Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

Revised Common Lectionary (Semicontinuous)

Daily Bible readings that follow the church liturgical year, with sequential stories told across multiple weeks.
Duration: 1245 days
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version (FSV)
Version
Error: 'Jeremias 2:4-13' not found for the version: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
Error: 'Awit 81:1' not found for the version: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
Error: 'Awit 81:10-16' not found for the version: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
Mga Hebreo 13:1-8

Paglilingkod na Kaaya-aya sa Diyos

13 Patuloy kayong magmahalan bilang magkakapatid. Buksan (A) ninyong lagi ang inyong tahanan para sa mga dayuhan. Ang ilang gumawa nito ay nagpapatuloy ng mga anghel nang hindi namamalayan. Alalahanin ninyo ang mga bilanggo na parang kayo'y nakabilanggo ring kasama nila. Ganoon din ang gawin ninyo sa mga inaapi, na parang kayo ay inaapi ding kasama nila. Kilalanin ang dangal ng pag-aasawa, at huwag dungisan ang pagsasama, sapagkat parurusahan ng Diyos ang mga mapakiapid at mga mangangalunya. Iwasan (B) ninyo ang pag-ibig sa salapi. Masiyahan na kayo kung ano'ng mayroon kayo, sapagkat sinabi ng Diyos, “Hinding-hindi kita iiwan, ni pababayaan man.” Kaya't (C) panatag nating masasabi,

“Ang Panginoon ang tumutulong sa akin; hindi ako matatakot.
Ano'ng magagawa sa akin ng tao?”

Alalahanin ninyo ang mga namumuno sa inyo, silang nangaral sa inyo ng salita ng Diyos. Tandaan ninyo ang bunga ng kanilang pamumuhay at sundan ninyo ang halimbawa ng kanilang pananampalataya. Si Jesu-Cristo ay siya ring kahapon, ngayon, at magpakailanman.

Mga Hebreo 13:15-16

15 Kaya't sa pamamagitan ni Jesus ay patuloy tayong maghandog ng pagpupuri sa Diyos—ang bunga ng mga labi na nagpapahayag ng kanyang pangalan. 16 Huwag ninyong kaliligtaan ang paggawa ng mabuti at ang pamamahagi sa iba, sapagkat ang Diyos ay nalulugod sa ganoong mga alay.

Lucas 14:1

Pinagaling ni Jesus ang Lalaking may Sakit

14 Isang araw ng Sabbath, pumasok si Jesus sa bahay ng isa sa mga pinuno ng mga Fariseo upang kumain. Minamatyagan siyang mabuti ng mga Fariseo.

Lucas 14:7-14

Mabuting Pakikitungo at Pagpapakababa

Nang mapansin niyang pinipili ng mga inanyayahan ang mga upuang pandangal, sinabi niya sa kanila ang isang talinghaga: “Kapag inanyayahan ka ng sinuman sa isang kasalan, huwag kang maupo sa upuang pandangal. Baka mayroon siyang inanyayahang mas kilala kaysa iyo. At sa paglapit ng nag-anyaya sa inyong dalawa ay sasabihin niya, ‘Ibigay mo sa taong ito ang iyong upuan.’ Mapapahiya ka lamang at uupo sa pinakaabang upuan. 10 Sa halip, kung naanyayahan ka, pumunta ka at umupo sa pinakaabang upuan. Pagdating ng nag-anyaya sa iyo, sasabihin niya sa iyo, ‘Kaibigan, lumipat ka sa mas marangal na upuan.’ Sa gayon ay mabibigyan ka ng dangal sa harap ng mga kasalo mo. 11 Sapagkat ibababa ang sinumang nagtataas ng sarili ngunit ang nagpapakababa ay itataas.” 12 Sinabi rin niya sa nag-anyaya sa kanya, “Kapag naghanda ka ng tanghalian o hapunan, huwag mong anyayahan ang mga kaibigan mo, o ang iyong mga kapatid, o ang iyong mga kamag-anak, o ang mayayaman mong kapitbahay; baka aanyayahan ka rin nila at sa gayo'y masusuklian ang iyong paanyaya. 13 Ngunit kung maghahanda ka ng piging, anyayahan mo ang mga dukha, mga pilay, mga lumpo, at mga bulag. 14 Pagpapalain ka sapagkat hindi nila mababayaran ang iyong ginawa. Mababayaran ka na lamang sa muling pagkabuhay ng mga matuwid.”

Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version (FSV)

Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.