Book of Common Prayer
(A)Awit ni David, nang siya'y nasa ilang ng Juda.
63 Oh Dios, ikaw ay Dios ko; hahanapin kitang (B)maaga:
Kinauuhawan ka (C)ng aking kaluluwa, pinananabikan ka ng aking laman,
Sa isang tuyo at uhaw na lupa na walang tubig.
2 Sa gayo'y tumingin ako sa iyo sa santuario.
Upang tanawin ang (D)iyong kapangyarihan at ang iyong kaluwalhatian.
3 (E)Sapagka't ang iyong kagandahang-loob ay mainam kay sa buhay:
Pupurihin ka ng aking mga labi.
4 Sa gayo'y pupurihin (F)kita habang ako'y nabubuhay:
(G)Igagawad ko ang aking mga kamay sa iyong pangalan.
5 Ang kaluluwa ko'y matutuwa na gaya sa utak at taba;
At ang bibig ko'y pupuri sa iyo ng masayang mga labi;
6 Pagka (H)naaalaala kita sa aking higaan,
At ginugunita kita sa pagbabantay sa gabi.
7 Sapagka't naging katulong kita,
At (I)sa lilim ng mga pakpak mo'y magagalak ako.
8 Ang kaluluwa ko'y nanununod na mainam sa iyo:
Inaalalayan ako ng iyong kanan.
9 Nguni't ang nagsisihanap ng kaluluwa ko, upang ipahamak,
Magsisilusong sa mga lalong (J)mababang bahagi ng lupa.
10 Sila'y mangahuhulog sa kapangyarihan ng tabak:
Sila'y magiging pagkain sa mga zorra.
11 Nguni't (K)ang hari ay magagalak sa Dios:
Bawa't sumusumpa sa pamamagitan niya ay (L)luluwalhati;
Sapagka't (M)ang bibig nila na nagsasalita ng mga kasinungalingan ay patitigilin.
Awit.
98 (A)Oh magsiawit kayo sa Panginoon ng bagong awit;
Sapagka't siya'y gumawa ng mga kagilagilalas na bagay:
(B)Ang kaniyang kanan at ang kaniyang banal na bisig ay gumawa ng kaligtasan para sa kaniya:
2 (C)Ipinakilala ng Panginoon ang kaniyang pagliligtas:
(D)Ang kaniyang katuwiran ay ipinakilala niyang lubos sa paningin ng mga bansa.
3 (E)Kaniyang inalaala ang kaniyang kagandahang-loob at ang kaniyang pagtatapat sa bahay ng Israel:
Nakita ng (F)lahat ng mga wakas ng lupa ang pagliligtas ng aming Dios.
4 Magkaingay kayo na may kagalakan sa Panginoon, buong lupa.
Mangagpasimula at magsiawit dahil sa kagalakan, oo, magsiawit kayo ng mga pagpuri.
5 Magsiawit kayo sa Panginoon ng mga pagpuri (G)ng alpa;
Ng alpa at ng tinig na tugma.
6 Ng mga pakakak at tunog ng corneta
(H)Magkaingay kayo na may kagalakan sa harap ng Hari, ng Panginoon.
7 (I)Humugong ang dagat at ang buong naroon;
Ang sanglibutan at ang nagsisitahan doon;
8 (J)Ipakpak ng mga baha ang kanilang mga kamay;
Magawitan ang mga burol dahil sa kagalakan;
9 Sa harap ng Panginoon, (K)sapagka't siya'y dumarating upang hatulan ang lupa:
Kaniyang hahatulan ng katuwiran ang sanglibutan,
At ng karapatan ang mga bayan.
Awit ni David.
103 Purihin mo ang Panginoon, (A)Oh kaluluwa ko:
At lahat na nangasa loob ko ay magsisipuri sa kaniyang banal na pangalan.
2 Purihin mo ang Panginoon, Oh kaluluwa ko,
At huwag mong kalimutan ang lahat niyang mabubuting gawa.
3 (B)Na siyang nagpapatawad ng iyong lahat na mga kasamaan;
(C)Na siyang nagpapagaling ng iyong lahat na mga sakit;
4 (D)Na siyang tumutubos ng iyong buhay sa pagkapahamak:
Na siyang nagpuputong sa iyo ng (E)kagandahang-loob at malumanay na mga kaawaan:
5 Na siyang bumubusog sa iyong bibig ng mabuting bagay;
Na anopa't ang (F)iyong kabataan ay nababagong parang agila.
6 (G)Ang Panginoon ay nagsasagawa ng mga matuwid na gawa,
At ng mga kahatulan na ukol sa lahat na naaapi.
7 Kaniyang ipinabatid ang (H)kaniyang mga daan kay Moises,
Ang kaniyang mga gawa sa mga anak ni Israel.
8 Ang Panginoon ay puspos (I)ng kahabagan at mapagbiyaya,
Banayad sa pagkagalit at sagana sa kagandahang-loob.
9 (J)Hindi siya makikipagkaalit na palagi;
Ni kaniya mang tataglayin ang kaniyang galit magpakailan man.
10 (K)Siya'y hindi gumawa sa atin ng ayon sa ating mga kasalanan,
Ni gumanti man sa atin ng ayon sa ating mga kasamaan.
11 (L)Sapagka't kung paanong ang mga langit ay mataas kay sa lupa,
Gayon kalaki ang kaniyang kagandahang-loob (M)sa kanila na nangatatakot sa kaniya.
12 Kung gaano ang layo ng silanganan sa kalunuran,
Gayon inilayo niya ang mga pagsalangsang natin sa atin.
13 (N)Kung paanong ang ama ay naaawa sa kaniyang mga anak,
Gayon naaawa ang Panginoon sa kanilang nangatatakot sa kaniya.
14 Sapagka't nalalaman niya ang ating anyo;
(O)Kaniyang inaalaala na (P)tayo'y alabok.
15 Tungkol sa tao, ang kaniyang mga kaarawan ay parang damo:
Kung paanong namumukadkad ang (Q)bulaklak sa parang ay gayon siya.
16 Sapagka't dinadaanan ng hangin, at napaparam;
At ang dako niyaon ay hindi na malalaman.
17 Nguni't ang kagandahang-loob ng Panginoon ay mula ng walang pasimula hanggang sa walang hanggan sa nangatatakot sa kaniya,
At ang kaniyang katuwiran ay hanggang sa (R)mga anak ng mga anak;
18 Sa gayong nagiingat ng kaniyang tipan,
At sa nagsisialaala ng kaniyang mga utos upang gawin,
19 Itinatag ng Panginoon ang (S)kaniyang luklukan sa mga langit;
At ang (T)kaniyang kaharian ay nagpupuno sa lahat.
20 (U)Purihin ninyo ang Panginoon, ninyong mga anghel niya:
Ninyong makapangyarihan sa kalakasan na gumaganap ng kaniyang salita,
Na nakikinig sa tinig ng kaniyang salita.
21 Purihin ninyo ang Panginoon, ninyong lahat na hukbo niya;
(V)Ninyong mga ministro niya, na nagsisigawa ng kaniyang kasayahan.
22 (W)Purihin ninyo ang Panginoon, ninyong lahat na mga gawa niya,
Sa lahat na dako na kaniyang sakop;
(X)Purihin mo ang Panginoon, Oh kaluluwa ko.
Sinusugan ni Hagai ang bayan na itayo ang templo.
1 Nang ikalawang (A)taon ni Dario na hari, nang ikaanim na buwan, nang unang araw ng buwan, dumating ang salita ng Panginoon sa pamamagitan ni Hagai na propeta kay Zorobabel na anak ni Sealtiel, na gobernador sa Juda, at kay (B)Josue na anak ni Josadac na (C)dakilang saserdote, na nagsasabi,
2 Ganito ang sinasalita ng Panginoon ng mga hukbo, na sinasabi, ang bayang ito'y nagsasabi, Hindi pa dumarating ang panahon, ang panahon ng pagtatayo ng bahay sa Panginoon.
3 Nang magkagayo'y dumating ang salita ng Panginoon sa pamamagitan (D)ni Hagai na propeta, na nagsasabi,
4 Panahon baga sa inyo na tumahan sa inyong mga nakikisamihang bahay, samantalang ang bahay na ito ay namamalaging wasak?
5 Ngayon nga'y ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, Gunitain ninyo ang inyong mga lakad.
6 Kayo'y nangaghasik ng marami, (E)at nagsisiani ng kaunti; kayo'y nagsisikain, nguni't hindi kayo nagkaroon ng kahustuhan; kayo'y nagsisiinom, nguni't hindi kayo nangapapatirang-uhaw; kayo'y nangananamit, nguni't walang mainit; at yaong kumikita ng mga pinagarawan ay kumikita ng mga pinagarawan upang ilagay sa supot na may mga butas.
7 Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, Gunitain ninyo ang inyong mga lakad.
8 Magsiahon kayo sa bundok, at mangagdala ng kahoy, at mangagtayo kayo ng bahay; at aking kalulugdan, at (F)ako'y luluwalhati, sabi ng Panginoon.
9 Kayo'y nangaghintay ng marami, at, narito, ang dumating ay kaunti; at nang inyong dalhin sa bahay, aking hinipan. Bakit? sabi ng Panginoon ng mga hukbo. Dahil sa ang aking bahay ay nahahandusay na wasak, samantalang tumatakbo bawa't isa sa inyo sa kanikaniyang sariling bahay.
10 Kaya't dahil sa inyo, (G)pinipigil ng langit ang hamog, at ipinagkakait ng lupa ang kaniyang bunga.
11 At ako'y nagpasapit ng pagkatuyo sa lupa, at sa mga bundok, at sa trigo, at sa alak, at sa langis, at sa sumisibol sa lupa, at sa mga tao, at sa baka, at sa lahat ng pinagpagalan ng mga kamay.
12 Nang magkagayo'y si Zorobabel na anak ni Sealtiel, at si Josue na anak ni Josadac, na pangulong saserdote, sangpu ng buong nalabi sa bayan, (H)nagsitalima sa tinig ng Panginoon nilang Dios, at sa mga salita ni Hagai na propeta, na siyang sinugo ng Panginoon nilang Dios; at ang bayan ay natakot sa harap ng Panginoon.
13 Nang magkagayo'y nagsalita si Hagai, na sugo ng Panginoon ayon sa (I)pasugo ng Panginoon sa bayan, na nagsasabi, (J)Ako'y sumasainyo, sabi ng Panginoon.
14 At kinilos ng Panginoon ang kalooban ni Zorobabel na anak ni Sealtiel, na gobernador sa Juda, at ang kalooban ni Josue na anak ni Josadac na pangulong saserdote, at ang kalooban ng buong nalabi sa bayan; at sila'y nagsiparoon, at nagsigawa sa bahay ng Panginoon ng mga hukbo, na kanilang Dios,
15 (K)Nang ikadalawang pu't apat na araw ng buwan, nang buwang ikaanim, nang ikalawang taon ni Dario na hari.
Ang kahirapan ng mga tao ay dahil sa sila'y di tapat.
2 (L)Nang ikapitong buwan nang ikadalawang pu't isang araw ng buwan, dumating ang salita ng Panginoon sa pamamagitan ni Hagai na propeta, na nagsasabi,
2 Salitain mo ngayon kay (M)Zorobabel na anak ni Sealtiel, na gobernador sa Juda, at kay Josue na anak ni Josadac, na pangulong saserdote, at sa (N)nalabi sa bayan, na sabihin mo,
3 Sino ang nananatili (O)sa inyo na nakakita sa bahay na ito sa kaniyang dating kaluwalhatian? at paanong nakikita ninyo ngayon? hindi baga sa inyong mga mata ay parang wala?
4 Gayon ma'y magpakalakas ka (P)ngayon, Oh Zorobabel, sabi ng Panginoon; at magpakalakas ka, Oh Josue, na anak ni Josadac, na pangulong saserdote; at mangagpakalakas kayo, kayong buong bayan sa lupain, sabi ng Panginoon, at (Q)kayo'y magsigawa: sapagka't ako'y sumasa inyo sabi ng Panginoon ng mga hukbo,
5 Ayon (R)sa salita na aking itinipan sa inyo nang kayo'y magsilabas sa Egipto, at ang (S)aking Espiritu ay nanahan sa inyo: huwag kayong mangatakot.
6 Sapagka't ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, (T)Minsan na lamang, sangdaling panahon, at (U)aking uugain ang langit, at ang lupa, at ang dagat, at ang tuyong lupa;
7 At aking uugain (V)ang lahat na bansa; (W)at darating ang mga bagay na nais ng lahat na bansa; at aking pupunuin ang bahay na ito ng (X)kaluwalhatian, sabi ng Panginoon ng mga hukbo.
8 (Y)Ang pilak ay akin, at ang ginto ay akin, sabi ng Panginoon ng mga hukbo.
9 Ang huling kaluwalhatian (Z)ng bahay na ito ay magiging lalong dakila kay sa dati, sabi ng Panginoon ng mga hukbo; at sa dakong ito ay magbibigay ako ng (AA)kapayapaan, sabi ng Panginoon ng mga hukbo.
24 Ngayon ang isang Judio na nagngangalang (A)Apolos, na isang (B)Alejandrino sa lahi, at taong marikit mangusap, ay dumating sa Efeso; at siya'y makapangyarihan ukol sa mga kasulatan.
25 Ang taong ito'y tinuruan sa daan ng Panginoon; at palibhasa'y may maningas na espiritu, ay kaniyang sinalita at itinurong maingat ang mga bagay na tungkol kay Jesus, (C)na ang naalaman lamang ay ang bautismo ni Juan:
26 At siya'y nagpasimulang magsalita ng buong tapang sa sinagoga. Datapuwa't nang siya'y marinig ni Priscila at ni (D)Aquila, ay kanilang isinama siya, at isinaysay sa kaniya (E)ang daan ng Panginoon ng lalong maingat.
27 At nang ibig niyang lumipat sa (F)Acaya, ay pinalakas ng mga kapatid ang kaniyang loob at sila'y nagsisulat sa mga alagad na siya'y tanggapin: at nang siya'y dumating doon, (G)ay lubos na tumulong siya sa mga nagsisampalataya sa pamamagitan ng biyaya;
28 Sapagka't may kapangyarihang dinaig niya ang mga (H)Judio, at hayag, na ipinakilala sa pamamagitan ng mga kasulatan na si Jesus ay ang Cristo.
19 At nangyari, na, samantalang si (I)Apolos ay nasa (J)Corinto, pagkatahak ni Pablo ng mga lupaing matataas ay napasa (K)Efeso, at nakasumpong ng ilang mga alagad:
2 At sa kanila'y sinabi niya, Tinanggap baga ninyo ang Espiritu Santo nang kayo'y magsisampalataya? At sinabi nila sa kaniya, Hindi, hindi man lamang namin narinig na may ibinigay (L)na Espiritu Santo.
3 At sinabi niya, Kung gayo'y sa ano kayo binautismuhan? At sinabi nila, (M)Sa bautismo ni Juan.
4 At sinabi ni Pablo, Nagbabautismo si (N)Juan ng bautismo ng pagsisisi, na sinasabi sa bayan (O)na sila'y magsisampalataya sa darating sa hulihan niya, sa makatuwid baga'y kay Jesus.
5 At nang kanilang marinig ito, ay nangapabautismo sila (P)sa pangalan ng Panginoong Jesus.
6 At nang maipatong na ni (Q)Pablo sa kanila ang kaniyang mga kamay, ay bumaba sa kanila ang Espiritu Santo; at (R)sila'y nagsipagsalita ng mga wika, (S)at nagsipanghula.
7 At silang lahat ay may labingdalawang lalake.
25 At narito, ang isang tagapagtanggol ng kautusan ay nagtindig at siya'y tinutukso, na sinasabi, (A)Guro, anong aking gagawin upang magmana ng walang hanggang buhay?
26 At sinabi niya sa kaniya, Ano ang nasusulat sa kautusan? ano ang nababasa mo?
27 At pagsagot niya'y sinabi, (B)Iibigin mo ang Panginoon mong Dios ng buong puso mo, at ng buong kaluluwa mo, at ng buong lakas mo, at ng buong pagiisip mo; (C)at ang iyong kapuwa na gaya ng iyong sarili.
28 At sinabi niya sa kaniya, Matuwid ang sagot mo: gawin mo ito, at mabubuhay ka.
29 Datapuwa't siya, na ibig (D)magaring-ganap sa kaniyang sarili, ay nagsabi kay Jesus, At sino ang aking kapuwa tao?
30 Sumagot si Jesus at sinabi, Isang tao'y bumababa sa Jerico na mula sa Jerusalem; at siya'y nahulog sa kamay ng mga tulisan, na sa kaniya'y sumamsam at sa kaniya'y humampas, at nagsialis na siya'y iniwang halos patay na.
31 At nagkataong bumababa sa daang yaon ang isang saserdote; at nang makita siya ay (E)dumaan sa kabilang tabi.
32 At sa gayon ding paraan ang isang Levita naman, nang dumating siya sa dakong yaon, at makita siya, ay dumaan sa kabilang tabi.
33 Datapuwa't ang (F)isang Samaritano, sa kaniyang paglalakbay, ay dumating sa kinaroroonan niya: at nang siya'y makita niya, ay nagdalang habag,
34 At lumapit sa kaniya, at tinalian ang kaniyang mga sugat, na binuhusan ng langis at alak; at siya'y isinakay sa kaniyang sariling hayop, at dinala siya sa bahay-tuluyan, at siya'y inalagaan.
35 At nang kinabukasa'y dumukot siya ng (G)dalawang denario, at ibinigay sa katiwala ng bahay-tuluyan, at sinabi, Alagaan mo siya, at ang anomang magugol mong higit, ay aking pagbabayaran sa iyo pagbabalik ko.
36 Sino sa tatlong ito, sa akala mo, ang nagpakilalang kapuwa tao sa nahulog sa kamay ng mga tulisan?
37 At sinabi niya, Ang nagkaawanggawa sa kaniya. At sinabi sa kaniya ni Jesus, Humayo ka, at gayon din ang gawin mo.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978