Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

Revised Common Lectionary (Semicontinuous)

Daily Bible readings that follow the church liturgical year, with sequential stories told across multiple weeks.
Duration: 1245 days
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Version
Mga Awit 142

Panalangin upang tulungan sa panahon ng ligalig. (A)Masquil ni David, nang siya'y nasa yungib; Dalangin.

142 Ako'y (B)dumadaing ng aking tinig sa Panginoon;
Ako'y namamanhik ng aking tinig sa Panginoon.
(C)Aking ibinubugso ang daing ko sa harap niya;
Aking ipinakilala sa harap niya ang kabagabagan ko.
Nang nanglupaypay ang diwa ko sa loob ko,
Nalaman mo ang aking landas.
(D)Sa daan na aking nilalakaran
Ay pinagkukublihan nila ako ng silo.
(E)Tumingin ka sa aking kanan, at tingnan mo:
Sapagka't (F)walang tao na nakakakilala sa akin:
Kanlungan ay kulang ako;
Walang taong lumilingap sa aking kaluluwa.
Ako'y dumaing sa iyo, Oh Panginoon;
Aking sinabi: Ikaw ay aking kanlungan,
(G)Aking bahagi (H)sa lupain ng may buhay.
Pakinggan mo ang aking daing;
Sapagka't (I)ako'y totoong nababa:
Iligtas mo ako sa nagsisiusig sa akin;
Sapagka't sila'y malakas kay sa akin.
(J)Ilabas mo ang aking kaluluwa sa bilangguan,
Upang ako'y makapagpasalamat sa iyong pangalan:
Kubkubin ako ng matuwid;
(K)Sapagka't ikaw ay gagawang may kagandahang-loob sa akin.

Habacuc 3:1-16

Ang pagliligtas ng Panginoon sa kaniyang bayan.

Panalangin ni Habacuc na propeta, itinugma sa Sigionoth.
Oh Panginoon, aking narinig ang kagitingan mo, at ako'y natatakot:
Oh Panginoon, buhayin mo ang iyong gawa sa gitna ng mga taon;
Sa gitna ng mga taon ay iyong ipabatid;
Sa kapootan ay alalahanin mo ang kaawaan.
Ang Dios ay nanggaling mula sa Tema,
At ang Banal ay mula sa bundok ng Paran. (Selah)
Ang kaniyang kaluwalhatia'y tumakip sa langit.
At ang lupa'y napuno ng kaniyang kapurihan.
At ang kaniyang ningning ay parang liwanag;
Siya'y may mga sinag na nagbubuhat sa kaniyang kamay;
At (A)doo'y nakukubli ang kaniyang kapangyarihan.
Sa unahan niya'y nagpapauna ang salot,
At nagniningas na baga ang lumalabas sa kaniyang mga paa.
Siya'y tumayo, at sinukat ang lupa;
Siya'y tumingin, at pinaghiwalay ang mga bansa;
(B)At ang mga walang hanggang bundok ay nangalat;
(C)Ang mga burol na walang hanggan ay nagsiyukod;
Ang kaniyang mga lakad ay gaya noong araw.
Nakita ko ang mga tolda sa Cushan sa pagdadalamhati;
Ang mga tabing ng lupain ng Madian ay nanginig.
Kinasasamaan baga ng loob ng Panginoon ang mga ilog?
Ang iyo bagang galit ay laban sa mga ilog,
O ang iyo bagang poot ay laban sa dagat,
(D)Na ikaw ay sumakay sa iyong mga kabayo,
Sa iyong mga karo ng kaligasan?
Ang iyong busog ay nahubarang lubos;
Ang mga panunumpa sa mga lipi ay tunay na salita. (Selah)
Iyong pinuwangan ng mga ilog ang lupa.
10 Ang mga bundok ay nangakakita sa iyo, at (E)nangatakot;
Ang unos ng tubig ay dumaan:
Inilakas ng kalaliman ang kaniyang tinig,
At itinaas ang kaniyang mga kamay sa itaas.
11 Ang araw at buwan ay (F)tumigil sa kanilang tahanan,
Sa liwanag ng iyong mga pana habang sila'y nagsisiyaon,
Sa kislap ng iyong makinang na sibat.
12 Ikaw ay lumakad sa mga lupain sa pagkagalit;
Iyong giniik ang mga bansa sa galit.
13 Ikaw ay lumabas sa ikaliligtas ng iyong bayan,
Sa ikaliligtas ng iyong pinahiran ng langis;
(G)Iyong sinugatan ang pangulo ng bahay ng masama,
(H)Na inililitaw ang patibayan hanggang sa leeg. (Selah)
14 Iyong mga pinalagpasan ng kaniyang sariling mga sibat ang ulo ng kaniyang mga mangdidigma:
Sila'y nagsiparitong parang ipoipo upang pangalatin ako;
Ang kanilang kagalakan ay sakmaling lihim ang dukha.
15 Ikaw ay nagdaan sa dagat sa iyong mga kabayo.
Sa bunton ng makapangyarihang tubig.

Ang propeta ay nagtitiwala sa Panginoon.

16 Aking narinig, at ang aking katawan ay (I)nanginginig,
Ang aking mga labi ay nangatal sa tinig;
kabuluka'y pumapasok sa aking mga buto, at ako'y nanginginig sa aking dako;
Sapagka't ako'y kailangang magtiis sa kaarawan ng kabagabagan,
Sa pagsampa ng bayan na lumulusob sa atin.

Judas 5-21

Ninanasa ko ngang ipaalaala sa inyo, bagama't nalalaman ninyong maigi ang lahat ng mga bagay, na nang mailigtas (A)ng Panginoon ang isang bayan, sa lupain ng Egipto, ay (B)nilipol niya pagkatapos yaong mga hindi nagsisipanampalataya.

At (C)ang mga anghel na hindi nangagingat ng kanilang sariling (D)pamunuan, kundi iniwan ang kanilang sariling tahanan, ay iniingatan niya sa mga tanikalang walang hanggan sa paghuhukom sa dakilang araw.

Gayon din ang (E)Sodoma at Gomorra, at ang mga bayang nasa palibot ng mga ito, na dahil sa pagpapakabuyo sa pakikiapid at sa pagsunod sa ibang (F)laman, ay inilagay na pinakahalimbawa, na sila'y nagbabata (G)ng parusang apoy na walang hanggan.

Gayon ma'y ang mga ito rin naman sa kanilang pagkagupiling ay inihahawa ang laman, at hinahamak ang mga paghahari, at nilalait ang mga puno.

Datapuwa't (H)ang arkanghel (I)Miguel, nang makipaglaban sa diablo, na nakikipagtalo (J)tungkol sa katawan ni Moises, ay (K)hindi nangahas gumamit laban sa kaniya ng isang hatol na may pagalipusta, kundi sinabi, (L)Sawayin ka nawa ng Panginoon.

10 Datapuwa't (M)ang mga ito'y nangalipusta sa anomang bagay na hindi nila nalalaman: at sa mga bagay na talagang kanilang nauunawa, ay nangagpapakasira na gaya ng mga kinapal na walang bait.

11 Sa aba nila! sapagka't sila'y nagsilakad sa daan ni (N)Cain, at nagsidaluhong na walang pagpipigil sa kamalian (O)ni Balaam dahil sa upa, at nangapahamak sa pagsalangsang (P)ni Core.

12 Ang mga ito'y pawang mga batong natatago (Q)sa inyong piging ng pagiibigan, kung sila'y nakikipagpiging sa inyo, mga pastor na walang takot na nangagpapasabsab sa kanilang sarili; (R)mga alapaap na walang tubig, na (S)tinatangay ng mga hangin; mga punong kahoy sa taginaw na walang bunga, na makalawang namatay, na binunot pati ugat;

13 Mga mabangis na alon sa dagat, na pinagbubula ang kanilang sariling kahihiyan; mga bituing gala na siyang pinaglaanan ng pusikit ng kadiliman magpakailan man.

14 At ang mga ito naman ang hinulaan ni Enoc, na (T)ikapito sa bilang mula kay Adam, na nagsabi, Narito, dumating ang Panginoon, na kasama ang kaniyang mga (U)laksalaksang banal,

15 Upang isagawa ang paghuhukom sa lahat, at upang sumbatan ang lahat ng masasama sa lahat ng kanilang mga gawang masasama na kanilang ginawang may kasamaan, at sa lahat ng mga bagay na mabibigat (V)na sinalita laban sa kaniya ng mga makasalanang masasama.

16 Ang mga ito'y mga mapagbulong, mga madaingin, na nangagsisilakad ayon sa kanilang masasamang pita (at ang (W)kanilang bibig ay nangagsasalita ng mga kapalaluan), (X)nangagpapakita ng galang sa mga tao dahil sa pakikinabangin.

17 Nguni't kayo, mga minamahal, (Y)ay alalahanin ninyo ang mga salitang nang una'y sinabi ng mga apostol ng ating Panginoong Jesucristo;

18 Kung paanong sinabi sa inyo, (Z)Magkakaroon ng mga manunuya sa huling panahon, na magsisilakad ayon sa kanikanilang masasamang pita.

19 Ang mga ito (AA)ang nagsisigawa ng paghihiwalay, (AB)malalayaw, na (AC)walang taglay na Espiritu.

20 Nguni't kayo, mga minamahal, (AD)papagtibayin ninyo ang inyong sarili sa inyong lubhang banal na pananampalataya, (AE)na manalangin sa Espiritu Santo,

21 Na magsipanatili kayo sa pagibig sa Dios, (AF)na inyong asahan ang awa ng ating Panginoong Jesucristo sa ikabubuhay na walang hanggan.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978