Read the New Testament in 24 Weeks
19 Pagkatapos ng mga bagay na ito ay (A)narinig ko ang gaya ng isang malaking tinig ng isang makapal na karamihan sa langit, na nagsasabi,
Aleluya; (B)Kaligtasan, at (C)kaluwalhatian, at kapangyarihan, ay nauukol sa ating Dios:
2 Sapagka't tunay at matuwid ang (D)kaniyang mga paghatol; sapagka't hinatulan niya (E)ang bantog na patutot, na siyang nagpasama sa lupa ng kaniyang pakikiapid, at (F)iginanti niya ang dugo ng kaniyang mga alipin sa pamamagitan ng kaniyang kamay.
3 At sila'y muling nangagsabi, Aleluya. (G)At ang usok niya ay napaiilanglang magpakailan kailan man.
4 At nangagpatirapa ang dalawangpu't apat na matatanda (H)at ang apat na nilalang na buhay, at nangagsisamba sa Dios na nakaupo sa luklukan, na nangagsasabi, (I)Siya nawa; Aleluya.
5 At lumabas ang isang tinig sa luklukan, na nagsasabi,
(J)Purihin ninyo ang ating Dios, ninyong lahat na mga lingkod niya, ninyong lahat na mga natatakot sa kaniya, maliliit at malalaki.
6 At narinig ko ang (K)gaya ng isang tinig ng isang makapal na karamihan, at (L)gaya ng lagaslas ng maraming tubig, at gaya ng ugong ng malalakas na kulog na nagsasabi,
Aleluya: sapagka't naghahari ang Panginoong ating Dios na Makapangyarihan sa lahat.
7 Tayo'y mangagalak at tayo'y mangagsayang mainam, at siya'y ating luwalhatiin; (M)sapagka't dumating ang pagkakasal ng Cordero, at ang (N)kaniyang asawa ay nahahanda na.
8 At (O)sa kaniya'y ipinagkaloob na (P)damtan ang kaniyang sarili ng mahalagang lino, makintab at tunay; sapagka't ang mahalagang lino ay siyang mga matuwid na gawa ng mga banal.
9 At sinasabi niya sa akin, Isulat mo, (Q)Mapapalad ang mga inanyayahan sa paghapon sa kasalan ng Cordero. At sinasabi niya sa akin, (R)Ang mga ito'y siyang tunay na mga salita ng Dios.
10 At (S)ako'y nagpatirapa sa kaniyang paanan upang siya'y aking sambahin. At sinasabi niya sa akin, (T)Ingatan mong huwag gawin iyan: ako'y kapuwa mo alipin at ng iyong mga kapatid (U)na mayroong patotoo ni Jesus: sumamba ka sa Dios: sapagka't (V)ang patotoo ni Jesus ay siyang (W)espiritu ng hula.
11 At nakita kong bukas ang (X)langit; at narito, ang isang (Y)kabayong maputi, at yaong nakasakay dito ay tinatawag na (Z)Tapat at (AA)Totoo; (AB)at sa katuwiran siya'y humahatol at nakikipagbaka.
12 At ang (AC)kaniyang mga mata ay ningas ng apoy, (AD)at sa kaniyang ulo ay maraming diadema; at siya'y (AE)may isang pangalang nakasulat, na sinoman ay di nakaaalam kundi siya rin.
13 At siya'y nararamtan (AF)ng damit na winisikan ng dugo: at ang kaniyang pangalan ay tinatawag na (AG)Ang Verbo ng Dios.
14 At ang mga hukbong (AH)nasa langit ay sumusunod sa kaniya na mga nakasakay sa mga kabayong puti, at nangararamtan ng mahalagang (AI)linong maputi at dalisay.
15 At (AJ)sa kaniyang bibig ay lumalabas ang isang tabak na matalas, upang sa pamamagitan nito'y sugatan niya ang mga bansa: at (AK)kaniyang paghaharian ng tungkod na bakal: at niyuyurakan (AL)niya ang pisaan ng ubas ng kabangisan ng kagalitan ng Dios na Makapangyarihan sa lahat.
16 At siya'y mayroong isang pangalang nakasulat sa kaniyang damit at sa kaniyang hita, (AM) Hari ng mga Hari at Panginoon ng mga Panginoon.
17 At nakita kong nakatayo ang isang anghel sa araw; na siya'y sumisigaw ng malakas na tinig, na nagsasabi sa lahat ng mga ibong lumilipad sa gitna ng himpapawid, (AN)Halikayo at mangagkatipon (AO)sa dakilang hapunan ng Dios;
18 Upang kayo'y (AP)makakain ng laman ng mga hari, at ng laman ng mga (AQ)pangulong kapitan, at ng laman ng mga taong makapangyarihan, at ng laman ng mga kabayo at ng mga nakasakay dito, at ng laman ng lahat ng mga taong laya at mga alipin man, at maliliit at malalaki.
19 At nakita ko (AR)ang hayop, at ang mga hari sa lupa, at ang kanilang mga hukbo, na nangagkakatipon (AS)upang makipagbaka laban doon sa nakasakay sa kabayo, at laban sa kaniyang hukbo.
20 At sinunggaban ang hayop, (AT)at kasama niya ang bulaang propeta na gumawa ng mga tanda (AU)sa harapan nito, na siyang (AV)ipinangdaya sa mga nagsitanggap ng tanda ng hayop at sa mga sumamba sa larawan nito: ang dalawang ito (AW)ay inihagis na buhay sa dagatdagatang apoy na nagliliyab sa asupre:
21 At ang mga iba ay pinatay sa tabak na lumalabas sa bibig (AX)niyaong nakasakay sa kabayo, at (AY)ang lahat ng mga ibon ay nangabusog ng mga laman nila.
20 At nakita ko ang isang anghel na nananaog mula sa langit, (AZ)na may susi ng kalaliman at isang malaking tanikala sa kaniyang kamay.
2 At sinunggaban niya (BA)ang dragon, (BB)ang matandang ahas, na siyang Diablo at Satanas, at ginapos na isang libong taon,
3 At siya'y ibinulid sa kalaliman at sinarhan, at (BC)tinatakan ito sa ibabaw niya, upang huwag ng magdaya sa mga bansa, hanggang sa maganap ang isang libong taon: pagkatapos nito ay kailangang siya'y pawalang kaunting panahon.
4 At nakakita ako ng mga (BD)luklukan, at may mga nagsisiluklok sa mga ito, (BE)sila'y pinagkalooban ng paghatol: at nakita ko (BF)ang mga kaluluwa ng mga pinugutan ng ulo dahil sa patotoo ni Jesus, at dahil sa salita ng Dios, at (BG)ang mga hindi sumamba sa hayop, o sa (BH)kaniyang larawan man, at hindi tumanggap ng tanda sa kanilang noo at sa kanilang kamay; at sila'y nangabuhay, at (BI)nagsipagharing kasama ni Cristo sa loob ng isang libong taon.
5 Ang mga iba sa mga patay ay hindi nangabuhay hanggang sa naganap ang isang libong taon. Ito (BJ)ang unang pagkabuhay na maguli.
6 Mapalad at banal ang makalakip sa unang pagkabuhay na maguli: sa mga ito'y walang kapangyarihan (BK)ang ikalawang kamatayan; kundi sila'y magiging (BL)mga saserdote ng Dios at ni Cristo, at mangaghaharing kasama niya sa loob ng isang libong taon.
7 At kung maganap na ang isang libong taon, si Satanas ay kakalagan (BM)sa kaniyang bilangguan,
8 At lalabas upang dumaya sa mga bansa na nasa apat na sulok ng lupa, (BN)sa Gog at sa Magog, (BO)upang tipunin sila sa pagbabaka: na ang bilang nila ay gaya ng buhangin sa dagat.
9 At (BP)nangagsipanhik sila sa kalaparan ng lupa, at kinubkob ang kampamento ng mga banal, at (BQ)ang bayang iniibig: at bumaba ang (BR)apoy mula sa langit, at sila'y nasupok.
10 At ang diablo na dumaya sa kanila ay ibinulid sa dagatdagatang apoy at asupre, (BS)na kinaroroonan din naman ng hayop at ng bulaang propeta; at sila'y pahihirapan araw at gabi magpakailan kailan man.
11 At nakita ko ang isang malaking luklukang maputi, at ang nakaluklok doon, na sa kaniyang harapan, (BT)ang lupa at ang langit ay tumakas; at (BU)walang nasumpungang kalalagyan nila.
12 At nakita ko ang mga patay, malalaki at maliliit, na nangakatayo sa harapan ng luklukan; at nangabuksan (BV)ang mga aklat: (BW)at nabuksan ang ibang aklat, na siyang aklat ng buhay: at ang mga patay ay hinatulan ayon sa mga bagay na nasusulat sa mga aklat, (BX)ayon sa kanilang mga gawa.
13 At ibinigay ng dagat ang mga patay na nasa kaniya; (BY)at ibinigay ng kamatayan at ng Hades ang mga patay na nasa kanila: at sila'y hinatulan bawa't tao ayon sa kanikaniyang mga gawa.
14 At (BZ)ang kamatayan at ang Hades ay ibinulid sa dagatdagatang apoy. Ito (CA)ang ikalawang kamatayan, sa makatuwid ay ang dagatdagatang apoy.
15 At kung ang sinoman ay hindi nasumpungang nakasulat sa aklat ng buhay, ay ibinulid sa dagatdagatang apoy.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978