Revised Common Lectionary (Semicontinuous)
9 Maawa ka sa akin, Oh Panginoon, sapagka't ako'y nasa kahirapan:
Ang aking mata ay namumugto sa kapanglawan, oo, ang aking kaluluwa, at aking katawan.
10 Sapagka't ang aking buhay ay napupugnaw sa kapanglawan,
At ang aking mga taon ay sa pagbubuntong hininga:
Ang aking lakas ay nanglulupaypay dahil sa aking kasamaan,
At ang (A)aking mga buto ay nangangatog.
11 Dahil sa lahat ng aking mga kaaway ay naging kaduwahagihan ako,
Oo, (B)lubha nga sa aking mga kapuwa,
At takot sa aking mga kakilala: (C)Silang nangakakita sa akin sa labas ay tinakasan ako.
12 (D)Ako'y nilimot sa pagiisip na parang patay na tao:
Ako'y parang basag na sisidlan.
13 (E)Sapagka't aking narinig ang paninirang puri ng marami,
Kakilabutan sa bawa't dako.
Samantalang sila'y (F)nagsasangguniang magkakasama laban sa akin,
Kanilang pinagsisikapang alisin ang aking buhay.
14 Nguni't tumiwala ako sa iyo, Oh Panginoon:
Aking sinabi: Ikaw ay aking Dios.
15 Ang aking mga kapanahunan ay nasa (G)iyong kamay:
Iligtas mo ako sa kamay ng aking mga kaaway, at sa mga nagsisiusig sa akin.
16 (H)Iyong pasilangin ang iyong mukha sa iyong lingkod:
Iligtas mo ako ng iyong kagandahang-loob.
13 Magsitahimik kayo, bayaan ninyo ako, na ako'y makapagsalita,
At paratingin sa akin ang darating.
14 Bakit kakagatin ng aking mga ngipin ang aking laman,
At aking ilalagay ang aking buhay sa aking kamay?
15 (A)Bagaman ako'y patayin niya, akin ding hihintayin (B)siya:
Gayon ma'y aking aalalayan ang aking mga lakad sa harap niya.
16 Ito man ay magiging aking kaligtasan;
Sapagka't ang isang di banal ay hindi makahaharap sa kaniya.
17 Pakinggan ninyong masikap ang aking pananalita,
At ang aking pahayag ay sumainyong mga pakinig.
18 Narito, ngayon, aking inayos ang aking usap;
Talastas ko na ako'y matuwid.
19 (C)Sino ang makikipagtalo sa akin?
Sapagka't ngayo'y tatahimik ako at malalagot ang aking hininga.
21 Sapagka't sa ganang akin (A)ang mabuhay ay si Cristo, at ang mamatay ay pakinabang.
22 Nguni't kung ang mabuhay sa laman ay siya kong palad,—ito'y magiging mabungang pagpapagal, na aywan ko nga kung ano ang aking pipiliin.
23 Sapagka't ako'y nagigipit (B)sa magkabila, akong may nasang (C)umalis at suma kay Cristo; sapagka't ito'y lalong mabuti:
24 Gayon ma'y ang manatili sa laman ay siyang lalong kinakailangan dahil sa inyo.
25 At sa pagkakatiwalang ito, ay aking nalalaman na ako'y mananatili, oo, at mananatili ako na kasama ninyong lahat, sa ikasusulong ninyo at ikagagalak sa pananampalataya;
26 Upang managana ang inyong pagmamapuri kay Cristo Jesus sa akin sa pamamagitan ng aking pagharap na muli sa inyo.
27 Ang inyo lamang pamumuhay (D)ay maging karapatdapat sa evangelio ni Cristo: upang, maging ako ay dumating at kayo'y makita, o wala man sa harap ninyo, ay mabalitaan ko ang inyong kalagayan, na (E)kayo'y matitibay sa isang espiritu, (F)na kayo'y mangagkaisa ng kaluluwa (G)na nangagsisikap sa pananampalataya sa evangelio;
28 At sa anoman ay huwag kayong mangatakot sa mga kaaway: (H)na ito sa kanila ay malinaw na tanda ng kapahamakan, datapuwa't tanda ng inyong pagkaligtas, at ito'y mula sa Dios;
29 Sapagka't sa inyo'y (I)ipinagkaloob alangalang kay Cristo, hindi lamang upang manampalataya sa kaniya, kundi upang magtiis din naman alangalang sa kaniya:
30 Yamang taglay ninyo ang pakikipagbuno (J)na inyong nakita rin sa akin, at ngayo'y nababalitaan ninyong taglay ko.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978