Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

Revised Common Lectionary (Semicontinuous)

Daily Bible readings that follow the church liturgical year, with sequential stories told across multiple weeks.
Duration: 1245 days
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Version
Mga Awit 146

Papuri sa Panginoon, na masaganang tagatulong.

146 Purihin ninyo ang Panginoon.
Purihin mo ang Panginoon, (A)Oh kaluluwa ko.
Samantalang ako'y nabubuhay ay (B)pupurihin ko ang Panginoon:
Ako'y aawit ng mga pagpuri sa aking Dios, samantalang ako'y may buhay.
(C)Huwag ninyong ilagak ang inyong tiwala sa mga pangulo,
Ni sa anak man ng tao, na walang pagsaklolo.
(D)Ang hininga niya ay pumapanaw, siya'y nanunumbalik sa kaniyang pagkalupa;
Sa araw ding yaon ay mawawala ang kaniyang pagiisip.
(E)Maginhawa ang may pinaka saklolo sa Dios ni Jacob,
Na ang pagasa ay nasa Panginoon niyang Dios:
(F)Na gumawa ng langit at lupa,
Ng dagat, at ng lahat na nandoon;
Na nagiingat ng katotohanan magpakailan man:
(G)Na nagsasagawa ng kahatulan sa napipighati;
(H)Na nagbibigay ng pagkain sa gutom:
(I)Pinawawalan ng Panginoon ang mga bilanggo;
(J)Idinidilat ng Panginoon ang mga mata ng bulag;
(K)Ibinabangon ng Panginoon ang mga nasusubasob;
Iniibig ng Panginoon ang matuwid;
(L)Iniingatan ng Panginoon ang mga taga ibang lupa;
Kaniyang inaalalayan ang ulila at babaing bao;
Nguni't (M)ang lakad ng masama ay kaniyang ibinabaligtad.
10 (N)Maghahari ang Panginoon magpakailan man.
Ang iyong Dios, Oh Sion, sa lahat ng sali't saling lahi.
Purihin ninyo ang Panginoon.

Isaias 59:9-19

Kaya't ang kahatulan ay malayo sa amin, o umaabot man sa amin ang katuwiran: (A)kami'y nagsisihanap ng liwanag, nguni't narito, kadiliman; ng kaliwanagan, nguni't nagsisilakad kami sa kadiliman.

10 Kami'y nagsisikapa sa bakod na (B)parang bulag, oo, kami'y nagsisikapa na gaya nila na walang mga mata: kami'y nangatitisod sa katanghaliang tapat na gaya sa gabi; sa gitna ng mga malakas, kami'y parang mga patay.

11 Kaming lahat ay nagsisiungol na parang mga oso, at (C)lubhang dumadaing na parang mga kalapati: kami'y nagsisihanap ng kahatulan, nguni't wala; ng kaligtasan, nguni't malayo sa amin.

12 Sapagka't ang aming mga pagsalangsang ay dumami sa harap mo, at ang aming mga kasalanan ay nagpapatotoo laban sa amin; sapagka't ang aming mga pagsalangsang ay sumasaamin, at tungkol sa aming mga kasamaan ay nababatid namin.

13 Pagsalangsang at pagsisinungaling sa Panginoon at sa pagtigil ng pagsunod sa aming Dios, sa pagsasalita ng pagpighati at panghihimagsik, sa pagaakala at (D)paghango sa puso ng mga salitang kasinungalingan.

14 At ang kahatulan ay tumatalikod, at ang katuwiran ay tumatayo sa malayo; sapagka't ang katotohanan ay nahulog sa lansangan, at ang karampatan ay hindi makapasok.

Ang paghihiganti at pagliligtas ng Panginoon.

15 Oo, ang katotohanan ay nagkukulang, at siyang humihiwalay sa kasamaan ay nagiging sa kaniyang sarili na huli. At nakita ng Panginoon, at isinama ng kaniyang loob na walang kahatulan.

16 (E)At kaniyang nakita na walang tao, at namangha na walang tagapamagitan: kaya't ang kaniyang sariling bisig ay nagdala ng kaligtasan sa kaniya; at ang kaniyang katuwiran ay umalalay sa kaniya.

17 At siya'y nagsuot ng katuwiran na (F)wari sapyaw, at ng turbante ng kaligtasan sa kaniyang (G)ulo at siya'y nagsuot ng mga bihisan ng panghihiganti na pinakadamit, at nagbihis ng sikap na wari balabal.

18 Ayon sa kanilang mga gawa, ay gayon (H)niya gagantihin, pusok ng loob sa kaniyang mga kaaway, kagantihan sa kaniyang mga kaalit; sa mga (I)pulo ay gaganti siya ng kagantihan.

19 Sa gayo'y (J)katatakutan nila ang pangalan ng Panginoon mula sa kalunuran, at ang kaniyang kaluwalhatian ay mula sa sikatan ng araw sapagka't siya'y darating na (K)parang bugso ng tubig na pinayaon ng hinga ng Panginoon.

Mga Gawa 9:1-20

Datapuwa't (A)si Saulo, na sumisilakbo pa ng mga pagbabanta at pagpatay laban sa mga alagad ng Panginoon, ay naparoon sa dakilang saserdote,

At humingi sa kaniya ng mga sulat sa Damasco sa mga sinagoga, upang kung siya'y makasumpong ng sinoman (B)sa mga nasa Daan, maging mga lalake o mga babae, ay kaniya silang madalang gapos sa Jerusalem.

(C)At sa kaniyang paglalakad, ay nangyari na siya'y malapit sa Damasco: at pagdaka'y nagliwanag sa palibot niya ang isang ilaw mula sa langit:

At siya'y nasubasob sa lupa, at (D)nakarinig ng isang tinig na sa kaniya'y nagsasabi, Saulo, Saulo, bakit mo ako pinaguusig?

At sinabi niya, Sino ka baga, Panginoon? At sinabi niya, Ako'y si Jesus na iyong pinaguusig:

Nguni't magtindig ka, at ikaw ay pumasok sa bayan, at sasalitain sa iyo ang dapat mong gawin.

At ang mga taong kasama niya sa paglalakad ay nangatilihan na hindi makapagsalita, na naririnig ang tinig, datapuwa't walang nakikitang sinoman.

At nagtindig sa lupa si Saulo; at pagkadilat ng kaniyang mga mata, ay di siya nakakita ng anoman; at kanilang inakay siya sa kamay at ipinasok siya sa Damasco.

At siya'y tatlong araw na walang paningin, at hindi kumain ni uminom man.

10 Ngayon nga'y may isang alagad sa Damasco, na (E)nagngangalang Ananias; at sinabi sa kaniya ng Panginoon sa pangitain, Ananias. At sinabi niya, Narito ako, Panginoon.

11 At sinabi sa kaniya ng Panginoon, Magtindig ka, at pumaroon sa lansangang tinatawag na Matuwid, at ipagtanong mo sa bahay ni Judas ang isa na nagngangalang Saulo, lalaking (F)taga Tarso: sapagka't narito, siya'y nananalangin;

12 At nakita niya ang isang lalaking nagngangalang Ananias na pumapasok, at ipinapatong ang kaniyang mga kamay sa kaniya, upang tanggapin niya ang kaniyang paningin.

13 Nguni't sumagot si Ananias, Panginoon, nabalitaan ko sa marami ang tungkol sa taong ito, (G)kung gaano karaming kasamaan ang ginawa niya sa iyong mga (H)banal sa Jerusalem:

14 At dito siya'y may kapahintulutan ng mga pangulong saserdote na gapusin ang lahat ng mga nagsisitawag sa iyong pangalan.

15 Datapuwa't sinabi sa kaniya ng Panginoon, Pumaroon ka: sapagka't siya'y sisidlang hirang sa akin, upang dalhin ang aking pangalan sa harapan ng (I)mga Gentil at (J)ng mga hari, at ng mga anak ni Israel:

16 Sapagka't sa kaniya'y (K)aking ipakikilala kung gaano karaming mga bagay ang dapat niyang tiisin dahil sa aking pangalan.

17 At umalis si Ananias at pumasok sa bahay; at ipinatong ang kaniyang mga kamay sa kaniya na sinabi, Kapatid na Saulo, ang Panginoon, sa makatuwid baga'y si Jesus, na sa iyo'y napakita sa daan na iyong pinanggalingan, ay nagsugo sa akin, upang tanggapin mo ang iyong paningin, (L)at mapuspos ka ng Espiritu Santo.

18 At pagdaka'y nangalaglag mula sa kaniyang mga mata ang mga parang kaliskis, at tinanggap niya ang kaniyang paningin; at siya'y nagtindig at (M)siya'y binautismuhan;

19 At siya'y kumain at lumakas. (N)At siya'y nakisamang ilang araw sa mga alagad na nangasa Damasco.

20 At pagdaka'y kaniyang itinanyag sa mga sinagoga si Jesus, na siya ang Anak ng Dios.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978