Revised Common Lectionary (Complementary)
Maskil ni Asaf.
78 O bayan ko, sa aking turo ay makinig;
ikiling ninyo ang inyong mga tainga sa mga salita ng aking bibig.
2 Aking(A) bubuksan ang aking bibig sa isang talinghaga;
ako'y magsasalita ng malalabong pananalita mula pa noong una,
3 mga bagay na aming narinig at nalaman,
na sinabi sa amin ng aming mga magulang.
4 Ang mga iyon sa kanilang mga anak ay hindi namin ikukubli,
kundi sasabihin sa darating na salinlahi,
ang maluluwalhating gawa ng Panginoon, at ang kanyang kalakasan,
at ang kanyang mga kahanga-hangang gawa na kanyang ginawa.
52 Pagkatapos(A) ay inakay niya na parang mga tupa ang kanyang bayan,
at pinatnubayan sila sa ilang na parang kawan.
53 At(B) kanyang tiwasay na inakay sila, kaya't hindi sila nasindak;
ngunit ang kanilang mga kaaway ay tinabunan ng dagat.
54 At(C) kanyang dinala sila sa kanyang lupaing banal,
sa bundok na pinagtagumpayan ng kanyang kanang kamay.
55 Pinalayas(D) niya ang mga bansa sa kanilang harapan,
at sa pamamagitan ng pising panulat pinagbaha-bahagi niya ang mga ito bilang pamana,
at ang mga lipi ng Israel sa kanilang mga tolda'y pinatahanan.
56 Gayunma'y(E) kanilang sinubukan at naghimagsik sila sa Diyos na Kataas-taasan,
at ang kanyang mga patotoo ay hindi iningatan;
57 kundi tumalikod at gumawang may kataksilan na gaya ng kanilang mga magulang;
sila'y bumaluktot na gaya ng mandarayang pana.
58 Sapagkat kanilang ginalit siya sa pamamagitan ng kanilang matataas na dako,
kanilang pinapanibugho siya sa pamamagitan ng kanilang mga larawang nililok.
59 Nang marinig ito ng Diyos, sa poot siya ay napuspos,
at ang Israel ay kinayamutang lubos.
60 Kanyang(F) pinabayaan ang kanyang tahanan sa Shilo,
ang tolda na kanyang inilagay sa gitna ng mga tao;
61 at(G) ibinigay sa pagkabihag ang kanyang kalakasan,
ang kanyang kaluwalhatian sa kamay ng kaaway.
62 Ibinigay niya ang kanyang bayan sa espada,
at ibinulalas ang kanyang poot sa kanyang mana.
63 Nilamon ng apoy ang kanilang kabinataan,
at ang mga dalaga nila'y walang awit ng kasalan.
64 Ang kanilang mga pari ay ibinuwal ng tabak;
at ang mga balo nila'y hindi makaiyak.
65 Nang magkagayon ang Panginoon sa pagtulog ay gumising,
gaya ng malakas na tao na sumisigaw dahil sa pagkalasing.
66 At sinaktan niya sa likod ang kanyang mga kaaway;
sa walang hanggang kahihiyan, kanya silang inilagay.
67 Ang tolda ni Jose ay kanyang itinakuwil,
hindi niya pinili ang lipi ni Efraim;
68 kundi ang lipi ni Juda ang kanyang pinili,
ang bundok ng Zion na kanyang minamahal.
69 Itinayo niya ang kanyang santuwaryo na gaya ng mga kataasan,
gaya ng lupa na kanyang itinatag magpakailanman.
70 Pinili(H) niya si David na lingkod niya,
at kanyang kinuha siya mula sa kulungan ng mga tupa.
71 Mula sa pag-aalaga ng mga pasusuhing tupa siya ay kanyang dinala,
upang maging pastol ng Jacob na bayan niya,
ng Israel na kanyang pamana.
72 Kaya't siya'y nagpastol sa kanila ayon sa katapatan ng kanyang puso,
at kanyang pinatnubayan sila ng sanay na mga kamay.
Ang Pugo at Manna ay Ipinagkaloob
13 Nang sumapit na ang gabi, ang mga pugo ay umahon at tinakpan ang kampo at sa kinaumagahan ay nakalatag sa palibot ng kampo ang hamog.
14 Nang pumaitaas na ang hamog, may nakalatag sa ibabaw ng ilang na munting bagay na bilog at kasinliit ng namuong hamog sa ibabaw ng lupa.
15 Nang(A) makita ito ng mga anak ni Israel ay sinabi nila sa isa't isa, “Ano ito?” Sapagkat hindi nila alam kung ano iyon. At sinabi ni Moises sa kanila, “Ito ang tinapay na ibinigay ng Panginoon sa inyo upang kainin.
16 Ito ang bagay na iniutos ng Panginoon, ‘Pumulot ang bawat tao ayon sa kanyang kailangan, isang omer para sa bawat tao ayon sa bilang ng mga tao, na mayroon ang bawat isa sa kanilang mga tolda.’”
17 Gayon ang ginawa ng mga anak ni Israel, may namulot nang marami at may kaunti.
18 Subalit(B) nang sukatin nila ito sa omer, ang namulot ng marami ay walang lumabis, at ang namulot ng kaunti ay hindi kinulang; bawat tao ay pumulot ng ayon sa kanyang kailangan.
19 Sinabi ni Moises sa kanila, “Sinuman ay huwag magtira niyon hanggang sa umaga.”
20 Gayunma'y hindi sila nakinig kay Moises; kundi ang iba sa kanila ay nagtira niyon hanggang sa umaga. Inuod at bumaho iyon, at nagalit sa kanila si Moises.
Ang Pamumulot ng Manna
21 Sila'y namumulot tuwing umaga, bawat tao ayon sa kanyang kailangan, ngunit kapag ang araw ay umiinit na, ito ay natutunaw.
22 Nang ikaanim na araw, pumulot sila ng pagkain na doble ang dami, dalawang omer sa bawat isa, at lahat ng pinuno ng kapulungan ay naparoon at sinabi kay Moises.
23 Kanyang(C) sinabi sa kanila, “Ito ang iniutos ng Panginoon, ‘Bukas ay taimtim na pagpapahinga, banal na Sabbath sa Panginoon. Lutuin ninyo ang inyong lulutuin, at pakuluan ninyo ang inyong pakukuluan; at lahat ng lalabis ay itago ninyo, inyong ititira hanggang sa kinabukasan.’”
24 At kanilang itinago hanggang sa kinaumagahan, gaya ng iniutos sa kanila ni Moises; at hindi ito bumaho, at hindi nagkaroon ng uod.
25 Sinabi ni Moises, “Kainin ninyo ito ngayon; sapagkat ngayo'y Sabbath para sa Panginoon, ngayo'y hindi kayo makakakita nito sa parang.
26 Anim na araw kayong mamumulot nito, ngunit sa ikapitong araw na siyang Sabbath, ay hindi magkakaroon nito.”
Ang Poot at Habag ng Diyos
19 Kaya't sasabihin mo sa akin, “Bakit humahanap pa siya ng kamalian? Sapagkat sino ang makakasalungat sa kanyang kalooban?”
20 Ngunit,(A) sino ka, O tao, na makikipagtalo sa Diyos? Sasabihin ba ng bagay na hinubog doon sa humubog sa kanya, “Bakit mo ako ginawang ganito?”
21 O wala bang karapatan ang magpapalayok sa luwad, upang gumawa mula sa iisang limpak ng isang sisidlan para sa marangal na gamit at ang isa'y para sa pangkaraniwang gamit?
22 Ano nga kung sa pagnanais ng Diyos na ipakita ang kanyang poot, at ipakilala ang kanyang kapangyarihan, ay nagtitiis na may pagtitiyaga sa mga kinapopootan niya[a] na inihanda para sa pagkawasak;
23 upang maipakilala niya ang kayamanan ng kanyang kaluwalhatian sa mga kinaaawaan,[b] na kanyang inihanda nang una pa para sa kaluwalhatian,
24 maging sa atin na kanyang tinawag, hindi lamang mula sa mga Judio, kundi mula rin sa mga Hentil?
25 Gaya(B) naman ng sinasabi niya sa Hoseas,
“Tatawagin kong ‘aking bayan’ ang hindi ko dating bayan;
at ‘minamahal’ ang hindi dating minamahal.”
26 “At(C) mangyayari, na sa lugar na kung saan ay sinabi sa kanila, ‘Kayo'y hindi ko bayan,’
doon sila tatawaging ‘mga anak ng Diyos na buháy.’”
27 At(D) si Isaias ay sumisigaw tungkol sa Israel, “Bagaman ang bilang ng mga anak ng Israel ay maging tulad ng buhangin sa dagat, ang nalalabi lamang ang maliligtas:
28 sapagkat mabilis at tiyak na isasagawa ng Panginoon ang kanyang salita sa lupa.”
29 At(E) gaya ng sinabi nang una ni Isaias,
“Kung hindi nag-iwan sa atin ng isang binhi ang Panginoon ng mga hukbo,
tayo'y naging katulad sana ng Sodoma,
at naging gaya ng Gomorra.”
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 2001