Revised Common Lectionary (Complementary)
7 “Makinig, O aking bayan, at magsasalita ako,
O Israel, ako'y magpapatotoo laban sa iyo.
Ako'y Diyos, Diyos mo.
8 Hindi kita sinasaway dahil sa iyong mga handog;
laging nasa harapan ko ang iyong mga handog na sinusunog.
9 Hindi ako tatanggap ng baka mula sa iyong bahay,
ni ng kambing na lalaki sa iyong mga kawan.
10 Sapagkat bawat hayop sa gubat ay akin,
ang hayop sa libong mga burol.
11 Nakikilala ko ang lahat ng mga ibon sa mga bundok;
at ang lahat ng mga gumagala sa parang ay akin.
12 “Kung ako'y gutom, sa iyo ay hindi ko sasabihin,
sapagkat ang sanlibutan at ang lahat ng narito ay akin.
13 Kumakain ba ako ng laman ng mga toro,
o umiinom ng dugo ng mga kambing?
14 Mag-alay sa Diyos ng pasasalamat na alay,
at tuparin mo ang iyong mga panata sa Kataas-taasan;
15 at tumawag ka sa akin sa araw ng kabagabagan;
ililigtas kita, at luluwalhatiin mo ako.”
7 Naaalala ng Jerusalem
sa mga araw ng kanyang paghihirap at kapaitan
ang lahat ng kanyang mahahalagang bagay noong una.
Nang ang kanyang bayan ay mahulog sa kamay ng kalaban,
ay walang sumaklolo sa kanya,
tiningnan siya na may kasiyahan ng kanyang mga kalaban,
na tinutuya ang kanyang pagbagsak.
8 Ang Jerusalem ay nagkasala nang mabigat,
kaya't siya'y naging isang maruming bagay;
lahat ng nagparangal sa kanya ay humahamak sa kanya,
sapagkat kanilang nakita ang kanyang kahubaran.
Oo, siya'y dumaraing
at tumatalikod.
9 Ang kanyang karumihan ay nasa kanyang mga damit;
hindi niya inalintana ang kanyang wakas;
kaya't ang kanyang pagbagsak ay malagim,
siya'y walang mang-aaliw.
“O Panginoon, masdan mo ang aking pagdadalamhati;
sapagkat ang kaaway ay nagmamalaki!”
10 Iniunat ng kaaway ang kanyang kamay
sa lahat ng kanyang mahahalagang bagay.
Oo, nakita niyang sinakop ng mga bansa
ang kanyang santuwaryo,
yaong mga pinagbawalan mong pumasok
sa iyong kapulungan.
11 Ang buong bayan niya ay dumaraing
habang sila'y naghahanap ng tinapay;
ipinagpalit nila ng pagkain ang kanilang mga kayamanan
upang ibalik ang kanilang lakas.
“Tingnan mo, O Panginoon, at masdan mo;
sapagkat ako'y naging hamak.”
17 Ang mga ito'y mga bukal na walang tubig, mga ulap na tinatangay ng unos. Sa kanila'y inilaan ang pusikit na kadiliman.
18 Sapagkat sila'y nagsasalita ng mga kayabangang walang kabuluhan, at nang-aakit sila sa pagnanasa ng laman sa pamamagitan ng kahalayan sa mga nakatakas mula sa mga namumuhay sa kamalian.
19 Sila'y pinapangakuan nila ng kalayaan, gayong sila mismo'y mga alipin ng kabulukan; sapagkat sinuman ay inaalipin ng anumang lumupig sa kanila.
20 Sapagkat kung pagkatapos na sila'y makatakas sa mga karumihan ng sanlibutan sa pamamagitan ng pagkakilala sa Panginoon at Tagapagligtas na si Jesu-Cristo, ay muli silang napasabit sa mga ito at nadaig, ang huling kalagayan nila ay mas masama kaysa nang una.
21 Sapagkat mas mabuti pa sa kanila ang hindi nakaalam ng daan ng katuwiran, kaysa, pagkatapos na malaman ito ay tumalikod sa banal na utos na ibinigay sa kanila.
22 Nangyari(A) sa kanila ang ayon sa tunay na kawikaan, “Nagbabalik muli ang aso sa kanyang sariling suka,” at, “Ang babaing baboy na nahugasan na, sa paglulublob sa putik.”
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 2001