Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

M’Cheyne Bible Reading Plan

The classic M'Cheyne plan--read the Old Testament, New Testament, and Psalms or Gospels every day.
Duration: 365 days
Ang Salita ng Diyos (SND)
Version
Juan 3

Tinuruan ni Jesus si Nicodemo

May isang lalaki sa mga Fariseo na ang pangalan ay Nicodemo. Siya ay isang pinuno ng mga Judio.

Pumunta siya kay Jesus nang gabi at sinasabi niya: Guro, alam namin na ikaw ay isang guro na mula sa Diyos. Ito ay sapagkat walang makakagawa ng mga tanda na iyong ginagawa malibang sumasakaniya ang Diyos.

Tumugon si Jesus at sinabi sa kaniya: Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa iyo: Malibang ipanganak na muli ang isang tao, hindi niya maaaring makita angpaghahari ng Diyos.

Itinanong ni Nicodemo sa kaniya: Papaano maipa­nganganak ang taong matanda na? Makakapasok ba siyang muli sa sinapupunan ng kaniyang ina at ipanganak?

Sumagot si Jesus: Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa iyo: Malibang ang isang tao ay ipanganak ng tubig at ng Espiritu hindi siya makakapasok sa paghahari ng Diyos. Ang ipinanganak sa laman ay laman at ang ipinanganak sa Espiritu ay espiritu. Huwag kang magtaka sa sinabi ko sa iyo, kinakailangang ipanganak kang muli. Ang hangin ay umiihip kung saan nito ibig. Naririnig mo ang ugong nito ngunit hindi mo alam kung saan ito nanggagaling at kung saan pupunta. Gayon ang bawat ipinanganak sa Espiritu.

Tumugon si Nicodemo at sinabi sa kaniya: Papaano mangyayari ang mga bagay na ito?

10 Sumagot si Jesus at sinabi sa kaniya: Ikaw ay guro sa Israel at hindi mo alam ang mga bagay na ito? 11 Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa iyo: Ang aming nalalaman ay sinasabi namin. Pinatotohanan namin ang mga nakita namin. Hindi ninyo tinanggap ang aming patotoo. 12 Hindi ninyo pinaniwalaan ang mga bagay na panlupa na sinabi ko sa inyo. Papaano ninyopaniniwalaan kung sasabihin ko sa inyo ang mga bagay patungkol sa langit? 13 Walang pumaitaas sa langit maliban sa kaniya na bumabang mula sa langit Maliban sa Anak ng Tao na nasa langit. 14 Kung papaanong itinaas ni Moises ang ahas sa ilang ay gayon kinakailangang itaas ang Anak ng Tao. 15 Ito ay upang ang sinumang sumampalataya sa kaniya ay hindi mapahamak kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan.

16 Ito ay sapagkat sa ganitong paraan inibig ng Diyos ang sanlibutan kaya ipinagkaloob niya ang kaniyang bugtong na Anak upang ang sinumang sumampalataya sa kaniya ay hindi mapahamak kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan. 17 Ito ay sapagkat hindi sinugo ng Diyos ang kaniyang anak sa sanlibutan upang hatulan ang sanlibutan. Sinugo niya ang kaniyang anak upang ang sanlibutan ay maligtas sa pamama­gitan niya. 18 Siya na sumasampalataya sa kaniya ay hindi hinahatulan. Ang hindi sumasampalataya ay nahatulan na sapagkat siya ay hindi sumampalataya sa pangalan ng bugtong na Anak ng Diyos. 19 Ito ang hatol: Ang ilaw ay dumating sa sanlibutan at inibig ng mga tao ang kadiliman kaysa sa ilaw sapagkat ang kanilang mga gawa ay masasama. 20 Ito ay sapagkat ang bawat isang gumagawa ng masama ay napopoot sa ilaw. Hindi siya lumalapit sa ilaw upang hindi malantad ang kaniyang mga gawa. 21 Siya na nagsasagawa ng katotohanan ay pumupunta sa ilaw upang maihayag na ang kaniyang mga gawa ay ginawa sa pamamagitan ng Diyos.

Ang Patotoo ni Juan na Tagapagbawtismo Patungkol kay Jesus

22 Pagkatapos ng mga bagay na ito, pumunta si Jesus at ang kaniyang mga alagad sa lupain ng Judea.Siya ay nanatili roong kasama nila atnagbawtismo.

23 Si Juan ay nagbabawtismo rin sa Enon na malapit sa Salim sapagkat maraming tubig doon. Sila ay pumaroon at nabawtismuhan. 24 Ito ay sapagkat hindi pa nakabilanggo noon si Juan. 25 Nagkaroon ng isang kata­nungan ang mga alagad ni Juan at ang mga Judio patungkol sa pagdadalisay. 26 Sila ay lumapit kay Juan at sinabi sa kaniya: Guro, tingnan mo ang kasama mo sa ibayo ng Jordan na iyong pinatotohanan ay nagbabawtismo. Lahat ay pumupunta sa kaniya.

27 Tumugon si Juan at nagsabi: Hindi makakatanggap ng anuman ang isang tao malibang ito ay ipagkaloob sa kaniya mula sa langit. 28 Kayo ang makapagpapatotoo na aking sinabi: Hindi ako ang Mesiyas. Ako ay sinugong unasa kaniya. 29 Siya na lalaking ikakasal ang siyang may babaeng ikakasal. Ang kaibigan ng lalaking ikakasal ay nakatayo at nakikinig sa kaniyang tinig. Siya ay lubos na nagagalak sapagkat naririnig niya ang tinig ng lalaking ikakasal. Sa ganito ring paraan ako ay lubos na nagagalak. 30 Kinakailangang siya ay maging higit na dakila at ako ay maging higit na mababa.

31 Siya na nagmula sa itaas ay higit sa lahat. Siya na nagmula sa lupa ay taga-lupa at nagsasalita ng ukol sa lupa. Siya na nagmula sa langit ay higit sa lahat. 32 Siya ay nagpapatotoo sa kaniyang nakita at narinig at walang sinumang tumatanggap ng kaniyang patotoo. 33 Siya na tumanggap ng kaniyang patotoo ay nagpatunay na ang Diyos ay totoo. 34 Ito ay sapagkat siya na isinugo ng Diyos ay nagsasalita ng mga salita ng Diyos. Ibinibigay ng Diyos ang Espiritu nang walang sukat. 35 Iniibig ng Ama ang Anak at ibinigay niya ang lahat ng mga bagay sa kaniyang mga kamay. 36 Siya na sumasam­palataya sa Anak ay may buhay na walang hanggan. Ang hindi sumasampalataya sa Anak ay hindi makakakita ng buhay. Subalit ang galit ng Diyos ay nananatili sa kaniya.

2 Corinto 12

Ang Pangitain ni Pablo at ang Tinik na Ibinigay ng Diyos sa Kaniya

12 Ang magmalaki ay hindi kapakinabangan sa akin. Paparito ako sa mga pangitain at mga pahayag ng Panginoon.

May alam akong isang lalaki na na kay Cristo. Hindi ko alam kung ito ay sa katawan o wala sa katawan, ang Diyos ang siyang nakakaalam. Labing-apat na taon na ang nakalipas, ang lalaking ito ay inagaw paitaas sa ikatlong langit. May alam akong isang lalaki. Kung ito ay sa katawan o wala sa katawan hindi ko alam, ang Diyos ang nakakaalam. Siya ay inagaw paitaas sa paraiso at nakarinig ng mga salitang hindi mabibigkas. Hindi ito ipinahihintulot na sabihin sa tao. Magmamalaki ako patungkol sa lalaking ito, ngunit hindi ako magmamalaki patungkol sa aking sarili maliban sa aking kahinaan. Ito ay sapagkat ibig ko mang magmalaki, ako ay hindi magiging hangal dahil totoo ang aking sasabihin. Magtitiis na lang ako at baka may mag-isip sa akin nang higit pa sa nakikita niya sa akin o anumang naririnig patungkol sa akin.

Upang hindi ako magmataas dahil sa kalakhan ng mga pahayag sa akin, ibinigay sa akin ang tinik sa laman. Ito ay sugo ni Satanas na magpapahirap sa akin upang hindi ako magmataas. Dahil dito, ipinamanhik ko nang tatlong ulit sa Panginoon na ito ay maalis sa akin. Sinabi niya sa akin: Sapat sa iyo ang aking biyaya dahil ang aking kapangyarihan ay nalulubos sa kahinaan. Kaya nga, lalo akong magmamapuri sa aking kahinaan upang manahan sa akin ang kapangyarihan ni Cristo. 10 Kaya nga, ako ay malulugod sa mga kahinaan, sa mga panlalait, sa pangangailangan, sa pag-uusig, sa kagipitan alang-alang kay Cristo sapagkat kung kailan ako mahina, saka ako malakas.

Ang Pagmamalasakit ni Pablo sa mga Taga-Corinto

11 Sa pagmamalaki natulad ako sa isang hangal, kayo ang nagtulak sa akin sapagkat dapat ipinagmapuri ninyo ako. Hindi naman ako nahuhuli sa mga napakadakilang apostol kahit na ako ay wala naman.

12 Tunay na ang mga tanda ng apostol ay ginawa sa inyo sa lahat ng pagtitiis, sa mga tanda at sa kamangha-manghang mga gawa at mga himala. 13 Saan kayo nakakababa sa ibang mga iglesiya, maliban na lamang sa hindi ko pagiging pabigat sa inyo? Patawarin ninyo ako sa kamalian kong ito.

14 Narito, sa ikatlong pagkakataon handa akong pumunta sa inyo at hindi ako magiging pabigat sa inyo sapagkat hindi ko hinahangad ang mga bagay na nasa inyo kundi kayo. Ang mga anak ay hindi nag-iipon para sa mga magulang kundi ang mga magulang para sa mga anak. 15 Higit akong maligaya na gugugol at lubos na magpagugol para sa inyong kaluluwa, kahit na kung sagana ang pag-ibig ko sa inyo, ay kakaunti ang pag-ibig sa akin. 16 Magkagayunman, hindi ako naging pabigat sa inyo, subalit sa pagiging tuso, nalinlang ko kayo. 17 Nagsa­mantala ba ako sa inyo sa pamamagitan ng sinuman sa kanila na isinugo ko sa inyo? 18 Ipinamanhik ko kay Tito at isinugo kasama niya ang isang kapatid. Nagsamantala ba sa inyo si Tito? Hindi ba namuhay kami sa iisang espiritu? Hindi ba namuhay kami sa gayunding mga hakbang?

19 Muli, iniisip ba ninyo na kami ay nagtatanggol ng aming sarili sa inyo? Sa harap ng Diyos, kami ay nagsasalita kay Cristo. Minamahal, ginagawa namin ang lahat ng mga bagay para sa inyong ikatitibay. 20 Ito ay sapagkat sa pagdating ko, natatakot ako na hindi ko kayo masumpungan tulad ng ibig ko. Natatakot ako na masumpungan ninyo ako tulad ng hindi ninyo ibig sa akin. Baka magkaroon ng paglalaban-laban, inggitan, poot, pakiki­pagtunggalian, paninirang puri, pagsisitsit,[a] pagmama­­­lakihan at kaguluhan. 21 Baka sa pagdating ko, ibaba ako ng Diyos sa harapan ninyo at ako ay manangis dahil sa kanila na nagkasala roon. Hindi sila nagsisi sa karumihan at pakikiapid at kahalayan na kanilang ipinamuhay.

Ang Salita ng Diyos (SND)

Copyright © 1998 by Bibles International