Book of Common Prayer
Sa Pangulong Manunugtog; Awit ng mga anak ni Core; itinugma sa Alamoth. Awit.
46 Ang Dios ay (A)ating ampunan at kalakasan,
(B)Handang saklolo sa kabagabagan.
2 Kaya't hindi tayo matatakot bagaman ang lupa ay mabago,
At bagaman ang mga bundok ay mangaglipat sa kagitnaan ng mga dagat;
3 Bagaman ang tubig niyaon ay magsihugong at mabagabag.
Bagaman ang mga bundok ay mangauga dahil sa unos niyaon. (Selah)
4 (C)May isang ilog, na ang mga agos ay nagpapasaya (D)sa bayan ng Dios.
Sa banal na dako ng mga tabernakulo ng Kataastaasan.
5 (E)Ang Dios ay nasa gitna niya; siya'y hindi makikilos:
Tutulungan siya ng Dios na maaga.
6 Ang mga bansa ay nangagkagulo, ang mga kaharian ay nangakilos:
Inihiyaw niya ang kaniyang tinig, ang lupa ay natunaw.
7 (F)Ang Panginoon ng mga hukbo ay sumasa atin;
Ang Dios ni Jacob ay ating kanlungan. (Selah)
8 Kayo'y parito, inyong masdan ang mga gawa ng Panginoon,
Kung anong mga kagibaan ang kaniyang ginawa sa lupa.
9 (G)Kaniyang pinapaglilikat ang mga pagdidigma sa wakas ng lupa;
Kaniyang binabali ang busog, at pinuputol ang sibat;
Kaniyang sinusunog ang mga karo sa apoy.
10 Kayo ay magsitigil at kilalanin ninyo na ako ang Dios:
(H)Ako'y mabubunyi sa gitna ng mga bansa, ako'y mabubunyi sa lupa.
11 Ang Panginoon ng mga hukbo ay sumasa atin;
Ang Dios ni Jacob ay ating kanlungan.
Salmo ng mga anak ni Core; Awit.
87 Ang kaniyang (A)patibayan ay (B)nasa mga banal na bundok.
2 Minahal ng Panginoon ang mga pintuang-bayan ng Sion,
Ng higit kay sa lahat na tahanan ng Jacob.
3 Maluwalhating mga bagay ang sinalita tungkol sa iyo,
(C)Oh bayan ng Dios. (Selah)
4 Aking babanggitin ang Rahab (D)at ang Babilonia na kasama ng mga nakakakilala sa akin:
Narito, ang Filistia at ang Tiro, pati ng Etiopia;
Ang isang ito ay ipinanganak diyan.
5 Oo, tungkol sa Sion ay sasabihin,
Ang isang ito at ang isang yaon ay ipinanganak sa kaniya;
At itatatag siya ng Kataastaasan.
6 Sasalaysayin ng Panginoon, pagka kaniyang (E)isinulat ang mga bayan,
Ang isang ito ay ipinanganak diyan. (Selah)
7 Silang nagsisiawit na gaya ng nagsisisayaw ay mangagsasabi,
Lahat ng aking mga bukal ay nangasa iyo.
22 (A)At si Salomon ay tumayo sa harap ng dambana ng Panginoon, sa harapan ng buong kapisanan ng Israel, at iginawad ang (B)kaniyang mga kamay sa dakong langit:
23 At kaniyang sinabi, Oh Panginoong Dios ng Israel, walang Dios na gaya mo, (C)sa langit sa itaas, o sa lupa sa ibaba; na siyang nagiingat ng tipan at ng kaawaan sa iyong mga lingkod, (D)na lumalakad sa harap mo ng kanilang buong puso.
24 Na siyang nagingat sa iyong lingkod na kay David na aking ama ng iyong ipinangako sa kaniya: oo, ikaw ay nagsalita ng iyong bibig, at ginanap mo ng iyong kamay, gaya sa araw na ito.
25 Ngayon nga, Oh Panginoon, na Dios ng Israel, tuparin mo sa iyong lingkod na kay David na aking ama ang iyong ipinangako sa kaniya, na iyong sinasabi, (E)Hindi magkukulang sa iyo ng lalake sa aking paningin, na uupo sa luklukan ng Israel, kung ang iyong mga anak lamang ay magsisipagingat ng kanilang lakad, na magsisilakad sa harap ko na gaya ng inilakad mo sa harap ko.
26 Ngayon nga, Oh Dios ng Israel, idinadalangin ko sa iyo na papangyarihin mo ang iyong salita na iyong sinalita sa iyong lingkod na kay David na aking ama.
Ang kaniyang panalangin ng pagtatalaga.
27 Nguni't katotohanan bang tatahan ang Dios sa lupa? (F)Narito, sa langit at sa langit ng mga langit ay (G)hindi ka magkasiya; gaano pa sa bahay na ito na aking itinayo!
28 Gayon ma'y iyong pakundanganan ang dalangin ng iyong lingkod at ang kaniyang pamanhik, Oh Panginoon kong Dios, na dinggin ang daing at dalangin na idinadalangin ng iyong lingkod sa harap mo sa araw na ito:
29 Na anopa't ang iyong mga mata ay idilat sa dako ng bahay na ito gabi at araw, sa dakong iyong sinabi, Ang aking pangalan ay doroon; (H)upang dinggin ang panalangin na idadalangin ng iyong lingkod sa (I)dakong ito.
30 At dinggin mo ang pamanhik ng iyong lingkod, at ng iyong bayang Israel, pagka sila'y mananalangin sa dakong ito: oo, dinggin mo sa langit na iyong tahanang dako; at pagka iyong narinig patawarin mo.
11 Kaya nga (A)alalahanin ninyo, na kayo noong una, mga Gentil sa laman, tinatawag na Di-pagtutuli niyaong tinatawag na (B)Pagtutuli sa laman, na ginawa ng mga kamay:
12 Na kayo nang panahong yaon ay mga hiwalay kay Cristo, na mga di kabilang sa bansa ng Israel, at mga taga ibang lupa tungkol sa (C)mga tipan ng pangako, na (D)walang pagasa at walang Dios sa sanglibutan.
13 Datapuwa't ngayon kay Cristo Jesus kayo na noong panahon ay nalalayo (E)ay inilapit sa dugo ni Cristo.
14 Sapagka't siya ang ating kapayapaan, (F)na kaniyang pinagisa ang dalawa, at iginiba ang pader na nasa gitna na nagpapahiwalay,
15 Na inalis (G)ang pagkakaalit (H)sa pamamagitan ng kaniyang laman, kahit kautusan na may mga batas at ang palatuntunan; upang sa dalawa ay lalangin sa kaniyang sarili ang isang (I)taong bago, sa ganito'y ginagawa ang kapayapaan;
16 At (J)upang papagkasunduin silang dalawa sa (K)isang katawan sa Dios sa pamamagitan ng krus, (L)na sa kaniya'y pinatay ang pagkakaalit.
17 At siya'y naparito (M)at ipinangaral ang kapayapaan sa inyong nalalayo, at ang kapayapaan sa nangalalapit:
18 Sapagka't (N)sa pamamagitan niya (O)tayo'y may pagpasok sa (P)isang Espiritu rin sa Ama.
19 Kaya nga hindi na kayo mga (Q)taga ibang lupa at mga manglalakbay, kundi kayo'y mga (R)kababayan na kasama ng mga banal, at sangbahayan ng Dios,
20 (S)Na mga itinatayo sa ibabaw ng kinasasaligan ng mga (T)apostol at ng mga (U)propeta, na si Cristo Jesus din (V)ang pangulong bato sa panulok;
21 Na sa kaniya'y ang buong gusali, na nakalapat na mabuti, ay lumalago upang maging (W)isang templong banal sa Panginoon;
22 Na sa kaniya'y itinayo naman (X)kayo upang maging tahanan ng Dios sa Espiritu.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978