Revised Common Lectionary (Complementary)
10 Ang lahat ng mga bagay ay para sa Diyos at siya ang pinagmulan ng lahat ng bagay. Nang siya ay magdala ng maraming anak sa kaluwahatian, nararapat na gawin niyang ganap ang may akda ng kanilang kaligtasan sa pamamagitan ng kahirapan. 11 Sapagkat siya na nagpapaging-banal at ang mga pinaging-banal ay kabilang sa iisang sambahayan. Kaya ito ang dahilan na kung tawagin niya silang mga kapatid ay hindi siya nahihiya. 12 Sinabi niya:
Ipahahayag ko ang pangalan mo sa aking mga kapatid. Aawitin ko ang iyong papuri sa gitna ng iglesiya.
13 At muli sinabi niya:
Ilalagak ko ang aking tiwala sa kaniya.
At muli sinabi niya:
Narito, ako at ang mga anak na ibinigay ng Diyos sa akin.
14 Yamang ang mga anak ay may laman at dugo, siya din naman ay nakibahagi ng ganoon, upang sa pamamagitan ng kamatayan ay kaniyang mapawalang-bisa ang diyablo na siyang may hawak ng kapangyarihan ng kamatayan. 15 Gayundin sa pamamagitan ng kamatayan ay kaniyang mapalaya ang sinumang natatakot sa kamatayan at sa kanilang buong buhay ay nasa ilalim ng pagkaalipin. 16 Ito ay sapagkat tiyak na hindi ang mga anghel ang kaniyang tinutulungan kundi ang mga anak ni Abraham. 17 Kaya kinakailangang matulad siya sa kaniyang mga kapatid sa lahat ng paraan upang sa kaniyang paglilingkod sa Diyos, siya ay maging mahabagin at matapat na pinakapunong-saserdote, upang siya ay maging kasiya-siyang hain sa mga kasalanan ng mga tao. 18 Sapagkat nakaranas siya na siya ay tuksuhin. Kaya naman kaya niyang tulungan ang mga tinutukso.
Copyright © 1998 by Bibles International