M’Cheyne Bible Reading Plan
Ang pagkakabahagi ng mga tanod-pinto.
26 Sa pagka bahagi ng mga tagatanod-pinto: sa mga Coraita: si (A)Meselemia na anak ni Core, sa mga anak ni (B)Asaph.
2 At si (C)Meselemia ay nagkaanak; si Zacharias ang panganay, si Jediael ang ikalawa, si Zebadias ang ikatlo, si Jatnael ang ikaapat;
3 Si Elam ang ikalima, si Johanam ang ikaanim, si Elioenai ang ikapito.
4 At si Obed-edom ay nagkaanak; si Semeias ang panganay, si Jozabad ang ikalawa, si Joab ang ikatlo, at si Sachar ang ikaapat, at si Nathanael ang ikalima;
5 Si Anmiel ang ikaanim, si Issachar ang ikapito, si Peullethai ang ikawalo; sapagka't pinagpala (D)siya ng Dios.
6 Kay Semeias namang kaniyang anak ay nagkaanak ng mga lalake na nagsipagpuno sa sangbahayan ng kanilang magulang: sapagka't sila'y mga makapangyarihang lalaking matatapang.
7 Ang mga anak ni Semeias: si Othni, at si Raphael at si Obed, si Elzabad, na ang mga kapatid ay matatapang na lalake, si Eliu, at si Samachias.
8 Lahat ng mga ito'y sa mga anak ni Obed-edom: sila at ang kanilang mga anak at ang kanilang mga kapatid, mga bihasang lalake sa kalakasan ukol sa paglilingkod; anim na pu't dalawa kay Obed-edom.
9 At si Meselemia ay nagkaroon ng mga anak at mga kapatid na matatapang na lalake, labing walo.
10 Si Hosa naman sa mga anak ni Merari ay nagkaroon ng mga anak; si Simri ang pinuno (sapagka't bagaman hindi siya panganay, gayon ma'y ginawa siyang pinuno ng kaniyang ama;)
11 Si Hilcias ang ikalawa, si Tebelias ang ikatlo, si Zacharias ang ikaapat; lahat ng mga anak at mga kapatid ni Hosa ay labing tatlo.
12 Sa mga ito ang mga bahagi ng mga tagatanod-pinto, sa makatuwid baga'y ng mga pinuno na may mga katungkulang gaya ng kanilang mga kapatid na magsipangasiwa sa bahay ng Panginoon.
13 At sila'y (E)nangagsapalaran, gayon ang (F)maliit na gaya ng malaki, ayon sa mga sangbahayan ng kanilang mga magulang na ukol sa bawa't pintuang-daan.
14 At ang kapalaran sa dakong silanganan ay nahulog kay (G)Selemia. Sa ganang kay Zacharias nga na kaniyang anak na matalinong kasangguni, sila'y nagsapalaran; at ang kaniyang kapalaran ay nahulog sa dakong hilagaan.
15 Kay Obed-edom ay dakong timugan; at sa kaniyang mga anak ay ang kamalig.
16 Kay Suppim at kay Hosa ay dakong kalunuran, sa tabi ng pintuang-daan ng Sallechet, sa daanang paahon, na pulutong at pulutong.
17 Sa dakong silanganan ay anim na Levita, sa dakong hilagaan ay apat araw-araw, sa dakong timugan ay apat araw-araw, at sa kamalig ay dalawa't dalawa.
18 Sa Parbar sa dakong kalunuran, apat sa daanan, at dalawa sa Parbar.
19 Ito ang mga bahagi ng mga tagatanod-pinto; sa mga anak ng mga Coraita, at sa mga anak ni Merari.
Ang tagapamahala ng kayamanan sa templo.
20 At sa mga Levita, si Achias ay nasa mga kayamanan ng bahay ng Dios, at nasa mga kayamanan ng mga itinalagang bagay.
21 Ang mga anak ni Ladan: ang mga anak ng mga Gersonita na nauukol kay Ladan; ang mga pangulo ng mga sangbahayan ng mga magulang na ukol kay Ladan na Gersonita; si (H)Jehieli.
22 Ang mga anak ni Jehieli: si Zethan at si Joel na kaniyang kapatid, sa mga ingatang-yaman ng bahay ng Panginoon.
23 Sa mga Amramita, sa mga Isharita, sa mga Hebronita, sa mga Uzzielita:
24 At si Sebuel na anak ni Gerson, na anak ni Moises, ay puno sa mga ingatang-yaman.
25 At ang kaniyang mga kapatid kay Eliezer ay nanggaling si Rehabia na kaniyang anak, at si Isaias na kaniyang anak, at si Joram na kaniyang anak, at si Zichri na kaniyang anak, at si Selomith na kaniyang anak.
26 Ang Selomith na ito at ang kaniyang mga kapatid ay nangasa lahat ng ingatang-yaman ng nangatalagang mga bagay na (I)itinalaga ni David na hari, at ng mga pangulo ng mga sangbahayan ng mga magulang, ng mga pinunong kawal ng lilibuhin at ng dadaanin, at ng mga pinunong kawal ng hukbo.
27 Ang samsam na pinanalunan sa pakikipagbaka, ay kanilang itinalaga upang ayusin ang bahay ng Panginoon.
28 At lahat na itinalaga ni (J)Samuel na tagakita, at ni Saul na anak ni Cis, at ni (K)Abner na anak ni Ner, at ni Joab na anak ni Sarvia; ang (L)anomang bagay na itinalaga ninoman ay nasa ilalim ng pamamahala ni Selomith, at ng kaniyang mga kapatid.
29 Sa mga Isharita, si Chenania at ang kaniyang mga anak ay mga tagapamahala at hukom sa mga (M)gawain sa labas ng Israel.
30 Sa mga Hebronita, si (N)Hasabias, at ang kaniyang mga kapatid na mga lalaking matapang, na isang libo't pitong daan, ay nangamamahala sa Israel sa dako roon ng Jordan sa dakong kalunuran, na ukol sa lahat ng gawain sa Panginoon, at sa paglilingkod sa hari.
31 Sa mga Hebronita ay si (O)Jerias ang pinuno, sa makatuwid baga'y sa mga Hebronita, ayon sa kanilang mga lahi ayon sa mga sangbahayan ng mga magulang. Nang ikaapat na pung taon ng paghahari ni David, sila'y hinanapan, at may nasumpungan, sa kanilang mga makapangyarihang lalaking matapang sa (P)Jazer ng Galaad.
32 At ang kaniyang mga kapatid na mga lalaking matapang, ay dalawang libo at pitong daan, na mga pangulo ng mga sangbahayan ng mga magulang na siyang ginawa ni David na mga tagapamahala sa mga Rubenita, at sa mga Gadita, at sa kalahating lipi ng mga Manasita, (Q)sa lahat ng usap na ukol sa Dios, at sa mga bagay ng hari.
Mga punong kawal.
27 Ang mga anak nga ni Israel ayon sa kanilang bilang, sa makatuwid baga'y ang mga pangulo ng mga sangbahayan ng mga magulang at ang mga pinunong kawal ng lilibuhin at ng dadaanin, at ang kanilang mga pinuno na nangaglilingkod sa hari, sa anomang bagay sa mga bahagi ng pumapasok at lumalabas buwan-buwan sa lahat ng mga buwan ng taon, sa bawa't bahagi ay dalawang pu't apat na libo.
2 Sa unang pagka bahagi na ukol sa unang buwan ay si (R)Jasobam na anak ni Zabdiel: at sa kaniyang bahagi ay dalawang pu't apat na libo.
3 Siya'y sa mga anak ni Phares, na pinuno sa lahat na punong kawal ng hukbo na ukol sa unang buwan.
4 At sa bahagi sa ikalawang buwan ay si (S)Dodai na Ahohita, at ang kaniyang bahagi, at si Miclot na tagapamahala: at sa kaniyang bahagi ay dalawang pu't apat na libo.
5 Ang ikatlong pinuno ng pulutong na ukol sa ikatlong buwan ay si (T)Benaias, na anak ni Joiada na saserdote, pinuno: at sa kaniyang bahagi ay dalawang pu't apat na libo.
6 Ito yaong Benaias na siyang (U)makapangyarihang lalake sa tatlong pu, at pinuno sa tatlong pu; at sa kaniyang bahagi ay si Amisabad na kaniyang anak.
7 Ang ikaapat na pinuno sa ikaapat na buwan ay si (V)Asael na kapatid ni Joab, at si Zebadias na kaniyang kapatid ang sumusunod sa kaniya: at sa kaniyang bahagi ay dalawang pu't apat na libo.
8 Ang ikalimang pinuno sa ikalimang buwan ay si Sambuth na Izrita: at sa kaniyang bahagi ay dalawang pu't apat na libo.
9 Ang ikaanim na pinuno sa ikaanim na buwan ay si (W)Ira na anak ni Icces na Tecoita: at sa kaniyang bahagi ay dalawang pu't apat na libo.
10 Ang ikapitong pinuno sa ikapitong buwan ay si (X)Helles na Pelonita, sa mga anak ni Ephraim: at sa kanilang bahagi ay dalawang pu't apat na libo.
11 Ang ikawalong pinuno sa ikawalong buwan ay si (Y)Sibbecai na Husatita, sa mga Zarahita; at sa kaniyang bahagi ay dalawang pu't apat na libo.
12 Ang ikasiyam na pinuno sa ikasiyam na buwan ay si (Z)Abiezer na Anathothita sa mga Benjamita; at sa kaniyang bahagi ay dalawang pu't apat na libo.
13 Ang ikasangpung pinuno sa ikasangpung buwan ay si (AA)Maharai na Nethophathita sa mga Zarahita: at sa kaniyang bahagi ay dalawang pu't apat na libo.
14 Ang ikalabing isang pinuno sa ikalabing isang buwan ay si (AB)Benaias na Piratonita, sa mga anak ni Ephraim: at sa kaniyang bahagi ay dalawang pu't apat na libo.
15 Ang ikalabing dalawang pinuno sa ikalabing dalawang buwan ay si (AC)Heldai na Nethophatita, sa Othniel: at sa kaniyang bahagi ay dalawang pu't apat na libo.
Mga tagapamahala sa mga lipi.
16 Bukod dito'y sa mga lipi ng Israel: sa mga Rubenita, si Eliezer, na anak ni Zichri, na tagapamahala; sa mga Simeonita, si Sephatias na anak ni Maacha.
17 Sa Levi, si (AD)Hasabias, na anak ni Camuel; sa Aaron, si (AE)Sadoc;
18 Sa Juda, si (AF)Eliu, isa sa mga kapatid ni David; sa Issachar, si Omri na anak ni Michael:
19 Sa Zabulon, si Ismaias na anak ni Abdias: sa Nephtali, si Jerimoth na anak ni Azriel:
20 Sa mga anak ni Ephraim, si Oseas na anak ni Azazia: sa kalahating lipi ni Manases, si Joel na anak ni Pedaia:
21 Sa kalahating lipi ni Manases sa Galaad, si Iddo na anak ni Zacharias: sa Benjamin, si Jaaciel na anak ni Abner.
22 Sa Dan, si Azarael na anak ni Jeroam. Ang mga ito ang mga pinunong kawal ng mga lipi ng Israel.
23 Nguni't hindi tinuos ni David ang bilang nila mula sa dalawang pung taon na paibaba: sapagka't sinabi ng (AG)Panginoon na kaniyang pararamihin ang Israel na gaya ng mga bituin sa langit.
24 Si Joab na anak ni Sarvia ay nagpasimulang bumilang, (AH)nguni't hindi natapos; at (AI)dumating sa Israel ang pagiinit dahil dito: ni hindi nalagda ang bilang sa mga alaala ng haring David.
Ang mga taga ingat-yaman ng haring si David.
25 At nasa mga ingatang-yaman ng hari, si Azmaveth na anak ni Adiel: at sa mga ingatang-yaman sa mga bukid, sa mga bayan, at sa mga nayon, at sa mga kastilyo ay si Jonathan na anak ni Uzzias:
26 At sa nagsisigawa sa bukiran, na ukol sa pagbubukid sa lupa ay si Izri na anak ni Chelud:
27 At sa mga ubasan ay si Simi na Ramathita: at sa mga pakinabang sa mga ubasan na ukol sa mga kamalig ng alak ay si Zabdias na Siphmita:
28 At sa mga puno ng olibo at sa mga puno ng sikomoro na nangasa mababang lupa ay si Baal-hanan na Gederita: at sa mga kamalig ng langis ay si Joas:
29 At sa mga bakahan na pinasasabsab sa Saron ay si Sitrai na Saronita: at sa mga bakahan na nangasa mga libis ay si Saphat na anak ni Adlai:
30 At sa mga kamelyo ay si Obil na Ismaelita: at sa mga asno ay si Jedias na Meronothita: At sa mga kawan ay si Jaziz na Hagrita.
31 Lahat ng mga ito'y mga katiwala sa mga pagaari ng haring David.
Ang mga kasangguni ni David.
32 At si Jonathan na amain ni David ay kasangguni at lalaking matalino, at kalihim; at si Jehiel na anak ni Hacmoni ay nasa mga anak ng hari:
33 (AJ)At si Achitophel ay kasangguni ng hari: at si (AK)Husai na Archita ay kaibigan ng hari:
34 At sumusunod kay Achitophel ay si Joiada na anak ni Benaias, at si Abiathar: at ang pinunong kawal sa hukbo ng hari ay si Joab.
1 Si Simon Pedro, na (A)alipin at apostol ni Jesucristo, sa nagsipagkamit na kasama namin ng mahalagang pananampalataya (B)sa katuwiran (C)ng ating Dios at Tagapagligtas na si Jesucristo:
2 Biyaya at kapayapaan ang (D)sa inyo'y dumami (E)sa pagkakilala sa Dios at kay Jesus na Panginoon natin;
3 Yamang ipinagkaloob sa atin ng kaniyang banal na kapangyarihan ang lahat ng mga bagay na nauukol sa kabuhayan at sa (F)kabanalan, sa pamamagitan ng pagkakilala sa kaniya na (G)tumawag sa atin sa pamamagitan ng kaniyang sariling kaluwalhatian at kagalingan;
4 Na dahil dito ay ipinagkaloob niya sa atin ang kaniyang mahahalaga at napakadakilang pangako; upang sa pamamagitan ng mga ito ay (H)makabahagi kayo sa kabanalang mula sa Dios, yamang nakatanan sa kabulukang nasa sanglibutan dahil sa masamang pita.
5 Oo, at dahil din dito, sa pagkaragdag sa ganang inyo ng buong sikap, ay ipamahagi ninyo sa inyong pananampalataya ang kagalingan; at sa kagalingan ay ang (I)kaalaman;
6 At sa kaalaman ay ang (J)pagpipigil; at sa pagpipigil ay ang (K)pagtitiis; at sa pagtitiis ay ang (L)kabanalan;
7 At sa kabanalan ay ang (M)mabuting kalooban sa kapatid; at sa mabuting kalooban sa kapatid ay ang (N)pagibig.
8 Sapagka't kung nasa inyo ang mga bagay na ito at sumasagana, ay hindi kayo pababayaang maging mga tamad o mga walang bunga sa pagkakilala sa ating Panginoong Jesucristo.
9 Sapagka't yaong wala ng mga bagay na ito (O)ay bulag, na ang nakikita lamang ay ang nasa malapit, sa pagkalimot ng (P)paglilinis ng kaniyang dating mga kasalanan.
10 Kaya, mga kapatid, lalong pagsikapan ninyo na mangapanatag kayo sa (Q)pagkatawag at pagkahirang sa inyo: sapagka't kung gawin ninyo ang mga bagay na ito ay (R)hindi kayo mangatitisod kailan man:
11 Sapagka't sa gayon ay ipinamamahaging sagana sa inyo ang pagpasok (S)sa kahariang walang hanggan ng Panginoon natin at Tagapagligtas na si Jesucristo.
12 Kaya't magiging handa akong lagi na ipaalaala ko sa inyo ang mga bagay na ito, (T)bagama't inyong nalalaman, at kayo'y (U)pinatitibay sa katotohanang nasa inyo.
13 At inaakala kong matuwid, na samantalang ako'y nasa tabernakulong (V)ito, ay kilusin ko kayo na ipaalaala ko sa inyo;
14 Yamang aking nalalaman na dumarating na madali ang paghiwalay ko sa aking tabernakulo, na (W)gaya ng ipinahiwatig sa akin ng Panginoon nating Jesucristo.
15 Oo, pagsisikapan ko na sa tuwituwi na, pagkamatay ko'y inyong maalaala ang mga bagay na ito.
16 Sapagka't kami ay hindi nagsisunod sa (X)mga kathang ginawang mainam, noong aming ipinakilala sa inyo ang kapangyarihan at (Y)pagparito ng ating Panginoong Jesucristo, (Z)kundi kami ay naging mga saksing nakakita ng kaniyang karangalan.
17 Sapagka't siya'y tumanggap sa Dios Ama ng (AA)karangalan at kaluwalhatian, nang dumating sa kaniya ang isang tinig mula sa Marangal na Kaluwalhatian, (AB)Ito ang sinisinta kong Anak, na siya kong kinalulugdan:
18 At ang tinig na ito ay aming narinig na nanggaling sa langit, nang kami ay kasama niya sa banal na bundok.
19 At kami ay mayroong lalong panatag na salita ng hula; na mabuti ang inyong ginagawa kung ito'y inyong sinusundan, na gaya ng sa isang (AC)ilawang lumiliwanag sa isang dakong madilim, hanggang sa pagbubukang liwayway, at (AD)ang tala sa umaga ay sumilang sa inyong mga puso:
20 Na maalaman muna ito, na (AE)alin mang hula ng kasulatan ay hindi nagbuhat sa sariling pagpapaliwanag.
21 Sapagka't hindi sa kalooban ng tao dumating (AF)ang hula kailanman: (AG)kundi ang mga tao ay nagsalita buhat sa Dios, na nangaudyokan ng Espiritu Santo.
Ang matiwasay na arawo.
4 Nguni't (A)sa mga huling araw ay mangyayari, na ang bundok ng bahay ng Panginoon ay matatatag sa taluktok ng mga bundok, at matataas sa mga burol; at mga tao'y paroroon sa kaniya.
2 At maraming bansa'y magsisiparoo't mangagsasabi, Magsiparito kayo, at tayo'y magsiahon sa bundok ng Panginoon, at sa bahay ng Dios ni Jacob; at siya'y magtuturo sa atin ng kaniyang mga daan, at tayo'y magsisilakad sa kaniyang mga landas. Sapagka't sa Sion ay lalabas ang kautusan, at ang salita ng Panginoon ay mula sa Jerusalem;
3 (B)At siya'y hahatol sa gitna ng maraming bayan, at sasaway sa mga matibay na bansa sa malayo: at kanilang papandayin ang kanilang mga tabak upang maging sudsud, at ang kanilang mga sibat upang maging karit; ang bansa ay hindi magtataas ng tabak laban sa bansa, ni magaaral pa man ng pakikipagdigma.
4 Kundi sila'y uupo (C)bawa't isa sa ilalim ng kaniyang punong ubas at sa ilalim ng kaniyang punong igos; at walang tatakot sa kanila: (D)sapagka't sinalita ng bibig ng Panginoon ng mga hukbo.
5 Sapagka't ang lahat na bayan ay magsisilakad bawa't isa sa pangalan ng kanikaniyang dios: at (E)tayo'y magsisilakad sa pangalan ng Panginoon nating Dios magpakailan kailan man.
6 Sa araw na yaon, sabi ng Panginoon, (F)aking pipisanin siya na napipilay, at aking titipunin siya na natapon, at siya na aking pinagdalamhati;
7 At aking gagawin ang pilay na isang nalabi, at ang natapon sa malayo na isang matibay na bansa: at ang Panginoon ay (G)maghahari sa kanila sa bundok ng Sion mula ngayon hanggang sa walang hanggan.
8 At ikaw, oh moog ng kawan, na burol ng anak na babae ng Sion, ito sa iyo'y darating, oo, ang dating kapangyarihan ay darating, ang kaharian ng anak na babae ng Jerusalem.
9 Ngayo'y bakit ka sumisigaw ng malakas? (H)Wala ka bagang hari, ang iyo bagang kasangguni ay namatay, upang ang mga paghihirap ay suma (I)iyo na gaya ng babae sa pagdaramdam?
10 Magdamdam ka, at magtiis ka ng hirap, Oh anak na babae ng Sion, na gaya ng babae sa pagdaramdam: sapagka't ngayo'y lalabas ka sa bayan, at ikaw ay tatahan sa parang, at (J)ikaw ay darating hanggang sa Babilonia: (K)doon ka maliligtas; doon ka tutubusin ng Panginoon sa kamay ng iyong mga kaaway.
11 At ngayo'y maraming bansa (L)ay nangagpupulong laban sa iyo, na nangagsasabi, Madumhan siya, at makita ng ating mata ang nasa natin (M)sa Sion.
12 Nguni't hindi nila nalalaman ang mga pagiisip ng Panginoon, ni nauunawa man nila ang kaniyang payo; sapagka't kaniyang pinisan (N)sila na parang mga bigkis sa giikan.
13 Ikaw ay bumangon, at gumiik, Oh anak na babae ng Sion; sapagka't aking gagawing bakal ang (O)iyong sungay, at aking gagawing tanso ang iyong mga kuko; at iyong pagluluraylurayin ang maraming bayan: at (P)iyong itatalaga ang kanilang pakinabang sa Panginoon, at ang kanilang (Q)pagaari ay sa Panginoon ng buong lupa.
13 Nang panahon ding ngang yaon ay nangaroon ang ilan, na nagsipagsabi sa kaniya tungkol sa mga Galileo, na ang dugo ng mga ito'y inihalo ni (A)Pilato sa mga hain nila.
2 At siya'y sumagot at sinabi sa kanila, (B)Inaakala baga ninyo na ang mga Galileong ito ay higit ang pagkamakasalanan kay sa lahat ng mga Galileo, dahil sa sila'y nangagbata ng mga bagay na ito?
3 Sinasabi ko sa inyo, Hindi: datapuwa't, malibang kayo'y mangagsisi, ay mangamamatay kayong lahat sa gayon ding paraan.
4 O yaong labingwalo, na nalagpakan ng moog sa (C)Siloe, at nangamatay, ay inaakala baga ninyo na sila'y lalong salarin kay sa lahat ng taong nangananahan sa Jerusalem?
5 Sinasabi ko sa inyo, Hindi: datapuwa't, malibang kayo'y mangagsisi, ay mangamamatay kayong lahat sa gayon ding paraan.
6 At sinalita niya ang talinghagang ito, Isang tao ay (D)may isang puno ng igos na natatanim sa kaniyang ubasan; at siya'y naparoong humahanap ng bunga niyaon, at walang nasumpungan.
7 At sinabi niya sa nagaalaga ng ubasan, Narito, tatlong taon nang pumaparito akong humahanap ng bunga sa puno ng igos na ito, at wala akong masumpungan: (E)putulin mo; bakit pa makasisikip sa lupa?
8 At pagsagot niya'y sinabi sa kaniya, Panginoon, pabayaan mo muna sa taong ito, hanggang sa aking mahukayan sa palibot, at malagyan ng pataba:
9 At kung pagkatapos ay magbunga, ay mabuti; datapuwa't kung hindi, ay puputulin mo.
10 At siya'y nagtuturo sa mga sinagoga nang araw ng sabbath.
11 At narito, ang isang babae na may (F)espiritu ng sakit na may labingwalong taon na; at totoong baluktot at hindi makaunat sa anomang paraan.
12 At nang siya'y makita ni Jesus, ay kaniyang tinawag siya, at sinabi niya sa kaniya, Babae, kalag ka na sa iyong sakit.
13 At ipinatong niya ang kaniyang mga kamay sa kaniya: at pagdaka siya'y naunat, at niluwalhati niya ang Dios.
14 At (G)ang pinuno sa sinagoga, (H)dala ng kagalitan, sapagka't si Jesus ay nagpagaling nang sabbath, ay sumagot at sinabi sa karamihan, (I)May anim na araw na ang mga tao'y dapat na magsigawa: kaya sa mga araw na iyan ay magsiparito kayo, at kayo'y pagagalingin, at huwag sa araw ng sabbath.
15 Datapuwa't sinagot siya ng Panginoon, at sinabi, (J)Kayong mga mapagpaimbabaw, hindi baga kinakalagan ng bawa't isa sa inyo sa sabbath ang kaniyang bakang lalake o ang kaniyang asno sa sabsaban, at ito'y inilalabas upang painumin?
16 At (K)ang babaing itong anak ni Abraham, na tinalian ni (L)Satanas, narito, sa loob ng labingwalong taon, hindi baga dapat kalagan ng taling ito sa araw ng sabbath?
17 At samantalang sinasabi niya ang mga bagay na ito, ay nangapahiya ang lahat ng kaniyang mga kaalit: at nangagagalak ang buong karamihan dahil sa lahat (M)ng maluwalhating bagay na kaniyang ginawa.
18 Sinabi nga niya, (N)Sa ano tulad ang kaharian ng Dios? at sa ano ko itutulad?
19 Tulad sa isang butil ng mostasa na kinuha ng isang tao, at inihagis sa kaniyang sariling halamanan; at ito'y sumibol, at naging isang punong kahoy; at humapon sa mga sanga nito ang mga ibon sa langit.
20 At muling sinabi niya, Sa ano ko itutulad ang kaharian ng Dios?
21 Tulad sa lebadura (O)na kinuha ng isang babae, at itinago sa tatlong takal na harina, hanggang sa ito'y nalebadurahang lahat.
22 At siya'y yumaon sa kaniyang lakad sa mga bayan at mga nayon, na nagtuturo, at naglalakbay na tungo sa Jerusalem.
23 At may isang nagsabi sa kaniya, Panginoon, (P)kakaunti baga ang mangaliligtas? At sinabi niya sa kanila,
24 Magpilit kayong (Q)magsipasok sa pintuang makipot: sapagka't sinasabi ko sa inyo na marami ang mangagsisikap na pumasok, at hindi mangyayari.
25 Kung makatindig na ang puno ng sangbahayan, at (R)mailapat na ang pinto, at magpasimula kayong mangagsitayo sa labas, at mangagsituktok sa pintuan, na mangagsasabi, Panginoon, buksan mo kami; at siya'y sasagot at sasabihin sa inyo, (S)Hindi ko kayo nangakikilala kung kayo'y taga saan;
26 Kung magkagayo'y pasisimulan ninyong sabihin, (T)Nagsikain kami at nagsiinom sa harap mo, at nagturo ka sa aming mga lansangan;
27 At sasabihin niya, Sinasabi ko sa inyo na hindi ko kayo nangakikilala kung kayo'y taga saan; magsilayo kayo sa akin, kayong lahat na manggagawa ng kalikuan.
28 Diyan (U)na nga ang pagtangis, at ang pagngangalit ng mga ngipin, (V)kung mangakita ninyo si Abraham, at si Isaac, at si Jacob, at ang lahat ng mga propeta sa kaharian ng Dios, at kayo'y palabasin.
29 At sila'y magsisipanggaling sa silanganan at sa kalunuran, at sa timugan at sa hilagaan, at magsisiupo sa kaharian ng Dios.
30 At narito, (W)may mga huling magiging una at may mga unang magiging huli.
31 Nagsidating nang oras ding yaon ang ilang Fariseo, na nangagsasabi sa kaniya, Lumabas ka, at humayo ka rito: sapagka't ibig kang patayin ni Herodes.
32 At sinabi niya sa kanila, Magsiparoon kayo, at inyong sabihin sa sorrang yaon, Narito, nagpapalabas ako ng mga demonio at nagpapagaling ngayon at bukas, at (X)ako'y magiging sakdal sa ikatlong araw.
33 Gayon ma'y kailangang ako'y yumaon sa aking lakad (Y)ngayon at bukas at sa makalawa: sapagka't hindi mangyayari na ang isang propeta ay mamatay sa labas ng Jerusalem.
34 Oh Jerusalem, Jerusalem, (Z)na pumapatay sa mga propeta, at bumabato sa mga sinugo sa kaniya! Makailang inibig kong tipunin ang iyong mga anak, na gaya ng pagtitipon ng inahing manok sa kaniyang sariling mga sisiw sa ilalim ng kaniyang mga pakpak, at ayaw kayo!
35 Narito, (AA)sa inyo'y iniwang walang anoman ang inyong bahay: at sinasabi ko sa inyo, Hindi ninyo ako makikita, hanggang sa inyong sabihin, (AB)Mapalad ang pumaparito sa pangalan ng Panginoon.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978