Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

Book of Common Prayer

Daily Old and New Testament readings based on the Book of Common Prayer.
Duration: 861 days
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Version
Mga Awit 105

Ang kahangahangang gawa ng Panginoon ng dahil sa Israel.

105 Oh magpasalamat kayo (A)sa Panginoon, kayo'y magsitawag sa kaniyang pangalan;
(B)Ipabatid ninyo ang kaniyang mga gawain sa mga bayan.
Magsiawit kayo sa kaniya, magsiawit kayo sa kaniya ng mga pagpuri;
(C)Salitain ninyo ang lahat niyang kagilagilalas na mga gawa.
Lumuwalhati kayo sa kaniyang banal na pangalan:
Mangagalak ang puso nila na nagsisihanap sa Panginoon.
Hanapin ninyo ang Panginoon at ang kaniyang kalakasan;
(D)Hanapin ninyo ang kaniyang mukha magpakailan man.
Alalahanin ninyo ang kaniyang kagilagilalas na mga gawa na kaniyang ginawa:
Ang kaniyang mga kababalaghan at ang mga kahatulan ng kaniyang bibig;
Oh ninyong binhi ni Abraham na kaniyang lingkod,
Ninyong mga anak ni Jacob, na kaniyang mga hirang.
Siya ang Panginoon nating Dios: Ang kaniyang mga kahatulan ay nangasa buong lupa.
Kaniyang inalaala ang kaniyang tipan magpakailan man,
Ang salita na kaniyang iniutos sa libong sali't saling lahi;
(E)Ang tipan na kaniyang ginawa kay Abraham,
At ang kaniyang sumpa kay Isaac;
10 At pinagtibay yaon kay Jacob na pinakapalatuntunan,
Sa Israel na pinakawalang hanggang tipan:
11 Na sinasabi, Sa iyo'y ibibigay ko ang lupain ng Canaan,
Ang kapalaran na iyong mana;
12 Nang sila'y kaunti lamang tao sa bilang;
Oo, totoong kaunti, at nangakikipamayan doon;
13 At sila'y nagsiyaon sa bansa at bansa,
Mula sa isang kaharian hanggang sa ibang bayan.
14 Hindi niya tiniis ang sinomang tao na gawan sila ng kamalian;
Oo, kaniyang sinaway ang mga hari dahil sa kanila;
15 Na sinasabi, (F)Huwag ninyong galawin ang mga pinahiran ko ng langis.
At huwag ninyong gawan ng masama ang mga propeta ko.
16 (G)At siya'y nagdala ng kagutom sa lupain;
Kaniyang binali ang buong (H)tukod ng tinapay.
17 (I)Siya'y nagsugo ng isang lalake sa unahan nila;
(J)Si Jose ay naipagbiling pinakaalipin:
18 Ang kaniyang mga paa (K)ay sinaktan nila ng mga pangpangaw;
Siya'y nalagay sa mga tanikalang bakal:
19 Hanggang sa panahon na nangyari ang (L)kaniyang salita;
Tinikman siya ng salita ng Panginoon.
20 (M)Ang hari ay nagsugo, at pinawalan siya;
Sa makatuwid baga'y ang pinuno ng mga bayan, at pinalaya niya siya.
21 (N)Ginawa niya siyang panginoon sa kaniyang bahay,
At pinuno sa lahat niyang pagaari:
22 (O)Upang talian ang kaniyang mga pangulo sa kaniyang kaligayahan,
At turuan ang kaniyang mga kasangguni ng karunungan.
23 (P)Si Israel naman ay nasok sa Egipto;
At si Jacob ay nakipamayan sa (Q)lupain ng Cham.
24 (R)At kaniyang pinalagong mainam ang kaniyang bayan,
At pinalakas sila kay sa kanilang mga kaaway.
25 (S)Kaniyang pinapanumbalik ang kanilang puso upang mangagtanim sa kaniyang bayan,
Upang magsigawang may katusuhan sa kaniyang mga lingkod.
26 (T)Kaniyang sinugo si Moises na kaniyang lingkod,
At si Aaron na kaniyang hirang.
27 (U)Kanilang inilagay sa gitna nila ang kaniyang mga tanda,
At mga kababalaghan sa lupain ng Cham.
28 Siya'y nagsugo ng mga kadiliman, at nagpadilim;
At sila'y hindi nagsipanghimagsik laban sa kaniyang mga salita.
29 Kaniyang pinapaging dugo ang kanilang tubig,
At pinatay ang kanilang mga isda.
30 Ang kanilang lupain ay binukalan ng mga palaka,
Sa mga silid ng kanilang mga hari.
31 Siya'y nagsalita, at dumating ang mga pulutong na mga langaw,
At kuto sa lahat ng kanilang mga hangganan.
32 (V)Ibinigay niya sa kanila na pinakaulan ay graniso,
At liyab ng apoy sa kanilang lupain.
33 Sinaktan naman niya ang kanilang mga puno ng ubas, at ang kanilang mga puno ng higos;
At binali ang mga punong kahoy ng kanilang mga hangganan.
34 (W)Siya'y nagsalita at ang mga balang ay nagsidating,
At ang mga higad, ay yao'y walang bilang,
35 At kinain ang lahat na gugulayin sa kanilang lupain,
At kinain ang bunga ng kanilang lupa.
36 (X)Sinaktan din niya ang lahat na panganay sa kanilang lupain,
Ang puno ng lahat nilang kalakasan.
37 (Y)At kaniyang inilabas sila na may pilak at ginto:
At hindi nagkaroon ng mahinang tao sa kaniyang mga lipi.
38 Natuwa ang Egipto nang sila'y magsialis;
(Z)Sapagka't ang takot sa kanila ay nahulog sa kanila.
39 (AA)Kaniyang inilatag ang ulap na pinakakubong;
At apoy upang magbigay liwanag sa gabi,
40 (AB)Sila'y nagsihingi, at dinalhan niya ng mga pugo,
At binusog niya sila ng (AC)pagkain na mula sa langit.
41 (AD)Kaniyang ibinuka ang bato at binukalan ng tubig;
Nagsiagos sa tuyong mga dako na parang ilog.
42 Sapagka't kaniyang naalaala ang kaniyang banal na salita,
(AE)At si Abraham na kaniyang lingkod.
43 At kaniyang inilabas ang kaniyang bayan na may kagalakan,
At ang kaniyang hirang na may awitan.
44 (AF)At ibinigay niya sa kanila ang mga lupain ng mga bansa;
At kinuha nila ang gawa ng mga bayan na pinakaari:
45 (AG)Upang kanilang maingatan ang kaniyang mga palatuntunan,
At sundin ang kaniyang mga kautusan.
Purihin ninyo ang Panginoon.

2 Mga Hari 18:28-37

28 Nang magkagayo'y si Rabsaces ay tumayo at sumigaw ng malakas sa wikang Judio, at nagsalita, na sinasabi, Dinggin ninyo ang salita ng dakilang hari, ng hari sa Asiria.

29 Ganito ang sabi ng hari, Huwag kayong dayain ni Ezechias; sapagka't hindi niya kayo maililigtas sa kaniyang kamay.

30 Ni patiwalain man kayo ni Ezechias sa Panginoon, na sabihin, Walang pagsalang ililigtas tayo ng Panginoon, at ang bayang ito ay hindi mabibigay sa kamay ng hari sa Asiria.

31 Huwag ninyong dinggin si Ezechias: sapagka't ganito ang sabi ng hari sa Asiria, Makipagpayapaan kayo sa akin, at labasin ninyo ako; at kumain ang bawa't isa sa inyo ng bunga (A)ng kaniyang puno ng ubas, at ang bawa't isa ng bunga ng kaniyang puno ng igos, at uminom ang bawa't isa sa inyo ng tubig ng kaniyang sariling balon;

32 Hanggang sa ako'y dumating at dalhin ko kayo sa isang lupaing gaya ng inyong sariling lupain, na lupain ng trigo at ng alak, na (B)lupain ng tinapay at ng mga ubasan, na lupain ng langis na olibo at ng pulot, upang kayo'y mangabuhay, at huwag mangamatay: at huwag ninyong dinggin si Ezechias, pagka kayo'y hinihikayat niya, na sinasabi, Ililigtas tayo ng Panginoon.

33 (C)Nagligtas ba kailan man ang sinoman sa mga dios sa mga bansa ng kaniyang lupain sa kamay ng hari sa Asiria?

34 Saan nandoon ang mga dios ng (D)Hamath, at ng (E)Arphad? Saan nandoon ang mga dios ng Sepharvaim, ng Hena, at ng Hiva? Iniligtas ba nila ang Samaria sa aking kamay?

35 Sino sa kanila sa lahat na dios ng mga lupain, ang nagligtas ng kanilang lupain sa aking kamay, na ililigtas ng Panginoon ang Jerusalem sa aking kamay?

36 Nguni't ang bayan ay tumahimik, at hindi sumagot ng kahit isang salita: sapagka't utos ng hari, na sinasabi, Huwag ninyong sagutin siya.

37 Nang magkagayo'y naparoon si (F)Eliacim na anak ni Hilcias, na siyang katiwala sa sangbahayan, at si Sebna na kalihim, at si Joah na anak ni Asaph na kasangguni, kay Ezechias na ang kanilang suot ay (G)hapak, at isinaysay sa kaniya ang mga salita ni Rabsaces.

1 Corinto 9:1-15

Hindi baga ako'y malaya? (A)hindi baga ako'y apostol? (B)hindi ko baga nakita si Jesus na Panginoon natin? (C)hindi baga kayo'y gawa ko sa Panginoon?

Kung sa iba'y hindi ako apostol, sa inyo man lamang ako'y gayon; sapagka't (D)ang tatak ng aking pagkaapostol ay kayo sa Panginoon.

Ito ang aking pagsasanggalang sa mga nagsisiyasat sa akin.

(E)Wala baga kaming matuwid na magsikain at magsiinom?

Wala baga kaming matuwid na magsipagsama ng (F)isang asawa na sumasampalataya, gaya ng iba't ibang mga apostol, at (G)ng mga kapatid ng Panginoon, at ni (H)Cefas?

O ako baga lamang at si Bernabe ang walang matuwid na magsitigil ng paggawa?

Sinong kawal ang (I)magpakailan pa man ay naglilingkod sa kaniyang sariling gugol? sino ang (J)nagtatanim ng isang ubasan, at hindi kumakain ng bunga niyaon? o sino ang nagpapakain sa kawan, at hindi kumakain ng gatas ng kawan?

Ang mga ito baga'y sinasalita ko (K)ayon sa kaugalian lamang ng mga tao? o di baga sinasabi rin naman ang gayon ng kautusan?

Sapagka't nasusulat sa kautusan ni Moises, (L)Huwag mong lalagyan ng busal ang baka pagka gumigiik. Ang mga baka baga ay iniingatan ng Dios,

10 O sinasabi kayang tunay ito dahil sa atin? Oo, (M)dahil sa atin ito sinulat: sapagka't ang nagsasaka ay dapat magsaka (N)sa pagasa, at ang gumigiik, ay sa pagasa na makakabahagi.

11 Kung ipinaghasik namin kayo (O)ng mga bagay na ayon sa espiritu, malaking bagay baga na aming anihin ang inyong mga bagay na ayon sa laman?

12 Kung ang iba ay mayroon sa inyong matuwid, hindi baga lalo pa kami? (P)Gayon ma'y hindi namin ginamit ang matuwid na ito; kundi aming tinitiis ang lahat ng mga bagay, (Q)upang huwag kaming makahadlang sa evangelio ni Cristo.

13 Hindi baga ninyo nalalaman na ang mga (R)nagsisipangasiwa sa mga bagay na banal, ay nagsisikain ng mga bagay na ukol sa templo, at ang mga nagsisipaglingkod sa dambana ay mga kabahagi ng dambana?

14 Gayon din naman (S)ipinagutos ng Panginoon na ang mga nagsisipangaral ng evangelio ay dapat mangabuhay sa pamamagitan ng evangelio.

15 Nguni't ako'y hindi gumamit ng anoman sa mga bagay na ito: at hindi ko sinusulat ang mga bagay na ito upang gawin ang gayon sa akin; (T)sapagka't mabuti pa sa akin ang mamatay, kay sa pawalang kabuluhan ninoman ang aking karangalan.

Mateo 7:22-29

22 Marami ang mangagsasabi sa akin sa araw na yaon, Panginoon, Panginoon, hindi baga nagsipanghula kami sa iyong pangalan, at sa pangalan mo'y (A)nangagpalayas kami ng mga demonio, at sa pangalan mo'y nagsigawa kami ng maraming gawang makapangyarihan?

23 At kung magkagayo'y ipahahayag ko sa kanila, Kailan ma'y hindi ko kayo nangakilala: magsilayo kayo sa akin, kayong manggagawa ng katampalasanan.

24 Kaya't (B)ang bawa't dumirinig ng aking mga salitang ito at ginaganap, ay matutulad sa isang (C)taong matalino, na itinayo ang kaniyang bahay sa ibabaw ng bato:

25 At lumagpak ang ulan, at bumaha, at humihip ang mga hangin, at hinampas ang bahay na yaon; at hindi nabagsak: sapagka't natatayo sa ibabaw ng bato.

26 At ang bawa't dumirinig ng aking mga salitang ito at hindi ginaganap, ay matutulad sa isang taong mangmang, na itinayo ang kaniyang bahay sa buhanginan:

27 At lumagpak ang ulan, at bumaha, at humihip ang mga hangin, at hinampas ang bahay na yaon; at nabagsak: at kakilakilabot ang kaniyang pagkabagsak.

28 At nangyari, na nang matapos na ni Jesus ang mga salitang ito, ay nangatilihan (D)ang mga karamihan sa kaniyang aral:

29 (E)Sapagka't sila'y kaniyang tinuturuang tulad sa may kapamahalaan, at hindi gaya ng kanilang mga eskriba.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978