Chronological
Si Sarai at si Agar.
16 Si Sarai nga na asawa ni Abram ay (A)hindi nagkaanak sa kaniya; at siya'y may isang alilang babae na (B)taga Egipto, na nagngangalang (C)Agar.
2 At sinabi ni Sarai kay Abram, Narito, ngayon, ako'y hinadlangan ng Panginoon na ako'y magkaanak; ipinamamanhik ko sa iyong sumiping ka sa aking (D)alilang babae; marahil ay magkakaanak ako sa pamamagitan niya. At dininig ni Abram ang sabi ni Sarai.
3 At kinuha ni Sarai na asawa ni Abram, si Agar na taga Egipto, na kaniyang (E)alila, pagkaraan ng sangpung taon na makatahan si Abram sa lupain ng Canaan, at ibinigay kay Abram na kaniyang asawa upang maging asawa niya.
4 At siya'y sumiping kay Agar, at naglihi: at nang makita niyang siya'y naglihi, ay (F)niwalang halaga niya ang kaniyang panginoong babae sa kaniyang paningin.
5 At sinabi ni Sarai kay Abram, Ang aking pagkaapi ay sumaiyo: idinulot ko ang aking alila sa iyong sinapupunan; at nang makita niyang siya'y naglihi, ay niwalan akong kabuluhan sa kaniyang paningin: ang Panginoon ang (G)humatol sa akin at sa iyo.
6 Datapuwa't sinabi ni Abram kay Sarai, Narito, ang iyong alila ay nasa iyong kamay; gawin mo sa kaniya ang iyong minamagaling sa iyong paningin. At dinuwahagi siya ni Sarai, at si Agar ay tumakas mula sa kaniyang harap.
7 At nasumpungan siya ng anghel ng Panginoon sa (H)tabi ng isang bukal ng tubig sa ilang, sa bukal na nasa daang patungo sa Shur.
8 At sinabi, Agar, alila ni Sarai, saan ka nanggaling? at saan ka paroroon? at kaniyang sinabi, Ako'y tumatakas mula sa harap ni Sarai na aking panginoon.
9 At sinabi sa kaniya ng anghel ng Panginoon, Magbalik ka sa iyong panginoon, at pahinuhod ka sa kaniyang mga kamay.
10 At sinabi sa kaniya ng anghel ng Panginoon, (I)Pararamihin kong mainam ang iyong binhi, na hindi mabibilang dahil sa karamihan.
11 At sinabi sa kaniya ng anghel ng Panginoon, Narito't ikaw ay nagdadalang-tao at ikaw ay manganganak ng isang lalake; at ang itatawag mo sa kaniyang ngalan ay Ismael, sapagka't dininig ng Panginoon ang iyong kadalamhatian.
12 (J)At siya'y magiging parang asnong bundok sa gitna ng mga tao; ang kaniyang kamay ay magiging laban sa lahat, at ang kamay ng lahat ay laban sa kaniya; (K)at siya'y tatahan sa harap ng lahat niyang mga kapatid.
13 At kaniyang tinawagan ang ngalan ng Panginoon na nagsalita sa kaniya, Ikaw ay Dios na nakakakita: sapagka't sinabi niya, Namasdan ko rin ba rito ang likuran niyaong nakakakita sa akin?
14 Kaya't nginalanan ang balong yaon (L)Balon ng Nabubuhay na nakakakita sa akin; (M)narito't ito'y nasa pagitan ng Cades at Bered.
Panganganak kay Ismael.
15 At nanganak si Agar ng isang lalake kay Abram at ang itinawag ni Abram, na pangalan sa kaniyang anak na ipinanganak ni Agar, ay (N)Ismael.
16 At si Abram ay may walong pu't anim na taon nang ipanganak si Ismael ni Agar kay Abram.
17 At nang si Abram ay may siyam na pu't siyam na taon, ay napakita ang Panginoon kay Abram, at sa kaniya'y nagsabi, (O)Ako ang Dios na Makapangyarihan sa lahat (P)lumakad ka sa harapan ko, at (Q)magpakasakdal ka.
2 At ako'y makikipagtipan sa iyo (R)at ikaw ay aking pararamihing mainam.
3 (S)At nagpatirapa si Abram: at ang Dios ay nakipagusap sa kaniya, na sinasabi,
4 Tungkol sa akin, narito, ang aking tipan ay sumasaiyo, at ikaw ang (T)magiging ama ng maraming bansa.
5 At hindi na tatawagin ang pangalan mong Abram, (U)kundi Abraham ang magiging iyong pangalan; (V)sapagka't ikaw ay ginawa kong ama ng maraming bansa.
6 At ikaw ay aking gagawing totoong palaanakin at papanggagalingin ko sa iyo ang mga (W)bansa; (X)at magbubuhat sa iyo ang mga hari.
7 (Y)At aking papagtitibayin ang aking tipan sa iyo at sa iyong binhi pagkamatay mo sa buong kalahian nila, na tipang walang hanggan, na ako'y (Z)magiging iyong Dios, at ng iyong binhi, pagkamatay mo.
8 (AA)At ibibigay ko sa iyo, at sa iyong binhi, pagkamatay mo, ang lupaing iyong mga pinaglakbayan, ang buong lupain ng Canaan, na pagaaring walang hanggan (AB)at ako ang magiging Dios nila.
Ang tipan ng pagtutuli.
9 At sinabi pa ng Dios kay Abraham, At tungkol sa iyo, iingatan mo ang aking tipan, iingatan mo at ng iyong binhi pagkamatay mo, sa buong kalahian nila.
10 Ito ang aking tipan na inyong iingatan sa akin at sa inyo, at ng iyong binhi, pagkamatay mo; tutuliin ang bawa't lalake sa inyo.
11 At kayo'y tutuliin sa laman ng inyong balat ng masama; (AC)at ito ang magiging tanda ng aking tipan sa inyo.
12 (AD)At ang may walong araw ay tutuliin sa inyo, ang bawa't lalake sa buong kalahian ninyo; ang ipinanganak sa bahay, o ang binili ng salapi sa sinomang taga ibang lupa na hindi sa iyong lahi.
13 Ang ipinanganak sa bahay at ang binili ng iyong salapi, ay dapat tuliin: at ang aking tipan ay sasa iyong laman na pinakatipang walang hanggan.
14 At ang lalaking hindi tuli, na hindi tinuli ang laman ng kaniyang balat ng masama, ang taong yaon ay mahihiwalay sa kaniyang bayan; sinira niya ang aking tipan.
Ang panganganak kay Isaac ay ipinangako.
15 At sinabi ng Dios kay Abraham, Tungkol kay Sarai na iyong asawa, ay huwag mo nang tatawagin ang kaniyang pangalang Sarai, kundi Sara[a] ang magiging kaniyang pangalan.
16 At akin siyang pagpapalain, (AE)at saka sa kaniya'y bibigyan kita ng anak: oo, siya'y aking pagpapalain, (AF)at magiging ina ng mga bansa; ang mga hari ng mga bayan ay magmumula sa kaniya.
17 Nang magkagayo'y nagpatirapa si Abraham, at (AG)nagtawa, at nasabi sa kaniyang sarili, Magkakaanak kaya siya na may isang daang taon na? at manganak pa kaya si Sara na may siyam na pung taon na?
18 At sinabi ni Abraham sa Dios, Kahimanawari, si Ismael ay mabuhay sa harapan mo!
19 At sinabi ng Dios, (AH)Hindi, kundi ang iyong asawang si Sara ay magkakaanak sa iyo; at tatawagin mo ang kaniyang ngalang Isaac; at aking pagtitibayin ang aking tipan sa kaniya ng pinakatipang walang hanggan, sa kaniyang lahi pagkamatay niya.
20 At tungkol kay Ismael, ay dininig din kita. Narito't aking pinagpala siya, at siya'y aking papagaanakin ng marami, at siya'y aking (AI)pararamihin ng di kawasa; (AJ)labing dalawang prinsipe ang kaniyang magiging anak, (AK)at siya'y gagawin kong malaking bansa.
21 Nguni't ang (AL)aking tipan ay pagtitibayin ko kay Isaac (AM)na iaanak sa iyo ni Sara, sa tadhanang araw, sa taong darating.
22 At nang matapos na makipagusap sa kaniya, ay napaitaas ang (AN)Dios mula sa piling ni Abraham.
23 At ipinagsama ni Abraham si Ismael, na kaniyang anak, at ang lahat na ipinanganak sa kaniyang bahay, at ang lahat ng binili niya ng kaniyang salapi, ang lahat ng lalake sa mga lalaking kasangbahay ni Abraham, at tinuli ang laman ng kanilang balat ng masama ng araw ding yaon, ayon sa sinabi ng Dios sa kaniya.
24 At si Abraham ay may siyam na pu't siyam na taon, nang tuliin ang laman ng kaniyang balat ng masama.
25 At si Ismael ay may labing tatlong taon, nang tuliin ang laman ng kaniyang balat ng masama.
26 Nang araw ding yaon tinuli si Abraham, at si Ismael na kaniyang anak.
27 (AO)At lahat ng lalaking kasangbahay niya, maging ang mga ipinanganak sa bahay, at ang mga binili ng salapi sa taga ibang lupain, ay pinagtuling kasama niya.
Tatlong Anghel ay dumalaw kay Abraham.
18 At napakita ang Panginoon sa kaniya sa mga punong encina ni (AP)Mamre, habang siya'y nakaupo sa pintuan ng tolda, ng kainitan ng araw.
2 (AQ)At itiningin ang kaniyang mga mata at nagmalas, at, narito't tatlong lalake ay nakatayo sa tabi niya: (AR)at pagkakita niya sa kanila, ay tinakbo niya upang sila'y salubungin mula sa pintuan ng tolda, at yumukod siya sa lupa.
3 At nagsabi, Panginoon ko, kung ngayo'y nakasumpong ako ng biyaya sa iyong paningin, ay ipinamamanhik ko sa iyo, na huwag mong lagpasan ang iyong lingkod.
4 Itulot mong (AS)dalhan kayo rito ng kaunting tubig, at maghugas kayo ng inyong mga paa, at mangagpahinga kayo sa lilim ng kahoy.
5 At magdadala ako ng isang subong tinapay (AT)at inyong palakasin ang inyong puso; at pagkatapos ay magsisipagtuloy kayo: (AU)yamang kayo'y naparito sa inyong lingkod, At nagsipagsabi, Mangyari ang ayon sa iyong sinabi.
6 At si Abraham ay nagmadaling napasa tolda ni Sara, at sinabi, Maghanda ka agad ng tatlong takal ng mainam na harina, iyong tapayin at gawin mong mga munting tinapay.
7 At tumakbo si Abraham sa bakahan at nagdala ng isang bata at mabuting guya, at ibinigay sa alipin; at siya'y nagmadali, upang lutuin.
8 At siya'y kumuha ng mantekilla, at ng gatas, at ng guyang niluto niya, at inihain sa harapan nila; at siya'y tumayo sa siping nila sa lilim ng punong kahoy; at sila'y nagsikain.
Ang pangako sa panganganak ay inulit.
9 At sinabi nila sa kaniya, Saan naroon si Sara na iyong asawa? At sinabi niya (AV)Narito, nasa tolda.
10 At sinabi niya, (AW)Walang salang di ako babalik sa iyo sa ganitong (AX)panahon ng taong darating; at (AY)narito't si Sara na iyong asawa ay magkakaanak ng isang lalake. At narinig ni Sara sa pintuan ng tolda, na nasa likod niya.
11 (AZ)Si Abraham at si Sara nga'y matatanda na, at lipas na sa panahon; at tinigilan na si Sara ng kaugalian ng mga babae.
12 (BA)At nagtawa si Sara sa kaniyang sarili, na sinasabi, (BB)Pagkatapos na ako'y tumanda ay magtatamo ako ng kaligayahan, at matanda na rin pati ng (BC)panginoon ko?
13 At sinabi ng Panginoon kay Abraham, Bakit tumawa si Sara, na sinasabi, Tunay kayang ako'y manganganak, na matanda na ako?
14 (BD)May anomang bagay kayang (BE)napakahirap sa Panginoon? Sa tadhanang panahon ay babalik ako sa iyo, sa taong darating, at si Sara ay magkakaanak ng isang lalake.
15 Nang magkagayo'y nagkaila si Sara, na sinasabi, Hindi ako tumawa, sapagka't siya'y natakot. Nguni't sinabi niya, Hindi gayon; kundi ikaw ay tumawa.
16 At nangagtindig doon ang mga lalake, at nangagsitingin sa dakong Sodoma; at sinamahan sila ni Abraham, upang ihatid sila sa daan.
17 At sinabi ng Panginoon, (BF)Ililihim ko ba kay Abraham ang aking gagawin;
18 Dangang si Abraham ay tunay na magiging isang bansang malaki at matibay, (BG)at pagpapalain sa kaniya ang lahat ng bansa sa lupa?
19 Sapagka't siya'y aking kinilala, upang (BH)siya'y magutos sa kaniyang mga anak at sa kaniyang sangbahayan pagkamatay niya, na maingatan nila ang daan ng Panginoon, na gumawa ng kabanalan, at kahatulan; upang padatnin ng Panginoon, kay Abraham ang kaniyang ipinangako tungkol sa kaniya.
Paggunaw sa Sodoma.
20 At sinabi ng Panginoon, (BI)Sapagka't ang sigaw ng Sodoma at Gomorra ay malakas, at sapagka't ang kasalanan nila ay napakalubha;
21 (BJ)Ay bababa ako ngayon at titingnan ko kung ginawa nga ang ayon sa sigaw na dumarating hanggang sa akin; at kung hindi ay aking malalaman.
22 At ang mga lalake ay nagsilayo roon (BK)at nagsitungo sa Sodoma (BL)datapuwa't si Abraham ay nakatayo pa sa harapan ng Panginoon.
Ang pamamagitan ni Abraham.
23 At lumapit si Abraham, at nagsabi, (BM)Ang mga banal ba ay iyong lilipuling kasama ng mga masama?
24 Kung sakaling may limang pung banal sa loob ng bayan: lilipulin mo ba, at di mo patatawarin ang dakong yaon, alangalang sa limang pung banal na nasa loob niyaon?
25 Malayo nawa sa iyo ang paggawa ng ganito, na ang banal ay iyong pataying kasama ng masama, (BN)anopa't ang banal ay mapara sa masama; malayo nawa ito sa iyo: di ba gagawa ng matuwid (BO)ang Hukom ng buong lupa?
26 At sinabi ng Panginoon, (BP)Kung makasumpong ako sa Sodoma ng limang pung banal sa loob ng bayan, patatawarin ko ang buong dakong yaon, alangalang sa kanila.
27 At sumagot si Abraham, at nagsabi, (BQ)Narito, ngayo'y nangahas akong magsalita sa Panginoon, akong (BR)alabok at abo lamang:
28 Kung sakaling magkukulang ng lima sa limang pung banal: lilipulin mo ba, dahil sa limang kulang, ang buong bayan? At sinabi niya, Hindi ko lilipulin kung makasumpong ako roon ng apat na pu't lima.
29 At siya'y muling nagsalita pa sa kaniya, at nagsabi, Marahil ay may masusumpungang apat na pu. At sinabi niya, Hindi ko gagawin, alangalang sa apat na pu.
30 At sinabi niya, Oh huwag magalit ang Panginoon, at ako'y magsasalita: kung sakaling may masusumpungan doong tatlong pu. At sinabi niya, Hindi ko gagawin kung makakasumpong ako roon ng tatlong pu.
31 At kaniyang sinabi, Narito ngayon, ako'y (BS)nangahas na magsalita sa Panginoon: kung sakaling may masusumpungan doong dalawang pu. At sinabi niya, Hindi ko lilipulin, alangalang sa dalawang pu.
32 At sinabi niya, Oh (BT)huwag magalit ang Panginoon at magsasalita na lamang akong minsan: kung sakaling may masusumpungan doong sangpu: at sinabi niya, (BU)Hindi ko lilipulin, alangalang sa sangpu.
33 At ang Panginoon ay nagpatuloy, pagkatapos na makipagusap kay Abraham: at si Abraham ay nagbalik sa kaniyang dako.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978