Add parallel Print Page Options

16 At isasauli niya (A)yaong kaniyang nadaya sa banal na bagay, at magdaragdag pa ng ikalimang bahagi, at ibibigay niya sa saserdote: (B)at itutubos sa kaniya ng saserdote sa pamamagitan ng lalaking tupang handog dahil sa pagkakasala; at siya'y patatawarin.

Read full chapter

(A)Bawa't lalake sa mga saserdote ay kakain niyaon; sa dakong banal kakanin yaon: bagay ngang kabanalbanalan.

Read full chapter

31 (A)At susunugin ng saserdote ang taba sa ibabaw ng dambana: (B)datapuwa't ang dibdib ay mapapasa kay Aaron at sa kaniyang mga anak.

32 (C)At ibibigay ninyo sa saserdote na pinaka handog na itinaas, ang hitang kanan sa mga haing inyong mga handog tungkol sa kapayapaan.

Read full chapter

(A)At ang bawa't handog na itinaas sa lahat ng bagay na banal ng mga anak ni Israel, na kanilang ihaharap sa saserdote ay magiging kaniya.

10 At ang mga bagay na banal ng bawa't lalake ay magiging kaniya: ang ibigay ng sinomang tao sa saserdote ay magiging (B)kaniya.

Read full chapter

At sinalita ng Panginoon kay Aaron, At (A)ako'y, narito, aking ibinigay sa (B)iyo ang katungkulan sa mga handog na itinaas sa aking, lahat ng mga banal na bagay ng mga anak ni Israel; aking ibinigay sa iyo dahil sa pagpapahid, at sa iyong mga anak na marapat na bahagi ninyo, magpakailan man.

Ito'y magiging iyo sa mga pinakabanal na bagay, na hindi pinaraan sa apoy: (C)bawa't alay nila, (D)bawa't handog na harina nila, (E)at bawa't handog nila dahil sa kasalanan, at bawa't handog nila dahil sa pagkakasala na kanilang ihahandog sa akin, ay magiging pinaka banal sa iyo at sa iyong mga anak.

10 (F)Gaya ng mga kabanalbanalang bagay ay kakain ka ng mga iyan: bawa't lalake ay kakain niyaon magiging banal na bagay sa iyo.

11 At ito ay iyo; (G)ang handog na itinaas na kanilang kaloob, sa makatuwid baga'y ang lahat ng mga handog na inalog ng mga anak ni Israel: aking ibinigay sa iyo, at sa iyong mga anak na lalake at babae na kasama mo na marapat na bahagi magpakailan man: (H)bawa't malinis sa iyong bahay ay kakain niyaon.

12 (I)Lahat ng pinakamainam sa langis, at lahat ng pinakamainam sa alak, at sa trigo, ang mga pinakaunang bunga ng mga yaon na kanilang ibibigay sa Panginoon, ay ibibigay ko sa iyo.

13 Ang mga unang hinog na bunga ng lahat na nasa kanilang lupain, (J)na kanilang dinadala sa Panginoon, ay magiging iyo; (K)bawa't malinis sa iyong bahay ay kakain niyaon.

14 Lahat ng mga bagay na (L)natatalaga sa Israel ay magiging iyo.

15 Lahat ng mga bagay na nagbubukas ng (M)bahay-bata, sa lahat ng laman na kanilang inihahandog sa Panginoon, sa mga tao at gayon din sa mga hayop, ay magiging iyo: (N)gayon man ang panganay sa tao ay tunay na iyong tutubusin, at ang panganay sa maruruming hayop ay iyong tutubusin.

16 At yaong mga matutubos sa kanila, mula sa isang buwang gulang ay iyong tutubusin, (O)ayon sa iyong pagkahalaga, ng limang siklong pilak, ayon sa siklo ng santuario ((P)na dalawang pung gera).

17 (Q)Nguni't ang panganay ng baka, o ang panganay ng tupa, o ang panganay ng kambing ay huwag mong tutubusin; mga banal: iyong iwiwisik ang kanilang (R)dugo sa ibabaw ng dambana, at iyong susunugin ang kanilang taba na pinakahandog na pinaraan sa apoy, na pinakamasarap na amoy sa Panginoon.

18 At ang laman nila ay magiging iyo, gaya ng dibdib na inalog at gaya ng kanang (S)hita ay magiging iyo.

19 Lahat ng mga handog na itinaas sa mga banal na bagay na ihahandog ng mga anak ni Israel sa Panginoon, ay aking ibinigay sa iyo, at sa iyong mga anak na lalake at babae na kasama mo, na marapat na bahagi magpakailan man: (T)tipan ng asin magpakailan man sa harap ng Panginoon sa iyo, at sa iyong binhi na kasama mo.

20 At sinabi ng Panginoon kay Aaron, Huwag kang magkakaroon ng mana sa kanilang lupain, ni magkakaroon ka ng anomang bahagi sa gitna nila: (U)ako ang iyong bahagi at ang iyong mana sa gitna ng mga anak ni Israel.

Read full chapter

(A)Kaya't ang Levi ay walang bahagi ni mana sa kasamahan ng kaniyang mga kapatid; ang Panginoo'y siyang kaniyang mana, ayon sa sinalita ng Panginoon mong Dios sa kaniya.)

Read full chapter

Ang bahagi ng mga Levita.

18 Ang mga saserdote na mga Levita, ang buong lipi ni Levi, ay (A)hindi magkakaroon ng bahagi ni mana na kasama ng Israel; sila'y kakain (B)ng mga handog sa Panginoon na pinaraan sa apoy, at ng kaniyang mana.

Read full chapter