Read the New Testament in 24 Weeks
16 At nagsilapit (A)ang mga Fariseo at mga Saduceo, na tinutukso siya na sa kaniya'y nagsisihiling na sila'y pagpakitaan ng isang tanda na mula sa langit.
2 Datapuwa't siya'y sumagot at sa kanila'y sinabi, (B)Sa kinahapunan, ay sinasabi ninyo, Bubuti ang panahon: sapagka't ang langit ay mapula.
3 At sa umaga, Ngayo'y uunos: sapagka't mapula at makulimlim ang langit. Kayo'y marurunong magsikilala ng anyo ng langit; datapuwa't hindi ninyo mangakilala ang mga tanda ng mga panahon.
4 Ang isang lahing masama at (C)mapangalunya ay humahanap ng tanda; at hindi siya bibigyan ng anomang tanda, kundi ng tanda ni Jonas. At sila'y iniwan niya, at yumaon.
5 At nagsidating ang mga alagad sa kabilang ibayo at nangakalimot na mangagdala ng tinapay.
6 At sinabi sa kanila ni Jesus, Kayo'y mangagingat at magsipangilag sa (D)lebadura ng mga Fariseo at mga Saduceo.
7 At sila'y nangagkatuwiranan sa kanilang sarili, na nagsasabi, Hindi tayo nangakapagbaon ng tinapay.
8 At nang matalastas ni Jesus ay sinabi, Oh kayong kakaunti ang pananampalataya, bakit kayo'y nangagbubulaybulay sa inyong sarili, sapagka't wala kayong tinapay?
9 Hindi pa baga ninyo natatalastas, (E)at hindi ninyo naaalaala ang limang tinapay sa limang libong lalake, at kung ilang bakol ang inyong nailigpit?
10 Ni yaong pitong tinapay (F)sa apat na libong lalake, at kung ilang bakol ang inyong nailigpit?
11 Ano't hindi ninyo napaguunawa na hindi ang sinabi ko sa inyo'y tungkol sa tinapay? Datapuwa't kayo'y mangagingat sa lebadura ng mga Fariseo at ng mga Saduceo.
12 Nang magkagayo'y kanilang natalastas na sa kanila'y hindi ipinagutos na sila'y magsipagingat sa lebadura ng tinapay, kundi sa mga aral ng mga Fariseo at ng mga Saduceo.
13 Nang dumating nga si Jesus sa mga sakop ng Cesarea ni Filipo, ay itinanong niya sa kaniyang mga alagad, na sinasabi, (G)Ano baga ang sabi ng mga tao kung sino ang Anak ng tao?
14 At kanilang sinabi, (H)Anang ilan, Si Juan Bautista; ang ilan, Si Elias; at ang mga iba, Si Jeremias, o isa sa mga propeta.
15 Kaniyang sinabi sa kanila, Datapuwa't, ano ang sabi ninyo kung sino ako?
16 At sumagot si Simon Pedro at sinabi, Ikaw ang Cristo, (I)Ang anak ng (J)Dios na buhay.
17 At sumagot si Jesus at sa kaniya'y sinabi, Mapalad ka, (K)Simon Bar-Jonas: sapagka't hindi ipinahayag sa iyo ito ng (L)laman at ng dugo, kundi ng aking Ama na nasa langit.
18 At sinasabi ko naman sa iyo, na (M)ikaw ay Pedro, at (N)sa ibabaw ng batong ito ay itatayo ko ang aking iglesia; at (O)ang mga pintuan ng Hades ay hindi magsisipanaig laban sa kaniya.
19 Ibibigay ko sa iyo (P)ang mga susi ng kaharian ng langit: (Q)at anomang iyong talian sa lupa ay tatalian sa langit; at anomang iyong kalagan sa lupa ay kakalagan sa langit.
20 Nang magkagayo'y ipinagbilin niya (R)sa mga alagad na huwag sabihin kanino man na siya ang Cristo.
21 Mula ng panahong yao'y nagpasimulang (S)ipinakilala ni Jesus sa kaniyang mga alagad, na kinakailangang (T)siya'y pumaroon sa Jerusalem, at magbata ng maraming bagay sa matatanda at sa mga pangulong saserdote at sa mga eskriba, at siya'y patayin, at (U)muling ibangon sa ikatlong araw.
22 At isinama siya ni Pedro, at nagpasimulang siya'y pinagwikaan, na nagsasabi, Panginoon, malayo ito sa iyo: kailan man ay hindi mangyayari ito sa iyo.
23 Datapuwa't lumingon siya, at sinabi kay Pedro, Lumagay ka sa likuran ko, Satanas: ikaw ay tisod sa akin: sapagka't hindi mo pinagiisip ang mga bagay ng Dios, kundi ang mga bagay ng tao.
24 Nang magkagayo'y (V)sinabi ni Jesus sa kaniyang mga alagad, Kung ang sinomang tao'y ibig sumunod sa akin ay tumanggi sa kaniyang sarili, at pasanin ang kaniyang krus, at sumunod sa akin.
25 Sapagka't (W)ang sinomang magibig iligtas ang kaniyang buhay ay mawawalan nito: at ang sinomang mawalan ng kaniyang buhay dahil sa akin ay makakasumpong niyaon.
26 Sapagka't ano ang pakikinabangin ng tao, kung makamtan niya ang buong sanglibutan at mawawalan siya ng kaniyang buhay? o ano ang ibibigay ng tao na katumbas sa kaniyang buhay?
27 Sapagka't (X)ang Anak ng tao ay pariritong nasa kaluwalhatian ng kaniyang Ama na kasama ang kaniyang mga anghel; at kung magkagayo'y bibigyan ang bawa't tao ayon sa kaniyang mga gawa.
28 Katotohanang sinasabi ko sa inyo, May ilan sa nangakatayo rito, na hindi (Y)matitikman sa anomang paraan ang kamatayan, (Z)hanggang sa kanilang makita ang Anak ng tao na pumaparito sa kaniyang kaharian.
17 At (AA)pagkaraan ng anim na araw, ay isinama ni Jesus si (AB)Pedro, at si Santiago, at si Juan na kapatid niya, at sila'y dinalang bukod sa isang mataas na bundok:
2 At nagbagong-anyo siya sa harap nila; at nagliwanag ang kaniyang mukha na katulad ng araw, at pumuting tulad sa ilaw ang kaniyang mga damit.
3 At narito, napakita sa kanila si Moises at si Elias na nakikipagusap sa kaniya.
4 At sumagot si Pedro, at sinabi kay Jesus, Panginoon, mabuti sa atin ang tayo'y dumito: kung ibig mo, ay gagawa ako rito ng tatlong tabernakulo; isa ang sa iyo, at isa ang kay Moises, at isa ang kay Elias.
5 Samantalang nagsasalita pa siya, (AC)narito, ang isang maningning na alapaap ay lumilim sa kanila: at narito, ang isang tinig na mula sa alapaap, na nagsasabi, (AD)Ito ang sinisinta kong Anak, na siya kong kinalulugdan; siya ang inyong pakinggan.
6 At nang marinig ito ng mga alagad, ay nangasubasub sila, at lubhang nangatakot.
7 At lumapit si Jesus at sila'y tinapik, at sinabi, Mangagbangon kayo, at (AE)huwag kayong mangatakot.
8 At sa paglingap ng kanilang mga mata, ay wala silang nakitang sinoman, kundi si Jesus lamang.
9 (AF)At habang sila'y nagsisibaba mula sa bundok, ay iniutos (AG)sa kanila ni Jesus, na nagsasabi, Huwag ninyong sabihin kanino mang tao ang pangitain, hanggang sa ang Anak ng tao ay ibangon sa mga patay.
10 At tinanong siya ng kaniyang mga alagad, na nangagsasabi, (AH)Bakit nga sinasabi ng mga eskriba na kinakailangang pumarito muna si Elias?
11 At sumagot siya, at sinabi, Katotohanang si Elias ay paririto, at (AI)isasauli ang lahat ng mga bagay:
12 Datapuwa't sinasabi ko sa inyo, na naparito na si Elias, at hindi nila siya nakilala, (AJ)kundi ginawa nila sa kaniya ang anomang kanilang inibig. Gayon din naman ang Anak ng tao ay magbabata sa kanila.
13 Nang magkagayo'y napagunawa ng mga alagad na si Juan Bautista ang sa kanila'y sinasabi niya.
14 At (AK)pagdating nila sa karamihan, ay lumapit sa kaniya ang isang lalake, na sa kaniya'y lumuhod, at nagsasabi,
15 Panginoon, mahabag ka sa aking anak na lalake: sapagka't siya'y (AL)himatayin, at lubhang naghihirap; sapagka't madalas na siya'y nagsusugba sa apoy, at madalas sa tubig.
16 At siya'y dinala ko sa iyong mga alagad, at hindi nila siya mapagaling.
17 At sumagot si Jesus at sinabi, Oh lahing walang pananampalataya at (AM)taksil, hanggang kailan titiisin ko kayo? dalhin ninyo siya rito sa akin.
18 At pinagwikaan siya ni Jesus; at ang demonio ay lumabas sa kaniya: at ang bata'y gumaling mula nang oras ding yaon.
19 Nang magkagayo'y nagsilapit na (AN)bukod ang mga alagad kay Jesus, at nangagsabi, Bakit baga hindi namin napalabas yaon?
20 At sinabi niya sa kanila, Dahil sa kakauntian ng inyong pananampalataya: (AO)sapagka't katotohanang sinasabi ko sa inyo, Kung magkaroon kayo ng pananampalataya na kasinglaki (AP)ng butil ng binhi ng mostasa, ay masasabi ninyo sa bundok na (AQ)ito, Lumipat ka mula rito hanggang doon; at ito'y lilipat; at sa inyo'y hindi may pangyayari.[a] (AR)(AS)
22 At (AT)samantalang sila'y nangakahimpil sa Galilea, ay sinabi sa kanila ni Jesus, (AU)Ang Anak ng tao ay ibibigay sa mga kamay ng mga tao;
23 At siya'y papatayin nila, at (AV)sa ikatlong araw ay siya'y muling ibabangon. At sila'y lubhang nangamanglaw,
24 At (AW)pagdating nila sa Capernaum, ay nangagsilapit kay Pedro ang mga maniningil ng kalahating siklo, at nangagsabi, Hindi baga (AX)pinagbabayaran ng inyong guro ang kalahating siklo?
25 Sinabi niya, Oo. At nang pumasok siya sa bahay, ay pinangunahan siya ni Jesus, na nagsasabi, Anong akala mo, Simon? ang mga hari sa lupa, kanino baga sila nanganiningil ng (AY)kabayaran ng (AZ)buwis? sa kanilang mga anak baga o sa nangaiiba?
26 At nang sabihin niya, Sa nangaiiba, ay sinabi sa kaniya ni Jesus, Kung gayo'y hindi nangagbabayad ang mga anak.
27 Datapuwa't, baka katisuran tayo nila, ay pumaroon ka sa dagat, at ihulog mo ang kawil, at kunin mo ang unang isdang lumitaw; at pagka naibuka mo na ang kaniyang bibig, ay masusumpungan mo ang isang siklo: kunin mo, at ibigay mo sa kanila sa ganang akin at sa iyo.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978