Beginning
Ang Utos ni Ciro tungkol sa Pagbabalik ng mga Judio
1 Nang(A) unang taon ni Ciro na hari ng Persia, upang ang salita ng Panginoon sa pamamagitan ng bibig ni Jeremias ay maganap, kinilos ng Panginoon ang espiritu ni Ciro na hari ng Persia, kaya't siya'y gumawa ng pahayag sa kanyang buong kaharian, at isinulat din ito:
2 Ganito(B) ang sabi ni Ciro na hari ng Persia, “Ibinigay sa akin ng Panginoon, na Diyos ng langit, ang lahat ng kaharian sa lupa, at inatasan niya ako na ipagtayo ko siya ng isang bahay sa Jerusalem na nasa Juda.
3 Sinuman sa inyo ang kabilang sa kanyang buong bayan, nawa'y sumakanya ang kanyang Diyos, at pumunta siya sa Jerusalem na nasa Juda, at muling itayo ang bahay ng Panginoon, ang Diyos ng Israel, siya ang Diyos na nasa Jerusalem.
4 At sinumang naiwan, saanmang lugar siya nakikipamayan, ay tulungan siya ng mga lalaki sa kanyang kinaroroonan sa pamamagitan ng pilak at ginto, ng mga kagamitan, at ng mga hayop, bukod sa mga kusang-loob na handog para sa bahay ng Diyos na nasa Jerusalem.”
5 Nang magkagayo'y tumindig ang mga puno ng mga sambahayan ng Juda at Benjamin, at ang mga pari at mga Levita, bawat isa na ang diwa'y kinilos ng Diyos upang pumunta at muling itayo ang bahay ng Panginoon na nasa Jerusalem.
6 Lahat ng nasa palibot nila ay tumulong sa kanila sa pamamagitan ng mga kagamitang pilak at ginto, mga ari-arian, mga hayop, at ng mga mamahaling gamit, bukod pa sa lahat ng kusang-loob na inihandog.
7 Inilabas din ni Haring Ciro ang mga kagamitan sa bahay ng Panginoon na tinangay ni Nebukadnezar mula sa Jerusalem at inilagay sa bahay ng kanyang mga diyos.
8 Ang mga ito ay inilabas ni Ciro na hari ng Persia sa pamamagitan ni Mitridates na ingat-yaman, na siyang bumilang nito kay Shesbazar, na pinuno ng Juda.
9 Ito ang bilang ng mga iyon: tatlumpung palangganang ginto, isang libong palangganang pilak, dalawampu't siyam na suuban ng insenso,
10 tatlumpung mangkok na ginto, apatnaraan at sampung iba pang mangkok na pilak, at isang libong iba pang mga kagamitan;
11 lahat ng kagamitang ginto at pilak ay limang libo at apatnaraan. Ang lahat ng mga ito ay ipinakuha ni Shesbazar, nang ang mga bihag ay dalhin mula sa Babilonia patungo sa Jerusalem.
Ang Talaan ng mga Bumalik mula sa Pagkabihag(C)
2 Ngayon ito ang mga mamamayan ng lalawigan na dumating mula sa mga bihag na dinala sa Babilonia ni Nebukadnezar na hari ng Babilonia. Sila'y bumalik sa Jerusalem at sa Juda, ang bawat isa'y sa kanyang sariling bayan.
2 Sila'y dumating na kasama nina Zerubabel, Jeshua, Nehemias, Seraya, Reelias, Mordecai, Bilsan, Mispar, Bigvai, Rehum, at Baana. Ang bilang ng mga lalaki ng sambayanang Israel ay ito:
3 ang mga anak[a] ni Paros, dalawang libo isandaan at pitumpu't dalawa.
4 Ang mga anak ni Shefatias, tatlong daan at pitumpu't dalawa.
5 Ang mga anak ni Arah, pitong daan at pitumpu't lima.
6 Ang mga anak ni Pahatmoab, na ito ay mga anak ni Jeshua at Joab, dalawang libo walong daan at labindalawa.
7 Ang mga anak ni Elam, isang libo dalawandaan at limampu't apat.
8 Ang mga anak ni Zatu, siyamnaraan at apatnapu't lima.
9 Ang mga anak ni Zacai, pitong daan at animnapu.
10 Ang mga anak ni Bani, animnaraan at apatnapu't dalawa.
11 Ang mga anak ni Bebai, animnaraan at dalawampu't tatlo.
12 Ang mga anak ni Azgad, isang libo dalawandaan at dalawampu't dalawa.
13 Ang mga anak ni Adonikam, animnaraan at animnapu't anim.
14 Ang mga anak ni Bigvai, dalawang libo at limampu't anim.
15 Ang mga anak ni Adin, apatnaraan at limampu't apat.
16 Ang mga anak ni Ater, samakatuwid ay si Hezekias, siyamnapu't walo.
17 Ang mga anak ni Besai, tatlong daan at dalawampu't tatlo.
18 Ang mga anak ni Jora, isandaan at labindalawa.
19 Ang mga anak ni Hasum, dalawandaan at dalawampu't tatlo.
20 Ang mga anak ni Gibar, siyamnapu't lima.
21 Ang mga anak ng Bethlehem, isandaan at dalawampu't tatlo.
22 Ang mga kalalakihan ng Netofa, limampu't anim.
23 Ang mga kalalakihan ng Anatot, isandaan at dalawampu't walo.
24 Ang mga anak ni Azmavet, apatnapu't dalawa.
25 Ang mga anak ng Kiryat-jearim, Cefira, at ng Beerot, pitong daan at apatnapu't tatlo.
26 Ang mga anak ng Rama at ng Geba, animnaraan at dalawampu't isa.
27 Ang mga kalalakihan ng Mikmas, isandaan at dalawampu't dalawa.
28 Ang mga kalalakihan ng Bethel at ng Ai, dalawandaan at dalawampu't tatlo.
29 Ang mga anak ng Nebo, limampu't dalawa.
30 Ang mga anak ng Magbis, isandaan at limampu't anim.
31 Ang mga anak ng isa pang Elam, isang libo dalawandaan at limampu't apat.
32 Ang mga anak ni Harim, tatlong daan at dalawampu.
33 Ang mga anak ng Lod, Hadid, at Ono, pitong daan at dalawampu't lima.
34 Ang mga anak ng Jerico, tatlong daan at apatnapu't lima.
35 Ang mga anak ni Senaa, tatlong libo animnaraan at tatlumpu.
36 Ang mga pari: ang mga anak ni Jedias, sa sambahayan ni Jeshua, siyamnaraan at pitumpu't tatlo.
37 Ang mga anak ni Imer, isang libo at limampu't dalawa.
38 Ang mga anak ni Pashur, isang libo dalawandaan at apatnapu't pito.
39 Ang mga anak ni Harim, isang libo at labimpito.
40 Ang mga Levita: ang mga anak nina Jeshua at Cadmiel, sa mga anak ni Hodavias, pitumpu't apat.
41 Ang mga mang-aawit: ang mga anak ni Asaf, isandaan at dalawampu't walo.
42 Ang mga anak ng mga bantay-pinto: ang mga anak ni Shallum, ang mga anak ni Ater, ang mga anak ni Talmon, ang mga anak ni Akub, ang mga anak ni Hatita, at ang mga anak ni Sobai, ang lahat ay isandaan at tatlumpu't siyam.
43 Ang mga lingkod sa templo:[b] ang mga anak ni Ziha, ang mga anak ni Hasufa, ang mga anak ni Tabaot,
44 ang mga anak ni Keros, ang mga anak ni Siaha, ang mga anak ni Padon;
45 ang mga anak ni Lebana, ang mga anak ni Hagaba, ang mga anak ni Akub;
46 ang mga anak ni Hagab, ang mga anak ni Samlai, ang mga anak ni Hanan;
47 ang mga anak ni Giddel, ang mga anak ni Gahar, ang mga anak ni Reaya;
48 ang mga anak ni Rezin, ang mga anak ni Nekoda, ang mga anak ni Gazam;
49 ang mga anak ni Uza, ang mga anak ni Pasea, ang mga anak ni Besai;
50 ang mga anak ni Asnah, ang mga anak ng Meunim, ang mga anak ng Nefusim;
51 ang mga anak ni Bacbuc, ang mga anak ni Hacufa, ang mga anak ni Harhur;
52 ang mga anak ni Bazlut, ang mga anak ni Mehida, ang mga anak ni Harsa;
53 ang mga anak ni Barkos, ang mga anak ni Sisera, ang mga anak ni Tema;
54 ang mga anak ni Nesia, at ang mga anak ni Hatifa.
55 Ang mga anak ng mga lingkod ni Solomon ay: ang mga anak ni Sotai, ang mga anak ni Soferet, ang mga anak ni Peruda;
56 ang mga anak ni Jaala, ang mga anak ni Darkon, ang mga anak ni Giddel;
57 ang mga anak ni Shefatias, ang mga anak ni Hattil, ang mga anak ni Pochereth-hazzebaim, at ang mga anak ni Ami.
58 Lahat ng mga lingkod sa templo[c] at ang mga anak ng mga lingkod ni Solomon ay tatlong daan at siyamnapu't dalawa.
59 At ang mga sumusunod ang mga pumunta mula sa Telmelah, Telharsa, Kerub, Adan, at Imer, bagaman hindi nila mapatunayan ang mga sambahayan ng kanilang mga ninuno, o ang kanilang pinagmulang lahi, kung sila'y kabilang sa Israel:
60 ang mga anak ni Delaia, ang mga anak ni Tobias, ang mga anak ni Nekoda, animnaraan at limampu't dalawa.
61 Gayundin sa mga anak ng mga pari: ang mga anak ni Habaias, ang mga anak ni Hakoz, at ang mga anak ni Barzilai, na nag-asawa sa mga anak ni Barzilai na taga-Gilead, at tinawag ayon sa kanilang pangalan.
62 Hinanap ng mga ito ang kanilang mga pangalan ayon sa talaan ng kanilang salinlahi, ngunit ang mga iyon ay hindi natagpuan doon. Kaya't sila'y ibinilang na marurumi at inalis sa pagkapari.
63 Sinabi(D) sa kanila ng tagapamahala na sila'y huwag kakain ng kabanal-banalang pagkain, hanggang sa magkaroon ng isang pari na sasangguni sa Urim at Tumim.
64 Ang buong kapulungan ay apatnapu't dalawang libo tatlong daan at animnapu,
65 bukod sa kanilang mga aliping lalaki at babae, na may pitong libo tatlong daan at tatlumpu't pito, at sila'y mayroong dalawandaang mang-aawit na lalaki at babae.
66 Ang kanilang mga kabayo ay pitong daan at tatlumpu't anim; ang kanilang mga mola ay dalawandaan at apatnapu't lima;
67 ang kanilang mga kamelyo ay apatnaraan at tatlumpu't lima; ang kanilang mga asno ay anim na libo pitong daan at dalawampu.
68 At ang ilan sa mga puno ng mga sambahayan, nang sila'y dumating sa bahay ng Panginoon na nasa Jerusalem, ay nag-alay ng kusang-loob na handog para sa bahay ng Diyos, upang ito ay itayo sa lugar nito.
69 Ayon sa kanilang kakayahan, sila ay nagbigay sa kabang-yaman ng gawain, ng animnapu't isang libong darikong ginto, limang libong librang pilak, at isandaang kasuotan ng mga pari.
70 Ang(E) mga pari, mga Levita, at ang ilan sa taong-bayan ay nanirahan sa Jerusalem at sa paligid, at ang mga mang-aawit, mga bantay-pinto, at ang mga lingkod sa templo ay nanirahan sa kanilang mga bayan, at ang buong Israel ay sa kanilang mga bayan.
Muling Pinasimulan ang Pagsamba
3 Nang sumapit ang ikapitong buwan, at ang mga anak ni Israel ay nasa mga bayan, ang taong-bayan ay nagtipun-tipon na parang isang tao sa Jerusalem.
2 Nang(F) magkagayo'y tumayo si Jeshua na anak ni Jozadak, at ang kanyang mga kapatid na mga pari, at si Zerubabel na anak ni Shealtiel at ang kanyang mga kamag-anak, at itinayo nila ang dambana ng Diyos ng Israel upang pag-alayan ng mga handog na sinusunog, gaya ng nasusulat sa kautusan ni Moises, na tao ng Diyos.
3 Inilagay(G) nila ang dambana sa lugar nito, sapagkat sila ay natatakot sa mga tao ng mga lupain, at sila'y nag-alay sa ibabaw nito ng mga handog na sinusunog sa Panginoon, mga handog na sinusunog sa umaga at hapon.
4 Kanilang(H) ipinagdiwang ang kapistahan ng mga kubol,[d] gaya ng nasusulat, at nag-alay ng pang-araw-araw na mga handog na sinusunog sa tamang bilang, ayon sa itinakda sa bawat araw,
5 pagkatapos(I) niyon ay ang patuloy na handog na sinusunog, at mga handog sa mga bagong buwan at sa lahat ng takdang kapistahan sa Panginoon, at ang handog ng bawat isa na gumawa ng kusang-loob na handog sa Panginoon.
6 Mula sa unang araw ng ikapitong buwan, sila ay nagsimulang mag-alay ng mga handog na sinusunog sa Panginoon. Ngunit ang pundasyon ng templo ng Panginoon ay hindi pa nailalagay.
Pinasimulan ang Muling Pagtatayo ng Templo
7 Kaya't sila'y nagbigay ng salapi sa mga kantero at sa mga karpintero; at ng pagkain, inumin, at langis sa mga taga-Sidon at sa mga taga-Tiro upang magdala ng mga kahoy na sedro mula sa Lebanon patungo sa dagat, hanggang sa Joppa, ayon sa pahintulot na tinanggap nila buhat kay Ciro na hari ng Persia.
8 Nang ikalawang taon ng kanilang pagdating sa bahay ng Diyos sa Jerusalem, sa ikalawang buwan, sina Zerubabel na anak ni Shealtiel at si Jeshua na anak ni Jozadak ay nagpasimulang maglingkod, kasama ang iba pa nilang mga kapatid, ang mga pari at mga Levita at silang lahat na dumating sa Jerusalem mula sa pagkabihag. Kanilang hinirang ang mga Levita, mula sa dalawampung taong gulang pataas, upang mamahala sa gawain sa bahay ng Panginoon.
9 Si Jeshua at ang kanyang mga anak at mga kamag-anak, si Cadmiel pati ang kanyang mga anak na lalaki, at ang mga anak ni Juda, ay magkasamang namahala sa mga manggagawa sa bahay ng Diyos, kasama ng mga anak ni Henadad at ng mga Levita, at ng kanilang mga anak at mga kamag-anak.
10 Nang(J) ilagay ng mga manggagawa ang pundasyon ng templo ng Panginoon, ang mga pari sa kanilang kasuotan ay lumapit na may mga trumpeta, at ang mga Levita, ang mga anak ni Asaf na may mga pompiyang, upang magpuri sa Panginoon, ayon sa mga tagubilin ni David na hari ng Israel.
11 At(K) sila'y nag-awitan sa isa't isa na pinupuri at pinapasalamatan ang Panginoon, “Sapagkat siya'y mabuti, sapagkat ang kanyang tapat na pag-ibig ay magpakailanman sa Israel.” Ang buong bayan ay sumigaw nang malakas nang kanilang purihin ang Panginoon, sapagkat ang pundasyon ng bahay ng Panginoon ay nailagay na.
12 Ngunit marami sa mga pari at mga Levita, at sa mga puno ng mga sambahayan, na mga matatandang nakakita sa unang bahay nang ito ay itayo, ang umiyak nang malakas nang kanilang nakita ang bahay, bagaman marami ang sumigaw nang malakas dahil sa kagalakan.
13 Dahil dito, hindi makilala ng taong-bayan ang kaibahan ng ingay ng sigaw ng kagalakan sa ingay ng iyak ng bayan, sapagkat ang taong-bayan ay sumigaw nang malakas, at ang ingay ay narinig sa malayo.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 2001