Revised Common Lectionary (Complementary)
Awit para sa Pagdiriwang
Sa Punong Mang-aawit: ayon sa Ang Gittith. Awit ni Asaf.
81 Umawit kayo nang malakas sa Diyos na ating kalakasan;
sumigaw sa Diyos ni Jacob dahil sa kagalakan!
2 Umawit kayo at patunugin ninyo ang pandereta,
ang masayang lira at ang alpa.
3 Hipan(A) ninyo ang trumpeta kapag bagong buwan,
sa kabilugan ng buwan, sa ating araw ng pagdiriwang.
4 Sapagkat ito ay isang tuntunin para sa Israel,
isang batas ng Diyos ni Jacob.
5 Ginawa niya itong patotoo sa Jose,
nang siya'y lumabas sa lupain ng Ehipto.
Ako'y nakarinig ng tinig na hindi ko kilala:
6 “Pinagaan ko ang pasan sa iyong balikat;
ang iyong mga kamay ay pinabitiw sa basket.
7 Ikaw(B) ay tumawag nang nasa kaguluhan, at iniligtas kita;
sinagot kita sa lihim na dako ng kulog;
sinubok kita sa tubig ng Meriba. (Selah)
8 O bayan ko, habang kita'y pinaaalalahanan, ako'y iyong dinggin,
O Israel, kung ikaw sana'y makikinig sa akin!
9 Hindi(C) magkakaroon ng ibang diyos sa inyo;
at huwag kang yuyukod sa ibang diyos.
10 Ako ang Panginoon mong Diyos,
na naglabas sa iyo mula sa lupain ng Ehipto.
Buksan mo nang maluwang ang iyong bibig, at ito'y aking pupunuin.
Ang Tinapay na Handog sa Diyos
5 “Kukuha(A) ka ng piling harina, at sa pamamagitan nito ay magluluto ka ng labindalawang tinapay; dalawang ikasampung bahagi ng efa ang sa bawat tinapay.
6 Ilalagay mo ang mga iyon sa dalawang hanay, anim sa bawat hanay, sa ibabaw ng hapag na dalisay na ginto.
7 Maglalagay ka sa bawat hanay ng dalisay na kamanyang, upang maging handog na tanda para sa tinapay bilang handog na pinaraan sa apoy para sa Panginoon.
8 Sa bawat Sabbath ay palaging aayusin ito ni Aaron sa harapan ng Panginoon para sa mga anak ni Israel, bilang isang tungkuling walang hanggan.
9 Ito(B) ay magiging kay Aaron at sa kanyang mga anak, at ito ay kanilang kakainin sa dakong banal, sapagkat ito ay kabanal-banalang bahagi para sa kanya mula sa mga handog sa Panginoon na pinaraan sa apoy, isang walang hanggang bahagi.”
19 Hindi ba ibinigay sa inyo ni Moises ang kautusan? Subalit wala sa inyong tumutupad ng kautusan. Bakit ninyo pinagsisikapang ako'y patayin?”
20 Sumagot ang maraming tao, “Mayroon kang demonyo! Sino ang nagsisikap na ikaw ay patayin?”
21 Sumagot si Jesus sa kanila, “Isang bagay ang aking ginawa at pinagtatakhan ninyong lahat ito.
22 Ibinigay(A) sa inyo ni Moises ang pagtutuli (hindi sa ito'y kay Moises, kundi mula sa mga patriyarka); at tinutuli ninyo sa Sabbath ang isang lalaki.
23 Kung(B) ang isang lalaki ay tumatanggap ng pagtutuli sa Sabbath, upang huwag malabag ang kautusan ni Moises, nagagalit ba kayo sa akin dahil sa pinagaling ko ang buong katawan ng isang tao sa Sabbath?
24 Huwag kayong humatol batay sa anyo, kundi humatol kayo nang matuwid na paghatol.”
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 2001