Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

Read the New Testament in 24 Weeks

A reading plan that walks through the entire New Testament in 24 weeks of daily readings.
Duration: 168 days
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Version
Apocalipsis 9-11

At humihip ang ikalimang anghel, at (A)nakita ko ang isang bituin na nahulog sa lupa mula sa langit: at sa kaniya'y ibinigay (B)ang susi ng (C)hukay ng kalaliman.

At binuksan niya ang balon ng kalaliman; at napailanglang ang usok mula sa hukay, na gaya ng usok ng isang malaking lutuang-bakal; at nagdilim ang araw at ang himpapawid dahil sa usok ng hukay.

At nangagsilabas sa usok ang mga (D)balang sa lupa; at binigyan sila ng kapangyarihan, na gaya ng mga alakdan sa lupa na may kapangyarihan.

At sinabi sa kanila (E)na huwag ipahamak (F)ang damo sa lupa, ni ang anomang bagay na sariwa, ni ang anomang punong kahoy, kundi ang mga tao lamang na walang (G)tatak ng Dios sa kanilang mga noo.

At pinagkalooban silang huwag patayin ang mga ito, kundi pahirapan nilang limang buwan: at ang kanilang pahirap ay gaya ng pahirap ng alakdan kung kumakagat sa isang tao.

At sa mga araw na yaon ay (H)hahanapin ng mga tao ang kamatayan, at sa anomang paraa'y hindi nila masusumpungan; at mangagnanasang mamatay, at ang kamatayan ay tatakas sa kanila.

At (I)ang anyo ng mga balang ay katulad ng mga kabayong nahahanda sa pagbabaka; at sa kanilang mga ulo ay gaya ng mga putong na katulad ng ginto, at ang kanilang mga mukha ay gaya ng mga mukha ng mga tao.

At sila'y may buhok na gaya ng buhok ng mga babae, at ang (J)kanilang mga ngipin ay gaya ng sa mga leon.

At sila'y may mga baluti, na gaya ng baluting bakal; at ang ugong ng kanilang mga pakpak (K)ay gaya ng ugong ng mga karro, at ng maraming kabayo na dumadaluhong sa pagbabaka.

10 At sila'y may mga buntot na gaya ng sa mga alakdan, at mga tibo; at sa kanilang mga buntot naroroon ang kanilang kapangyarihan upang ipahamak ang mga taong limang buwan.

11 Sila'y may (L)pinakahari na anghel ng kalaliman: ang kaniyang pangalan sa wikang Hebreo ay Abaddon,[a] at sa Griego ay may pangalan siyang Apolyon.

12 Ang unang Pagkaaba ay nakaraan na: (M)narito, darating pa ang dalawang Pagkaaba sa haharapin.

13 At humihip ang ikaanim na anghel, at narinig ko ang isang tinig mula sa (N)mga sungay ng (O)dambanang ginto na nasa harapan ng Dios,

14 Na nagsasabi sa ikaanim na anghel na may pakakak, Kalagan mo ang apat na anghel na nagagapos (P)sa malaking ilog ng Eufrates.

15 At kinalagan ang apat na anghel, na nangahahanda sa oras at araw at buwan at taon upang patayin ang ikatlong bahagi ng mga tao.

16 At (Q)ang bilang ng mga hukbong nangangabayo ay makalawang sangpunglibong tigsasangpung libo: aking narinig ang bilang nila.

17 At nakita kong sa pangitain ang mga kabayo, at ang mga nakasakay dito, na may mga baluting gaya ng (R)apoy at ng jacinto at ng asupre: at ang mga ulo ng mga kabayo ay gaya ng mga ulo ng mga leon; at sa kanilang mga bibig ay lumalabas ang apoy at usok at asupre.

18 Sa pamamagitan ng tatlong salot na ito ay napatay ang ikatlong bahagi ng mga tao, sa pamamagitan ng apoy at ng usok at ng asupre, na nangagsisilabas sa kanilang mga bibig.

19 Sapagka't ang kapangyarihan ng mga kabayo ay nasa kanilang bibig, at nasa kanilang mga buntot; sapagka't ang kanilang mga buntot ay kawangis ng mga ahas, at may mga ulo; at siya nilang ipinananakit.

20 At ang nalabi sa mga tao, na hindi napatay sa mga salot na ito, ay hindi nagsipagsisi sa (S)mga gawa ng kanilang mga kamay, upang huwag sumamba sa mga demonio, (T)at sa mga diosdiosang ginto, at pilak, at tanso, at bato, at kahoy; na hindi nangakakakita, ni nangakaririnig man, ni nangakalalakad man.

21 At sila'y hindi nagsipagsisi sa kanilang mga pagpatay, kahit man sa kanilang panggagaway, kahit man sa kanilang pakikiapid, kahit man sa kanilang pagnanakaw.

10 At nakita ko ang ibang malakas na anghel na nanaog na mula sa langit, na nabibihisan ng isang alapaap; (U)at ang bahaghari ay nasa kaniyang ulo, at ang kaniyang (V)mukha ay gaya ng araw, at ang (W)kaniyang mga paa ay gaya ng mga haliging apoy;

At may isang maliit na aklat na bukas sa kaniyang kamay: at itinungtong ang kaniyang kanang paa sa dagat, at ang kaniyang kaliwa ay sa lupa;

At sumigaw ng malakas na tinig, na gaya ng leon na umaangal: at pagkasigaw niya, ay ang pitong kulog ay umugong.

At pagkaugong ng pitong kulog, ay isusulat ko sana: at narinig ko ang isang tinig na mula sa langit, na nagsasabi, (X)Tatakan mo ang mga bagay na sinalita ng pitong kulog, at huwag mong isulat.

At ang anghel na aking nakita na nakatayo sa ibabaw ng dagat at sa ibabaw ng lupa ay (Y)itinaas ang kaniyang kanang kamay sa langit,

At ipinanumpa (Z)yaong nabubuhay magpakailan kailan man, (AA)na lumalang ng langit at ng mga bagay na naroroon, at ng lupa at ng mga bagay na naririto, at ng dagat at ng mga bagay na naririto, na hindi na magluluwat ang panahon:

Kundi sa mga araw ng tinig ng ikapitong anghel, pagka malapit nang siya'y humihip, kung magkagayo'y ganap na ang hiwaga ng Dios, ayon sa mabubuting balita na kaniyang isinaysay sa kaniyang mga alipin na mga propeta.

At ang tinig na aking narinig na mula sa langit, ay muling nagsalita sa akin, at nagsabi, Humayo ka, kunin mo ang aklat na bukas na nasa kamay ng anghel na nakatayo sa ibabaw ng dagat at sa ibabaw ng lupa.

At ako'y naparoon sa anghel na nagsabi ako sa kaniya na ibigay sa akin ang maliit na aklat. At kaniyang sinabi sa akin, (AB)Kunin mo ito, at ito'y kanin mo; at papapaitin ang iyong tiyan, datapuwa't sa iyong bibig ay magiging matamis na gaya ng pulot.

10 At kinuha ko ang maliit na aklat sa kamay ng anghel, at aking kinain; (AC)at sa aking bibig ay matamis na gaya ng pulot: at nang aking makain, ay pumait ang aking tiyan.

11 At sinasabi nila sa akin, Dapat kang manghulang muli sa maraming mga bayan at mga bansa at mga wika at mga hari.

11 At binigyan ako ng (AD)isang tambong katulad ng isang panukat: at may isang nagsabi, Magtindig ka, at sukatin mo ang templo ng Dios, at (AE)ang dambana, at ang mga sumasamba doon.

At ang loobang nasa labas ng templo (AF)ay pabayaan mo, at huwag mong sukatin; (AG)sapagka't ibinigay sa mga bansa: at kanilang yuyurakang (AH)apat na pu't dalawang buwan ang banal na siudad.

At may ipagkakaloob ako sa aking dalawang (AI)saksi, at sila'y magsisipanghulang isang libo at dalawang daan at anim na pung araw, na nararamtan ng magagaspang na kayo.

Ang mga ito'y (AJ)ang dalawang punong olibo (AK)at ang dalawang kandelero, na nangakatayo sa harapan ng Panginoon ng lupa.

At kung nasain ng sinoman na sila'y ipahamak, ay apoy ang (AL)lumalabas sa kanilang bibig, at lumalamon sa kanilang mga kaaway; at kung nasain ng sinoman na sila'y ipahamak ay kailangan ang mamatay sa ganitong paraan.

Ang mga ito'y (AM)may kapangyarihang magsara ng langit, upang huwag umulan sa loob ng mga araw ng kanilang hula: at may kapangyarihan sila sa mga tubig (AN)na mapaging dugo, at (AO)mapahirapan ang lupa ng bawa't salot sa tuwing kanilang nasain.

At pagka natapos nila ang kanilang (AP)patotoo, (AQ)ang hayop na umahon (AR)mula sa kalaliman ay (AS)babaka sa kanila, at pagtatagumpayan sila, at sila'y papatayin.

At ang kanilang mga bangkay ay nasa lansangan (AT)ng malaking bayan, na ayon sa espiritu ay tinatawag na (AU)Sodoma at Egipto, na doon din naman ipinako sa krus ang Panginoon nila.

At ang mga tao mula sa gitna ng mga bayan at mga angkan at mga wika at mga bansa, ay nanonood sa kanilang mga bangkay na tatlong araw at kalahati, at hindi itutulot na ang kanilang mga bangkay ay malibing.

10 At ang mga nananahan sa ibabaw ng lupa ay mangagagalak tungkol sa kanila, at mangatutuwa; at sila'y mangagpapadalahan ng mga kaloob; (AV)sapagka't ang dalawang propetang ito ay (AW)nagpahirap sa nangananahan sa ibabaw ng lupa.

11 At pagkatapos ng tatlong araw at kalahati, (AX)ang hininga ng buhay na mula sa Dios ay pumasok sa kanila, at sila'y nangagsitindig; at dinatnan ng malaking takot ang mga nakakita sa kanila.

12 At narinig nila ang isang malakas na tinig na nagsasabi sa kanila, Umakyat kayo rito. At sila'y umakyat sa langit (AY)sa isang alapaap; at pinagmasdan sila ng kanilang mga kaaway.

13 At nang oras na yaon ay nagkaroon ng isang malakas na lindol, (AZ)at nagiba ang ikasangpung bahagi ng bayan; at may nangamatay sa lindol na pitong libo katao: at ang mga iba ay nangatatakot, (BA)at nangagbigay ng kaluwalhatian (BB)sa Dios ng langit.

14 Nakaraan na ang (BC)ikalawang Pagkaaba: narito, nagmamadaling dumarating ang ikatlong Pagkaaba.

15 At humihip (BD)ang ikapitong anghel; at nagkaroon ng malalakas na tinig sa langit, at nagsasabi,

(BE)Ang kaharian ng sanglibutan ay naging sa ating Panginoon, at sa (BF)kaniyang Cristo: (BG)at siya'y maghahari magpakailan kailan man.

16 At ang dalawangpu't apat na matatanda (BH)na nakaupo sa kanikaniyang luklukan sa harapan ng Dios ay nangagpatirapa, at nangagsisamba sa Dios,

17 Na nangagsasabi,

Pinasasalamatan ka namin, Oh Panginoong Dios, na Makapangyarihan sa lahat, (BI)na ikaw ngayon, at naging ikaw nang nakaraan; sapagka't hinawakan mo ang iyong dakilang kapangyarihan, at ikaw ay naghari.
18 At nangagalit ang mga bansa, at dumating ang (BJ)iyong poot, at (BK)ang panahon ng mga patay upang mangahatulan, at ang panahon ng pagbibigay mo ng ganting-pala sa iyong mga alipin na mga propeta, at sa mga banal, at sa mga natatakot sa iyong pangalan, maliliit at malalaki; at upang ipahamak mo ang mga nagpapahamak ng lupa.

19 At nabuksan (BL)ang templo ng Dios na nasa langit: at nakita sa kaniyang templo (BM)ang kaban ng kaniyang tipan; at nagkaroon ng mga (BN)kidlat, at mga tinig, at mga kulog, at isang lindol, at malaking granizo.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978