Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

M’Cheyne Bible Reading Plan

The classic M'Cheyne plan--read the Old Testament, New Testament, and Psalms or Gospels every day.
Duration: 365 days
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Version
1 Cronica 5-6

Mga anak ni Ruben.

At ang mga anak ni Ruben na panganay ni Israel (sapagka't (A)siya ang panganay; nguni't sa paraang kaniyang (B)dinumhan ang higaan ng kaniyang ama, ang kaniyang (C)pagkapanganay ay ibinigay sa mga anak ni Jose na anak ni Israel; at sa talaan ng lahi ay hindi marapat ibilang ayon sa pagkapanganay.

Sapagka't si (D)Juda'y nanaig sa kaniyang mga kapatid, at sa kaniya nanggaling ang pangulo; nguni't ang pagkapanganay ay kay Jose:)

Ang mga anak ni Ruben na panganay ni Israel: si Enoch, at si Phallu, at si Esron, at si Charmi.

Ang mga anak ni Joel: si Semaias na kaniyang anak, si Gog na kaniyang anak, si Simi na kaniyang anak,

Si Micha na kaniyang anak, si Recaia na kaniyang anak, si Baal na kaniyang anak,

Si Beera na kaniyang anak, na dinalang bihag ni (E)Tilgath-pilneser na hari sa Asiria: siya'y prinsipe ng mga Rubenita.

At ang kaniyang mga kapatid ayon sa kanilang mga angkan nang bilangin sa talaan ng kanilang mga lahi; ang pinuno'y si Jeiel, at si Zacharias,

At si Bela, na anak ni Azaz, na anak ni Sema, na anak ni Joel, na tumatahan sa Aroer, hanggang sa Nebo at Baal-meon:

At sa dakong silanganan ay tumahan hanggang sa pasukan sa ilang na mula sa ilog Eufrates, sapagka't ang kanilang mga hayop ay dumami (F)sa lupain ng Galaad.

10 At sa mga kaarawan ni Saul ay nakipagdigma sila sa (G)mga Hagreo, na nangahulog sa kanilang kamay; at sila'y nagsitahan sa kanilang mga tolda sa buong lupaing silanganan ng Galaad.

Mga anak ni Gad.

11 At ang mga anak ni Gad ay nagsitahan sa tapat nila, sa lupain ng Basan hanggang sa Salca:

12 Si Joel ang pinuno, at si Sepham ang ikalawa, at si Janai, at si Saphat sa Basan:

13 At ang kanilang mga kapatid sa mga sangbahayan ng kanilang mga magulang: si Michael, at si Mesullam, at si Seba, at si Jorai, si Jachan, at si Zia, at si Heber, pito.

14 Ang mga ito ang mga anak ni Abihail na anak ni Huri, na anak ni Jaroa, na anak ni Galaad, na anak ni Michael, na anak ni Jesiai, na anak ni Jaddo, na anak ni Buz;

15 Si Ahi na anak ni Abdiel, na anak ni Guni, na pinuno sa mga sangbahayan ng kanilang mga magulang.

16 At sila'y nagsitahan sa Galaad sa Basan, at sa kaniyang mga bayan, at sa lahat ng palibot ng Saron, na kasinglayo ng kanilang mga hangganan.

17 Ang lahat ng mga ito'y nangasulat sa pamamagitan ng mga talaan ng lahi sa mga kaarawan (H)ni Jotham na hari sa Juda, at sa mga kaarawan ni Jeroboam na hari sa Israel.

Ang mga digma ng mga lipi na nasa Jordan.

18 Ang mga anak ni Ruben, at ang mga Gadita, at ang kalahating lipi ni Manases, na mga matapang na lalake na mga lalaking makadadala ng kalasag at tabak, at makapagpapahilagpos ng busog, at bihasa sa pakikipagdigma, ay apat na pu't apat na libo, at pitong daan at anim na pu na makalalabas sa pakikipagdigma.

19 At sila'y nakipagdigma sa mga Hagreo, kay Jethur, at kay Naphis, at kay Nodab.

20 At sila'y tinulungan sa pakikilaban sa kanila, at ang mga Hagreo ay ibinigay sa kanilang kamay, at ang lahat sa nangasa kanila: sapagka't sila'y nagsidalangin sa Dios sa pagbabaka, at kaniyang inayunan sila; sapagka't sila'y naglagak ng kanilang tiwala sa kaniya.

21 At kanilang dinala ang kanilang mga hayop; sa kanilang mga kamelyo ay limangpung libo, at sa mga tupa ay dalawang daan at limangpung libo, at sa mga asno ay dalawang libo, at sa mga lalake ay isang daang libo.

22 Sapagka't maraming nangapatay na nangabuwal, sapagka't ang pagdidigma ay sa Dios. At sila'y nagsitahan na kahalili nila hanggang sa pagkabihag.

Mga anak ng kalahating lipi ni Manases.

23 At ang mga anak ng kalahating lipi ni Manases ay tumahan sa lupain: sila'y nagsidami mula sa Basan hanggang sa Baal-hermon at sa Senir at sa bundok ng Hermon.

24 At ang mga ito ang mga pangulo ng mga sangbahayan ng kanilang mga magulang: sa makatuwid baga'y si Epher, at si Isi, at si Eliel, at si Azriel, at si Jeremias, at si Odavia, at si Jadiel, na mga makapangyarihang lalaking may tapang, na mga bantog na lalake, na mga pangulo sa mga sangbahayan ng kanilang mga magulang.

25 At sila'y nagsisuway laban sa Dios ng kanilang mga magulang, at yumaong sumamba sa mga dios ng mga bayan ng lupain, na nilipol ng Dios sa harap nila.

26 At hinikayat ng Dios ng Israel ang diwa ni Phul na hari sa Asiria, at ang diwa ni Tilgath-pilneser na hari sa Asiria, at dinalang bihag sila, sa makatuwid baga'y ang mga Rubenita, at ang mga Gadita, at ang kalahati ng lipi ni Manases, at dinala hanggang sa Hala, at sa Habor, at sa Hara, at sa ilog ng Gozan, hanggang sa araw na ito.

Mga anak ni Levi.

Ang mga anak ni Levi: si Gerson, si Coath, at si Merari.

At ang mga anak ni Coath: si Amram, si Ishar, at si Hebron, at si Uzziel.

At ang mga anak ni Amram: si Aaron, at si Moises, at si Mariam. At ang mga anak ni Aaron: si Nadab, at si Abiu, si Eleazar, at si Ithamar.

Naging anak ni (I)Eleazar si Phinees, naging anak ni Phinees si Abisua;

At naging anak ni Abisua si Bucci, at naging anak ni Bucci si Uzzi;

At naging anak ni Uzzi si Zeraias, at naging anak ni Zeraias si Meraioth;

Naging anak ni Meraioth si Amarias, at naging anak ni Amarias si Achitob;

At naging anak ni Achitob si (J)Sadoc, at naging anak ni Sadoc si Achimaas;

At naging anak ni Achimaas si Azarias, at naging anak ni Azarias si Johanan;

10 At naging anak ni Johanan si Azarias (na siyang pangulong saserdote sa bahay na itinayo ni Salomon sa Jerusalem:)

11 At naging anak ni Azarias si Amarias, at naging anak ni Amarias si Achitob;

12 At naging anak ni Achitob si Sadoc, at naging anak ni Sadoc si Sallum;

13 At naging anak ni Sallum si (K)Hilcias, at naging anak ni Hilcias si Azarias;

14 At naging anak ni Azarias si (L)Seraiah, at naging anak ni Seraiah si Josadec;

15 At si Josadec ay nabihag nang dalhing bihag ng Panginoon ang Juda at ang Jerusalem (M)sa pamamagitan ng kamay ni Nabucodonosor.

16 Ang mga (N)anak ni Levi: si Gersom, si Coath, at si Merari.

17 At ang mga ito ang mga pangalan ng mga anak ni Gersom: si Libni at si Simi.

18 At ang mga anak ni Coath ay si Amram, at si Ishar at si Hebron, at si Uzziel.

19 Ang mga anak ni Merari: si Mahali at si Musi. At ang mga ito ang mga angkan ng mga Levita ayon sa mga sangbahayan ng kanilang mga magulang.

20 Kay Gerson: si Libni na kaniyang anak, si Joath na kaniyang anak, si Zimma na kaniyang anak;

21 Si Joab na kaniyang anak, si Iddo na kaniyang anak, si Zera na kaniyang anak, si Jeothrai na kaniyang anak.

22 Ang mga anak ni Coath: si Aminadab na kaniyang anak, si Core na kaniyang anak, si Asir na kaniyang anak;

23 Si Elcana na kaniyang anak, at si Abiasaph na kaniyang anak, at si Asir na kaniyang anak;

24 Si Thahath na kaniyang anak, si Uriel na kaniyang anak, si Uzzia na kaniyang anak, at si Saul na kaniyang anak.

25 At ang mga anak ni Elcana: si Amasai at si Achimoth.

26 Tungkol kay Elcana, ang mga anak ni Elcana: si Sophai na kaniyang anak, at si Nahath na kaniyang anak;

27 Si Eliab na kaniyang anak, si Jeroham na kaniyang anak, si Elcana na kaniyang anak.

28 At ang mga anak ni Samuel: ang panganay ay si Joel, at ang ikalawa'y si Abias.

29 Ang mga anak ni Merari: si Mahali, si Libni na kaniyang anak, si Simi na kaniyang anak, si Uzza na kaniyang anak;

30 Si Sima na kaniyang anak, si Haggia na kaniyang anak, si Assia na kaniyang anak.

Mga mangaawit na Levita.

31 At ang mga ito ang mga inilagay ni David sa pag-awit sa bahay ng Panginoon, (O)pagkatapos na maipagpahinga ang kaban.

32 At sila'y nagsipangasiwa sa pamamagitan ng awit sa harap ng tolda ng tabernakulo ng kapisanan hanggang sa itinayo ni Salomon ang bahay ng Panginoon sa Jerusalem: at sila'y nagsipaglingkod sa kanilang katungkulan ayon sa kanilang pagkakahalihalili.

33 At ang mga ito ang nagsipaglingkod at ang kanilang mga anak. Sa mga anak ng mga Coathita: si (P)Heman, na mangaawit, na anak ni Joel, na anak ni Samuel;

34 Na anak ni Elcana, na anak ni Jeroham, na anak ni Eliel, na anak ni Thoa;

35 Na anak ni Suph, na anak ni Elcana, na anak ni Mahath, na anak ni Amasai;

36 Na anak ni Elcana, na anak ni Joel, na anak ni Azarias, na anak ni Sophonias;

37 Na anak ni Thahat, na anak ni Asir, na anak ni Ahiasaph, na anak ni Core;

38 Na anak ni Ishar, na anak ni Coath, na anak ni Levi, na anak ni Israel.

39 At ang kaniyang kapatid na si Asaph, na siyang nakatayo sa kaniyang kanan, sa makatuwid baga'y si Asaph na anak ni Berachias, na anak ni Sima;

40 Na anak ni Michael, na anak ni Baasias, na anak ni Malchias;

41 Na anak ni Athanai, na anak ni Zera, na anak ni Adaia;

42 Na anak ni Ethan, na anak ni Zimma, na anak ni Simi;

43 Na anak ni Jahat, na anak ni Gersom, na anak ni Levi.

44 At sa kaliwa ay ang kanilang mga kapatid na mga anak ni Merari: si Ethan na anak ni Chisi, na anak ni Abdi, na anak ni Maluch;

45 Na anak ni Hasabias, na anak ni Amasias, na anak ni Hilcias;

46 Na anak ni Amasias, na anak ni Bani, na anak ni Semer;

47 Na anak ni Mahali, na anak ni Musi, na anak ni Merari, na anak ni Levi.

48 At ang kanilang mga kapatid na mga Levita ay (Q)nangahalal sa buong paglilingkod sa tabernakulo ng bahay ng Dios.

Ang mga saserdote na mga Levita.

49 Nguni't si Aaron at ang kaniyang mga anak ay (R)nagsipaghandog sa ibabaw ng dambana ng handog na susunugin, (S)at sa ibabaw ng dambana ng kamangyan, para sa buong gawain sa kabanalbanalang dako, at (T)upang tubusin sa sala ang Israel, ayon sa lahat na iniutos ni Moises na lingkod ng Dios.

50 At ang mga ito ang mga (U)anak ni Aaron: si Eleazar na kaniyang anak, si Phinees na kaniyang anak, si Abisua na kaniyang anak,

51 Si Bucci na kaniyang anak, si Uzzi na kaniyang anak, si Zeraias na kaniyang anak,

52 Si Meraioth na kaniyang anak, si Amarias na kaniyang anak, si Achitob na kaniyang anak,

53 Si Sadoc na kaniyang anak, si Achimaas na kaniyang anak.

Ang mga tirahang dako ng mga Levita.

54 Ang mga ito nga ang kanilang mga tahanang dako ayon sa kanilang mga kampamento sa kanilang mga hangganan; sa mga anak ni Aaron, na sa mga angkan ng mga Coathita, (sapagka't (V)sa kanila ang unang palad.)

55 (W)Sa kanila ibinigay nila ang Hebron sa lupain ng Juda, at ang mga nayon niyaon sa palibot,

56 Nguni't ang mga bukid ng bayan, at ang mga nayon niyaon, ay kanilang ibinigay kay Caleb na anak ni Jephone.

57 At sa mga anak ni Aaron ay kanilang ibinigay ang mga bayang ampunan, ang Hebron; gayon din ang Libna pati ng mga nayon niyaon, at ang Jathir, at ang Esthemoa pati ng mga nayon niyaon:

58 At ang Hilem pati ng mga nayon niyaon, ang Debir pati ng mga nayon niyaon;

59 At ang Asan pati ng mga nayon niyaon, at ang Beth-semes pati ng mga nayon niyaon:

60 At mula sa lipi ni Benjamin; ang Geba pati ng mga nayon niyaon, at ang Alemeth pati ng mga nayon niyaon, at ang Anathoth pati ng mga nayon niyaon. Ang lahat na kanilang bayan sa lahat na kanilang angkan ay labing tatlong bayan.

61 At sa nalabi sa mga anak ni Coath ay nabigay sa pamamagitan ng (X)sapalaran, sa angkan ng lipi, sa kalahating lipi, na kalahati ng Manases, sangpung bayan.

62 At sa mga anak ni Gerson, ayon sa kanilang mga angkan, sa lipi ni Issachar, at sa lipi ni Aser, at sa lipi ni Nephtali, at sa lipi ni Manases sa Basan, labing tatlong bayan.

63 Sa mga anak ni Merari ay nabigay sa pamamagitan ng sapalaran, ayon sa kanilang mga angkan sa lipi ni Ruben, at sa lipi ni Gad, at sa lipi ni Zabulon, labing dalawang bayan.

64 At ibinigay ng mga anak ni Israel sa mga Levita ang mga bayan pati ng mga nayon niyaon.

65 At kanilang ibinigay sa pamamagitan ng sapalaran sa lipi ng mga anak ni Juda, at sa lipi ng mga anak ni Simeon, at sa lipi ng mga anak ni Benjamin, ang mga bayang ito na binanggit sa pangalan.

Ang mga bayan ng mga Levita.

66 (Y)At ang ilan sa mga angkan ng mga anak ni Coath ay may mga bayan sa kanilang mga hangganan na mula sa lipi ni Ephraim.

67 At ibinigay nila sa kanila ang mga bayang ampunan: ang Sichem sa lupaing maburol ng Ephraim pati ng mga nayon niyaon; gayon din ang Gezer pati ng mga nayon niyaon.

68 At ang Jocmeam pati ng mga nayon niyaon, at ang Bet-horon pati ng mga nayon niyaon;

69 At ang Ajalon pati ng mga nayon niyaon; at ang Gath-rimmon pati ng mga nayon niyaon:

70 At mula sa kalahating lipi ni Manases; ang Aner pati ng mga nayon niyaon, at ang Bilam pati ng mga nayon niyaon, sa ganang nangalabi sa angkan ng mga anak ng Coath.

71 (Z)Sa mga anak ng Gerson ay nabigay, mula sa angkan ng kalahating lipi ni Manases, ang Golan sa Basan pati ng mga nayon niyaon, at ang Astharoth pati ng mga nayon niyaon;

72 At mula sa lipi ni Issachar, ang Cedes pati ng mga nayon niyaon, ang Dobrath pati ng mga nayon niyaon;

73 At ang Ramoth pati ng mga nayon niyaon, at ang Anem pati ng mga nayon niyaon:

74 At mula sa lipi ni Aser; ang Masal pati ng mga nayon niyaon, at ang Abdon pati ng mga nayon niyaon;

75 At ang Ucoc pati ng mga nayon niyaon, at ang Rehob pati ng mga nayon niyaon:

76 At mula sa lipi ni Nephtali; ang Cedes sa Galilea pati ng mga nayon niyaon, at ang Ammon pati ng mga nayon niyaon, at ang Chiriat-haim pati ng mga nayon niyaon.

77 Sa nangalabi sa mga Levita, na (AA)mga anak ni Merari, ay nabigay mula sa lipi ni Zabulon, ang Rimmono pati ng mga nayon niyaon, ang Thabor pati ng mga nayon niyaon:

78 At sa dako roon ng Jordan sa Jerico sa dakong silanganan ng Jordan nabigay sa kanila, mula sa lipi ni Ruben, ang Beser sa ilang pati ng mga nayon niyaon, at ang Jasa pati ng mga nayon niyaon,

79 At ang Chedemoth pati ng mga nayon niyaon, at ang Mephaath pati ng mga nayon niyaon:

80 At mula sa lipi ni Gad; ang Ramot sa Galaad pati ng mga nayon niyaon, at ang Mahanaim pati ng mga nayon niyaon,

81 At ang Hesbon pati ng mga nayon niyaon, at ang Jacer pati ng mga nayon niyaon.

Mga Hebreo 10

10 Sapagka't ang kautusan na may (A)isang anino (B)ng mabubuting bagay na darating, hindi ang tunay na larawan ng mga bagay, (C)kailan pa man ay di maaaring magpasakdal sa mga nagsisilapit sa pamamagitan ng mga hain na laging inihahandog sa taon-taon.

Sa ibang paraan ay hindi kaya baga nagsipaglikat sila ng paghahandog? sapagka't ang mga nagsisisamba, yamang nalinis na minsan, ay hindi na sana nagkaroon pa ng budhi sa mga kasalanan.

Nguni't (D)sa mga hain yaon ginagawa ang pagaalaala sa mga kasalanan taon-taon.

Sapagka't di maaari na (E)ang dugo ng mga baka at ng mga kambing ay makapagalis ng mga kasalanan.

Kaya't (F)pagpasok niya sa sanglibutan, ay sinasabi,

(G)Hain at handog ay hindi mo ibig.
Nguni't isang katawan ang (H)sa akin ay inihanda mo;
Sa mga handog na susunugin at mga haing patungkol sa mga kasalanan ay hindi ka nalugod.
Nang magkagayo'y sinabi ko, Narito, ako'y pumarito (sa balumbon ng aklat ay nasusulat tungkol sa akin.)
Upang gawin, Oh Dios, ang iyong kalooban.

Sa itaas ay sinasabi, Mga hain at mga handog at mga handog na susunuging buo at mga haing patungkol sa kasalanan ay hindi mo ibig, at di mo rin kinalulugdan (mga bagay na inihahandog ayon sa kautusan),

Saka sinabi niya, Narito, ako'y pumarito upang gawin ang iyong kalooban. Inaalis niya ang una, upang maitatag ang ikalawa.

10 Sa (I)kaloobang yaon tayo'y pinapaging-banal, sa pamamagitan ng pagkahandog ng (J)katawan ni Cristo na (K)minsan magpakailan man.

11 At katotohanang ang bawa't saserdote (L)na araw-araw ay nangangasiwa ng patayo at naghahandog na madalas ng gayon ding mga hain, na hindi makaalis kailan pa man ng mga kasalanan:

12 Nguni't siya, nang makapaghandog ng (M)isa lamang hain patungkol sa mga kasalanan (N)magpakailan man, ay umupo sa kanan ng Dios;

13 Buhat noon ay naghihintay hanggang sa ang (O)kaniyang mga kaaway ay maging tungtungan ng kaniyang mga paa.

14 Sapagka't sa pamamagitan ng isang paghahandog ay (P)kaniyang pinasakdal magpakailan man (Q)ang mga pinapagiging-banal.

15 At ang Espiritu Santo ay nagbibigay patotoo (R)rin naman sa atin; sapagka't pagkasabi niya na,

16 Ito ang tipang gagawin ko sa kanila

Pagkatapos ng mga araw na yaon, sabi ng Panginoon;
(S)Ilalagay ko ang aking mga kautusan sa kanilang puso,
At isusulat ko rin naman sa kanilang pagiisip;
17 At ang kanilang mga kasalanan at kanilang mga kasamaan ay hindi ko na aalalahanin pa.

18 At kung saan may kapatawaran ng mga ito ay wala nang paghahandog na patungkol pa sa kasalanan.

19 Mga kapatid, yamang (T)may kalayaan ngang makapasok sa (U)dakong banal sa pamamagitan ng dugo ni Jesus,

20 Sa pamamagitan ng daang bago at buhay na kaniyang itinalaga sa atin, (V)sa pamamagitan ng tabing, sa makatuwid baga'y sa kaniyang laman;

21 At yamang may (W)isang Dakilang Saserdote na pangulo sa (X)bahay ng Dios;

22 Tayo'y magsilapit na may tapat na puso (Y)sa lubos na pananampalataya, na ang ating mga puso na winisikan mula (Z)sa isang masamang budhi: at (AA)mahugasan ang ating katawan ng dalisay na tubig,

23 Na ating ingatang matibay ang (AB)pagkakilala ng ating pagasa upang huwag magalinlangan: sapagka't (AC)tapat ang nangako:

24 At tayo'y mangagtinginan upang tayo'y mangaudyok sa pagiibigan at mabubuting gawa;

25 Na huwag nating pabayaan ang (AD)ating pagkakatipon, na gaya ng ugali ng iba, kundi mangagaralan sa isa't isa; at lalo na kung inyong namamalas na nalalapit na (AE)ang araw.

26 Sapagka't (AF)kung ating sinasadya ang pagkakasala pagkatapos na ating matanggap ang pagkakilala sa katotohanan, (AG)ay wala nang haing natitira pa tungkol sa mga kasalanan,

27 Kundi isang kakilakilabot na paghihintay sa paghuhukom, at isang kabangisan ng apoy na lalamon sa mga kaaway.

28 (AH)Ang magpawalang halaga sa kautusan ni Moises sa patotoo ng dalawa o tatlong saksi, ay mamamatay na walang awa:

29 Gaano kayang higpit ng parusa, sa akala ninyo, (AI)ang ihahatol na nauukol doon (AJ)sa yumurak sa (AK)Anak ng Dios, at umaring di banal (AL)sa dugo ng (AM)tipan na (AN)nagpabanal sa kaniya, (AO)at umalipusta sa Espiritu ng biyaya?

30 Sapagka't ating nakikilala yaong nagsabi, (AP)Akin ang paghihiganti, ako ang gaganti. At muli, Huhukuman (AQ)ng Panginoon ang kaniyang bayan.

31 Kakilakilabot na bagay ang mahulog sa mga kamay ng Dios na buhay.

32 Datapuwa't (AR)alalahanin ang mga nakaraang araw, na sa mga yaon, pagkatapos na kayo'y maliwanagan, ay nangagtiis kayo ng malaking pakikilaban ng mga pagbabata;

33 Na una una ay naging isang katawatawa dahil sa mga pagkasiphayo at gayon din sa mga kahirapan; at sa ikalawa, ay naging kasama niyaong mga inaring gayon.

34 Sapagka't kayo'y nangahabag sa mga may tanikala, at tinanggap ninyo ng buong galak (AS)ang pagkaagaw ng inyong pagaari, palibhasa'y inyong nalalamang (AT)mayroon kayo sa inyong sarili ng isang pagaaring lalong mabuti at tumatagal.

35 Huwag nga ninyong itakuwil ang inyong pagkakatiwala, na may dakilang ganting-pala.

36 Sapagka't kayo'y nangangailangan (AU)ng pagtitiis, upang kung inyong magawa ang kalooban ng Dios, ay (AV)magsitanggap kayo ng pangako.

37 Sapagka't (AW)sa madaling panahon,
Siyang pumaparito ay (AX)darating, at hindi magluluwat.
38 Nguni't ang aking lingkod na matuwid ay (AY)mabubuhay sa pananampalataya:
At kung siya ay umurong, ay hindi kalulugdan ng aking kaluluwa.

39 Nguni't tayo'y hindi doon (AZ)sa mga nagsisibalik sa kapahamakan; kundi doon sa mga may pananampalataya sa ikaliligtas ng kaluluwa.

Amos 4

Ang Israel ay parurusahan dahil sa kaniyang pagpapahirap.

Dinggin ninyo ang salitang ito, Oh mga (A)baka ng Basan, na (B)nangasa bundok ng Samaria, na (C)nagsisipighati sa mga dukha, na nagsisigipit sa mga mapagkailangan, na nangagsasabi sa kanilang mga panginoon, Dalhin ninyo rito, at ating inumin.

Ang Panginoong Dios ay (D)sumumpa sa pamamagitan ng kaniyang kabanalan, na, narito, ang mga kaarawan ay darating sa inyo, na kanilang huhulihin kayo ng mga taga ng bingwit, at (E)ang nalabi sa inyo ay ng mga pamingwit.

At kayo'y magsisilabas sa mga sira, na bawa't isa'y tuloytuloy; at kayo'y mangagpapakatapon sa Harmon, sabi ng Panginoon.

Magsiparoon kayo sa (F)Beth-el, at magsisalangsang kayo; sa (G)Gilgal, at paramihin ninyo ang pagsalangsang; at inyong dalhin ang inyong mga hain tuwing umaga, (H)at ang inyong mga ikasangpung bahagi tuwing tatlong araw;

At (I)kayo'y mangaghandog ng hain ng pasasalamat (J)na may lebadura, at kayo'y mangaghayag ng (K)kusang mga handog at inyong itanyag; sapagka't ito'y nakalulugod sa inyo, Oh ninyong mga anak ni Israel, sabi ng Panginoong Dios.

At binigyan ko naman kayo ng kalinisan ng mga ngipin sa lahat ninyong mga bayan, at kakulangan ng tinapay sa lahat ninyong mga dako; (L)gayon ma'y hindi kayo nanganumbalik sa akin, sabi ng Panginoon.

At (M)akin namang pinigil ang ulan sa inyo, nang tatlong buwan na lamang at pagaani na; at aking pinaulan sa isang bayan, at hindi ko pinaulan sa kabilang bayan: isang bahagi ay inulanan, at ang bahagi na hindi inulanan ay natuyo.

Sa gayo'y dalawa o tatlong bayan ay nagsigala sa isang bayan upang magsiinom ng tubig, at hindi nangapawi ang uhaw: gayon ma'y hindi kayo nanganumbalik sa akin, sabi ng Panginoon.

Aking sinalot kayo ng pagkalanta at ng amag: ang karamihan ng inyong mga halaman, at ng inyong mga ubasan, at ng inyong mga igusan, at ng inyong mga olibohan ay (N)nilipol ng tipaklong: gayon ma'y hindi kayo nanganumbalik sa akin, sabi ng Panginoon.

10 Aking pinarating sa gitna ninyo ang salot (O)na gaya ng sa Egipto: ang inyong mga binata ay pinatay ko ng tabak, (P)at dinala ko ang inyong mga kabayo; at aking pinaalingasaw ang baho ng inyong kampamento hanggang sa inyong mga butas ng ilong; gayon ma'y hindi kayo nanganumbalik sa akin, sabi ng Panginoon.

11 Aking ibinuwal ang iba sa inyo, (Q)gaya nang ibuwal ng Dios ang Sodoma at Gomorra, at kayo'y naging gaya ng (R)dupong na naagaw sa apoy: gayon ma'y hindi kayo nanganumbalik sa akin, sabi ng Panginoon.

12 Kaya't ganito ang gagawin ko sa iyo, Oh Israel; at yamang aking gagawin ito sa iyo, humanda kang salubungin mo ang iyong Dios, Oh Israel.

13 Sapagka't, narito, siyang nagaanyo ng mga bundok, at lumilikha ng hangin, (S)at nagpapahayag sa tao kung ano ang kaniyang pagiisip; na (T)nagpapadilim ng umaga, at yumayapak sa mga mataas na dako ng lupa—ang Panginoon, ang Dios ng mga hukbo ay siya niyang pangalan.

Mga Awit 148-150

Ang buong nilalang ay pinapagpupuri sa Panginoon.

148 Purihin ninyo ang Panginoon.
Purihin ninyo ang Panginoon mula sa mga langit:
Purihin ninyo siya sa mga kaitaasan.
(A)Purihin ninyo siya, ninyong lahat niyang mga anghel:
Purihin ninyo siya, buo niyang hukbo.
Purihin ninyo siya, araw at buwan:
Purihin ninyo siya, ninyong lahat na mga bituing maliwanag.
Purihin ninyo siya, ninyong mga langit ng mga langit,
(B)At ninyong tubig na nasa itaas ng mga langit.
Purihin nila ang pangalan ng Panginoon:
Sapagka't (C)siya'y nagutos, at sila'y nangalikha.
(D)Kaniya rin namang ipinagtatatag magpakailan-kailan man:
Siya'y gumawa ng pasiya na hindi mapapawi.
Purihin ninyo ang Panginoon mula sa lupa,
Ninyong mga buwaya, at lahat ng mga kalaliman:
Apoy at granizo, nieve at singaw;
Unos na hangin, na (E)gumaganap ng kaniyang salita:
(F)Mga bundok at lahat ng mga gulod;
Mga mabungang kahoy at lahat ng mga cedro:
10 Mga hayop at buong kawan;
Nagsisiusad na bagay at ibong lumilipad:
11 Mga hari sa lupa at lahat ng mga bayan;
Mga pangulo at lahat ng mga hukom sa lupa:
12 Mga binata at gayon din ng mga dalaga;
Mga matanda at mga bata:
13 Purihin nila ang pangalan ng Panginoon;
Sapagka't ang kaniyang pangalang magisa ay nabunyi:
Ang kaniyang kaluwalhatian ay nasa itaas ng lupa at mga langit.
14 At itinaas niya ang sungay ng kaniyang bayan,
Ang papuri ng lahat niyang mga banal;
Sa makatuwid baga'y ng mga anak ni Israel, (G)na bayang malapit sa kaniya.
Purihin ninyo ang Panginoon.

Ang Israel ay pinapagpupuri sa Panginoon.

149 Purihin ninyo ang Panginoon.
Magsiawit kayo sa Panginoon ng bagong awit,
At ng kaniyang kapurihan (H)sa kapisanan ng mga banal.
(I)Magalak nawa ang Israel sa kaniya na lumalang sa kaniya:
Magalak nawa ang mga anak ng Sion sa kanilang Hari.
(J)Purihin nila ang kaniyang pangalan sa sayaw:
Magsiawit sila ng mga pagpuri sa kaniya na may pandereta at alpa.
Sapagka't ang Panginoon ay nalulugod sa kaniyang bayan:
(K)Kaniyang pagagandahin ng kaligtasan ang maamo.
Pumuri nawa ang mga banal sa kaluwalhatian:
(L)Magsiawit sila sa kagalakan sa kanilang mga higaan.
Malagay nawa sa kanilang bibig ang pinakamataas na pagpuri sa Dios,
At (M)tabak na may dalawang talim sa kanilang kamay;
Upang magsagawa ng panghihiganti sa mga bansa,
At mga parusa sa mga bayan;
Upang talian ang kanilang mga hari ng mga tanikala,
At ang kanilang mga mahal na tao ng mga panaling bakal;
Upang magsagawa sa kanila ng hatol na (N)nasusulat:
Mayroon ng karangalang ito ang lahat niyang mga banal.
Purihin ninyo ang Panginoon.

Tawag upang purihin ang Panginoon sa pamamagitan ng mga panugtog.

150 Purihin ninyo ang Panginoon.
Purihin ninyo ang Dios (O)sa kaniyang santuario:
Purihin ninyo siya sa langit ng kaniyang kapangyarihan.
Purihin ninyo siya dahil sa kaniyang mga makapangyarihang gawa:
Purihin ninyo siya ayon sa kaniyang marilag na kadakilaan.
Purihin ninyo siya ng tunog ng pakakak:
(P)Purihin ninyo siya ng salterio at alpa.
Purihin ninyo siya (Q)ng pandereta at sayaw:
Purihin ninyo siya (R)ng mga panugtog na kawad at ng (S)flauta.
Purihin ninyo siya ng mga (T)matunog na simbalo.
Purihin ninyo siya sa pinaka matunog na mga simbalo.
(U)Purihin ng bawa't bagay na may hininga ang Panginoon.
Purihin ninyo ang Panginoon.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978