Daily Reading for Personal Growth, 40 Days with God
21 Narinig ninyo na sinabi sa mga tao sa una, (A)Huwag kang papatay; at ang sinomang pumatay ay mapapasa panganib sa kahatulan:
22 Datapuwa't sinasabi ko sa inyo, na ang (B)bawa't mapoot sa kaniyang kapatid ay mapapasa panganib sa kahatulan; at ang sinomang magsabi sa kaniyang kapatid, Raca, ay mapapasa panganib sa (C)Sanedrin; at ang sinomang magsabi, Ulol ka, ay mapapasa panganib sa impierno ng apoy.
23 Kaya't (D)kung inihahandog mo ang iyong hain sa dambana, at doo'y maalaala mo na ang iyong kapatid ay mayroong anomang laban sa iyo,
24 Iwan mo roon sa harap ng dambana ang hain mo, at yumaon ka ng iyong lakad, makipagkasundo ka muna sa iyong kapatid, at kung magkagayon ay magbalik ka at ihandog mo ang iyong hain.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978