Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

M’Cheyne Bible Reading Plan

The classic M'Cheyne plan--read the Old Testament, New Testament, and Psalms or Gospels every day.
Duration: 365 days
Ang Salita ng Diyos (SND)
Version
Juan 9

Pinagaling ni Jesus ang Taong Ipinanganak na Bulag

Sa paglalakad ni Jesus ay nakita niya ang isang lalaking ipinanganak na bulag mula pa sa kaniyang kapanganakan.

Itinanong sa kaniya ng kaniyang mgaalagad: Guro, sino ang nagkasala na ang lalaking ito ay ipanganak na bulag? Siya ba o ang kaniyang mga magulang?

Sumagot si Jesus: Hindi ang lalaking ito o ang kaniyang mga magulang ang nagkasala. Ito ay nangyari upang ang mga gawa ng Diyos ay mahayag sa kaniya. Kinakailangang gawin ko ang mga gawa niya na nagsugo sa akin habang araw pa. Dumarating ang gabi at wala nang makakagawa. Habang ako ay nasa sanlibutan, ako ang ilaw ng sanlibutan.

Pagkasabi niya nito ay lumura siya sa lupa. Gumawa siya ng putik mula sa lura. Kaniyang ipinahid sa mga mata ng bulag ang putik. Sinabi ni Jesus sa kaniya: Pumunta ka sa malaking dakong paliguan ng Siloe at maghugas ka. Ang ibig sabihin ng salitang Siloe ay sinugo. Siya nga ay pumunta at naghugas at bumalik na nakakakita na.

Nakita ng mga kapitbahay at ng ibang mga tao ang lalaki na dating bulag. Kaya nga, sinabi nila: Hindi ba ito iyong nakaupo at namamalimos? Sinabi ng iba: Siya nga iyon.

Ang sabi naman ng iba:Siya ay kamukha niya.

Sinabi niya: Ako nga iyon.

10 Sinabi nga nila sa kaniya: Papaano namulat ang iyong mga mata?

11 Sumagot siya at sinabi: Ang lalaking tinatawag na Jesus ay gumawa ng luwad at ipinahid iyon sa aking mga mata. Sinabi niya sa akin: Pumunta ka sa dakong paliguan ng Siloe at maghugas. Ako ay pumunta at naghugas at nakakita.

12 Sinabi nga nila sa kaniya: Nasaan siya?

Sinabi niya: Hindi ko alam.

Inusisa ng mga Fariseo ang Pagpapagaling

13 Dinala nila sa mga Fariseo ang lalaki na dating bulag.

14 Araw ng Sabat noon nang si Jesus ay gumawa ng luwad at iminulat ang mga mata ng lalaking bulag. 15 Ang mga Fariseo rin naman ay muling nagtanong sa kaniya kung papaano siya nakakita. Sinabi niya sa kanila: Nilagyan niya ng luwad ang aking mga mata at ako ay naghugas at nakakita na ako.

16 Sinabi nga ng ilan sa mga Fariseo: Hindi galing sa Diyos ang lalaking ito dahil hindi niya tinutupad ang araw ng Sabat.

Sinabi naman ng iba: Papaano makakagawa ng mga ganitong tanda ang isang lalaking makasalanan? Nagkaroon ng pagkakabaha-bahagi sa kanila.

17 Muli nilang sinabi sa lalaking dating bulag: Sapagkat iminulat niya ang iyong mga mata, ano ang masasabi mo patungkol sa kaniya?

Sinabi ng lalaki: Siya ay isang propeta.

18 Hindi pinaniwalaan ng mga Judio ang patungkol sa lalaki na siya ay dating bulag at nakakita. Hindi sila naniwala hanggang tawagin nila ang mga magulang niya. 19 Tinanong nila sila: Siya ba ang inyong anak na sinasabi ninyong ipinanganak na bulag? Papaanong nakakakita siya ngayon?

20 Ang kaniyang mga magulang ay sumagot sa kanila at nagsabi: Alam namin na siya ang aming anak at siya ay ipinanganak na bulag. 21 Hindi namin alam kung papaanong nakakakita na siya ngayon. Hindi namin alam kung sino ang nagmulat ng kaniyang mga mata. Siya ay nasa hustong gulang na kaya tanungin ninyo siya. Makakapagsalita siya patungkol sa kaniyang sarili. 22 Ito ang sinabi ng kaniyang mga magulang dahil natatakot sila sa mga Judio. Ito ay sapagkat napagka­isahan na ng mga Judio na kung ang sinuman ay magpahayag na si Jesus ang Mesiyas siya ay ititiwalag sa sinagoga. 23 Dahildito sinabi ng kaniyang mga magulang: Siya ay nasa hustong gulang na, tanungin ninyo siya.

24 Tinawag nilang muli ang lalaki na dating bulag. Sinabi nila: Ibigay mo ang kaluwalhatian sa Diyos. Alam namin na ang lalaking ito ay isang makasalanan.

25 Sumagot siya at nagsabi: Hindi ko alam kung siya ay makasalanan. Isang bagay ang alam ko, ako ay dating bulag at ngayon ay nakakakita na.

26 Sinabi nilang muli sa kaniya: Ano ang ginawa niya sa iyo? Papaano niya iminulat ang iyong mga mata?

27 Sumagot siya sa kanila: Sinabi ko na sa inyo at hindi ninyo pinakinggan. Bakit ibig ninyong marinig muli? Ibig din ba ninyong maging mga alagad niya?

28 Kaya siya ay kanilang nilait na sinabi: Ikaw ang kaniyang alagad. Kami ay mga alagad ni Moises. 29 Alam namin na ang Diyos ay nagsalita kay Moises. Patungkol sa lalaking ito hindi namin alam kung saan siya nanggaling.

30 Sumagot ang lalaki at sinabi sa kanila: Tunay na ito ay kamangha-manghang bagay. Hindi ninyo alam kung saan siya nanggaling. Gayunman ay iminulat niya ang aking mga mata. 31 Alam natin na hindi dinirinig ng Diyos ang mga makasa­lanan. Kung ang sinuman ay sumasamba sa Diyos at ginagawa ang kaniyang kalooban, siya ang dinirinig ng Diyos. 32 Sa pasimula pa ng panahon ay hindi pa narinig na may sinumang nakapagpamulat ng mga mata ng isang ipinanganak na bulag. 33 Kung ang lalaking ito ay hindi sa Diyos, wala siyang kapangyarihang gumawa ng anuman.

34 Sumagot sila at sinabi sa kaniya: Ikaw ay ipinanganak na lubos na makasalanan at tuturuan mo pa kami? At siya ay itinaboy nila.

Ang Hindi Pagkakita sa mga Bagay na Espirituwal

35 Narinig ni Jesus na siya ay itinaboy nila. Nang matagpuan ni Jesus ang lalaking dati ay bulag sinabi niya sa kaniya: Ikaw ba ay sumasampalataya sa Anak ng Diyos?

36 Sumagot siya at sinabi: Sino siya Panginoon, upang ako ay sumampalataya sa kaniya?

37 Sinabi ni Jesus sa kaniya: Nakita mo na siya at siya ang nakikipag-usap sa iyo.

38 Sinabi niya: Panginoon, sumasampalataya ako. Sinamba niya si Jesus.

39 Sinabi ni Jesus: Ako ay narito sa sanlibutan na ito para sa paghatol. Ito ay upang sila na hindi nakakakita ay makakita. Sila namang nakakakita ay maging mga bulag.

40 Ang mga bagay na ito ay narinig ng mga maka-Fariseo na kasama nila. Kanilang sinabi sa kaniya: Kami ba ay mga bulag din?

41 Sinabi ni Jesus sa kanila: Kung kayo ay mga bulag ay wala sana kayong pagkakasala. Ngunit ngayon sinasabi ninyo: Nakakakita kami. Samakatuwid, ang inyong kasalanan ay nananatili sa inyo.

Galacia 5

Kalayaan kay Cristo

Tayo ay pinalaya ni Cristo. Magpakatatag kayo sa kalayaang ito at huwag na ninyong hayaang ang sinuman na dalhin kayong muli sa pamatok ng pagkaalipin.

Narito, akong si Pablo ang nagsasabi sa inyo: Kapag kayo ay nagpailalaim sa pagtutuli, si Cristo ay walang pakinabang para sa inyo. Muli akong nagpapatotoo sa bawat lalaking nasa ilalim ng pagtutuli, siya ay may pananagutang tuparin ang buong kautusan. Kung kayo ay pinapaging-matuwid ng kautusan, kayo ay napahiwalay na kay Cristo. Nahulog na kayo mula sa biyaya. Sapagkat sa pamamagitan ng Espiritu, ayon sa pananampalataya, tayo ay may pananabik na naghihintay sa pag-asa ng katuwiran. Ito ay sapagkat, kay Cristo Jesus, ang pagiging nasa pagtutuli at ang hindi pagiging nasa pagtutuli ay walang halaga. Subalit ang may kahalagahan ay ang pananam­palatayang gumagawa sa pamamagitan ng pag-ibig.

Mahusay ang inyong pagtakbo. Sino ang humadlang sa inyoupang huwag sundin ang katotohanan? Ang panghihi­kayat na ito ay hindi nagmula doon sa tumawag sa inyo. Ang kaunting pampaalsa ang nagpapaalsa ng buong masa ng harina. 10 Ako ay nagtitiwala sa Panginoon na kayo ay hindi na mag-iisip ng iba pa man. Ang gumagambala sa inyo ay tatanggap ng kaniyang kahatulan, maging sinuman siya. 11 Ngunit mga kapatid, kung ipinapangaral ko pa ang pagiging nasa pagtutuli, bakit pa nila ako pinag-uusig? Kung gayon ay tumigil na ang katitisuran sa krus. 12 Para doon sa mga nanggugulo sa inyo, ang nais ko ay putulin na sila nglubusan.

13 Ngayon mga kapatid, tinawag kayo ng Diyos upang kayo ay maging malaya. Huwag lamang ninyong gamitin ang inyong kalayaan na maging pagkakataon para sa makalamang pita. Sa halip, sa pamamagitan ng pag-ibig ay maglingkod kayo sa isa’t isa. 14 Ito ay sapagkat sa isang salita ay natupad ang buong kasulatan:

Ibigin mo ang iyong kapwagaya ng pag-ibig mo sa iyong sarili.

15 Ngunit kung kayo ay magkakagatan at magsasakmalan sa isa’t isa, mag-ingat kayo, na hindi ninyo maubos ang isa’t isa.

Ang Buhay sa Pamamagitan ng Espiritu

16 Ngunit sinasabi ko: Mamuhay kayo ayon sa Espirituupang hindi ninyo tuparin ang mga nasa ng laman.

17 Ito ay sapagkat ang ninanasa ng laman ay laban sa Espiritu at ang ninanasa ng Espiritu ay laban sa laman. Sila ay magkasalungat sa isa’t isa. Ito ay upang hindi mo gawin ang mga bagay na ibig mong gawin. 18 Ngunit yamang kayo ay pinapatnubayan ng Espiritu, wala na kayo sa ilalim ng kautusan.

19 Ngayon ang mga gawa ng laman ay nahahayag. Ang mga ito ay ang pangangalunya, pakikiapid, karumihan, kahalayan. 20 Mga pagsamba sa diyos-diyosan, pangkukulam, pag-aalitan, paglalaban-laban, paninibugho, pag-uumapaw sa poot, pagka­makasarili, pagkakabaha-bahagi, pagkakampi-kampi. 21 Mga pagkainggit, pagpatay, paglalasing, magulong pagtitipon at mga bagay na tulad ng mga ito. Ito ay ipina-paunang sabi ko sa inyo katulad ng sinabi ko sa inyo noong una. Ang mga gumagawa ng ganoong mga bagay ay hindi magmamana ng paghahari ng Diyos.

22 Ngunit ang bunga ng Espiritu ay pag-ibig, kagalakan,kapayapaan, pagtitiis, kagandahang loob, kabutihan, pananam­palataya, 23 kaamuan, pagpipigil sa sarili. Walang kautusan laban sa mga bagay na ito. 24 Ngunit naipako na sa krus ng mga na kay Cristo ang laman kasama ang mga masasamang pita at mga pagnanasa nito. 25 Yamang tayo ay nabubuhay sa pamamagitan ng Espiritu, nararapat lamang na tayo ay lumakad ng ayon sa Espiritu. 26 Huwag tayong maghangad pa ng karangalang walang kabuluhan na kung hangarin natin ito, magkakainisan at magkakainggitan tayo sa isa’t isa.

Ang Salita ng Diyos (SND)

Copyright © 1998 by Bibles International