M’Cheyne Bible Reading Plan
Si Joas ay naghari.
24 Si Joas ay may pitong taon nang magpasimulang maghari; at siya'y (A)nagharing apat na pung taon sa Jerusalem: at ang pangalan ng kaniyang ina ay Sibia na taga Beer-seba.
2 At gumawa si Joas ng matuwid sa harap ng mga mata ng Panginoon (B)lahat ng mga kaarawan ni Joiada na saserdote.
3 At kumuha si Joiada ng dalawang babae upang maging asawa ng hari, at siya'y nagkaanak ng mga lalake at mga babae.
4 At nangyari, pagkatapos nito, na inisip ni Joas na husayin ang bahay ng Panginoon.
5 At kaniyang pinisan ang mga saserdote at ang mga Levita, at sinabi sa kanila, Magsilabas kayo hanggang sa mga bayan ng Juda, at magtipon kayo sa buong Israel ng salapi upang husayin ang bahay ng inyong Dios sa taontaon, at sikapin ninyo na inyong madaliin ang bagay. (C)Gayon ma'y hindi minadali ng mga Levita.
6 At ipinatawag ng hari si Joiada na pinuno, at sinabi sa kaniya, Bakit hindi mo ipinadala sa mga Levita ang buwis (D)na iniutos ni Moises, na lingkod ng Panginoon, at ng kapisanan ng Israel, mula sa Juda, at mula sa Jerusalem, na ukol sa (E)tabernakulo ng patotoo?
7 Sapagka't giniba ng mga anak ni Athalia, niyaong masamang babae, ang bahay ng Dios, at kanila namang ginugol sa mga Baal ang lahat na itinalagang bagay sa bahay ng Panginoon.
Ipinaigi ni Joas ang templo.
8 (F)Sa gayo'y nagutos ang hari, at sila'y nagsigawa ng isang kaban, at inilagay sa labas sa pintuang-daan ng bahay ng Panginoon.
9 At sila'y nangagtanyag sa Juda at sa Jerusalem, na dalhin sa Panginoon (G)ang buwis na iniatang ni Moises na lingkod ng Dios sa Israel sa ilang.
10 At ang lahat na prinsipe at ang buong bayan ay nagalak, at dinala, at inilagay sa kaban, hanggang sa natapos.
11 At nagkagayon, nang dalhin ang kaban sa kawanihan ng hari, sa pamamagitan ng kamay ng mga Levita, at nang kanilang makita na maraming salapi, na ang kalihim ng hari at ang pinuno ng pangulong saserdote ay naparoon at inalisan ng laman ang kaban, at kinuha, at dinala uli sa dakong kinaroroonan. Ganito ang kanilang ginawa araw-araw, at nagtipon ng salapi na sagana.
12 At ibinigay ng hari at ni Joiada sa gumagawa ng gawaing paglilingkod sa bahay ng Panginoon; at sila'y nagsiupa ng mga kantero at ng mga anluwagi upang husayin ang bahay ng Panginoon, at ng nagsisigawa naman sa bakal at tanso upang husayin ang bahay ng Panginoon.
13 Sa gayo'y nagsigawa ang mga manggagawa, at ang gawa ay nayari sa pamamagitan nila, at kanilang itinayo ang bahay ng Dios sa kaniyang kalagayan, at pinatibay.
14 At nang kanilang matapos, kanilang dinala ang labis ng salapi sa harap ng hari at ni Joiada, (H)na siyang mga ipinagpagawa ng mga sisidlan sa bahay ng Panginoon, sa makatuwid baga'y mga sisidlan upang ipangasiwa, at upang ipaghandog ng hain, at mga sandok, at mga sisidlang ginto, at pilak. At sila'y nangaghandog na palagi ng mga handog na susunugin sa bahay ng Panginoon sa (I)lahat ng mga kaarawan ni Joiada.
15 Nguni't si Joiada ay tumanda at napuspos ng mga araw, at siya'y namatay; siya'y may isang daan at tatlongpung taon nang siya'y mamatay.
16 At inilibing nila siya sa bayan ni David sa kasamahan ng mga hari, sapagka't siya'y gumawa ng mabuti sa Israel, at sa Dios at sa kaniyang sangbahayan.
17 Pagkamatay nga ni Joiada ay nagsiparoon ang mga prinsipe ng Juda, at nangagbigay galang sa hari. Nang magkagayo'y dininig sila ng hari.
18 At kanilang pinabayaan ang bahay ng Panginoon, ng Dios ng kanilang mga magulang, at nangaglingkod (J)sa mga Asera at sa mga dios-diosan: at (K)ang pagiinit ay dumating sa Juda at sa Jerusalem dahil sa kanilang salang ito.
19 Gayon ma'y (L)nagsugo siya ng mga propeta sa kanila upang dalhin sila uli sa Panginoon; at sila'y (M)sumaksi laban sa kanila; nguni't hindi sila pinakinggan.
Pinagsalitaan siya ni Zacharias.
20 At ang Espiritu ng Dios ay dumating kay Zacharias na anak ni Joiada na saserdote; at siya'y tumayong mataas kay sa bayan, at nagsabi sa kanila, Ganito ang sabi ng Dios, Bakit kayo'y nagsisisalangsang sa mga utos ng Panginoon, na anopa't kayo'y huwag magsiginhawa? sapagka't inyong pinabayaan ang Panginoon, kaniya namang pinabayaan kayo.
21 At sila'y nagsipagbanta laban sa kaniya, at (N)binato siya ng mga bato, sa utos ng hari (O)sa looban ng bahay ng Panginoon.
22 Sa ganito ay hindi inalaala ni Joas na hari ang kagandahang loob na ginawa ni Joiada na kaniyang ama sa kaniya, kundi pinatay ang kaniyang anak. At nang siya'y mamatay, kaniyang sinabi, Masdan ng Panginoon, at pakialaman.
23 At nangyari, sa katapusan ng taon, na ang hukbo ng mga taga Siria ay umahon laban sa kaniya: at sila'y nagsiparoon sa Juda at sa Jerusalem, at nilipol ang lahat na (P)prinsipe ng bayan mula sa gitna ng bayan, at ipinadala ang buong samsam sa kanila sa hari sa Damasco.
24 Sapagka't ang hukbo (Q)ng mga taga Siria ay naparoong may munting pangkat ng mga lalake; at ibinigay ng Panginoon ang isang totoong malaking hukbo sa kanilang kamay sapagka't kanilang pinabayaan ang Panginoon, ang Dios ng kanilang mga magulang. Sa gayo'y nilapatan nila ng kahatulan (R)si Joas.
25 At nang kanilang lisanin siya, (sapagka't iniwan nila siya sa maraming mga sakit,) (S)ang kaniyang sariling mga lingkod ay nagsipagbanta laban sa kaniya dahil sa dugo ng mga (T)anak ni Joiada na saserdote, at pinatay siya sa kaniyang higaan, at siya'y namatay: at inilibing nila siya sa bayan ni David, (U)nguni't hindi inilibing nila siya sa mga libingan ng mga hari.
26 At ang mga ito ang nagsipagbanta laban sa kaniya; si (V)Zabad na anak ni Simath, na Ammonita, at si Jozabad na anak ni Simrith, na Moabita.
27 Tungkol nga sa kaniyang mga anak, at sa kalakhan ng mga pasang ipinasan sa kaniya, at sa pagtatayong muli ng bahay ng Dios, narito, nakasulat sa (W)kasaysayan ng aklat ng mga hari. At si Amasias na kaniyang anak ay naghari na kahalili niya.
11 At binigyan ako ng (A)isang tambong katulad ng isang panukat: at may isang nagsabi, Magtindig ka, at sukatin mo ang templo ng Dios, at (B)ang dambana, at ang mga sumasamba doon.
2 At ang loobang nasa labas ng templo (C)ay pabayaan mo, at huwag mong sukatin; (D)sapagka't ibinigay sa mga bansa: at kanilang yuyurakang (E)apat na pu't dalawang buwan ang banal na siudad.
3 At may ipagkakaloob ako sa aking dalawang (F)saksi, at sila'y magsisipanghulang isang libo at dalawang daan at anim na pung araw, na nararamtan ng magagaspang na kayo.
4 Ang mga ito'y (G)ang dalawang punong olibo (H)at ang dalawang kandelero, na nangakatayo sa harapan ng Panginoon ng lupa.
5 At kung nasain ng sinoman na sila'y ipahamak, ay apoy ang (I)lumalabas sa kanilang bibig, at lumalamon sa kanilang mga kaaway; at kung nasain ng sinoman na sila'y ipahamak ay kailangan ang mamatay sa ganitong paraan.
6 Ang mga ito'y (J)may kapangyarihang magsara ng langit, upang huwag umulan sa loob ng mga araw ng kanilang hula: at may kapangyarihan sila sa mga tubig (K)na mapaging dugo, at (L)mapahirapan ang lupa ng bawa't salot sa tuwing kanilang nasain.
7 At pagka natapos nila ang kanilang (M)patotoo, (N)ang hayop na umahon (O)mula sa kalaliman ay (P)babaka sa kanila, at pagtatagumpayan sila, at sila'y papatayin.
8 At ang kanilang mga bangkay ay nasa lansangan (Q)ng malaking bayan, na ayon sa espiritu ay tinatawag na (R)Sodoma at Egipto, na doon din naman ipinako sa krus ang Panginoon nila.
9 At ang mga tao mula sa gitna ng mga bayan at mga angkan at mga wika at mga bansa, ay nanonood sa kanilang mga bangkay na tatlong araw at kalahati, at hindi itutulot na ang kanilang mga bangkay ay malibing.
10 At ang mga nananahan sa ibabaw ng lupa ay mangagagalak tungkol sa kanila, at mangatutuwa; at sila'y mangagpapadalahan ng mga kaloob; (S)sapagka't ang dalawang propetang ito ay (T)nagpahirap sa nangananahan sa ibabaw ng lupa.
11 At pagkatapos ng tatlong araw at kalahati, (U)ang hininga ng buhay na mula sa Dios ay pumasok sa kanila, at sila'y nangagsitindig; at dinatnan ng malaking takot ang mga nakakita sa kanila.
12 At narinig nila ang isang malakas na tinig na nagsasabi sa kanila, Umakyat kayo rito. At sila'y umakyat sa langit (V)sa isang alapaap; at pinagmasdan sila ng kanilang mga kaaway.
13 At nang oras na yaon ay nagkaroon ng isang malakas na lindol, (W)at nagiba ang ikasangpung bahagi ng bayan; at may nangamatay sa lindol na pitong libo katao: at ang mga iba ay nangatatakot, (X)at nangagbigay ng kaluwalhatian (Y)sa Dios ng langit.
14 Nakaraan na ang (Z)ikalawang Pagkaaba: narito, nagmamadaling dumarating ang ikatlong Pagkaaba.
15 At humihip (AA)ang ikapitong anghel; at nagkaroon ng malalakas na tinig sa langit, at nagsasabi,
(AB)Ang kaharian ng sanglibutan ay naging sa ating Panginoon, at sa (AC)kaniyang Cristo: (AD)at siya'y maghahari magpakailan kailan man.
16 At ang dalawangpu't apat na matatanda (AE)na nakaupo sa kanikaniyang luklukan sa harapan ng Dios ay nangagpatirapa, at nangagsisamba sa Dios,
17 Na nangagsasabi,
Pinasasalamatan ka namin, Oh Panginoong Dios, na Makapangyarihan sa lahat, (AF)na ikaw ngayon, at naging ikaw nang nakaraan; sapagka't hinawakan mo ang iyong dakilang kapangyarihan, at ikaw ay naghari.
18 At nangagalit ang mga bansa, at dumating ang (AG)iyong poot, at (AH)ang panahon ng mga patay upang mangahatulan, at ang panahon ng pagbibigay mo ng ganting-pala sa iyong mga alipin na mga propeta, at sa mga banal, at sa mga natatakot sa iyong pangalan, maliliit at malalaki; at upang ipahamak mo ang mga nagpapahamak ng lupa.
19 At nabuksan (AI)ang templo ng Dios na nasa langit: at nakita sa kaniyang templo (AJ)ang kaban ng kaniyang tipan; at nagkaroon ng mga (AK)kidlat, at mga tinig, at mga kulog, at isang lindol, at malaking granizo.
Ang di pagsunod ang dahilan ng pagkabihag.
7 At nangyari, (A)nang ikaapat na taon ng haring si Dario, na ang salita ng Panginoon ay dumating kay Zacarias nang ikaapat na araw ng ikasiyam na buwan, sa makatuwid baga'y sa (B)Chislev.
2 Sinugo nga ng mga taga Beth-el si Sareser at si Regem-melech, at ang kanilang mga lalake, upang hilingin ang lingap ng Panginoon,
3 At upang magsalita sa (C)mga saserdote ng bahay ng Panginoon ng mga hukbo, at sa (D)mga propeta, na sabihin, Iiyak baga ako (E)sa ikalimang buwan, na ako'y hihiwalay, gaya ng aking ginawa nitong maraming taon?
4 Nang magkagayo'y dumating ang salita ng Panginoon ng mga hukbo sa akin, na nagsasabi,
5 Salitain mo sa lahat ng tao ng lupain at sa mga saserdote, na iyong sabihin, Nang kayo'y magayuno, (F)at tumangis ng ikalima at (G)ikapitong buwan, (H)nito ngang pitong pung taon, kayo baga'y nagayunong lubos sa akin, para sa akin?
6 At pagka kayo'y nagsisikain, at pagka kayo'y nagsisiinom, di baga kayo'y nagsisikain sa ganang inyong sarili at nagsisiinom, sa ganang inyong sarili?
7 Di baga ninyo dapat dinggin ang mga salita na isinigaw ng Panginoon sa pamamagitan ng mga unang propeta, nang ang Jerusalem ay tinatahanan at nasa kaginhawahan, at ang mga bayan niyaon na nangasa palibot niya, at (I)ang Timugan, at ang mababang lupain ay tinatahanan?
8 At ang salita ng Panginoon ay dumating kay Zacarias na nagsasabi,
9 Ganito ang sinalita ng Panginoon ng mga hukbo, na nagsasabi, (J)Mangaglapat kayo ng tunay na kahatulan, at magpakita ng kaawaan at ng kahabagan ang bawa't isa sa kaniyang kapatid,
10 At huwag ninyong pighatiin ang babaing bao, (K)ni ang ulila man, ang taga ibang lupa, ni ang dukha man; at sinoman sa inyo ay huwag magisip ng kasamaan sa inyong puso laban sa kaniyang kapatid.
11 Nguni't kanilang tinanggihang dinggin, at kanilang iniurong ang balikat, at (L)nagtakip ng pakinig, upang huwag nilang marinig.
12 Oo, kanilang ginawa na parang batong diamante ang kanilang puso upang huwag magsidinig ng kautusan, at ng mga salita na ipinasugo ng Panginoon ng mga hukbo sa pamamagitan ng kaniyang Espiritu, ng mga unang propeta: kaya't dumating ang malaking poot na mula sa Panginoon ng mga hukbo.
13 At nangyari, na kung paanong siya'y sumigaw, at hindi nila dininig, ay gayon sila sisigaw, at hindi ko didinggin, sabi ng Panginoon ng mga hukbo;
14 Kundi aking pangangalatin sila sa pamamagitan ng ipoipo sa gitna ng lahat na bansa na hindi nila nakilala. Ganito nasira ang lupain pagkatapos nila, na anopa't (M)walang tao na nagdadaan o nagbabalik: sapagka't kanilang inihandusay na sira ang kaayaayang lupain.
10 Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa inyo, Ang pumapasok sa hindi pintuan ng kulungan ng mga tupa kundi umaakyat sa ibang daan, ang gayon ay tulisan at magnanakaw.
2 Datapuwa't ang pumapasok sa pintuan ay siyang pastor ng mga tupa.
3 Binubuksan siya ng bantay-pinto; at dinirinig ng mga tupa ang kaniyang tinig: at tinatawag ang kaniyang sariling mga tupa sa pangalan, at sila'y inihahatid sa labas.
4 Pagka nailabas na niya ang lahat ng sariling kaniya, ay pinangungunahan niya sila, at nagsisisunod sa kaniya ang mga tupa: sapagka't nakikilala nila ang kaniyang tinig.
5 At sa iba'y hindi sila magsisisunod, kundi magsisitakas sa kaniya: sapagka't hindi nila nakikilala ang tinig ng mga iba.
6 Sinalita ni Jesus sa kanila ang talinghagang ito: (A)datapuwa't hindi nila napagunawa kung anong mga bagay ang sa kanila'y sinasalita.
7 Muli ngang sinabi sa kanila ni Jesus, Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa inyo, Ako ang pintuan ng mga tupa.
8 Ang lahat ng nangauna sa aking nagsiparito ay mga magnanakaw at mga tulisan: datapuwa't hindi sila dininig ng mga tupa.
9 Ako (B)ang pintuan; ang sinomang taong pumasok sa akin, ay siya'y maliligtas, at papasok at lalabas, at (C)makasusumpong ng pastulan.
10 Hindi pumaparito ang magnanakaw, kundi upang magnakaw, at pumatay, at pumuksa: ako'y naparito upang sila'y magkaroon ng buhay, at magkaroon ng kasaganaan nito.
11 Ako ang mabuting pastor: (D)ibinibigay ng mabuting pastor ang kaniyang buhay dahil sa mga tupa.
12 Ang nagpapaupa, at hindi ang pastor, na hindi may-ari ng mga tupa, ay nakikitang dumarating ang lobo, at (E)pinababayaan ang mga tupa, at tumatakas, at inaagaw sila ng lobo, at pinapangangalat:
13 Siya'y tumatakas sapagka't siya'y upahan, at hindi ipinagmamalasakit ang mga tupa.
14 Ako ang mabuting pastor; at (F)nakikilala ko ang sariling akin, at ang sariling akin ay nakikilala ako,
15 Gaya ng pagkakilala (G)sa akin ng Ama, at ng sa Ama ay pagkakilala ko; (H)at ibinibigay ko ang aking buhay dahil sa mga tupa.
16 At mayroon akong (I)ibang mga tupa, na hindi sa kulungang ito: (J)sila'y kailangan din namang dalhin ko, at kanilang diringgin ang aking tinig; at sila'y magiging isang kawan, at magkakaroon ng isang pastor.
17 (K)Dahil dito'y sinisinta ako ng Ama, (L)sapagka't ibinibigay ko ang aking buhay, upang kunin kong muli.
18 Sinoma'y hindi nagaalis sa akin nito, kundi kusa kong ibinibigay. May kapangyarihan akong magbigay nito, at (M)may kapangyarihan akong kumuhang muli. Tinanggap ko ang utos na (N)ito sa aking Ama.
19 At (O)muling nagkaroon ng isang pagbabahabahagi sa gitna ng mga Judio dahil sa mga salitang ito.
20 At sinasabi ng marami sa kanila, (P)Mayroon siyang demonio, at (Q)siya'y nauulol; bakit ninyo siya pinakikinggan?
21 Sinasabi ng mga iba, Hindi sa inaalihan ng demonio ang mga sabing ito. (R)Maaari bagang ang demonio ay makapagpadilat ng mga mata ng bulag?
22 At niyao'y kapistahan ng pagtatalaga sa Jerusalem:
23 Noo'y tagginaw; at naglalakad si Jesus sa templo sa (S)portiko ni Salomon.
24 Nilibot nga siya ng mga Judio, at sa kaniya'y sinabi, Hanggang kailan mo pa baga pagaalinlanganin kami? Kung ikaw ang Cristo, ay sabihin mong maliwanag sa amin.
25 Sinagot sila ni Jesus, Sinabi ko sa inyo, at hindi kayo nagsisampalataya: (T)ang mga gawang ginagawa ko sa pangalan ng aking Ama, ay siyang nangagpapatotoo sa akin.
26 Datapuwa't hindi kayo nagsisampalataya, sapagka't hindi kayo sa aking mga tupa.
27 Dinirinig ng (U)aking mga tupa ang aking tinig, at sila'y aking nakikilala, at sila'y nagsisisunod sa akin:
28 At sila'y binibigyan ko ng walang hanggang buhay; at kailan ma'y (V)hindi sila malilipol, at hindi sila aagawin ng sinoman sa aking kamay.
29 Ang aking Ama, na sa kanila ay nagbigay sa akin, ay lalong dakila kay sa lahat; at hindi sila maaagaw ninoman sa kamay ng Ama.
30 Ako at ang Ama ay (W)iisa.
31 (X)Nagsidampot uli ng mga bato ang mga Judio upang siya'y batuhin.
32 Sinagot sila ni Jesus, Maraming mabubuting gawa na mula sa Ama ang ipinakita ko sa inyo; alin sa mga gawang yaon ang ibinabato ninyo sa akin?
33 Sinagot siya ng mga Judio, Hindi dahil sa mabuting gawa ay binabato ka namin, kundi sa (Y)pamumusong; at sapagka't (Z)ikaw, bagaman ikaw ay tao, ay nagpapakunuwari kang Dios.
34 Sinagot sila ni Jesus, Hindi baga nasusulat sa (AA)inyong kautusan, (AB)Aking sinabi, Kayo'y mga dios?
35 Kung tinawag niyang mga dios, yaong mga dinatnan ng salita ng Dios (at hindi mangyayaring sirain ang kasulatan),
36 Sinasabi baga ninyo tungkol sa kaniya, na (AC)pinabanal ng Ama at sinugo sa sanglibutan, Ikaw ay namumusong; (AD)sapagka't sinasabi ko, (AE)Ako ang anak ng Dios?
37 Kung hindi ko ginagawa ang mga gawa ng aking Ama, ay huwag ninyo akong sampalatayanan.
38 Datapuwa't kung ginagawa ko, ang mga yaon (AF)kahit hindi kayo magsisampalataya sa akin, ay magsisampalataya kayo sa mga gawa; upang maalaman ninyo at mapagunawa (AG)na ang Ama ay nasa akin, at ako'y nasa Ama.
39 Muling pinagsikapan nilang siya'y hulihin: at siya'y tumakas sa kanilang mga kamay.
40 At siya'y muling naparoon sa dako pa roon ng Jordan (AH)sa dako nang una'y pinagbautismuhan ni Juan; at siya'y tumira doon.
41 At marami ang mga nagsiparoon sa kaniya; at kanilang sinabi, Katotohanang si Juan ay hindi gumawa ng tanda: (AI)nguni't lahat ng mga bagay na sinalita ni Juan tungkol sa taong ito ay totoo.
42 At (AJ)marami ang mga nagsisampalataya sa kaniya roon.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978