Revised Common Lectionary (Semicontinuous)
Ang masamang pastor at ang matuwid na sanga.
23 Sa aba ng mga pastor (A)na nangagpapahamak at nangagpapangalat sa mga tupa sa aking pastulan! sabi ng Panginoon.
2 Kaya't ganito ang sabi ng Panginoon, ng Dios ng Israel, laban sa mga pastor na nangagpastol ng aking bayan, Inyong pinangalat ang aking kawan, at inyong iniligaw sila, at hindi ninyo sila dinalaw; narito, dadalawin ko sa inyo ang kasamaan ng inyong mga gawa, sabi ng Panginoon.
3 At (B)aking pipisanin ang nalabi sa aking kawan mula sa lahat na lupain na aking pinagtabuyan sa kanila, at aking dadalhin sila uli sa kanilang mga kulungan; at sila'y magiging palaanak at magsisidami.
4 At ako'y maglalagay ng mga (C)pastor sa kanila na kakandili sa kanila; at hindi na sila matatakot, o manglulupaypay pa, o kukulangin ang sinoman sa kanila, sabi ng Panginoon.
5 Narito, ang mga araw ay dumarating, sabi ng Panginoon, na ako'y magbabangon kay David (D)ng matuwid na Sanga, at siya'y maghahari na gaya ng (E)hari, at gagawang may kapantasan, at magsasagawa ng (F)kahatulan at kaganapan sa lupain.
6 Sa kaniyang mga kaarawan ay (G)maliligtas ang Juda, at ang Israel ay tatahang tiwasay; at ito ang kaniyang pangalan na itatawag sa kaniya, Ang Panginoon ay ating (H)katuwiran.
68 Purihin ang (A)Panginoon, ang Dios ng Israel;
Sapagka't (B)kaniyang dinalaw at tinubos ang kaniyang bayan,
69 At nagtaas sa atin (C)ng isang sungay ng kaligtasan
Sa bahay ni David na kaniyang alipin
70 (Gaya ng sinabi niya (D)sa pamamagitan ng kaniyang mga banal na propeta na nagsilitaw (E)buhat nang unang panahon),
71 Kaligtasang mula sa ating mga kaaway, at sa kamay ng lahat ng nangapopoot sa atin;
72 (F)Upang magkaawang-gawa sa ating mga magulang,
At (G)alalahanin ang kaniyang banal na tipan;
73 Ang sumpa (H)na isinumpa niya kay Abraham na ating ama,
74 Na ipagkaloob sa atin na yamang nangaligtas sa kamay ng ating mga kaaway,
Ay paglingkuran natin siya ng walang takot,
75 Sa kabanalan (I)at katuwiran sa harapan niya, lahat ng ating mga araw.
76 Oo at ikaw, sanggol, tatawagin kang (J)propeta ng (K)kataastaasan;
Sapagka't (L)magpapauna ka sa unahan ng mukha ng Panginoon, upang ihanda ang kaniyang mga daan;
77 Upang (M)maipakilala ang kaligtasan sa kaniyang bayan,
Sa pagkapatawad ng kanilang mga kasalanan,
78 Dahil sa magiliw na habag ng aming Dios,
Ang pagbubukang liwayway buhat sa kaitaasan ay dadalaw sa atin,
79 (N)Upang liwanagan (O)ang nangakalugmok sa kadiliman at sa lilim ng kamatayan;
Upang itumpak ang ating mga paa sa daan ng (P)kapayapaan.
11 Na kayo'y palakasin ng buong (A)kapangyarihan, ayon sa kalakasan ng kaniyang kaluwalhatian, sa buong pagtitiis at pagpapahinuhod na may galak;
12 (B)Na nagpapasalamat sa Ama, na nagpaging dapat sa atin upang makabahagi sa mana ng mga banal sa kaliwanagan;
13 Na siyang nagligtas sa atin sa (C)kapangyarihan ng kadiliman, at naglipat sa atin sa kaharian ng Anak ng kaniyang pagibig;
14 Na siyang kinaroroonan ng ating katubusan, na siyang kapatawaran ng ating mga kasalanan:
15 Na (D)siya ang larawan ng (E)Dios na di nakikita, (F)ang panganay ng lahat ng mga nilalang;
16 Sapagka't (G)sa kaniya nilalang ang lahat na mga bagay, sa sangkalangitan at sa sangkalupaan, na mga bagay na nakikita at ang mga bagay na di nakikita, maging mga luklukan o mga (H)pagsakop o mga (I)pamunuan o mga kapangyarihan; lahat ng mga bagay ay nilalang sa pamamagitan (J)niya at ukol sa kaniya;
17 At siya'y (K)una sa lahat ng mga bagay, at ang lahat ng mga bagay ay nangabubuhay dahil sa kaniya.
18 At (L)siya ang ulo ng katawan, sa makatuwid baga'y ng iglesia; na siya ang pasimula, ang (M)panganay sa mga patay; upang sa lahat ng mga bagay, ay magkaroon siya ng kadakilaan.
19 Sapagka't minagaling ng Ama (N)na ang buong kapuspusan ay manahanan sa kaniya;
20 At sa pamamagitan niya ay pakipagkasunduin sa kaniya ang lahat ng mga bagay, na pinapayapa niya sa pamamagitan ng dugo ng kaniyang krus; sa pamamagitan niya, sinasabi ko, (O)maging mga bagay sa kalupaan, o mga bagay sa sangkalangitan.
33 At nang dumating sa dakong tinatawag na Bungo, ay kanilang ipinako roon siya sa krus, at ang mga tampalasan, isa sa kanan at isa sa kaliwa.
34 At sinabi ni Jesus, (A)Ama, (B)patawarin mo sila; sapagka't (C)hindi nila nalalaman ang kanilang ginagawa. At (D)sa pagbabahabahagi nila ng kaniyang mga suot ay kanilang pinagsapalaranan.
35 At nakatayong nanonood (E)ang bayan. At tinutuya naman siya (F)ng mga pinuno, na sinasabi, Nagligtas siya sa mga iba; iligtas niya ang kaniyang sarili, kung ito ang Cristo ng Dios, ang hinirang niya.
36 At nililibak rin naman siya ng mga kawal, na nagsisilapit sa kaniya, na dinudulutan siya ng suka,
37 At sinabi, Kung ikaw ang Hari ng mga Judio, iligtas mo ang iyong sarili.
38 At (G)mayroon naman sa itaas niya na isang pamagat, ITO'Y ANG HARI NG MGA JUDIO.
39 At siya'y inalipusta ng (H)isa sa mga tampalasang nabibitin, na sinasabi, Hindi baga ikaw ang Cristo? iligtas mo ang iyong sarili at kami.
40 Datapuwa't sumagot ang isa, at pagsaway sa kaniya'y sinabi, Hindi ka pa baga natatakot sa Dios, yamang ikaw ay nasa gayon ding kaparusahan?
41 At tayo sa katotohanan ay ayon sa katuwiran; sapagka't tinanggap natin ang nararapat na kabayaran sa ating mga gawa; datapuwa't ang taong ito'y hindi gumagawa ng anomang masama.
42 At sinabi niya, Jesus, alalahanin mo ako, pagdating mo sa iyong kaharian.
43 At sinabi niya sa kaniya, Katotohanang sinasabi ko sa iyo, Ngayon ay kakasamahin kita sa (I)Paraiso.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978