Revised Common Lectionary (Semicontinuous)
Awit ni David.
24 Ang(A) lupa ay sa Panginoon at ang lahat ng narito;
ang sanlibutan, at silang naninirahan dito;
2 sapagkat itinatag niya ito sa ibabaw ng mga dagat,
at itinayo sa ibabaw ng mga ilog.
3 Sinong aakyat sa bundok ng Panginoon?
At sinong tatayo sa kanyang dakong banal?
4 Siyang(B) may malilinis na kamay at may pusong dalisay,
na hindi nagtataas ng kanyang kaluluwa sa hindi totoo,
at hindi sumusumpa na may panlilinlang.
5 Mula sa Panginoon, pagpapala'y kanyang kakamtan,
at pagwawalang-sala mula sa Diyos ng kanyang kaligtasan.
6 Gayon ang salinlahi ng mga nagsisihanap sa kanya,
na nagsisihanap ng mukha ng Diyos ni Jacob. (Selah)
7 Itaas ninyo ang inyong mga ulo, O kayong mga tarangkahan!
at kayo'y mátaas, kayong matatandang pintuan!
upang makapasok ang Hari ng kaluwalhatian.
8 Sino ang Hari ng kaluwalhatian?
Ang Panginoon, malakas at makapangyarihan,
ang Panginoon, makapangyarihan sa pakikipaglaban.
9 Itaas ninyo ang inyong mga ulo, O kayong mga tarangkahan!
at itaas kayo, kayong matatandang pintuan!
upang makapasok ang Hari ng kaluwalhatian.
10 Sino itong Hari ng kaluwalhatian?
Ang Panginoon ng mga hukbo,
siya ang Hari ng kaluwalhatian! (Selah)
37 Ginawa ni Bezaleel ang kaban na yari sa kahoy na akasya; dalawang siko at kalahati ang haba niyon, at isang siko't kalahati ang luwang at may isang siko at kalahati ang taas niyon.
2 Kanyang binalot iyon ng lantay na ginto sa loob at sa labas, at iginawa ng isang moldeng ginto sa palibot.
3 Naghulma siya para dito ng apat na argolyang ginto, sa apat na sulok niyon; dalawang argolya sa isang tagiliran, at dalawang argolya sa kabilang tagiliran.
4 Siya'y gumawa ng mga pasanang kahoy na akasya, at binalutan ang mga ito ng ginto.
5 Isinuot niya ang mga pasanan sa mga argolya, sa mga tagiliran ng kaban, upang mabuhat ang kaban.
6 Gumawa rin siya ng isang luklukan ng awa na lantay na ginto na dalawang siko at kalahati ang haba, at isang siko at kalahati ang luwang.
7 Siya'y gumawa ng dalawang kerubing yari sa pinitpit na ginto; sa dalawang dulo ng luklukan ng awa niya ginawa ang mga ito,
8 isang kerubin sa isang dulo, at isang kerubin sa kabilang dulo; na kaisang piraso ng luklukan ng awa ginawa niya ang mga kerubin sa dalawang dulo.
9 Ibinubuka ng mga kerubin ang kanilang mga pakpak paitaas, na nalililiman ng kanilang mga pakpak ang luklukan ng awa, magkakaharap ang kanilang mga mukha; nakaharap sa dakong luklukan ng awa ang mga mukha ng mga kerubin.
Ang Paggawa ng Hapag(A)
10 Ginawa rin niya ang hapag na yari sa kahoy na akasya, na dalawang siko ang haba at isang siko ang luwang at isang siko at kalahati ang taas niyon.
11 Binalot niya iyon ng lantay na ginto, at iginawa niya ng isang moldeng ginto sa palibot.
12 Iginawa niya iyon ng isang gilid na isang dangkal ang luwang sa palibot, at iginawa ng isang moldeng ginto ang gilid sa palibot.
13 Naghulma siya para doon ng apat na argolyang ginto at inilagay ang mga argolya sa apat na sulok na ukol sa apat na paa niyon.
14 Malapit sa gilid ang mga argolya, na daraanan ng mga pasanan upang mabuhat ang hapag.
15 Ginawa niya ang mga pasanang kahoy na akasya at binalot ng ginto, upang mabuhat ang hapag.
16 At ginawa niyang lantay na ginto ang mga kasangkapang nasa ibabaw ng hapag, ang mga pinggan niyon at ang mga kutsaron niyon, at ang mga tasa niyon, at ang mga kopa niyon na ginagamit sa inuming handog.
Iba Pang Tagubilin
2 Magpatuloy kayo sa pananalangin, at kayo'y magbantay na may pagpapasalamat.
3 At idalangin din ninyo kami, na buksan ng Diyos para sa amin ang pinto para sa salita, upang aming maipahayag ang hiwaga ni Cristo, na dahil din dito ako'y nakagapos,
4 upang ito'y aking maipahayag, gaya ng aking nararapat na sabihin.
5 Lumakad(A) kayo na may karunungan sa harap ng mga nasa labas, na inyong samantalahin ang pagkakataon.
6 Ang inyong pananalita nawa'y laging may biyaya, na may timplang asin, upang inyong malaman kung paano ninyo dapat sagutin ang bawat isa.
Mga Pagbati at Basbas
7 Ang(B) lahat na mga bagay tungkol sa akin ay ipababatid sa inyo ni Tiquico, na minamahal na kapatid at tapat na ministro, at kapwa alipin sa Panginoon.
8 Siya(C) ang aking sinugo sa inyo ukol sa bagay na ito, upang malaman ninyo ang aming kalagayan, at upang kanyang pasiglahin ang inyong mga puso;
9 kasama(D) niya si Onesimo, tapat at minamahal na kapatid, na siya'y isa sa inyo. Sila ang magbabalita sa inyo tungkol sa lahat ng mga bagay na nangyayari dito.
10 Binabati(E) kayo ni Aristarco na kasama kong bilanggo, at ni Marcos na pinsan ni Bernabe—tungkol sa kanya'y tumanggap kayo ng mga utos—kung magpupunta siya sa inyo, siya ay inyong tanggapin,
11 at si Jesus na tinatawag na Justo. Ang mga ito lamang sa aking mga kamanggagawa sa kaharian ng Diyos ang kabilang sa pagtutuli at sila'y naging kaaliwan ko.
12 Binabati(F) kayo ni Epafras, na isa sa inyo, na alipin ni Cristo Jesus, na siyang laging nagsisikap para sa inyo sa kanyang pananalangin, upang kayo'y tumayong sakdal at lubos na nakakatiyak sa lahat ng kalooban ng Diyos.
13 Sapagkat nagpapatotoo ako para sa kanya na siya'y labis na nagpagal para sa inyo, at sa mga nasa Laodicea, at sa mga nasa Hierapolis.
14 Binabati(G) kayo ni Lucas, ang minamahal na manggagamot, at ni Demas.
15 Batiin ninyo ang mga kapatid na nasa Laodicea, at si Nimfa, at ang iglesyang nasa kanyang bahay.
16 At kapag nabasa na ang sulat na ito sa inyo, ay ipabasa rin ninyo sa iglesya ng mga taga-Laodicea; at basahin naman ninyo ang sulat na mula sa Laodicea.
17 At(H) sabihin ninyo kay Arquipo, “Sikapin mong gampanan ang ministeryo na tinanggap mo sa Panginoon.”
18 Akong si Pablo ay sumusulat ng pagbating ito ng sarili kong kamay. Alalahanin ninyo ang aking mga tanikala. Sumainyo nawa ang biyaya.[a]
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 2001