Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

Revised Common Lectionary (Semicontinuous)

Daily Bible readings that follow the church liturgical year, with sequential stories told across multiple weeks.
Duration: 1245 days
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Version
Mga Awit 110

Awit ni David.

110 (A)Sinabi ng Panginoon sa aking panginoon,
Umupo ka (B)sa aking kanan,
(C)Hanggang sa aking gawing tungtungan mo ang iyong mga kaaway.
Pararatingin ng Panginoon (D)ang setro ng iyong kalakasan (E)mula sa Sion:
Magpuno ka sa gitna ng iyong mga kaaway.
Ang bayan mo'y naghahandog na kusa
Sa kaarawan ng iyong kapangyarihan, sa kagandahan ng kabanalan:
Mula sa bukang liwayway ng umaga,
Ikaw ay may hamog ng iyong kabinataan.
(F)Sumumpa ang Panginoon, at hindi magsisisi,
(G)Ikaw ay (H)saserdote (I)magpakailan man
Ayon sa pagkasaserdote ni (J)Melchisedech.
Ang Panginoon (K)sa iyong kanan ay
Hahampas sa mga hari (L)sa kaarawan ng kaniyang poot.
Siya'y hahatol sa gitna ng mga bansa,
Kaniyang pupunuin ng mga bangkay ang mga pook;
(M)Siya'y manghahampas ng ulo sa maraming lupain.
Siya'y iinom (N)sa batis sa daan:
Kaya't siya'y magtataas ng ulo.

Mga Kawikaan 22:1-9

Iba't ibang palagay tungkol sa buhay at kaugalian.

22 Ang mabuting pangalan ay (A)maiging piliin, kay sa malaking kayamanan,
At ang magandang kalooban, kay sa pilak at ginto.
Ang mayaman at ang dukha ay nagkakasalubong kapuwa:
Ang Panginoon ang May-lalang (B)sa kanilang lahat.
Ang mabait na tao ay nakakakita ng kasamaan at nagkukubli:
Nguni't dinadaanan ng musmos at nagtitiis.
Ang kagantihan sa kapakumbabaan at ang pagkatakot sa Panginoon
(C)Ay kayamanan, at karangalan, at buhay.
Mga tinik at mga silo ay nangasa daan ng magdaraya:
Ang nagiingat ng kaniyang kaluluwa ay lalayo sa mga yaon.
(D)Turuan mo ang bata sa daan na dapat niyang lakaran,
At pagka tumanda man siya ay hindi niya hihiwalayan.
Ang mayaman ay magpupuno sa dukha,
At ang manghihiram ay alipin ng nagpapahiram.
(E)Siyang naghahasik ng kasamaan ay aani ng kapahamakan;
At ang pamalo ng kaniyang poot ay maglilikat.
(F)Ang may magandang-loob na mata ay pagpapalain:
Sapagka't (G)nagbibigay ng kaniyang tinapay sa dukha.

Lucas 6:27-31

27 Datapuwa't sinasabi ko sa inyong nangakikinig, (A)Ibigin ninyo ang inyong mga kaaway, gawan ninyo ng mabuti ang nangapopoot sa inyo,

28 Pagpalain ninyo ang sa inyo'y sumusumpa at ipanalangin ninyo ang sa inyo'y lumalait.

29 (B)Sa sumampal sa iyo sa isang pisngi, iharap mo naman ang kabila; (C)at ang sa iyo'y magalis ng iyong balabal, huwag mong itanggi pati ng iyong tunika.

30 Bigyan mo ang bawa't sa iyo'y humihingi; at sa kumuha ng pagaari mo, ay huwag mong hinging muli.

31 At (D)kung ano ang ibig ninyong sa inyo'y gawin ng mga tao, gayon din ang gawin ninyo sa kanila.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978