pagapi sa pamamagitan ng palatuntunan?
21 Sila'y nagpipisan laban sa kaluluwa ng matuwid,
At (O)pinarusahan nila ang walang salang dugo.
22 Nguni't ang Panginoon ay naging aking matayog na moog;
At ang Dios ko'y (P)malaking bato na aking kanlungan.
23 At dinala niya sa kanila ang kanilang sariling kasamaan,
At ihihiwalay niya sila sa kanilang sariling kasamaan;
Ihihiwalay sila ng Panginoon naming Dios.
Pagpuri sa Panginoon at babala laban sa di pagsampalataya.
95 (Q)Oh magsiparito kayo, tayo'y magsiawit sa Panginoon:
(R)Tayo'y magkaingay na may kagalakan (S)sa malaking bato na ating kaligtasan.
2 Tayo'y magsiharap sa kaniyang harapan na may pagpapasalamat,
Tayo'y magkaingay na may kagalakan sa kaniya na may mga pagaawitan.
3 Sapagka't ang (T)Panginoon ay dakilang Dios,
At dakilang Hari sa lahat ng mga dios,
4 Na sa kaniyang kamay ang mga malalim na dako ng lupa,
Ang mga kataasan ng mga bundok ay kaniya rin.
5 Ang dagat ay kaniya, at kaniyang ginawa:
At ang kaniyang mga kamay ay lumikha ng tuyong lupa.
6 Oh magsiparito kayo, tayo'y magsisamba at magsiyukod;
Tayo'y magsiluhod sa harap ng Panginoon na May-lalang sa atin.
7 Sapagka't siya'y ating Dios,
At tayo'y (U)bayan ng kaniyang pastulan, at mga tupa ng kaniyang kamay.
Ngayon, kung (V)inyong didinggin ang kaniyang tinig!
8 Huwag ninyong papagmatigasin ang inyong puso, gaya sa Meriba,
Gaya sa kaarawan ng Masa (W)sa ilang:
9 (X)Nang tuksuhin ako ng inyong mga magulang,
Tinikman ako, at nakita ang gawa ko.
10 Apat na pung taong namanglaw ako sa lahing yaon,
At aking sinabi, Bayan na nagkakamali sa kanilang puso.
At hindi naalaman ang aking mga daan:
11 Kaya't ako'y sumumpa sa aking poot,
(Y)Na sila'y hindi magsisipasok sa aking (Z)kapahingahan.
29 At kaniyang ipinagbilin sa kanila, at sinabi sa kanila: (A)Ako'y malalakip sa aking bayan: (B)ilibing ninyo ako sa kasamahan ng aking mga magulang (C)sa yungib na nasa parang ni Ephron na Hetheo,
30 Sa yungib na nasa parang ng Machpela, na nasa tapat ng Mamre, sa lupain ng Canaan, (D)na binili ni Abraham, na kalakip ng parang kay Ephron na Hetheo, na pinakaaring libingan:
31 (E)Na doon nila inilibing si Abraham at si Sara na kaniyang asawa; na doon nila inilibing si Isaac at si Rebeca na kaniyang asawa; at (F)doon ko inilibing si Lea:
Ang kaniyang kamatayan.
32 Sa parang at sa yungib na nandoon na binili sa mga anak ni Heth.
33 At nang matapos si Jacob na makapagbilin sa kaniyang mga anak, ay kaniyang itinaas at itinikom ang kaniyang mga paa sa higaan, (G)at nalagot ang hininga, at nalakip sa kaniyang bayan.
50 At yumakap si Jose sa mukha ng kaniyang ama, (H)at umiyak sa ibabaw niya, at hinalikan niya siya.
2 At iniutos ni Jose sa kaniyang mga (I)lingkod na manggagamot, na embalsamahin ang kaniyang ama: at inembalsama ng mga manggagamot si Israel.
3 At apat na pung araw ang ginanap sa kaniya; sapagka't gayon ginaganap ang mga araw ng pagembalsama; (J)at tinangisan siya ng mga Egipcio ng pitong pung araw.
4 At nang makaraan ang mga araw ng pagiyak sa kaniya ay nagsalita si Jose sa sangbahayan ni Faraon, na sinasabi, Kung ngayo'y nakasumpong ako ng biyaya sa inyong mga mata ay salitain ninyo, isinasamo ko sa inyo, sa mga pakinig ni Faraon, na inyong sabihin,
5 Pinanumpa ako ng ama ko, na sinasabi, Narito, ako'y namamatay: (K)sa libingan na aking hinukay sa akin sa lupain ng Canaan, ay doon mo ako ililibing. Ngayon nga'y pahintulutan ninyo akong umahon, isinasamo ko sa inyo, at aking ilibing ang aking ama, at babalik uli ako.
6 At sinabi ni Faraon, Umahon ka, at ilibing mo ang iyong ama, ayon sa kaniyang ipinasumpa sa iyo.
7 At umahon si Jose upang ilibing ang kaniyang ama: at kasama niyang umahon ang lahat ng lingkod ni Faraon, ang mga matanda sa kaniyang sangbahayan, at ang lahat na matanda sa lupain ng Egipto;
8 At ang buong sangbahayan ni Jose, at ang kaniyang mga kapatid, at ang sangbahayan ng kaniyang ama: ang kanila lamang mga bata, at ang kanilang mga kawan, at ang kanilang bakahan, ang iniwan nila sa lupain ng Gosen.
9 At umahong kasama niya ang mga karro at mga nangangabayo: at yao'y naging totoong malaking pulutong.
10 At sila'y dumating sa giikan ni Atad, na nasa dako pa roon ng Jordan, at doo'y nanaghoy sila ng malakas at kapaitpait na panaghoy: at kaniyang pinanangisan ang kaniyang ama na pitong araw.
11 At nang makita ng mga nananahan sa lupaing yaon, ng mga Cananeo, ang panaghoy sa giikan ni Atad, ay kanilang sinabi, Ito'y isang kahambalhambal na panaghoy ng mga Egipcio kaya't ang pangalang itinawag ay Abel-mizraim, nasa dako pa roon ng Jordan.
Si Jacob ay nalibing sa Machpela.
12 At ginawa sa kaniya ng kaniyang mga anak ang ayon sa iniutos sa kanila.
13 (L)Sapagka't dinala siya ng kaniyang mga anak sa lupain ng Canaan, at inilibing siya sa yungib ng Machpela, (M)na binili ni Abraham sangpu ng parang na pinakaaring libingan, kay Ephron na Hetheo, sa tapat ng Mamre.
14 At bumalik si Jose sa Egipto, siya, at ang kaniyang mga kapatid, at ang lahat na umahong kasama niya sa paglilibing sa kaniyang ama, pagkatapos na mailibing ang kaniyang ama.
17 Datapuwa't sa pagtatagubilin sa inyo nito, ay hindi ko kayo pinupuri, sapagka't kayo'y nangagkakatipon hindi sa lalong mabuti kundi sa lalong masama.
18 Sapagka't unauna'y (A)nababalitaan ko na kung nangagkakatipon kayo sa iglesia, ay mayroon sa inyong mga pagkakabahabahagi; at may kaunting paniniwala ako.
19 Sapagka't (B)tunay na sa inyo'y mayroong mga hidwang pananampalataya, upang yaong mga napatunayan na ay mangahayag sa inyo.
20 Kung kayo nga ay nangagkakatipon, ay hindi kayo maaaring magsikain ng hapunan ng Panginoon;
21 Sapagka't sa inyong pagkain, ang bawa't isa'y kumukuha ng kanikaniyang sariling hapunan na nagpapauna sa iba; at ang isa ay gutom, at (C)ang iba'y lasing.
22 Ano, wala baga kayong mga bahay na inyong makakanan at maiinuman? o niwawalang halaga ninyo (D)ang iglesia ng Dios, at hinihiya ninyo ang mga wala ng anoman? Ano ang aking sasabihin sa inyo? Kayo baga'y aking pupurihin? Sa bagay na ito ay hindi ko kayo pinupuri.
23 Sapagka't (E)tinanggap ko sa Panginoon ang ibinibigay ko naman sa inyo; na (F)ang Panginoong Jesus nang gabing siya'y ipagkanulo ay dumampot ng tinapay;
24 At nang siya'y makapagpasalamat, ay kaniyang pinagputolputol, at sinabi, Ito'y aking katawan na pinagputolputol dahil sa inyo: gawin ninyo ito sa pagaalaala sa akin.
25 At gayon din naman hinawakan ang saro pagkatapos na makahapon, na sinasabi, Ang sarong ito'y siyang bagong tipan sa aking dugo: gawin ninyo ito sa tuwing kayo'y magsisiinom, sa pagaalaala sa akin.
26 Sapagka't sa tuwing kanin ninyo ang tinapay na ito, at inuman ninyo ang saro, ay inihahayag ninyo ang pagkamatay ng Panginoon (G)hanggang sa dumating siya.
27 (H)Kaya't ang sinomang kumain ng tinapay, o uminom sa saro ng Panginoon, na di nararapat, ay magkakasala sa katawan at dugo ng Panginoon.
28 Datapuwa't (I)siyasatin ng tao ang kaniyang sarili, at saka kumain ng tinapay, at uminom sa saro.
29 Sapagka't ang kumakain at umiinom, ay kumakain at umiinom ng hatol sa kaniyang sarili, kung hindi niya kinikilala ang katawan ng Panginoon.
30 Dahil dito'y marami sa inyo ang (J)mahihina at mga masasaktin, at hindi kakaunti ang (K)nangatutulog.
31 Datapuwa't kung ating kilalanin ang ating sarili, ay hindi tayo hahatulan.
32 Datapuwa't kung tayo'y hinahatulan, ay (L)pinarurusahan tayo ng Panginoon, upang huwag tayong mahatulang kasama ng sanglibutan.
33 Dahil dito, mga kapatid ko, kung kayo'y mangagsasalosalo sa pagkain, ay mangaghintayan kayo.
34 (M)Kung ang sinoman ay magutom, kumain siya sa bahay; upang ang inyong pagsasalosalo ay huwag maging sa paghatol. At ang iba ay aking (N)aayusin (O)pagpariyan ko.
8 Nang mga araw na yaon, (A)nang magkaroong muli ng maraming tao, at wala silang mangakain, ay tinawag niya ang kaniyang mga alagad, at sinabi sa kanila,
2 (B)Nahahabag ako sa karamihan, sapagka't tatlong araw nang sila'y nangatira sa akin, at walang mangakain:
3 At kung sila'y pauwiin kong nangagugutom sa kanilang mga tahanan, ay magsisipanglupaypay sila sa daan; at nagsipanggaling sa malayo ang ilan sa kanila.
4 At nagsisagot sa kaniya ang kaniyang mga alagad, Paanong mabubusog ninoman ang mga taong ito ng tinapay dito sa isang ilang na dako?
5 At kaniyang tinanong sila, Ilang tinapay mayroon kayo? At sinabi nila, Pito.
6 At iniutos niya sa karamihan na magsiupo sa lupa; at kinuha niya ang pitong tinapay, at pagkapagpasalamat, ay pinagputolputol niya, at ibinigay sa kaniyang mga alagad, upang ihain sa kanila; at inihain nila sa karamihan.
7 At mayroon silang ilang maliliit na isda: at nang mapagpala ang mga ito, ay ipinagutos niya na ihain din naman ang mga ito sa kanila.
8 At sila'y nagsikain, at nangabusog: at kanilang pinulot ang lumabis sa mga pinagputolputol, na pitong bakol na puno.
9 At sila'y may mga apat na libo: at pinayaon niya sila.
10 At (C)pagdaka'y lumulan siya sa daong na kasama ang kaniyang mga alagad, at napasa mga sakop ng Dalmanuta.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978