M’Cheyne Bible Reading Plan
5 At pagkatapos nito, si Moises at si Aaron ay nagsipasok, at sinabi kay Faraon, Ganito ang sabi ng Panginoon, ng Dios ng Israel, Bayaan mong ang aking bayan ay yumaon upang ipagdiwang nila ako ng isang (A)kapistahan sa ilang.
2 At sinabi ni Faraon, (B)Sino ang Panginoon na aking pakikinggan ang kaniyang tinig, upang pahintulutan kong yumaon ang Israel? Hindi ko nakikilala ang Panginoon at saka hindi ko pahihintulutang yumaon ang Israel.
3 At kanilang sinabi, (C)Ang Dios ng mga Hebreo ay nakipagtagpo sa amin; pahintulutan mo nga kaming maglakbay na tatlong araw sa ilang, at maghain sa Panginoon naming Dios, baka hulugan niya kami ng salot o ng tabak.
4 At sinabi sa kanila ng hari sa Egipto, Bakit kinakalagan ninyo, Moises at Aaron, ang bayan sa kanilang mga gawain? pumaroon kayo sa (D)mga atang sa inyo.
5 At sinabi ni Faraon, Narito, ang mga tao sa lupain ay marami na ngayon, at inyong pinapagpapahinga sila sa mga atang sa kanila.
Dinagdagan ni Faraon ang pahirap sa mga tao.
6 At ng araw ring yaon ay nagutos si Faraon sa mga tagapagpaatag sa bayan at sa kanilang mga puno, na sinasabi,
7 Huwag na ninyong bibigyan ang bayan, ng dayami sa paggawa ng laryo, na gaya ng dati: sila ang pumaroon at magtipon ng dayami sa ganang kanilang sarili.
8 At ang bilang ng mga laryo, na kanilang ginagawang dati ay siya rin ninyong iaatang sa kanila; wala kayong babawasin: sapagka't sila'y mga pagayongayon; kaya't sila'y dumadaing, na nagsasabi, Bayaan mo kaming yumaon at maghain sa aming Dios.
9 Pabigatin ninyo ang gawain ng mga lalake upang kanilang pagpagalan at huwag nilang pakitunguhan ang mga kabulaanang salita.
10 At ang mga tagapagpaatag sa bayan, ay nagsilabas, at kanilang sinalita sa bayan, na sinasabi, Ganito ang sabi ni Faraon, Hindi ko kayo bibigyan ng dayami.
11 Yumaon kayo ng inyong sarili, kumuha kayo ng dayami kung saan kayo makakakuha: sapagka't walang babawasin kaunti man sa inyong gawain.
12 Kaya't ang bayan ay nangalat sa buong lupain ng Egipto, na humahanap ng pinagputulan ng trigo na panghalili sa dayami.
13 At hinihigpitan sila ng mga tagapagpaatag, na sinasabi, Tapusin ninyo ang inyong mga gawa, ang inyong gawain sa araw-araw, na gaya nang mayroong kayong dayami.
14 At ang mga pinuno sa mga anak ni Israel na ipinaglalagay sa kanila ng mga tagapagpaatag ni Faraon, ay nangapalo, at sa kanila'y sinabi, Bakit hindi ninyo tinapos ang inyong gawain kahapon at ngayon, sa paggawa ng laryo, na gaya ng dati?
15 Nang magkagayo'y ang mga pinuno sa mga anak ni Israel ay naparoon at dumaing kay Faraon, na nagsasabi, Bakit mo ginaganyan ang iyong mga alipin?
16 Walang anomang dayami, na ibinibigay sa iyong mga alipin, at kanilang sinasabi sa amin, Gumawa kayo ng laryo: at, narito, ang iyong mga alipin ay nangapapalo; nguni't ang sala'y nasa iyong sariling bayan.
17 Datapuwa't kaniyang sinabi, Kayo'y mga pagayongayon, kayo'y mga pagayongayon: kaya't inyong sinasabi, Bayaan mo kaming yumaon at maghain sa Panginoon.
18 Kayo nga'y yumaon ngayon at gumawa; sapagka't walang anomang dayaming ibibigay sa inyo, at gayon ma'y inyong ibibigay ang bilang ng mga laryo.
Nawawalan ng loob ang mga tao.
19 At nakita ng mga pinuno ng mga anak ni Israel, na sila'y nasa masamang kalagayan, nang sabihin, Walang mababawas na anoman sa inyong mga laryo sa inyong gawain sa araw-araw.
20 At kanilang nasalubong si Moises at si Aaron na nagsitayo sa daan, pagkapanggaling kay Faraon:
21 At sinabi nila sa kanila, (E)Kayo nawa'y tunghan ng Panginoon, at hatulan; sapagka't ang aming katayuan ay ginawa mong (F)nakamumuhi sa mga mata ni Faraon, at sa mga mata ng kaniyang mga lingkod, na naglagay ng tabak sa kanilang kamay upang kami ay patayin.
22 At si Moises ay bumalik sa Panginoon, at nagsabi, Panginoon, bakit mo ginawan ng kasamaan ang bayang ito? bakit mo sinugo ako?
23 Sapagka't mula nang ako'y pumaroon kay Faraon na magsalita sa iyong pangalan, ay kaniyang ginawan ng kasamaan ang bayang ito: at ni hindi mo man iniligtas ang iyong bayan.
8 At nangyari pagkatapos ng kaunting panahon, na siya'y naglalakad sa mga bayan at mga nayon, na ipinangangaral at dinadala ang mabubuting balita ng kaharian ng Dios, at kasama niya ang labingdalawa,
2 At ang (A)ilang babae na pinagaling sa masasamang espiritu at sa mga sakit, si Maria, na tinatawag na Magdalena, na sa kaniya'y pitong demonio ang nagsilabas,
3 At (B)si Juana na asawa ni Chuza, katiwala ni Herodes, at si Susana, at iba pang marami na ipinaglilingkod sa kanila ang kanilang tinatangkilik.
4 At (C)nang magkatipon ang malaking karamihang tao, at ang mga mula sa bawa't bayan na nagsadya sa kaniya, ay nagsalita siya sa pamamagitan ng isang talinghaga:
5 Ang manghahasik ay yumaon upang maghasik ng kaniyang binhi: at sa kaniyang paghahasik ang ilan ay nangahulog sa tabi ng daan; at napagyapakan, at ito'y kinain ng mga ibon sa langit.
6 At ang iba'y nahulog sa batuhan; at pagsibol, ay natuyo, sapagka't walang halumigmig.
7 At ang iba'y nahulog sa mga dawagan; at tumubong kasama ang mga dawag, at yao'y ininis.
8 At ang iba'y nahulog sa mabuting lupa, at tumubo at nagbunga ng tigiisang daan. Pagkasabi niya ng mga bagay na ito, siya ay sumigaw, Ang may mga pakinig na ipakikinig, ay makinig.
9 At tinanong siya ng kaniyang mga alagad, kung ano kaya ang talinghagang ito.
10 At sinabi niya, Sa inyo'y ipinagkaloob ang mangakaalam ng mga hiwaga ng kaharian ng Dios: datapuwa't sa mga iba'y sa mga talinghaga; (D)upang kung magsitingin ay huwag silang mangakakita, at mangakarinig ay huwag silang mangakaunawa.
11 (E)Ito ang talinghaga: Ang binhi ay ang salita ng Dios.
12 At ang mga sa tabi ng daan, ay ang nangakinig; kung magkagayo'y dumarating ang diablo, at inaalis ang salita sa kanilang puso, upang huwag silang magsisampalataya at mangaligtas.
13 At ang mga sa batuhan, ay yaong mga pagkarinig, ay tinatanggap na may galak ang salita; at ang mga ito'y walang ugat, na sila sa sangdaling panaho'y nagsisisampalataya, at sa panahon ng tukso ay nagsisihiwalay.
14 At ang nahulog sa dawagan, ay ito ang nangakinig, at samantalang sila'y nagsisiyaon sa kanilang lakad ay iniinis sila ng mga pagsusumakit at mga kayamanan at mga kalayawan sa buhay na ito, at hindi nangagbubunga ng kasakdalan.
15 At ang sa mabuting lupa ay ang mga pusong timtiman at mabuti, na iniingatan ang salita pagkarinig, at nangagbubungang (F)may pagtitiis.
16 At walang taong (G)pagkapaningas niya ng ilawan ay tinatakpan ng isang banga, o inilalagay kaya ito sa ilalim ng isang higaan; kundi inilalagay ito sa talagang lalagyan, upang makita ng nagsisipasok ang ilaw.
17 Sapagka't walang bagay na natatago, (H)na di mahahayag; o walang lihim, na di makikilala at mapapasa liwanag.
18 Ingatan ninyo kung paano ang inyong pakikinig: (I)sapagka't sino mang mayroon ay bibigyan; at ang sinomang wala, pati ng inaakala niyang nasa kaniya ay aalisin.
19 (J)At nagsiparoon sa kaniya ang kaniyang ina at mga kapatid, at sila'y hindi mangakalapit sa kaniya dahil sa karamihan ng tao.
20 At may nagsabi sa kaniya, Nangakatayo sa labas ang iyong ina at iyong mga kapatid, na ibig nilang makita ka.
21 Datapuwa't siya'y sumagot, at sinabi sa kanila, Ang aking ina at ang aking mga kapatid ay (K)itong nangakikinig ng salita ng Dios, at ginagawa.
22 (L)Nangyari nga sa mga araw na yaon, na siya'y lumulan sa isang daong, siya at ang kaniyang mga alagad; at sinabi niya sa kanila, Magsitawid tayo sa kabilang ibayo ng (M)dagatdagatan: at sila'y nagsitulak.
23 Datapuwa't samantalang sila'y nangaglalayag, siya'y nakatulog: at bumugso ang isang unos ng hangin sa dagatdagatan; at sila'y nangatitigib ng tubig, at nangasa kapanganiban.
24 At sila'y nangagsilapit sa kaniya at siya'y ginising, na nangagsasabi, Guro, guro, tayo'y mangamamatay. At siya'y gumising, at sinaway ang hangin at ang galit ng tubig: at nangagsitigil, at humusay ang panahon.
25 At sinabi niya sa kanila, Saan naroon ang inyong pananampalataya? At palibhasa'y nangatakot sila'y nagsisipanggilalas, na sinasabi ng isa sa iba, Sino nga ito, na siya'y naguutos maging sa hangin at sa tubig, at siya'y tinatalima nila?
26 At sila'y nagsidating (N)sa lupain ng mga Gadareno, na nasa tapat ng Galilea.
27 At pagkalunsad niya sa lupa, siya'y sinalubong ng (O)isang lalaking galing sa bayan, na may mga demonio; at malaong panahon na hindi siya nagdaramit, at hindi tumatahan sa bahay, kundi sa mga libingan.
28 At nang makita niya si Jesus, siya'y sumigaw, at nagpatirapa sa harap niya, at sinabi ng malakas na tinig, Ano ang pakialam ko sa iyo, Jesus, ikaw na Anak ng Dios na Kataastaasan? Ipinamamanhik ko sa iyo, na huwag mo akong pahirapan.
29 Sapagka't ipinagutos niya sa karumaldumal na espiritu na lumabas sa tao. Sapagka't madalas siyang inaalihan: at siya'y binabantayan at gapos ng mga tanikala at mga damal; at pagka pinapatid ang gapos ay siya'y itinataboy ng demonio sa mga ilang.
30 At tinanong siya ni Jesus, Ano ang pangalan mo? At sinabi niya, Pulutong; sapagka't maraming demonio ang nagsipasok sa kaniya.
31 At ipinamamanhik nila sa kaniya na huwag silang paparoonin sa (P)kalalimlaliman.
32 Doon nga'y may isang kawan ng maraming baboy na nagsisipanginain sa bundok: at ipinamanhik nila sa kaniya na pabayaang sila'y magsipasok sa mga yaon. At sila'y pinahintulutan niya.
33 At nagsilabas ang mga demonio sa tao, at nagsipasok sa mga baboy: at ang kawan ay napadaluhong sa bangin hanggang sa dagatdagatan, at nangalunod.
34 At nang makita ng nagsisipagalaga ng mga yaon ang nangyari, ay nagsitakas, at isinaysay sa bayan at sa bukid.
35 At sila'y nagsilabas upang makita ang nangyari; at nagsilapit sila kay Jesus, at kanilang naratnan (Q)sa paanan ni Jesus ang taong nilabasan ng mga demonio, na nakaupo, (R)may pananamit, at matino ang kaniyang bait: at sila'y nangatakot.
36 At sa kanila'y isinaysay ng nangakakita kung paanong pinagaling ang inaalihan ng mga demonio.
37 At ipinamanhik sa kaniya ng lahat ng mga tao sa palibotlibot ng lupain ng mga Gadareno na siya'y umalis sa kanila, sapagka't sila'y napipigilan ng malaking takot: at siya'y lumulan sa daong, at nagbalik.
38 Datapuwa't namanhik sa kaniya (S)ang taong nilabasan ng mga demonio, na siya'y ipagsama niya: datapuwa't siya'y pinaalis niya, na sinasabi,
39 Umuwi ka sa iyong bahay, at ipahayag mo kung gaano kadakilang mga bagay ang ginawa ng Dios sa iyo. At siya'y yumaon ng kaniyang lakad, na ibinabalita sa buong bayan, kung gaanong kadakilang mga bagay ang sa kaniya'y ginawa ni Jesus.
40 At sa (T)pagbalik ni Jesus, ay sinalubong siyang may galak ng karamihan; sapagka't hinihintay siya nilang lahat.
41 At narito, lumapit ang isang lalaking (U)nagngangalang Jairo, at siya'y isang pinuno sa sinagoga: at siya'y nagpatirapa sa paanan ni Jesus, at ipinamamanhik sa kaniya, na pumasok sa kaniyang bahay;
42 Sapagka't siya'y may (V)isang bugtong na anak na babae, na may labingdalawang taong gulang, at siya'y naghihingalo. Datapuwa't samantalang siya'y lumalakad ay sinisiksik siya ng karamihan.
43 At isang babae na may labingdalawang taon nang inaagasan, na ginugol sa mga manggagamot ang lahat niyang pagkabuhay, at sinoma'y walang makapagpagaling sa kaniya,
44 Ay lumapit sa kaniyang likuran, at hinipo ang laylayan ng kaniyang damit at pagdaka'y naampat ang kaniyang agas.
45 At sinabi ni Jesus, Sino ang humipo sa akin? At nang tumatanggi ang lahat, ay sinabi ni Pedro, at ng mga kasamahan niya, Guro, iniimpit ka at sinisiksik ka ng karamihan.
46 Datapuwa't sinabi ni Jesus, May humipo sa akin, sapagka't naramdaman ko na may umalis na bisa sa akin.
47 At nang makita ng babae na siya'y hindi nalingid, ay lumapit siya na nangangatal, at nagpatirapa sa harapan niya na isinasaysay sa harapan ng buong bayan ang dahil kung bakit siya'y hinipo niya, at kung paanong gumaling siya kapagdaka.
48 At sinabi niya sa kaniya, Anak, pinagaling (W)ka ng iyong pananampalataya; (X)yumaon kang payapa.
49 Samantalang nagsasalita pa siya ay dumating ang isa na mula sa bahay ng pinuno sa sinagoga, na nagsasabi, Patay na ang anak mong babae; huwag mong bagabagin ang Guro.
50 Datapuwa't nang marinig ito ni Jesus ay sumagot sa kaniya, Huwag kang matakot: manampalataya ka lamang, at siya'y gagaling.
51 At nang dumating siya sa bahay, ay hindi niya ipinahintulot na pumasok na kasama niya ang sinomang tao, maliban na kay Pedro, at kay Juan, at kay Santiago, at ang ama ng dalaga at ang ina nito.
52 At tumatangis ang lahat, at pinananambitanan ang dalaga: datapuwa't sinabi niya, Huwag kayong magsitangis; sapagka't siya'y hindi patay, kundi natutulog.
53 At tinawanan nila siya na nililibak, na napagaalamang siya'y patay na.
54 Datapuwa't tinangnan niya sa kamay, at tinawag, na sinasabi, Dalaga, magbangon ka.
55 At nagbalik ang kaniyang espiritu, at siya'y nagbangon pagdaka: at kaniyang ipinagutos na siya'y bigyan ng pagkain.
56 At nangagtaka ang kaniyang mga magulang: datapuwa't ipinagbilin niya (Y)sa kanila na huwag sabihin kanino man ang kaniyang ginawa.
Ang ikatlong pagsasalita ni Eliphaz. Pinaalalahanan niya si Job na huwag tumutol sa Panginoon, kundi bumalik sa Kaniya.
22 Nang magkagayo'y sumagot si Eliphaz na Temanita, at nagsabi,
2 (A)Mapapakinabangan ba ang tao ng Dios?
Tunay na siyang pantas ay nakikinabang sa kaniyang sarili.
3 May kasayahan ba sa Makapangyarihan sa lahat na ikaw ay matuwid?
O may pakinabang ba sa kaniya na iyong pinasasakdal ang iyong mga lakad?
4 Dahil ba sa iyong takot sa kaniya na kaniyang sinasaway ka,
Na siya'y pumasok sa iyo sa kahatulan?
5 Hindi ba malaki ang iyong kasamaan?
Ni wala mang anomang wakas sa iyong mga kasamaan.
6 Sapagka't ikaw ay (B)kumuha ng sangla ng iyong kapatid sa wala,
At iyong hinubdan ng kanilang suot ang hubad.
7 Ikaw ay hindi nagbigay ng tubig sa pagod upang uminom,
At (C)ikaw ay nagkait ng tinapay sa gutom.
8 Nguni't tungkol sa makapangyarihang tao, siya'y nagtatangkilik ng lupa;
At ang marangal na tao, ay tumatahan doon.
9 (D)Iyong pinayaong walang dala ang mga babaing bao,
At ang mga kamay ng ulila ay nangabali.
10 Kaya't ang (E)mga silo ay nangasa palibot mo,
At biglang takot ay bumabagabag sa iyo,
11 O kadiliman, upang huwag kang makakita.
(F)At kasaganaan ng tubig ay tumatabon sa iyo.
12 Hindi ba ang Dios ay nasa kaitaasan ng langit?
At, narito, ang kataasan ng mga bituin, pagkataastaas nila!
13 At iyong sinasabi, (G)Anong nalalaman ng Dios?
Makahahatol ba siya sa salisalimuot na kadiliman?
14 Masinsing alapaap ang tumatakip sa kaniya, na siya'y hindi nakakakita;
At siya'y lumalakad sa (H)balantok ng langit.
15 Iyo bang pagpapatuluyan ang dating daan,
Na nilakaran ng mga masamang tao?
16 (I)Na siyang mga naalis bago dumating ang kanilang kapanahunan.
Na ang patibayan ay nahuhong parang agos:
17 Na nagsabi sa Dios: Lumayo ka sa amin;
At, Anong magagawa sa amin ng Makapangyarihan sa lahat?
18 Gayon ma'y pinuno niya ang kanilang mga bahay ng mga mabuting bagay;
(J)Nguni't ang payo ng masama ay malayo sa akin.
19 (K)Nakikita ng mga matuwid at nangatutuwa;
At tinatawanang mainam ng walang sala:
20 Na nagsasabi, Walang pagsalang silang nagsisibangon laban sa atin ay nahiwalay,
At ang nalabi sa kanila ay sinupok ng apoy.
21 Makipagkilala ka sa kaniya, at ikaw ay mapayapa:
Anopa't ang mabuti ay darating sa iyo.
22 Iyong tanggapin, isinasamo ko sa iyo, ang kautusan mula sa kaniyang bibig,
At ilagak mo ang kaniyang mga salita sa iyong puso.
23 Kung ikaw ay bumalik sa Makapangyarihan sa lahat, ay matatayo ka;
Kung iyong ilayo ang kalikuan sa iyong mga tolda.
24 At ilagay mo ang iyong kayamanan sa alabok,
At ang ginto ng Ophir sa gitna ng mga bato ng mga batis:
25 At ang Makapangyarihan sa lahat ay magiging iyong kayamanan,
At mahalagang pilak sa iyo.
26 Sapagka't ikaw ay (L)magagalak nga ng iyong sarili sa Makapangyarihan sa lahat,
At iyong itataas ang iyong mukha sa Dios.
27 (M)Ikaw ay dadalangin sa kaniya, at kaniyang didinggin ka:
At iyong babayaran ang iyong mga panata.
28 Ikaw nama'y magpapasiya ng isang bagay, at ito'y matatatag sa iyo;
At liwanag ay sisilang sa iyong mga daan.
29 Pagka inilulugmok ka nila, ay iyong sasabihin: Magpakataas;
At ililigtas niya (N)ang mapagpakumbabang tao.
30 Kaniyang ililigtas, pati ng hindi banal:
Oo, siya'y maliligtas sa kalinisan ng iyong mga kamay.
9 Hindi baga ako'y malaya? (A)hindi baga ako'y apostol? (B)hindi ko baga nakita si Jesus na Panginoon natin? (C)hindi baga kayo'y gawa ko sa Panginoon?
2 Kung sa iba'y hindi ako apostol, sa inyo man lamang ako'y gayon; sapagka't (D)ang tatak ng aking pagkaapostol ay kayo sa Panginoon.
3 Ito ang aking pagsasanggalang sa mga nagsisiyasat sa akin.
4 (E)Wala baga kaming matuwid na magsikain at magsiinom?
5 Wala baga kaming matuwid na magsipagsama ng (F)isang asawa na sumasampalataya, gaya ng iba't ibang mga apostol, at (G)ng mga kapatid ng Panginoon, at ni (H)Cefas?
6 O ako baga lamang at si Bernabe ang walang matuwid na magsitigil ng paggawa?
7 Sinong kawal ang (I)magpakailan pa man ay naglilingkod sa kaniyang sariling gugol? sino ang (J)nagtatanim ng isang ubasan, at hindi kumakain ng bunga niyaon? o sino ang nagpapakain sa kawan, at hindi kumakain ng gatas ng kawan?
8 Ang mga ito baga'y sinasalita ko (K)ayon sa kaugalian lamang ng mga tao? o di baga sinasabi rin naman ang gayon ng kautusan?
9 Sapagka't nasusulat sa kautusan ni Moises, (L)Huwag mong lalagyan ng busal ang baka pagka gumigiik. Ang mga baka baga ay iniingatan ng Dios,
10 O sinasabi kayang tunay ito dahil sa atin? Oo, (M)dahil sa atin ito sinulat: sapagka't ang nagsasaka ay dapat magsaka (N)sa pagasa, at ang gumigiik, ay sa pagasa na makakabahagi.
11 Kung ipinaghasik namin kayo (O)ng mga bagay na ayon sa espiritu, malaking bagay baga na aming anihin ang inyong mga bagay na ayon sa laman?
12 Kung ang iba ay mayroon sa inyong matuwid, hindi baga lalo pa kami? (P)Gayon ma'y hindi namin ginamit ang matuwid na ito; kundi aming tinitiis ang lahat ng mga bagay, (Q)upang huwag kaming makahadlang sa evangelio ni Cristo.
13 Hindi baga ninyo nalalaman na ang mga (R)nagsisipangasiwa sa mga bagay na banal, ay nagsisikain ng mga bagay na ukol sa templo, at ang mga nagsisipaglingkod sa dambana ay mga kabahagi ng dambana?
14 Gayon din naman (S)ipinagutos ng Panginoon na ang mga nagsisipangaral ng evangelio ay dapat mangabuhay sa pamamagitan ng evangelio.
15 Nguni't ako'y hindi gumamit ng anoman sa mga bagay na ito: at hindi ko sinusulat ang mga bagay na ito upang gawin ang gayon sa akin; (T)sapagka't mabuti pa sa akin ang mamatay, kay sa pawalang kabuluhan ninoman ang aking karangalan.
16 Sapagka't kung ipinangangaral ko ang evangelio, ay wala akong sukat ipagmapuri; sapagka't ang pangangailangan ay iniatang sa akin; sapagka't sa aba ko kung hindi ko ipangaral ang evangelio.
17 Sapagka't kung ito'y gawin ko sa aking sariling kalooban, (U)ay may ganting-pala ako: nguni't kung hindi sa aking sariling kalooban, (V)ay mayroon akong isang pamamahala na ipinagkatiwala sa akin.
18 Ano nga kaya ang aking ganting-pala? Na (W)pagka ipinangangaral ko ang evangelio, ay ang evangelio ay maging walang bayad, upang huwag kong gamiting lubos ang aking karapatan sa evangelio.
19 Sapagka't (X)bagaman ako ay malaya sa lahat ng mga tao, (Y)ay napaalipin ako sa lahat, upang ako'y makahikayat ng lalong marami.
20 At (Z)sa mga Judio, ako'y nagaring tulad sa Judio, upang mahikayat ko ang mga Judio; sa mga nasa ilalim ng kautusan ay gaya ng nasa ilalim ng kautusan, bagaman wala ako sa ilalim ng kautusan upang mahikayat ang mga nasa ilalim ng kautusan;
21 Sa mga walang kautusan, (AA)ay tulad sa walang kautusan, (AB)bagama't hindi ako walang kautusan sa Dios, kundi nasa ilalim ng kautusan ni Cristo, upang mahikayat ko ang mga walang kautusan.
22 Sa mga mahihina ako'y nagaring (AC)mahina, upang mahikayat ko ang mahihina: sa lahat ng mga bagay ay nakibagay ako sa lahat ng mga tao, upang sa lahat ng mga paraan ay mailigtas ko ang ilan.
23 (AD)At ginawa ko ang lahat ng mga bagay dahil sa evangelio, upang ako'y makasamang makabahagi nito.
24 Hindi baga ninyo nalalaman na ang mga nagsisitakbo sa takbuhan ay tumatakbong lahat, nguni't iisa lamang ang tumatanggap ng ganting-pala? (AE)Magsitakbo kayo ng gayon; upang (AF)magsipagtamo kayo.
25 At ang bawa't tao na nakikipaglaban sa mga palaruan ay mapagpigil sa lahat ng mga bagay. Ginagawa nga nila ito upang magsipagtamo ng isang (AG)putong na may pagkasira; nguni't tayo'y niyaong (AH)walang pagkasira.
26 Ako nga'y tumatakbo sa ganitong paraan, na hindi gaya ng nagsasapalaran; sa ganito rin ako'y sumusuntok, na hindi gaya ng (AI)sumusuntok sa hangin:
27 Nguni't hinahampas ko ang aking katawan, at aking (AJ)sinusupil: baka sakaling sa anomang paraan, pagkapangaral ko sa iba, ay ako rin ay (AK)itakuwil.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978