Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

Read the New Testament in 24 Weeks

A reading plan that walks through the entire New Testament in 24 weeks of daily readings.
Duration: 168 days
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Version
Apocalipsis 7-8

At pagkatapos nito ay nakita ko ang apat na anghel na nakatayo sa apat na sulok ng lupa, (A)na pinipigil ang apat na hangin ng lupa, upang huwag humihip ang hangin sa lupa, o sa dagat man, o sa anomang punong kahoy.

At nakita ko ang ibang anghel na umaakyat mula sa sikatan ng araw, na taglay ang tatak (B)ng Dios na buhay: at siya'y sumigaw ng tinig na malakas sa apat na anghel na pinagkaloobang maipahamak ang lupa at ang dagat,

Na nagsasabi, (C)Huwag ninyong ipahamak ang lupa, kahit ang dagat, kahit ang mga punong kahoy, hanggang sa aming matatakan sa kanilang mga noo ang mga alipin ng ating Dios.

At narinig ko ang bilang (D)ng mga natatakan, na (E)isang daan at apat na pu't apat na libo, na natatakan, sa bawa't angkan ng mga anak ni Israel:

Sa angkan ni Juda ay labingdalawang libo ang tinatakan;
Sa angkan ni Ruben ay labingdalawang libo;
Sa angkan ni Gad ay labingdalawang libo;
Sa angkan ni Aser ay labingdalawang libo;
Sa angkan ni Neftali ay labingdalawang libo;
Sa angkan ni Manases ay labingdalawang libo;
Sa angkan ni Simeon ay labingdalawang libo;
Sa angkan ni Levi ay labingdalawang libo;
Sa angkan ni Isacar ay labingdalawang libo;
Sa angkan ni Zabulon ay labingdalawang libo;
Sa angkan ni Jose ay labingdalawang libo;
Sa angkan ni Benjamin ay labingdalawang libo ang tinatakan.

Pagkatapos ng mga bagay na ito ay tumingin ako, at narito, ang isang lubhang karamihan na di mabilang ng sinoman, (F)na mula sa bawa't bansa at lahat ng mga angkan at mga bayan at mga wika, na nakatayo sa harapan ng luklukan at sa harapan ng Cordero, na (G)nangadaramtan ng mapuputing damit, at may mga (H)palma sa kanilang mga kamay;

10 At nagsisigawan ng tinig na malakas, na nangagsasabi,

(I)Ang pagliligtas ay sumaaming Dios (J)na nakaupo sa luklukan, at sa Cordero.

11 At ang lahat ng mga anghel ay nangakatayo sa palibot ng luklukan, at ng matatanda at ng apat na nilalang na buhay; at sila'y nangagpatirapa sa harapan ng luklukan, at nangagsisamba sa Dios,

12 Na nangagsasabi,

(K)Siya nawa: Pagpapala at kaluwalhatian, at karunungan, at pagpapasalamat, at karangalan, at kapangyarihan, at kalakasan, nawa ang sumaaming Dios magpakailan kailan man. Siya nawa.

13 At sumagot ang isa sa matatanda na, nagsasabi sa akin, Ang mga ito na nangadaramtan ng mapuputing damit, ay sino-sino at saan nagsipanggaling?

14 At sinabi ko sa kaniya, Panginoon ko, Ikaw ang nakakaalam. At sinabi niya sa akin, Ang mga ito'y ang nanggaling sa malaking kapighatian, at (L)nangaghugas ng kanilang mga damit, at pinaputi sa dugo ng Cordero.

15 Kaya't sila'y nasa harapan ng luklukan ng Dios; at nangaglilingkod sa kaniya araw at gabi sa kaniyang templo: at siyang nakaupo sa luklukan, ay (M)lulukuban sila ng kaniyang tabernakulo.

16 Sila'y hindi na magugutom pa, (N)ni mauuhaw pa man; ni hindi na sila tatamaan ng araw, o ng anomang init:

17 Sapagka't ang Cordero na nasa gitna ng luklukan (O)ay siyang magiging pastor nila, at sila'y papatnugutan sa mga bukal ng tubig ng buhay: at (P)papahirin ng Dios ang bawa't luha ng kanilang mga mata.

At nang buksan niya (Q)ang ikapitong tatak, ay nagkaroon ng katahimikan sa langit na may kalahating oras.

At nakita ko ang pitong anghel na nangakatayo sa harapan ng Dios; at sila'y binigyan ng pitong (R)pakakak.

At dumating ang ibang anghel at tumayo sa harap ng dambana, na may hawak na (S)isang gintong pangsuob ng kamangyan; at binigyan siya ng maraming kamangyan, upang idagdag ito sa (T)mga panalangin ng lahat ng mga banal sa ibabaw (U)ng dambanang ginto, na nasa harapan ng luklukan.

At ang usok ng kamangyan, kalakip ng mga panalangin ng mga banal, ay napailanglang mula sa kamay ng anghel, sa harapan ng Dios.

At kinuha ng anghel ang pangsuob ng kamangyan; at (V)pinuno niya ng apoy ng dambana, at itinapon sa lupa: at nagkaroon ng mga kulog, at mga (W)tinig, at mga kidlat, at ng isang lindol.

At ang pitong anghel na may pitong pakakak ay nagsihanda upang magsihihip.

At humihip ang una, (X)at nagkaroon ng granizo at apoy, na may halong dugo, at (Y)itinapon sa lupa: at (Z)ang ikatlong bahagi ng lupa ay nasunog, at ang ikatlong bahagi ng mga punong kahoy ay nasunog, at ang lahat ng sariwang damo ay nasunog.

At humihip ang ikalawang anghel, (AA)at ang tulad sa isang malaking bundok na nagliliyab sa apoy ay nabulusok sa dagat: (AB)at ang ikatlong bahagi ng dagat (AC)ay naging dugo;

At namatay ang ikatlong bahagi ng mga nilalang na nasa dagat, na mga may buhay; at ang ikatlong bahagi sa mga daong ay nawalat.

10 At humihip ang ikatlong anghel, (AD)at nahulog mula sa langit ang isang malaking bituin, na nagliliyab na gaya ng isang sulo, (AE)at nahulog sa ikatlong bahagi ng mga ilog, at sa mga bukal ng tubig;

11 At ang pangalan ng bituin ay (AF)Ajenjo: at ang ikatlong bahagi ng tubig ay naging ajenjo; at maraming tao ay nangamatay dahil sa tubig, sapagka't mapait ang tubig.

12 At humihip ang ikaapat na anghel, at (AG)nasugatan ang ikatlong bahagi ng araw, at ang ikatlong bahagi ng buwan, at ang ikatlong bahagi ng bituin; upang magdilim ang ikatlong bahagi nila, at upang ang ikatlong bahagi ng maghapon ay huwag lumiwanag, at gayon din naman ang gabi.

13 At nakita ko, at narinig ko ang isang agila, na lumilipad sa pagitan ng langit, na nagsasabi ng malakas na tinig, (AH)Sa aba, sa aba, sa aba ng mga nananahan sa ibabaw ng lupa, dahil sa mga ibang tunog ng pakakak ng tatlong anghel, na magsisihihip pa.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978