Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

Daily Reading for Personal Growth, 40 Days with God

40 daily Scripture readings that illustrate the character of God and the nature of faith.
Duration: 40 days
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Version
Filipos 4:4-9

Mangagalak kayong lagi sa Panginoon: (A)muli kong sasabihin, Mangagalak kayo.

Makilala nawa (B)ang inyong kahinhinan ng lahat ng mga tao. (C)Ang Panginoon ay malapit na.

Huwag kayong mangabalisa sa anomang bagay; (D)kundi sa lahat ng mga bagay sa pamamagitan ng panalangin at daing na may pagpapasalamat ay ipakilala ninyo ang inyong mga kahilingan sa Dios.

At (E)ang kapayapaan ng Dios, na di masayod ng pagiisip, ay magiingat ng inyong mga puso at ng inyong mga pagiisip kay Cristo Jesus.

Katapustapusan, mga kapatid, anomang bagay na katotohanan, anomang bagay na kagalanggalang, anomang bagay na matuwid, anomang bagay na malinis, anomang bagay na kaibigibig, (F)anomang bagay na mabuting ulat; kung may anomang kagalingan, at kung may anomang kapurihan, ay isipin ninyo ang mga bagay na ito.

Ang mga bagay na inyong natutuhan (G)at tinanggap at narinig at nakita sa akin, ang mga bagay na ito ang gawin ninyo: at (H)ang Dios ng kapayapaan ay sasa inyo.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978