Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

Book of Common Prayer

Daily Old and New Testament readings based on the Book of Common Prayer.
Duration: 861 days
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Version
Mga Awit 119:49-72

ZAIN.

49 Iyong alalahanin ang salita sa iyong lingkod,
Na doo'y iyong pinaasa ako.
50 Ito'y aking (A)kaaliwan sa aking pagkapighati:
Sapagka't binuhay ako ng (B)iyong salita.
51 Ang palalo ay dumuwahaging mainam sa akin:
Gayon ma'y hindi ako hihiwalay sa iyong kautusan.
52 Aking inalaala ang mga kahatulan mo ng una, Oh Panginoon,
At ako'y nagaliw sa sarili.
53 (C)Maalab na galit ang humawak sa akin,
Dahil sa masama na nagpabaya ng iyong kautusan.
54 Ang iyong mga palatuntunan ay naging aking mga awit
Sa (D)bahay ng aking pangingibang bayan.
55 (E)Aking inalaala sa gabi ang pangalan mo, Oh Panginoon,
At sinunod ko ang iyong kautusan.
56 Ito ang tinamo ko,
Sapagka't aking iningatan ang mga tuntunin mo.

CHETH.

57 (F)Ang Panginoon ay aking bahagi:
Aking sinabi na aking tutuparin ang iyong mga salita.
58 Aking hiniling ang iyong biyaya ng aking buong puso:
Magmahabagin ka sa akin ayon sa iyong salita.
59 (G)Ako'y nagiisip sa aking mga lakad,
At ibinalik ko ang aking mga paa sa iyong mga patotoo.
60 Ako'y nagmadali, at hindi ako nagmakupad,
Na sundin ang iyong mga utos.
61 Pinuluputan ako ng mga panali ng masama;
Nguni't hindi ko nilimot ang iyong kautusan.
62 (H)Sa hating gabi ay babangon ako upang magpasalamat sa iyo,
Dahil sa iyong mga matuwid na kahatulan.
63 Ako'y kasama ng lahat na nangatatakot sa iyo,
At ng nagsisitupad ng iyong mga tuntunin.
64 Ang lupa, Oh Panginoon, ay puno (I)ng iyong kagandahang-loob:
(J)Ituro mo sa akin ang iyong mga palatuntunan.

TETH.

65 Ginawan mo ng mabuti ang iyong lingkod,
Oh Panginoon, (K)ayon sa iyong salita.
66 Turuan mo ako ng mabuting kahatulan at kaalaman;
Sapagka't ako'y sumampalataya sa iyong mga utos.
67 (L)Bago ako nagdalamhati ay naligaw ako;
Nguni't ngayo'y tinutupad ko ang iyong salita.
68 (M)Ikaw ay mabuti, at gumagawa ng mabuti;
Ituro mo sa akin ang iyong mga palatuntunan.
69 Ang palalo ay (N)kumatha ng kabulaanan laban sa akin:
Aking tutuparin ang iyong mga tuntunin ng buong puso ko.
70 (O)Ang puso nila ay matabang gaya ng sebo;
Nguni't ako'y naaaliw sa iyong kautusan.
71 (P)Mabuti sa akin na ako'y napighati;
Upang aking matutuhan ang mga palatuntunan mo.
72 Ang kautusan ng iyong bibig ay (Q)lalong mabuti sa akin
Kay sa libong ginto at pilak.

Mga Awit 49

Sa Pangulong Manunugtog; Awit ng mga anak ni Core.

49 (A)Dinggin ninyo ito, ninyong lahat na mga bayan;
Pakinggan ninyo, ninyong lahat na nananahan sa daigdig:
(B)Ng mababa at gayon din ng mataas,
Ng mayaman at ng dukha na magkasama.
Ang aking bibig ay magsasalita ng karunungan;
At ang pagbubulay ng aking puso ay magiging sa pagunawa.
(C)Ikikiling ko ang aking panig sa talinghaga:
Ibubuka ko ang aking (D)malabong sabi sa alpa.
Bakit ako matatakot sa mga kaarawan ng kasamaan,
Pagka kinukulong ako ng kasamaan sa aking mga sakong?
Silang (E)nagsisitiwala sa kanilang kayamanan,
At nangaghahambog sa karamihan ng kanilang mga kayamanan;
Wala sa kaniyang (F)makatutubos sa ano pa mang paraan sa kaniyang kapatid,
Ni (G)magbibigay man sa Dios ng pangtubos sa kaniya:
(Sapagka't (H)ang katubusan ng kanilang kaluluwa ay mahal,
At ito'y naglilikat magpakailan man:)
Upang siya'y mabuhay na lagi,
Upang siya'y (I)huwag makakita ng kabulukan.
10 Sapagka't nakikita niya na ang mga pantas ay (J)nangamamatay,
Ang mangmang at gayon din ang (K)hangal ay nililipol,
(L)At iniiwanan ang kanilang kayamanan sa mga iba.
11 Ang kanilang pagiisip sa loob ay, na ang kanilang mga bahay ay mananatili magpakailan man,
At ang kanilang mga tahanang dako ay sa lahat ng sali't saling lahi;
(M)Tinatawag nila ang kanilang mga lupain ayon sa kanilang sariling mga pangalan.
12 Nguni't ang tao'y hindi lalagi sa karangalan:
Siya'y gaya ng mga hayop na nangamamatay.
13 Itong kanilang lakad ay (N)kanilang kamangmangan:
Gayon ma'y pagkatapos nila ay sinasangayunan ng mga tao ang kanilang mga kasabihan. (Selah)
14 Sila'y nangatakda sa Sheol na parang kawan;
Kamatayan ay magiging pastor sa kanila:
At (O)ang matuwid ay magtataglay ng kapangyarihan sa kanila sa kinaumagahan;
At ang kanilang kagandahan ay mapapasa Sheol upang matunaw,
Upang mawalan ng tahanan.
15 Nguni't (P)tutubusin ng Dios ang aking kaluluwa sa kapangyarihan ng Sheol:
(Q)Sapagka't tatanggapin niya ako. (Selah)
16 Huwag kang matakot pagka may yumaman.
Pagka ang kaluwalhatian ng kaniyang bahay ay lumago:
17 Sapagka't pagka siya'y namatay ay wala siyang dadalhin;
Ang kaniyang kaluwalhatian ay hindi bababang susunod sa kaniya.
18 Bagaman habang siya'y nabuhay ay (R)kaniyang pinagpala ang kaniyang kaluluwa,
(At pinupuri ka ng mga tao pagka gumagawa ka ng mabuti sa iyong sarili),
19 Siya'y paroroon sa lahi ng kaniyang mga magulang;
Hindi sila makakakita kailan man ng (S)liwanag.
20 Taong nasa karangalan, at hindi nakakaunawa,
Ay gaya ng mga hayop na namamatay.

Mga Awit 53

Sa Pangulong Manunugtog; itinugma sa Mahalath. Masquil ni David.

53 (A)Ang mangmang ay nagsabi sa puso niya, Walang Dios.
Nangapahamak sila, at nagsigawa ng kasuklamsuklam na kasamaan;
(B)Walang gumawa ng mabuti.
Tinunghan ng Dios ang mga anak ng mga tao mula sa langit,
Upang tignan kung may sinomang nakakaunawa,
Na humanap sa Dios.
Bawa't isa sa kanila ay (C)tumalikod: sila'y magkakasamang naging mahahalay;
Walang gumawa ng mabuti, wala, wala kahit isa.
Wala bang kaalaman ang mga manggagawa ng kasamaan?
(D)Na siyang kumakain ng aking bayan na tila kumakain ng tinapay,
At hindi nagsisitawag sa Dios.
Doo'y nangapasa malaking katakutan sila (E)na hindi kinaroroonan ng takot:
Sapagka't (F)pinangalat ng Dios ang mga (G)buto niya na humahantong laban sa iyo;
Iyong inilagay sila sa kahihiyan, sapagka't itinakuwil sila ng Dios.
Oh kung ang kaligtasan ng Israel ay lumabas sa Sion.
(H)Pagka ibabalik ng Dios ang nangabihag ng kaniyang bayan,
Magagalak nga ang Jacob at matutuwa ang Israel.

Genesis 37:25-36

Ipinagbili si Jose sa Egipto.

25 At nagsiupo upang kumain ng tinapay, at kanilang itiningin ang kanilang mga mata at tumingin sila, at, narito, ang isang pulutong na mga (A)Ismaelita na nagsisipanggaling sa Gilead sangpu ng kanilang mga kamelyo at may dalang mga (B)pabango, at mga (C)balsamo, at mga mirra, na kanilang dadalhin sa Egipto.

26 At sinabi ni Juda sa kaniyang mga kapatid. Anong ating mapapakinabang kung ating patayin ang ating kapatid, (D)at ilihim ang kaniyang dugo?

27 Halikayo, at atin siyang ipagbili sa mga Ismaelita, at huwag natin siyang pagbuhatan ng kamay; sapagka't (E)siya'y ating kapatid, atin din laman. At dininig siya ng kaniyang mga kapatid.

28 At nagsisipagdaan ang mga mangangalakal na mga (F)Midianita; at kanilang isinampa si Jose sa balon, (G)at ipinagbili nila si Jose sa mga Ismaelita ng (H)dalawang pung putol na pilak. At dinala si Jose sa Egipto.

29 At nagbalik si Ruben sa balon; at, narito, na si Jose ay wala sa balon; (I)at kaniyang hinapak ang kaniyang mga suot.

30 At siya'y nagbalik sa kaniyang mga kapatid, at kaniyang sinabi, (J)Wala ang bata; at ako, saan ako paroroon?

31 At kanilang kinuha ang (K)tunika ni Jose, at sila'y pumatay ng isang lalaking kambing, at kanilang inilubog ang tunika sa dugo:

32 At kanilang ipinadala ang tunikang may sarisaring kulay, at dinala sa kanilang ama; at kanilang sinabi, Ito'y aming nasumpungan: kilalanin mo ngayon, kung tunika ng iyong anak o hindi.

33 At kaniyang kinilala, at sinabi, Siya ngang tunika ng aking anak; sinakmal siya ng (L)isang masamang hayop; si Jose ay walang pagsalang nilapa.

Ang panangis ni Jacob.

34 At hinapak ni Jacob ang kaniyang mga suot, at kaniyang nilagyan ng magaspang na damit ang kaniyang mga balakang, at tinangisang maraming araw ang kaniyang anak.

35 (M)At nagsitindig ang lahat niyang mga anak na lalake at babae upang siya'y aliwin; datapuwa't tumanggi siyang maaliw; at kaniyang sinabi, (N)Sapagka't lulusong akong tumatangis sa aking anak hanggang sa Sheol. At tinangisan siya ng kaniyang ama.

36 At ipinagbili siya ng mga Midianita sa Egipto kay Potiphar, puno ni Faraon, na kapitan ng bantay.

1 Corinto 2:1-13

At ako, mga kapatid, nang pumariyan sa inyo, ay (A)hindi ako napariyan na may kagalingan sa pananalita o sa karunungan, na nagbabalita sa inyo (B)ng patotoo ng Dios.

Sapagka't aking pinasiyahang walang maalaman anoman sa gitna ninyo, (C)maliban na si Jesucristo, at siya na napako sa krus.

At ako'y nakisama sa inyo (D)na may kahinaan, at may katakutan, at may lubhang panginginig.

At ang aking pananalita at ang aking pangangaral ay hindi sa mga salitang panghikayat ng karunungan, kundi (E)sa patotoo ng Espiritu at ng kapangyarihan:

Upang ang inyong pananampalataya ay huwag masalig sa karunungan ng mga tao, kundi (F)sa kapangyarihan ng Dios.

Gayon man, ay nangagsasalita kami ng karunungan (G)sa mga may gulang: bagaman hindi ng karunungan (H)ng sanglibutang ito, o ng mga may kapangyarihan sa sanglibutang ito, na ang mga ito'y nangauuwi sa wala:

Kundi sinasalita namin ang karunungan ng Dios sa hiwaga, (I)yaong karunungan na itinalaga ng Dios, bago nilalang ang mga sanglibutan sa ikaluluwalhati natin:

(J)Na hindi napagkilala ng sinomang pinuno sa sanglibutang ito: sapagka't (K)kung nakilala sana nila, ay dising di ipinako sa krus ang (L)Panginoon ng kaluwalhatian:

Datapuwa't gaya ng nasusulat,

(M)Ang mga bagay na hindi nakita ng mata, at ni narinig ng tainga,
Ni hindi pumasok sa puso ng tao,
Anomang mga bagay na (N)inihanda ng Dios sa kanila na nangagsisiibig sa kaniya.

10 Nguni't ang mga ito ay ipinahayag sa atin (O)ng Dios sa pamamagitan ng Espiritu; sapagka't nasisiyasat ng Espiritu ang lahat ng mga bagay, oo, ang malalalim na mga bagay ng Dios.

11 Sapagka't sino sa mga tao ang nakakakilala ng mga bagay ng tao, kundi ang espiritu ng tao, na nasa kaniya? gayon din naman ang mga bagay ng Dios ay hindi nakikilala ng sinoman, maliban na (P)ng Espiritu ng Dios.

12 Nguni't (Q)ating tinanggap, hindi ang espiritu ng sanglibutan, kundi ang espiritung mula sa Dios; upang ating mapagkilala ang mga bagay na sa atin ay ibinigay na walang bayad ng Dios.

13 Na ang mga bagay na ito ay atin namang sinasalita, (R)hindi sa mga salitang itinuturo ng karunungan ng tao, kundi sa itinuturo ng Espiritu; na (S)iniwawangis natin ang mga bagay na ayon sa espiritu sa mga pananalitang ayon sa espiritu.

Marcos 1:29-45

29 (A)At paglabas nila (B)sa sinagoga, ay nagsipasok pagdaka sa bahay ni Simon at ni Andres, na kasama si Santiago at si Juan.

30 Nakahiga ngang nilalagnat ang biyanang babae ni Simon; at pagdaka'y pinakiusapan nila siya tungkol sa kaniya:

31 At lumapit siya at tinangnan niya sa kamay, at siya'y itinindig; at inibsan siya ng lagnat, at siya'y naglingkod sa kanila.

32 At nang kinagabihan, (C)paglubog ng araw, ay kanilang dinala sa kaniya ang lahat ng mga may-sakit, at ang mga inaalihan ng mga demonio.

33 At ang buong bayan ay nangagkatipon sa pintuan.

34 At (D)nagpagaling siya ng maraming may karamdaman ng sarisaring sakit, at nagpalabas ng maraming demonio; (E)at hindi tinulutang magsipagsalita ang mga demonio, sapagka't siya'y kanilang kilala.

35 At (F)nagbangon siya nang madaling-araw, na malalim pa ang gabi, at lumabas, (G)at napasa isang dakong ilang, at doo'y nanalangin.

36 At si Simon at ang kasamahan niya ay nagsisunod sa kaniya;

37 At siya'y nasumpungan nila, at sinabi sa kaniya, Hinahanap ka ng lahat.

38 At sinabi niya sa kanila, Magsiparoon tayo sa ibang dako ng mga kalapit na bayan, upang ako'y makapangaral din naman doon; (H)sapagka't sa ganitong dahilan ako'y naparito.

39 At siya'y pumasok (I)sa mga sinagoga nila sa buong Galilea, na nangangaral at nagpapalabas ng mga demonio.

40 (J)At lumapit sa kaniya ang isang ketongin, na namamanhik sa kaniya, at nanikluhod sa kaniya, at sa kaniya'y nagsasabi, Kung ibig mo, ay maaaring malinis mo ako.

41 At sa pagkaawa ay iniunat niya ang kaniyang kamay, at siya'y hinipo, at sinabi sa kaniya, Ibig ko; luminis ka.

42 At pagdaka'y nawalan siya ng ketong, at siya'y nalinis.

43 At siya'y kaniyang pinagbilinang mahigpit, at pinaalis siya pagdaka,

44 At sinabi sa kaniya, Ingatan mong huwag sabihin sa kanino mang tao ang anoman: kundi yumaon ka, at pakita ka sa saserdote, at maghandog ka sa pagkalinis sa iyo ng mga bagay na ipinagutos ni Moises, na bilang isang patotoo sa kanila.

45 Datapuwa't siya'y umalis, at (K)pinasimulang ipamalitang mainam, at ipahayag ang nangyari, ano pa't hindi (L)na makapasok ng hayag si Jesus sa bayan, kundi dumoon sa labas sa mga dakong ilang: (M)at pinagsasadya nila siya mula sa lahat ng panig.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978