Read the New Testament in 24 Weeks
10 (A)Ako ngang si Pablo ay namamanhik sa inyo alangalang sa (B)kaamuang-loob at kapakumbabaan ni Cristo, ako (C)na sa harapan ninyo ay mapagpakumbaba sa gitna ninyo, nguni't ako'y lubhang malakas ang loob kung wala sa harapan ninyo:
2 Oo, ako'y namamanhik sa inyo, upang kung ako'y nahaharap ay (D)huwag akong magpakita ng katapangang may pagkakatiwala na ipinasiya kong ipagmatapang laban sa (E)ilang nagiisip sa amin, na waring kami ay nagsisilakad ng (F)ayon sa laman.
3 Sapagka't bagaman kami ay nagsisilakad sa laman, ay hindi kami nangakikipagbakang ayon sa laman.
4 (G)(Sapagka't ang mga sandata ng aming pakikilaban ay hindi ukol sa laman, kundi sa harapan ng Dios ay may kapangyarihang gumiba ng mga kuta);
5 Na siyang gumigiba ng mga maling haka, at ng bawa't bagay na matayog na nagmamataas laban sa karunungan ng Dios, at bumibihag sa lahat ng pagiisip sa pagtalima kay Cristo;
6 At nangahahanda upang maghiganti sa lahat ng pagsuway, kung maganap na ang inyong pagtalima.
7 Minamasdan ninyo ang mga bagay (H)na nahaharap sa inyong mukha. (I)Kung ang sinoman ay mayroong pagkakatiwala sa kaniyang sarili na siya'y kay Cristo, ay muling dilidilihin ito sa kaniyang sarili na, kung paanong siya'y kay Cristo, kami naman ay gayon din.
8 Sapagka't bagaman ako ay (J)magmapuri ng marami tungkol sa (K)aming kapamahalaan (na ibinigay ng Panginoon sa ikapagtitibay sa inyo, at hindi sa ikagigiba ninyo) ay hindi ako mapapahiya.
9 Upang huwag akong wari'y ibig ko kayong pangilabutin sa takot sa aking mga sulat.
10 Sapagka't, sinasabi nila, Ang kaniyang mga sulat, ay malaman at mabisa; (L)datapuwa't ang anyo ng kaniyang katawan ay mahina, at ang kaniyang (M)pananalita ay walang kabuluhan.
11 Bayaang isipin ng isang gayon ito, na, kung ano kami sa pananalita sa mga sulat pagka kami ay wala sa harapan, ay gayon din kami naman sa gawa pagka kami ay nahaharap.
12 Sapagka't (N)hindi kami nangagmamatapang na makibilang o makitulad sa mga ilan doon sa mga nagmamapuri sa kanilang sarili: nguni't (O)sila na sinusukat ang kanilang sarili sa kanila rin, at kanilang itinutulad ang sarili sa kanila rin ay mga walang unawa.
13 Datapuwa't hindi naman ipinagmamapuri ang labis sa aming sukat, kundi ayon sa sukat ng (P)hangganang sa amin ay ipinamamahagi ng Dios, na gaya ng sukat, upang umabot hanggang sa inyo.
14 Sapagka't hindi kami nagsisilagpas ng higit, na waring hindi na namin kayo aabutin: (Q)sapagka't hanggang sa inyo naman ay nagsirating kami sa evangelio ni Cristo:
15 Na hindi namin ipinagmamapuri ang labis sa aming sukat, sa makatuwid baga'y (R)ang mga gawa ng ibang mga tao; kundi yamang may pagasa, na ayon sa paglago ng inyong pananampalataya, kami'y pupurihin sa inyo ayon sa aming hangganan sa lalong kasaganaan,
16 Upang ipangaral ang evangelio sa mga dako pa roon ng lupain ninyo, at huwag kaming mangagmapuri sa hangganan ng iba tungkol sa mga bagay na nangahahanda na sa amin.
17 Datapuwa't ang nagmamapuri ay (S)magmapuri sa Panginoon.
18 Sapagka't hindi subok ang nagtatagubilin sa kaniyang sarili, kundi (T)ang ipinagtatagubilin ng Panginoon.
11 Kahimanawari'y mapagtiisan ninyo (U)ako sa kaunting kamangmangan: nguni't tunay na ako'y inyong pinagtitiisan.
2 Sapagka't ako'y (V)naninibugho tungkol sa inyo ng panibughong ukol sa Dios: sapagka't kayo'y aking pinapagasawa sa isa, upang kayo'y maiharap ko kay Cristo na (W)tulad sa dalagang malinis.
3 Nguni't ako'y natatakot, baka sa anomang paraan, (X)kung paanong si Eva ay nadaya ng ahas sa kaniyang katusuhan, ang inyong walang malay at malinis na mga pagiisip na kay Cristo ay pasamain.
4 Sapagka't kung (Y)yaong paririto ay mangaral ng ibang Jesus, na hindi namin ipinangaral, o kung kayo'y nagsisitanggap ng ibang espiritu na hindi ninyo tinanggap, o (Z)ibang evangelio na hindi ninyo tinanggap, ay mabuting pagtiisan ninyo.
5 Sapagka't inaakala kong (AA)sa anoman ay hindi ako huli sa lubhang mga dakilang apostol.
6 Datapuwa't bagaman (AB)ako ay magaspang sa pananalita, gayon ma'y hindi ako (AC)sa kaalaman; hindi, kundi (AD)sa lahat ng paraan ay ipinahayag namin ito sa inyo.
7 Ako nga baga'y nagkasala (AE)sa pagpapakababa ko sa aking sarili, upang kayo'y mangataas dahil sa ipinangaral ko (AF)sa inyo na walang bayad ang evangelio ng Dios?
8 Aking sinamsaman ang ibang mga iglesia, sa pagtanggap ko ng upa sa kanila, upang ipangasiwa ko sa inyo;
9 At pagka ako'y kaharap ninyo at ako'y nagkukulang ng ikabubuhay, ako'y hindi naging pasan (AG)sa kanino man; sapagka't mga kapatid nang sila'y manggaling sa Macedonia (AH)ay tumakip ng aming pangangailangan; at sa lahat ng mga bagay ay pinagingatan kong huwag maging pasanin ninyo, at magiingat nga ako.
10 Kung paanong nasa akin ang katotohanan ni Cristo, sinoman ay hindi makapipigil sa akin sa pagmamapuring ito sa mga dako ng Acaya.
11 Bakit? (AI)sapagka't hindi ko baga kayo iniibig? Nalalaman ng Dios.
12 Datapuwa't ang aking ginagawa ay siya kong gagawin, (AJ)upang maputol ko ang kadahilanan sa mga nagnanasa ng kadahilanan; upang sa anomang ipinagmamapuri nila ay mangasumpungan sila na gaya namin.
13 Sapagka't ang mga gayong tao (AK)ay mga bulaang apostol, mga magdarayang (AL)manggagawa, na nangagpapakunwaring mga apostol ni Cristo.
14 At hindi katakataka: sapagka't si Satanas (AM)man ay nagpapakunwaring anghel ng kaliwanagan.
15 Hindi malaking bagay nga na ang kaniyang mga ministro naman ay magpakunwari na waring (AN)ministro ng katuwiran; (AO)na ang kanilang wakas ay masasangayon sa kanilang mga gawa.
16 Muling sinasabi ko, (AP)Huwag isipin ng sinoman na ako'y mangmang; nguni't kung gayon, gayon ma'y tanggapin ninyo akong gaya ng isang mangmang, upang ako naman ay makapagmapuri ng kaunti.
17 Ang ipinangungusap ko ay (AQ)hindi ko ipinangungusap ayon sa Panginoon, kundi gaya ng sa kamangmangan, sa pagkakatiwalang ito sa pagmamapuri.
18 Yamang maraming nagmamapuri ayon sa laman, ako nama'y magmamapuri.
19 Sapagka't pinagtitiisan ninyo na (AR)may kasayahan ang mga mangmang, palibhasa'y marurunong kayo.
20 Sapagka't inyong pinagtitiisan ang sinoman, (AS)kung kayo'y inaalipin, kung kayo'y sinasakmal, kung kayo'y binibihag, kung siya'y nagpapalalo, kung kayo'y sinasampal sa mukha.
21 Sinasalita ko ang tungkol sa kapulaan, na wari ay naging mahina kami. Nguni't kung ang sinoman ay matapang sa anoman (nangungusap ako sa kamangmangan), ako'y matapang din naman.
22 Sila baga'y mga Hebreo? (AT)ako man. Sila baga'y mga (AU)Israelita? ako man. Sila baga'y binhi ni Abraham? ako man.
23 Sila baga'y mga (AV)ministro ni Cristo? (ako'y nangungusap na waring nasisira ang bait) lalo pa ako; (AW)sa pagpapagal ako'y lubhang sagana, sa mga bilangguan ay lubhang madalas, (AX)sa mga palo ay walang bilang, sa mga ikamamatay ay malimit.
24 Sa mga Judio ay makalimang tumanggap ako ng tigaapat na pung palo, kulang ng isa.
25 Makaitlong ako'y hinampas ng mga panghampas, (AY)minsan ako'y binato, makaitlong ako'y nabagbag, isang araw at isang gabi na ako'y nasa kalaliman ng dagat;
26 Sa mga paglalakbay ay madalas, sa mga kapanganiban sa mga ilog, sa mga kapanganiban sa mga tulisan, sa mga (AZ)kapanganiban sa aking mga kababayan, sa mga (BA)kapanganiban sa mga Gentil, sa mga kapanganiban (BB)sa bayan, sa mga kapanganiban sa mga ilang, sa mga kapanganiban sa dagat, sa mga kapanganiban sa gitna ng mga (BC)bulaang kapatid;
27 Sa pagpapagal at sa pagdaramdam, sa mga pagpupuyat ay madalas, sa gutom at uhaw, mga pagaayuno ay madalas, sa ginaw at kahubaran.
28 Bukod sa mga bagay na yaon, ay may umiinis sa akin sa araw-araw, ang (BD)kabalisahan dahil sa lahat ng mga iglesia.
29 Sino ang nanghina, (BE)at ako'y hindi nanghina? Sino ang napapatisod, at ako'y di nagdaramdam?
30 Kung kinakailangang ako'y magmapuri, (BF)ako'y magmamapuri sa mga bagay na nauukol sa aking kahinaan.
31 (BG)Ang Dios at Ama ng Panginoong Jesus, na mapalad magpakailan pa man, ang nakakaalam na ako'y hindi nagsisinungaling.
32 Sa Damasco ay binantayan (BH)ng gobernador na sakop ng haring Aretas ang bayan ng mga taga Damasco, upang ako'y hulihin:
33 At sa isang dungawan, ay napahugos ako sa kuta, sa isang balaong, at ako'y nakatanan sa kanilang mga kamay.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978