Revised Common Lectionary (Semicontinuous)
Pagasa sa pagpapatawad ng Panginoon. Awit sa mga Pagsampa.
130 Mula sa (A)mga kalaliman ay dumaing ako sa iyo, Oh Panginoon.
2 Panginoon, dinggin mo ang aking tinig:
Pakinggan ng iyong mga pakinig
Ang tinig ng aking mga pamanhik.
3 Kung ikaw, Panginoon, (B)magtatanda ng mga kasamaan,
Oh Panginoon, sinong (C)tatayo?
4 Nguni't may (D)kapatawarang taglay ka,
(E)Upang ikaw ay katakutan.
5 (F)Aking hinihintay ang Panginoon, hinihintay ng aking kaluluwa,
At (G)sa kaniyang salita ay umaasa ako.
6 Hinihintay ng (H)aking kaluluwa ang Panginoon,
Ng higit kay sa paghihintay ng bantay sa umaga;
Oo, higit kay sa bantay sa umaga.
7 Oh Israel, (I)umasa ka sa Panginoon;
Sapagka't sa Panginoon ay may kagandahang-loob.
8 (J)At kaniyang tutubusin ang Israel
Sa lahat niyang kasamaan.
8 Nguni't, kayo, Oh mga bundok ng Israel, inyong isusupling ang inyong mga (A)sanga, at magbubunga sa aking bayang Israel; sapagka't sila'y (B)malapit nang dumating.
9 Sapagka't, narito, ako'y sa inyo, at ako'y babalik sa inyo, at kayo'y mabubukid at mahahasikan;
10 At ako'y magpaparami ng mga tao sa inyo, buong sangbahayan ni Israel, sa makatuwid baga'y siyang lahat; at (C)ang mga bayan ay tatahanan, at ang mga sirang dako ay (D)mangatatayo;
11 At ako'y magpaparami sa inyo ng tao at hayop; at sila'y magsisidami at mangagkakaanak: at aking patatahanin kayo (E)ayon sa inyong dating kalagayan, at gagawan ko kayo ng magaling kay sa una: at inyong malalaman na ako ang Panginoon.
12 Oo, aking palalakarin sa inyo ang mga tao, sa makatuwid baga'y ang aking bayang Israel; at kanilang aariin ka, at ikaw ay magiging kanilang mana, at hindi mo na sila wawalaan ng mga anak.
13 Ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Sapagka't kanilang sinasabi sa iyo, Ikaw na lupain ay manglalamon nga ng mga tao, at naging (F)mapagpahirap sa iyong bansa;
14 Kaya't hindi ka na manglalamon pa ng mga tao o papatay pa man sa iyong bansa, sabi ng Panginoong Dios;
15 O iparirinig ko pa man sa iyo ang kahihiyan ng mga bansa, o magtataglay ka pa man ng kakutyaan ng mga bayan, o ititisod mo pa man ang iyong bansa, sabi ng Panginoong Dios.
44 At sinabi niya sa kanila, (A)Ito ang aking mga salitang sinabi ko sa inyo, nang ako'y sumasa inyo pa, na kinakailangang matupad ang lahat ng mga bagay na nangasusulat tungkol sa akin sa (B)kautusan ni Moises, at sa mga propeta, at sa (C)mga awit.
45 Nang magkagayo'y binuksan niya ang kanilang mga pagiisip, upang mapagunawa nila ang mga kasulatan;
46 At sinabi niya sa kanila, Ganyan ang pagkasulat, na (D)kinakailangang maghirap ang Cristo, at magbangong muli sa mga patay sa ikatlong araw;
47 At ipangaral sa kaniyang pangalan (E)ang pagsisisi at pagpapatawad ng mga kasalanan (F)sa lahat ng mga bansa, (G)magbuhat sa Jerusalem.
48 (H)Kayo'y mga saksi ng mga bagay na ito.
49 At narito, (I)ipadadala ko sa inyo ang pangako ng aking Ama, datapuwa't magsipanatili kayo sa bayan, (J)hanggang sa kayo'y masangkapan ng (K)kapangyarihang galing sa itaas.
50 At kaniyang dinala sila sa labas (L)hanggang sa tapat ng Betania: at itinaas niya ang kaniyang mga kamay, at sila'y binasbasan.
51 At nangyari, (M)na samantalang sila'y binabasbasan niya, ay iniwan niya sila; at dinala siya sa itaas sa langit.
52 At (N)siya'y sinamba nila, at nagsibalik sila sa Jerusalem (O)na may malaking galak:
53 At palaging sila'y (P)nasa templo, na nangagpupuri sa Dios.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978