Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

Old/New Testament

Each day includes a passage from both the Old Testament and New Testament.
Duration: 365 days
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Version
Josue 13-15

Mga lupang dapat pang mapasa Israel.

13 Si Josue (A)nga'y matanda at puspos ng mga taon; at sinabi ng Panginoon sa kaniya, Ikaw ay matanda at puspos ng mga taon, at may nalalabi pang totoong maraming lupain na aariin.

(B)Ito ang lupain na nalalabi pa: ang lahat na lupain ng mga Filisteo, at ang lahat na Gessureo:

(C)Mula sa Sihor na nasa tapat ng Egipto, hanggang sa hangganan ng Accaron na dakong hilagaan, na nabilang sa mga Cananeo: ang (D)limang pangulo ng mga Filisteo, ang mga Gazeo, ang mga Asdodeo, ang mga Ascaloneo, ang mga Getheo, ang mga Accaronneo; gayon din ang mga Heveo,

Sa dakong timugan: ang lahat na lupain ng mga Cananeo, at ang Mehara, na nauukol sa mga Sidonio hanggang sa Aphec, na hangganan ng mga Amorrheo;

At ang lupain ng mga Gebalita at ang buong Libano, sa dakong sinisikatan ng araw, (E)mula sa Baal-gad, sa ibaba ng bundok Hermon hanggang sa (F)pasukan sa Hamat:

Ang lahat ng taga lupaing maburol mula sa Libano hanggang sa Misrephoth-maim, sa makatuwid baga'y lahat ng mga Sidonio; sila'y aking itataboy mula sa harap ng mga anak ni Israel: iyo lamang (G)bahagihin sa Israel na pinakamana, gaya ng iniutos ko sa iyo.

Iyo ngang bahagihin ang lupaing ito na pinakamana sa siyam na lipi, at sa kalahating lipi ni Manases.

Sa kaniya'y tinanggap ng mga Rubenita at ng mga Gadita, ang kanilang mana, (H)na ibinigay sa kanila ni Moises, sa dako roon ng Jordan na dakong silanganan gaya ng ibinigay sa kanila ni Moises na lingkod ng Panginoon;

(I)Mula sa Aroer na nasa tabi ng libis ng Arnon, at ang bayan na nasa gitna ng libis, at ng buong (J)kapatagan ng Medeba hanggang sa Dibon:

10 At ang (K)lahat na bayan ni Sehon na hari ng mga Amorrheo, na naghahari sa Hesbon hanggang sa hangganan ng mga anak ni Ammon;

11 At ang (L)Galaad, at ang hangganan ng mga Gessureo at ng mga Maachateo at ang buong (M)bundok ng Hermon, at ang buong Basan hanggang sa Salca;

12 Ang buong kaharian ni Og sa Basan, na naghari sa (N)Astaroth at sa Edrei (na siyang naiwang labi sa mga Rephaim); sapagka't sinaktan ang mga ito ni Moises at mga itinaboy.

13 Gayon ma'y hindi itinaboy ng mga anak ni Israel ang mga Gessureo, ni ang mga Maachateo; kundi ang Gessureo at ang Maachateo ay tumahan sa gitna ng Israel hanggang sa araw na ito.

14 (O)Ang lipi lamang ni Levi ang hindi niya binigyan ng mana; ang mga handog sa Panginoon, sa Dios ng Israel na pinaraan sa apoy ay siyang kaniyang mana, (P)gaya ng sinalita niya sa kaniya.

15 At nagbigay si Moises sa lipi ng mga anak ni Ruben ng ayon sa kanilang mga angkan.

16 At ang kanilang hangganan ay (Q)mula sa Aroer, na nasa tabi ng libis ng Arnon, at ang bayang nasa gitna ng libis, at ang buong kapatagan sa tabi ng Medeba;

17 Ang Hesbon at ang lahat ng mga bayan niyaon na nasa kapatagan; ang Dibon at ang Bamoth-baal, at ang Beth-baal-meon;

18 At ang Jaas, at ang Ced-demoth, at ang Mephaath;

19 At ang Chiriataim, at ang Sibma, at ang Zereth-shahar, sa bundok ng libis;

20 At ang (R)Beth-peor, at ang mga tagudtod ng Pisga, at ng Beth-jesimoth;

21 (S)At ang lahat ng mga bayan sa kapatagan at ang buong kaharian ni Sehon na hari ng mga Amorrheo na naghari sa Hesbon, na siyang (T)sinaktan ni Moises na gayon din ang mga (U)pinuno sa Madian, si Hevi, si Recem, at si Sur, at si Hur, at si Reba, na mga prinsipe ni Sehon, na tumahan sa lupain.

22 Si (V)Balaam man na anak ni Beor na manghuhula, ay pinatay ng mga anak ni Israel ng tabak sa gitna ng nalabi sa kanilang nangapatay.

23 At ang hangganan ng mga anak ni Ruben ay ang Jordan, at ang hangganan niyaon. Ito ang mana ng mga anak ni Ruben ayon sa kanilang mga angkan, ang mga bayan at ang mga nayon niyaon.

24 At si Moises ay nagbigay sa lipi ni Gad, sa mga anak ni Gad, ng ayon sa kanilang mga angkan.

25 At (W)ang kanilang hangganan ay ang Jacer, at ang lahat na bayan ng Galaad, at (X)ang kalahati ng lupain ng mga anak ni Ammon hanggang sa Aroer na nasa tapat ng Rabba;

26 At mula sa Hesbon hanggang sa Ramath-mizpe, at sa Betonim; at mula sa (Y)Mahanaim hanggang sa hangganan ng Debir.

27 At sa libis, ang Bet-haram, at ang Beth-nimra, at ang Sucoth, at ang Saphon, na labis ng kaharian ni Sehon na hari sa Hesbon, ang Jordan at ang hangganan niyaon, hanggang sa kaduluduluhang bahagi (Z)ng dagat ng Cinnereth, sa dako roon ng Jordan na dakong silanganan.

28 Ito ang mana ng mga anak ni Gad ayon sa kanilang mga angkan, ang mga bayan at ang mga nayon niyaon.

29 At si Moises ay nagbigay ng mana sa kalahating lipi ni Manases: at yao'y sa kalahating lipi ng mga anak ni Manases ayon sa kanilang mga angkan.

30 At ang kanilang hangganan ay mula sa Mahanaim, ang buong Basan, ang buong kaharian ni Og na hari sa Basan at ang (AA)lahat ng mga bayan ng Jair na nasa Basan, anim na pung bayan.

31 At ang kalahati ng Galaad at ang Astaroth at ang Edrei, ang mga bayan ng kaharian ni Og sa Basan, ay sa mga anak ni Machir na anak ni Manases, sa makatuwid baga'y sa kalahati ng (AB)mga anak ni Machir ayon sa kanilang mga angkan.

32 Ito ang mga mana na binahagi ni Moises sa mga (AC)kapatagan ng Moab, sa dako roon ng Jordan sa Jerico, na dakong silanganan.

33 (AD)Nguni't sa lipi ni Levi ay walang ibinigay si Moises na mana: ang Panginoon, ang Dios ng Israel ay siyang kanilang mana, (AE)gaya ng kaniyang sinalita sa kanila.

Ang mga bahagi sa mana. Si Levi ay walang mana.

14 At ito ang mga mana na sinakop ng mga anak ni Israel sa lupain ng Canaan, na binahagi sa kanila ni (AF)Eleazar na saserdote, at ni Josue na anak ni Nun, at ng mga pangulo ng mga sangbahayan ng mga magulang ng mga lipi ng mga anak ni Israel,

Sa pamamagitan ng (AG)sapalaran ng kanilang mana, gaya ng iniutos ng Panginoon sa pamamagitan ni Moises, sa siyam na lipi, at sa kalahating lipi.

(AH)Sapagka't nabigyan na ni Moises ng mana ang dalawang lipi at ang kalahating lipi sa dako roon ng Jordan: nguni't sa mga Levita ay wala siyang ibinigay na mana sa kanila.

Sapagka't ang (AI)mga anak ni Jose ay naging dalawang lipi ang Manases at ang Ephraim: at hindi sila nagbigay ng bahagi sa mga Levita sa lupain, liban ang mga bayan na matahanan, pati ng mga nayon niyaon sa kanilang hayop at sa kanilang pagaari.

Kung (AJ)paano iniutos ng Panginoon kay Moises, ay gayon ang ginawa ng mga anak ni Israel, at kanilang binahagi ang lupain.

Nang magkagayo'y lumapit ang mga anak ni Juda kay Josue sa Gilgal: at sinabi sa kaniya ni Caleb na anak ni (AK)Jephone na Cenezeo, Iyong (AL)talastas ang bagay na sinalita ng Panginoon kay Moises na (AM)lalake ng Dios, tungkol sa akin at tungkol sa iyo sa Cades-barnea.

Ako'y may apat na pung taon nang ako'y (AN)suguin ni Moises na lingkod ng Panginoon mula sa Cades-barnea upang tiktikan ang lupain; at aking dinalhan ng sagot siya ng gaya ng nasa aking puso.

(AO)Gayon ma'y pinapanglumo ng mga kapatid na kasama ko ang puso ng bayan: nguni't ako'y (AP)lubos na sumunod sa Panginoon kong Dios.

At si Moises ay sumumpa nang araw na yaon, (AQ)na nagsasabi, Tunay na ang lupain na (AR)tinuntungan ng iyong paa ay magiging isang mana sa iyo at sa iyong mga anak magpakailan man, sapagka't sumunod kang lubos sa Panginoon kong Dios.

10 At ngayon, narito, iningatan akong buhay ng Panginoon, gaya ng (AS)kaniyang sinalita, nitong apat na pu't limang taon, mula nang panahon na salitain ng Panginoon ang salitang ito kay Moises, samantalang lumalakad ang Israel sa ilang; at ngayon, narito, sa araw na ito ako'y may walong pu't limang taon na.

11 Gayon ma'y malakas pa ako sa araw na ito na (AT)gaya nang araw na suguin ako ni Moises: kung paano nga ang lakas ko noon, ay gayon ang lakas ko ngayon, sa pakikidigma, (AU)at gayon din sa paglalabas pumasok.

12 Ngayon nga'y ibigay mo sa akin ang lupaing maburol na ito na sinalita ng Panginoon nang araw na yaon: sapagka't iyong nabalitaan nang araw na yaon kung paanong nariyan ang mga (AV)Anaceo, at mga bayang malalaki at nakukutaan: marahil ay sasa akin ang Panginoon, at akin silang maitataboy na gaya ng sinalita ng Panginoon.

Ang Hebron ay kay Caleb.

13 At binasbasan siya ni Josue (AW)at kaniyang ibinigay ang Hebron kay (AX)Caleb na Anak ni Jephone, na pinakaari niya.

14 Kaya't ang (AY)Hebron ay naging mana ni Caleb na anak ni Jephone na Cenezeo hanggang sa araw na ito; sapagka't kaniyang lubos na sinunod ang Panginoon, ang Dios ng Israel.

15 Ang pangalan nga ng Hebron nang una ay Chiriath-arba; na siyang Arba na pinaka malaking lalake sa mga Anaceo. (AZ)At ang lupain ay nagpahinga sa pakikidigma.

Ang mana ng mga anak ni Juda.

15 At naging kapalaran ng lipi ng mga anak ni Juda ayon sa kanilang mga angkan ay hanggang (BA)sa hangganan ng Edom; hanggang sa (BB)ilang ng Zin na dakong timugan, sa kahulihulihang bahagi ng timugan.

At ang kanilang hangganang timugan ay mula sa kahulihulihang bahagi ng Dagat na Alat, mula sa dagat-dagatan na nakaharap sa dakong timugan:

At palabas sa dakong timugan ng pagsampa sa Acrabim, at patuloy sa Zin at pasampa sa timugan ng Cades-barnea, at patuloy sa Hezron, at pasampa sa Addar, at paliko sa Carca:

At patuloy sa Azmon, at palabas sa (BC)batis ng Egipto, at ang mga labasan ng hangganan ay sa dagat: ito ang magiging inyong hangganang timugan.

At ang hangganang silanganan ay ang Dagat na Alat, hanggang sa katapusan ng Jordan. At ang hangganan ng hilagaang dako ay mula sa dagat-dagatan ng dagat na nasa katapusan ng Jordan:

At pasampa ang hangganan sa Beth-hogla, at patuloy sa hilagaan ng Beth-araba; at ang hangganan ay pasampa sa (BD)bato ni Bohan na anak ni Ruben:

At ang hangganan ay pasampa sa Debir mula sa libis ng (BE)Achor, at gayon sa dakong hilagaang paharap sa dakong Gilgal, na nasa tapat ng pagsampa sa Adumin, na nasa dakong timugan ng ilog: at ang hangganan ay patuloy sa tubig ng En-semes, at ang mga labasan niyaon ay sa (BF)En-rogel:

At ang hangganan ay pasampa sa (BG)libis ng anak ni Hinnom hanggang sa dako ng (BH)Jebuseo na dakong timugan (na siya ring Jerusalem): at ang hangganan ay pasampa sa taluktok ng bundok na dumudoon sa harap ng (BI)libis ng Hinnom na dakong kalunuran, na sa kahulihulihang bahagi ng libis ng Rephaim na dakong hilagaan:

At ang hangganan ay paabot mula sa taluktok ng bundok hanggang sa bukal ng tubig ng Nephtoa, at palabas sa mga bayan ng bundok ng Ephron, at ang hangganan ay paabot sa Baala (na siya ring Chiriath-jearim):

10 At ang hangganan ay paliko mula sa Baala sa dakong kalunuran sa bundok ng Seir, at patuloy sa tabi ng bundok Jearim sa hilagaan (na siya ring Chesalon), at pababa sa (BJ)Beth-semes at patuloy sa (BK)Timna.

11 At ang hangganan ay palabas sa siping ng (BL)Ecron na dakong hilagaan; at ang hangganan ay paabot sa Sicheron, at patuloy sa bundok ng Baala, at palabas sa Jabneel; at ang mga labasan ng hangganan ay sa dagat.

12 At ang hangganang kalunuran (BM)ay ang malaking dagat, at ang hangganan niyaon. Ito ang hangganan ng mga anak ni Juda sa palibot, ayon sa kanilang mga angkan.

Binihag ni Othoniel ang Chiriat-sepher.

13 (BN)At kay Caleb na anak ni Jephone ay nagbigay siya ng isang bahagi sa gitna ng mga anak ni Juda, ayon sa utos ng Panginoon kay Josue, sa makatuwid baga'y ang (BO)Chiriath-arba, na siyang Arba na ama ni Anac (na siya ring Hebron).

14 At pinalayas ni Caleb mula roon ang tatlong anak ni Anac: si Sesai, si Aiman at si Talmai, na mga anak ni Anac.

15 At siya'y sumampa mula roon laban sa mga taga Debir: ang pangalan nga ng Debir nang una ay Chiriath-sepher.

16 (BP)At sinabi ni Caleb, Ang sumakit sa Chiriath-sepher at sumakop, sa kaniya ko papagaasawahin si Axa na aking anak na babae.

17 At sinakop ni Othoniel na (BQ)anak ni Cenez, na kapatid ni Caleb: at pinapagasawa niya sa kaniya si Axa na kaniyang anak na babae.

18 At nangyari, nang si Axa ay malakip sa kaniya, na kinilos nito siya na humingi sa kaniyang ama ng isang parang: at siya'y bumaba sa kaniyang asno, at sinabi ni Caleb sa kaniya, Anong ibig mo?

19 At kaniyang sinabi, (BR)Pagpalain mo ako; sapagka't inilagay mo ako sa lupaing Timugan, ay (BS)bigyan mo rin ako ng mga bukal ng tubig. At ibinigay niya sa kaniya ang mga bukal sa itaas at ang mga bukal sa ibaba.

Ang mga bayan ng mga anak ni Juda.

20 Ito ang mana ng lipi ng mga anak ni Juda ayon sa kanilang mga angkan.

21 At ang mga kaduluduluhang bayan ng lipi ng mga anak ni Juda sa dako ng hangganan ng Edom sa timugan ay Cabseel, at Eder, at Jagur,

22 At Cina, at Dimona, at Adada,

23 At Cedes, at Asor, at Itnan,

24 At Ziph, at Telem, at Bealoth,

25 At Asor-hadatta, at Cheriothhesron (na siya ring Asor),

26 Amam, at Sema, at Molada,

27 At Asar-gadda, at Hesmon, at Beth-pelet,

28 At Hasar-sual, at (BT)Beer-seba, at Bizotia,

29 Baala, at Iim, at Esem,

30 At Eltolad, at Cesil, at Horma,

31 At Siclag, at Madmanna, at Sansana,

32 At Lebaoth at Silim, at Ain at Rimmon: lahat ng mga bayan ay dalawang pu't siyam, pati ng mga nayon ng mga yaon.

33 Sa mababang lupain: Estaol, at Sorea, at Asena,

34 At Zanoa, at En-gannim, Tappua, at Enam,

35 Jarmuth at Adullam, Socho at Aceca,

36 At Saraim at Adithaim, at Gedera at Gederothaim; labing apat na bayan pati ng mga nayon ng mga yaon.

37 Senan, at Hadasa, at Migdalgad;

38 At Dilan, at Mizpe, at Jocteel,

39 Lachis, at Boscat, at Eglon,

40 At Cabon, at Lamas, at Chitlis;

41 At Gederoth, at Beth-dagon, at Naama at Maceda: labing anim na bayan pati ng mga nayon ng mga yaon.

42 Libna, at Ether, at Asan,

43 At Jiphta, at Asna, at Nesib,

44 At Ceila, at Achzib, at Maresa; siyam na bayan pati ng mga nayon ng mga yaon.

45 Ecron at ang mga bayan niyaon, at ang mga nayon niyaon:

46 Mula sa Ecron hanggang sa dagat, lahat na nasa siping ng (BU)Asdod pati ng mga nayon ng mga yaon.

47 Asdod, ang mga bayan niyaon at ang mga nayon niyaon, (BV)Gaza, ang mga bayan niyaon at ang mga nayon niyaon; hanggang sa (BW)batis ng Egipto, at ang (BX)malaking dagat at ang hangganan niyaon.

48 At sa lupaing maburol, Samir, at Jattir, at Soco,

49 At Danna, at Chiriat-sanna (na siyang Debir),

50 At Anab, at Estemo, at Anim;

51 At (BY)Gosen, at Olon, at Gilo: labing isang bayan pati ng mga nayon ng mga yaon.

52 Arab, at Dumah, at Esan,

53 At Janum, at Beth-tappua, at Apheca:

54 At Humta, at Chiriath-arba (na siyang Hebron), at Sior; siyam na bayan pati ng mga nayon ng mga yaon.

55 Maon, (BZ)Carmel, at Ziph, at Juta,

56 At Izreel, at Jocdeam, at Zanoa,

57 Cain, Gibea, at Timna: sangpung bayan pati ng mga nayon ng mga yaon.

58 Halhul, Beth-zur, at Gedor.

59 At Maarath, at Beth-anoth, at Eltecon; anim na bayan pati ng mga nayon ng mga yaon.

60 Chiriath-baal (na siyang Chiriath-jearim), at Rabba: dalawang bayan pati ng mga nayon ng mga yaon.

61 Sa ilang; Beth-araba, Middin, at Sechacha;

62 At Nibsan, at ang Bayan ng Asin, at Engedi: anim na bayan pati ng mga nayon ng mga yaon.

63 (CA)At tungkol sa mga Jebuseo na mga taga Jerusalem ay hindi napalayas ng mga anak ni Juda: kundi ang mga (CB)Jebuseo ay nanahang kasama ng mga anak ni (CC)Juda sa Jerusalem hanggang sa araw na ito.

Lucas 1:57-80

57 Naganap nga kay Elisabet ang panahon ng panganganak; at siya'y nanganak ng isang lalake.

58 At nabalitaan ng kaniyang mga kapitbahay at (A)mga kamaganak, na dinakila ng Panginoon ang kaniyang awa sa kaniya; at (B)sila'y nangakigalak sa kaniya.

59 At nangyari, na (C)nang ikawalong araw ay nagsiparoon sila upang tuliin ang sanggol; at siya'y tatawagin sana nila na Zacarias, ayon sa pangalan ng kaniyang ama.

60 At sumagot ang kaniyang ina at nagsabi, (D)Hindi gayon; kundi ang itatawag sa kaniya'y Juan.

61 At sinabi nila sa kaniya, Wala sa iyong kamaganak na tinatawag sa pangalang ito.

62 At hinudyatan nila ang kaniyang ama, kung ano ang ibig niyang itawag.

63 At humingi siya ng isang sulatan at sumulat, na sinasabi, Ang kaniyang pangalan ay Juan. At nagsipanggilalas silang lahat.

64 At pagdaka'y (E)nabuka ang kaniyang bibig, at ang kaniyang dila'y nakalag, at siya'y nagsalita, na pinupuri ang Dios.

65 At sinidlan ng (F)takot ang lahat ng nagsisipanahan sa palibot nila; at nabansag ang lahat ng mga bagay na ito sa lahat (G)ng lupaing maburol ng Judea.

66 At lahat ng mga nangakarinig nito ay pawang iningatan sa kanilang puso, na sinasabi, Magiging ano nga kaya ang batang ito? Sapagka't (H)ang kamay ng Panginoon ay sumasa kaniya.

67 At si Zacarias na kaniyang ama ay (I)napuspos ng Espiritu Santo, at nanghula, na nagsasabi,

68 Purihin ang (J)Panginoon, ang Dios ng Israel;
Sapagka't (K)kaniyang dinalaw at tinubos ang kaniyang bayan,
69 At nagtaas sa atin (L)ng isang sungay ng kaligtasan
Sa bahay ni David na kaniyang alipin
70 (Gaya ng sinabi niya (M)sa pamamagitan ng kaniyang mga banal na propeta na nagsilitaw (N)buhat nang unang panahon),
71 Kaligtasang mula sa ating mga kaaway, at sa kamay ng lahat ng nangapopoot sa atin;
72 (O)Upang magkaawang-gawa sa ating mga magulang,
At (P)alalahanin ang kaniyang banal na tipan;
73 Ang sumpa (Q)na isinumpa niya kay Abraham na ating ama,
74 Na ipagkaloob sa atin na yamang nangaligtas sa kamay ng ating mga kaaway,
Ay paglingkuran natin siya ng walang takot,
75 Sa kabanalan (R)at katuwiran sa harapan niya, lahat ng ating mga araw.
76 Oo at ikaw, sanggol, tatawagin kang (S)propeta ng (T)kataastaasan;
Sapagka't (U)magpapauna ka sa unahan ng mukha ng Panginoon, upang ihanda ang kaniyang mga daan;
77 Upang (V)maipakilala ang kaligtasan sa kaniyang bayan,
Sa pagkapatawad ng kanilang mga kasalanan,
78 Dahil sa magiliw na habag ng aming Dios,
Ang pagbubukang liwayway buhat sa kaitaasan ay dadalaw sa atin,
79 (W)Upang liwanagan (X)ang nangakalugmok sa kadiliman at sa lilim ng kamatayan;
Upang itumpak ang ating mga paa sa daan ng (Y)kapayapaan.

80 At lumaki (Z)ang sanggol, at lumakas sa espiritu, at (AA)nasa mga ilang hanggang sa araw ng kaniyang pagpapakita sa Israel.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978