Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

Old/New Testament

Each day includes a passage from both the Old Testament and New Testament.
Duration: 365 days
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version (FSV)
Version
Error: '1 Paralipomeno 16-18' not found for the version: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
Juan 7:28-53

28 Kaya sumigaw si Jesus habang nagtuturo sa templo, “Kilala ba talaga ninyo ako at alam ninyo kung saan ako galing? Hindi ako naparito para sa sarili ko lamang. Ang nagsugo sa akin ay tapat, at siya ang hindi ninyo nakikilala. 29 Kilala ko siya, sapagkat galing ako sa kanya, at siya ang nagsugo sa akin.” 30 Dahil dito, tinangka nilang dakpin siya, subalit wala ni isa mang nangahas sapagkat hindi pa dumarating ang oras niya. 31 Gayunman, marami sa mga naroon ang sumampalataya sa kanya. Sinabi nila, “Kapag dumating ang Cristo, gagawa ba siya ng mas maraming himala kaysa ginawa ng taong ito?” 32 Narinig ng mga Fariseo ang usap-usapan ng mga tao tungkol sa kanya, kaya nagpadala ang mga punong pari at mga Fariseo ng mga kawal para dakpin siya. 33 Kaya sinabi ni Jesus, “Sandaling panahon na lamang ninyo ako makakasama, at pagkatapos ay pupunta na ako sa kanya na nagsugo sa akin. 34 Hahanapin ninyo ako ngunit hindi ninyo ako matatagpuan. At kung saan ako naroroon ay hindi ninyo ako mapupuntahan.” 35 Nag-usap-usap ang mga Judio, “Saan ba nagbabalak pumunta ng taong ito na hindi natin matatagpuan? Pupunta kaya siya sa lugar ng mga kababayan nating nakatira kasama ng mga Griyego at magtuturo sa kanila? 36 Ano'ng ibig niyang sabihin sa sinabi niyang, ‘Hahanapin ninyo ako at hindi ninyo ako matatagpuan,’ at ‘Kung saan ako naroroon hindi ninyo ako mapupuntahan’?” 37 (A)Sa huli at natatanging araw ng pista, tumayo si Jesus at sumigaw. Sinabi niya, “Lumapit sa akin ang sinumang nauuhaw at uminom. 38 (B)Ang sumasampalataya sa akin, tulad ng sinabi ng kasulatan, ‘Mula sa kanyang puso ay dadaloy ang ilog ng tubig ng buhay.’ ” 39 Sinabi niya ito tungkol sa Espiritu, na tatanggapin ng mga sumasampalataya sa kanya. Hindi pa naibibigay ang Espiritu, sapagkat hindi pa naluluwalhati si Jesus. 40 Nang marinig ng ilang tao ang mga salitang ito, sinabi nila, “Tunay na ito nga ang propeta.” 41 Ang iba’y nagsabi, “Ito ang Cristo.” Subalit sinabi ng ilan, “Sa Galilea ba manggagaling ang Cristo? 42 (C)Hindi ba sinabi ng kasulatan na ang Cristo ay magmumula sa lahi ni David at sa Bethlehem na pinanggalingan ni David?” 43 Kaya nagkaroon ng pagkakahati sa mga tao dahil sa kanya. 44 May ilang nais dumakip sa kanya, subalit walang nangahas na gawin iyon.

45 Bumalik ang mga kawal sa mga punong pari at mga Fariseo na nagsabi sa kanila, “Bakit hindi ninyo siya dala?” 46 Sumagot ang mga kawal, “Wala pa pong nakapagsasalita na tulad ng taong iyon.” 47 Tinanong sila ng mga Fariseo, “Pati ba kayo ay nalinlang na? 48 Mayroon bang mga pinuno o mga Fariseong naniwala sa kanya? 49 Ngunit ang mga taong ito na walang nalalaman sa kautusan ay mga sinumpa.” 50 (D)Si Nicodemo na nagpunta noon kay Jesus, at isa rin sa mga kasamahan nila, ay nagsabi sa kanila, 51 “Hinuhusgahan ba ng batas natin ang isang taong hindi man lamang natin napapakinggan at inaalam ang kanyang ginagawa?” 52 Sumagot sila sa kanya, “Taga-Galilea ka rin ba? Magsaliksik ka at malalaman mong walang propetang magmumula sa Galilea.” 53 At nagsiuwi na ang lahat.

Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version (FSV)

Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.