Revised Common Lectionary (Semicontinuous)
Awit ni David.
110 (A)Sinabi ng Panginoon sa aking panginoon,
Umupo ka (B)sa aking kanan,
(C)Hanggang sa aking gawing tungtungan mo ang iyong mga kaaway.
2 Pararatingin ng Panginoon (D)ang setro ng iyong kalakasan (E)mula sa Sion:
Magpuno ka sa gitna ng iyong mga kaaway.
3 Ang bayan mo'y naghahandog na kusa
Sa kaarawan ng iyong kapangyarihan, sa kagandahan ng kabanalan:
Mula sa bukang liwayway ng umaga,
Ikaw ay may hamog ng iyong kabinataan.
4 (F)Sumumpa ang Panginoon, at hindi magsisisi,
(G)Ikaw ay (H)saserdote (I)magpakailan man
Ayon sa pagkasaserdote ni (J)Melchisedech.
5 Ang Panginoon (K)sa iyong kanan ay
Hahampas sa mga hari (L)sa kaarawan ng kaniyang poot.
6 Siya'y hahatol sa gitna ng mga bansa,
Kaniyang pupunuin ng mga bangkay ang mga pook;
(M)Siya'y manghahampas ng ulo sa maraming lupain.
7 Siya'y iinom (N)sa batis sa daan:
Kaya't siya'y magtataas ng ulo.
Payo upang matakot, magtiwala, at sumunod sa Panginoon. Ang ganting pala ng karunungan.
3 Anak ko, huwag mong kalimutan ang aking kautusan;
(A)Kundi ingatan ng iyong puso ang aking mga utos:
2 Sapagka't (B)karamihan ng mga araw, at mga taon ng buhay,
At kapayapaan, ay madadagdag sa iyo.
3 Huwag kang pabayaan ng kaawaan at katotohanan:
(C)Itali mo sa palibot ng iyong leeg;
(D)Ikintal mo sa iyong puso:
4 (E)Sa gayo'y makakasumpong ka ng lingap at mabuting kaunawaan,
Sa paningin ng Dios at ng tao.
5 (F)Tumiwala ka sa Panginoon ng buong puso mo,
(G)At huwag kang manalig sa iyong sariling kaunawaan:
6 Kilalanin mo siya sa lahat ng iyong mga lakad,
At kaniyang (H)ituturo ang iyong mga landas.
7 (I)Huwag kang magpakapantas sa iyong sariling mga mata;
Matakot ka sa Panginoon, at humiwalay ka sa kasamaan:
8 Magiging kagalingan sa iyong pusod,
At utak sa iyong mga buto.
9 (J)Parangalin mo ang Panginoon ng iyong tinatangkilik,
At ng mga unang bunga ng lahat mong ani:
10 Sa gayo'y mapupuno ang iyong mga kamalig ng sagana,
At ang iyong mga alilisan ay aapawan ng bagong alak.
11 Anak ko,(K)huwag mong hamakin ang parusa ng Panginoon;
Ni mayamot man sa kaniyang saway:
12 Sapagka't sinasaway ng Panginoon ang kaniyang iniibig:
(L)Gaya ng ama sa anak na kaniyang kinaluluguran.
11 (A)Huwag kayong mangagsalita ng laban sa isa't isa, mga kapatid. Ang nagsasalita laban sa kapatid, (B)o humahatol sa kaniyang kapatid, ay (C)nagsasalita laban sa kautusan, at humahatol sa kautusan: datapuwa't kung ikaw ay humahatol sa kautusan, hindi ka na tagatupad ng kautusan, kundi hukom.
12 Iisa ang tagapagbigay ng kautusan at hukom, sa makatuwid baga'y ang makapagliligtas at (D)makapagwawasak: datapuwa't (E)sino ka na humahatol sa iyong kapuwa?
13 (F)Magsiparito ngayon, kayong nagsisipagsabi, (G)Ngayon o bukas ay magsisiparoon kami sa gayong bayan, at titira kami doong isang taon, at mangangalakal, at magtutubo:
14 Kayo ngang hindi nakaaalam ng mangyayari bukas. Ano ang inyong buhay? (H)Kayo nga'y isang singaw na sa sangdaling panahon ay lumilitaw, at pagdaka'y napapawi.
15 Sapagka't ang dapat ninyong sabihin ay, Kung loloobin ng Panginoon ay mangabubuhay kami, at gagawin namin ito o yaon.
16 Datapuwa't ngayon ay nagmamapuri kayo sa inyong mga pagpapalalo: (I)ang lahat ng ganitong pagmamapuri ay masama.
17 (J)Sa nakakaalam nga ng paggawa ng mabuti, at hindi ginagawa, ito'y kasalanan sa kaniya.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978