Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

New Testament in a Year

Read the New Testament from start to finish, from Matthew to Revelation.
Duration: 365 days
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version (FSV)
Version
Juan 9:24-41

24 Sa pangalawang pagkakataon, tinawag nilang muli ang lalaking dating bulag, at sinabi sa kanya, “Magbigay-luwalhati ka sa Diyos! Alam naming makasalanan ang taong iyon.” 25 Sumagot siya, “Hindi ko alam kung siya nga ay makasalanan. Isang bagay ang nalalaman ko, na ako ay dating bulag, at ngayon ay nakakakita na.” 26 Sinabi nila sa kanya, “Ano ang ginawa niya sa iyo? Paano niya pinagaling ang iyong mga mata?” 27 Sumagot siya sa kanila, “Sinabi ko na sa inyo, ngunit ayaw ninyong makinig. Bakit gusto ninyong marinig ito ulit? Gusto rin ba ninyong maging mga alagad niya?” 28 Kaya't pinagsabihan nila siya nang masakit, “Ikaw ay alagad niya, ngunit kami ay mga alagad ni Moises. 29 Alam naming nangusap ang Diyos kay Moises, ngunit ang taong iyon, hindi namin alam kung saan siya galing.” 30 Sumagot ang lalaki, “Nakapagtataka naman ito! Hindi ninyo alam kung saan siya galing, pero siya ang nagpagaling ng mga mata ko. 31 Alam nating ang Diyos ay hindi nakikinig sa mga makasalanan, at siya ay nakikinig sa sumasamba sa kanya at gumagawa ng kalooban niya. 32 Simula pa noon, wala pang nabalitaang sinuman na nagpagaling ng mga mata ng isang ipinanganak na bulag. 33 Kung ang taong ito ay hindi galing sa Diyos, wala siyang magagawa.” 34 Sumagot sila sa kanya, “Ipinanganak kang makasalanan at tinuturuan mo kami?” At pinalayas nila ang lalaki.

35 Narinig ni Jesus na itinaboy nila ang lalaki, at nang matagpuan niya ito'y sinabi niya, “Naniniwala ka ba sa Anak ng Tao?” 36 Sumagot ang lalaki, “Sino siya, ginoo? Sabihin mo sa akin upang maniwala ako sa kanya.” 37 Sinabi ni Jesus sa kanya, “Nakita mo na siya, siya ngayon ang nagsasalita sa iyo.” 38 Sinabi niya, “Panginoon, naniniwala ako.” At sinamba niya si Jesus. 39 Sinabi ni Jesus, “Nagpunta ako rito sa sanlibutan upang humatol; at upang ang mga hindi nakakakita ay makakita, at ang mga nakakakita ay maging bulag.” 40 Narinig ito ng ilan sa mga Fariseong naroon kaya sinabi sa kanya, “Bulag din ba kami?” 41 Sinabi sa kanila ni Jesus, “Kung kayo ay bulag, hindi sana kayo nagkasala. Ngunit ngayong sinasabi ninyong nakakakita kayo, ang kasalanan ay nananatili sa inyo.

Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version (FSV)

Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.