Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

Book of Common Prayer

Daily Old and New Testament readings based on the Book of Common Prayer.
Duration: 861 days
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Version
Mga Awit 75-76

Sa Pangulong Manunugtog; itinugma sa Al-tashheth. Salmo ni Asaph, Awit.

75 Kami ay nagpapasalamat sa iyo, Oh Dios:
Kami ay nagpapasalamat, sapagka't ang iyong pangalan ay (A)malapit:
Isinasaysay ng mga tao ang iyong mga kagilagilalas na gawa.
Pagka aking nakamtan ang takdang kapanahunan,
Hahatol ako ng matuwid.
Ang lupa at lahat na tagarito ay natutunaw:
Aking itinayo ang mga (B)haligi niyaon. (Selah)
Aking sinabi sa (C)hambog, Huwag kang gumawang may kahambugan:
At sa masama, Huwag kang magtaas ng sungay:
Huwag mong itaas ang iyong sungay ng mataas;
Huwag kang magsalitang may (D)matigas na ulo.
Sapagka't hindi man mula sa silanganan, o mula man sa kalunuran,
O mula man sa timugan, ang pagkataas.
Kundi ang (E)Dios ay siyang hukom:
(F)Kaniyang ibinababa ang isa, at itinataas ang isa.
Sapagka't (G)sa kamay ng Panginoon ay may (H)isang saro, at ang alak ay bumubula;
Puno ng pagkakahalohalo, at kaniyang inililiguwak din:
Tunay na ibubuhos ng lahat na masama sa lupa ang latak, at iinumin.
Nguni't aking ipahahayag magpakailan man,
Ako'y aawit ng mga kapurihan sa Dios ni Jacob.
10 (I)Lahat ng mga sungay naman ng masama ay aking ihihiwalay;
Nguni't (J)ang mga sungay ng matuwid ay matataas.

Sa Pangulong Manunugtog; sa mga panugtog na kawad. Salmo ni Asaph, Awit.

76 Sa Juda (K)ay kilala ang Dios:
Ang kaniyang pangalan ay dakila sa Israel.
Nasa Salem naman ang kaniyang tabernakulo,
At ang kaniyang dakong tahanan ay sa Sion.
(L)Doo'y binali niya ang mga pana ng busog;
At kalasag, at ang tabak, at ang pagbabaka. (Selah)
Maluwalhati ka at marilag, (M)Mula sa mga bundok na hulihan.
Ang mga puso na matapang ay nasamsaman,
Sila'y (N)nangatulog ng kanilang pagtulog;
At wala sa mga lalaking makapangyarihan na nakasumpong ng kanilang mga kamay.
(O)Sa iyong saway Oh Dios ni Jacob,
Ang karo at gayon din ang kabayo ay nahandusay sa mahimbing na pagkakatulog.
Ikaw, ikaw ay katatakutan:
At (P)sinong makatatayo sa iyong paningin, sa minsang ikaw ay magalit?
Iyong ipinarinig ang hatol mula sa langit;
Ang lupa ay natakot, at tumahimik,
Nang ang Dios ay bumangon sa paghatol,
Upang iligtas ang lahat ng maamo sa lupa. (Selah)
10 (Q)Tunay na pupurihin ka ng poot ng tao:
Ang nalabi sa poot ay ibibigkis mo sa iyo.
11 (R)Manata ka at tuparin mo sa Panginoon mong Dios:
Magdala ng mga kaloob sa kaniya na marapat katakutan, (S)yaong lahat na nangasa buong palibot niya.
12 Kaniyang ihihiwalay ang diwa ng mga pangulo:
Siya'y kakilakilabot sa mga hari sa lupa.

Mga Awit 23

Ang Panginoon ay pastol ng mangaawit. Awit ni David.

23 Ang Panginoon ay (A)aking pastor; hindi ako mangangailangan.
Kaniyang pinahihiga ako (B)sa sariwang pastulan:
Pinapatnubayan niya ako (C)sa siping ng mga tubig na pahingahan,
Kaniyang pinapananauli ang aking kaluluwa:
(D)Pinapatnubayan niya ako sa mga landas ng katuwiran (E)alangalang sa kaniyang pangalan.
Oo, bagaman ako'y lumalakad sa libis ng lilim ng kamatayan,
(F)Wala akong katatakutang kasamaan; sapagka't ikaw ay sumasa akin:
Ang iyong pamalo at ang iyong tungkod, ay nagsisialiw sa akin.
(G)Iyong pinaghahandaan ako ng dulang sa harap ko sa harapan ng aking mga kaaway:
(H)Iyong pinahiran ang aking ulo ng langis;
(I)Ang aking saro ay inaapawan.
Tunay na ang kabutihan at kaawaan ay susunod sa akin sa lahat ng mga kaarawan ng aking buhay:
At ako'y tatahan sa bahay ng Panginoon magpakailan man.

Mga Awit 27

Awit ng walang takot na pagtitiwala sa Panginoon. Awit ni David.

27 Ang Panginoon (A)ay aking liwanag, at (B)aking kaligtasan: kanino ako matatakot?
Ang Panginoon, ay katibayan ng aking buhay; kanino ako masisindak?
Nang dumating sa akin ang mga manggagawa ng kasamaan upang kanin ang aking laman,
Ang aking mga kaaway at aking mga kaalit, sila'y nangatisod at nangarapa.
(C)Bagaman ang isang hukbo ay humantong laban sa akin,
Hindi matatakot ang aking puso:
Bagaman magbangon ang pagdidigma laban sa akin,
Gayon ma'y titiwala rin ako.
(D)Isang bagay ang hiningi ko sa Panginoon, na aking hahanapin;
Na ako'y makatahan (E)sa bahay ng Panginoon, lahat ng mga kaarawan ng aking buhay,
Upang malasin (F)ang kagandahan ng Panginoon,
At magusisa sa kaniyang templo.
(G)Sapagka't sa kaarawan ng kabagabagan ay iingatan niya ako na lihim sa kaniyang kulandong:
Sa kublihan ng kaniyang tabernakulo ay ikukubli niya ako;
Kaniyang itataas ako sa ibabaw ng isang malaking bato.
At ngayo'y matataas ang (H)aking ulo sa aking mga kaaway sa palibot ko;
At ako'y maghahandog sa kaniyang tabernakulo ng mga hain ng kagalakan;
Ako'y aawit, oo, ako'y aawit ng mga pagpuri sa Panginoon.
Dinggin mo, Oh Panginoon, pagka ako'y sumisigaw ng aking tinig:
Maawa ka rin sa akin, at sagutin mo ako.
Nang iyong sabihin, (I)Hanapin ninyo ang aking mukha; ang aking puso ay nagsabi sa iyo,
Ang iyong mukha, Panginoon, ay hahanapin ko.
(J)Huwag mong ikubli ang iyong mukha sa akin;
Huwag mong ihiwalay ang iyong lingkod ng dahil sa galit:
Ikaw ay naging aking saklolo;
Huwag mo akong itakuwil, o pabayaan man, (K)Oh Dios ng aking kaligtasan.
10 (L)Bagaman pabayaan ako ng aking ama at ng aking ina,
Gayon ma'y dadamputin ako ng Panginoon.
11 (M)Ituro mo sa akin ang iyong daan, Oh Panginoon:
At patnubayan mo ako sa patag na landas,
Dahil sa aking mga kaaway.
12 Huwag mo akong ibigay sa kalooban ng aking mga kaaway:
Sapagka't mga sinungaling na saksi ay (N)nagsibangon laban sa akin,
At ang (O)nagsisihinga ng kabagsikan.
13 Ako sana'y nanglupaypay kundi ko pinaniwalaang makita ang kabutihan ng Panginoon.
(P)Sa lupain ng may buhay.
14 (Q)Magantay ka sa Panginoon:
Ikaw ay magpakalakas, at magdalang tapang ang iyong puso;
Oo, umasa ka sa Panginoon.

Levitico 23:23-44

23 At sinalita ng Panginoon kay Moises, na sinasabi,

24 Salitain mo sa mga anak ni Israel, na iyong sabihin, (A)Sa ikapitong buwan, sa unang araw ng buwan, ay magkakaroon kayo ng takdang kapahingahan, (B)na pinakaalaalang may tunog ng mga pakakak banal na pagpupulong nga.

25 Kayo'y huwag gagawa ng anomang gawang paglilingkod: at kayo'y maghahandog ng handog sa Panginoon na pinaraan sa apoy.

26 At sinalita ng Panginoon kay Moises, na sinasabi,

27 (C)Gayon ma'y sa ikasangpung araw nitong ikapitong buwan ay araw ng pagtubos: magiging sa inyo'y banal na pagpupulong, at papagdadalamhatiin ninyo ang inyong mga kaluluwa; at maghahandog kayo ng handog sa Panginoon na pinaraan sa apoy.

28 At huwag kayong gagawa ng anomang gawa sa araw ding iyan: sapagka't araw ng pagtubos, upang itubos sa inyo sa harap ng Panginoon ninyong Dios.

29 Sapagka't sinomang tao na hindi magdalamhati sa araw ding iyan ay ihihiwalay sa kaniyang bayan.

30 At sinomang tao na gumawa ng anomang gawa sa (D)araw ding iyan ay pupuksain ko ang taong yaon sa kaniyang bayan.

31 Kayo'y huwag gagawa ng anomang gawa: siyang palatuntunan magpakailan man sa buong panahon ng inyong lahi sa lahat ng inyong mga tahanan.

32 Magiging sabbath na takdang kapahingahan sa inyo, at inyong pagdadalamhatiin ang inyong mga kaluluwa sa ikasiyam na araw ng buwan sa hapon, mula sa pagkalubog ng araw hanggang sa muling pagkalubog ng araw ay ipangingilin ninyo ang inyong sabbath.

33 At sinalita ng Panginoon kay Moises, na sinasabi,

34 Iyong salitain sa mga anak ni Israel, na sabihin, (E)Sa ikalabing limang araw ng ikapitong buwang ito ay kapistahan ng mga balag na pitong araw sa Panginoon.

35 Sa unang araw ay magkakaroon ng banal na pagpupulong; kayo'y huwag gagawa ng anomang gawang paglilingkod.

36 Pitong araw na maghahandog kayo sa Panginoon ng handog na pinaraan sa apoy; (F)sa ikawalong araw ay magkakaroon kayo ng banal na pagpupulong; at kayo'y maghahandog sa Panginoon ng handog na pinaraan sa apoy; (G)siyang pinaka dakilang kapulungan; huwag kayong gagawa ng anomang gawang paglilingkod.

37 (H)Ito ang mga takdang kapistahan sa Panginoon, na inyong itatanyag na mga banal na pagpupulong, upang maghandog sa Panginoon ng handog na pinaraan sa apoy, ng handog na susunugin, at ng handog na harina, ng hain, at ng mga handog na inumin na bawa't isa ay sa kaniyang sariling kaarawan:

38 (I)Bukod sa mga sabbath sa Panginoon, at bukod sa inyong mga kaloob, at bukod sa lahat ng inyong mga panata, at bukod sa lahat ng inyong mga handog na kusa na inyong ibinibigay sa Panginoon.

39 Gayon ma'y sa ikalabing limang araw ng ikapitong buwan, (J)pagka inyong natipon ang bunga ng lupain, ay magdidiwang kayo sa Panginoon ng kapistahang pitong araw: ang unang araw ay magiging takdang kapahingahan, at ang ikawalong araw ay magiging takdang kapahingahan.

40 (K)At magdadala kayo sa unang araw ng bunga ng magagandang punong kahoy, ng mga sanga ng mga palma, at ng mga sanga ng mayayabong na punong kahoy, at ng mga sause ng batis; at (L)kayo'y magpapakagalak sa harap ng Panginoon ninyong Dios, na pitong araw.

41 At (M)inyong ipangingiling isang kapistahan sa Panginoon na pitong araw sa bawa't taon: siyang palatuntunan magpakailan man sa buong panahon ng inyong lahi: sa ikapitong buwan ay ipagdidiwang ninyo ang kapistahang ito.

42 (N)Kayo'y tatahan sa mga balag na pitong araw; yaong lahat ng tubo sa Israel ay tatahan sa mga balag:

43 (O)Upang maalaman ng inyong mga lahi na sa mga balag pinatahan ko ang mga anak ni Israel, nang aking ilabas sa lupain ng Egipto: ako ang Panginoon ninyong Dios.

44 At (P)ipinakilala ni Moises sa mga anak ni Israel ang mga takdang kapistahan sa Panginoon.

2 Tesalonica 3

Katapustapusan, mga kapatid, ay (A)inyong idalangin kami, upang ang salita ng Panginoon ay lumaganap at luwalhatiin nawa na gaya rin naman sa inyo;

At upang kami ay mangaligtas sa mga taong walang katuwiran at masasama; (B)sapagka't hindi lahat ay mayroong pananampalataya.

Nguni't (C)tapat ang Panginoon na magpapatibay sa inyo, at sa inyo'y (D)magiingat sa masama.

At may pagkakatiwala kami sa Panginoon tungkol sa inyo, na inyong ginagawa at gagawin naman ang mga bagay na aming iniuutos.

At (E)patnubayan nawa ng Panginoon ang inyong mga puso sa pagibig ng Dios, at sa (F)pagtitiis ni Cristo.

Aming inuutos nga sa inyo, mga kapatid, sa pangalan ng ating Panginoong Jesucristo, (G)na kayo'y magsihiwalay sa bawa't (H)kapatid (I)na lumalakad ng walang kaayusan, at hindi ayon (J)sa aral na tinanggap nila sa amin.

Sapagka't kayo rin ang nangakakaalam kung paano kami ay inyong dapat tularan: sapagka't kami ay (K)hindi nangagugali ng walang kaayusan sa inyo;

Ni nagsikain man kami ng walang bayad ng tinapay ng sinoman; kundi (L)sa pagpapagal at sa pagdaramdam na gumagawa gabi't araw, upang kami ay huwag maging pasanin sa kanino man sa inyo:

(M)Hindi dahil sa kami ay walang karapatan, kundi upang kami ay mangakapagbigay sa inyo ng isang uliran, upang kami ay inyong tularan.

10 Sapagka't noon pa mang kami ay kasama ninyo, ay aming iniutos ito sa inyo, (N)Kung ang sinoman ay ayaw gumawa, ay huwag din namang kumain.

11 Sapagka't aming nababalitaan ang ilan sa inyo na nagsisilakad ng walang kaayusan, na hindi man lamang nagsisigawa, kundi mga mapakialam sa mga bagay ng iba.

12 Sa mga gayon nga ay aming iniuutos at ipinamamanhik sa Panginoong Jesucristo, na (O)sila'y magsigawang may katahimikan, at magsikain ng kanilang sariling tinapay.

13 Nguni't kayo, mga kapatid, huwag kayong mangapagod sa paggawa ng mabuti.

14 At kung ang sinoma'y hindi tumalima sa aming salita sa pamamagitan ng sulat na ito, inyong tandaan ang taong yaon, upang (P)huwag kayong makisama sa kaniya, nang siya'y mahiya.

15 At gayon ma'y (Q)huwag ninyong ariin siyang kaaway, kundi inyo siyang paalalahanan tulad sa kapatid.

16 Ngayon ang (R)Panginoon din ng kapayapaan ay magbigay nawa sa inyo ng kapayapaan sa buong panahon at sa lahat ng paraan. Ang Panginoon ay sumainyo nawang lahat.

17 (S)Ang bati na sinulat ng aking sariling kamay, akong si Pablo, na siyang tanda sa bawa't sulat: gayon sumusulat ako.

18 Ang (T)biyaya ng ating Panginoong Jesucristo ay sumainyo nawang lahat.

Mateo 7:13-21

13 Kayo'y magsipasok sa (A)makipot na pintuan: sapagka't maluwang ang pintuan, at malapad ang daang patungo sa pagkapahamak, at marami ang doo'y nagsisipasok.

14 Sapagka't makipot ang pintuan, at makitid ang daang patungo sa buhay, at kakaunti ang nangakakasumpong noon.

15 (B)Mangagingat kayo sa mga bulaang propeta, na nagsisilapit sa inyo na may damit tupa, datapuwa't sa loob ay mga lobong maninila.

16 (C)Sa kanilang mga bunga ay inyong mangakikilala sila. Nakapuputi baga ng mga ubas sa mga tinikan, o ng mga igos sa mga dawagan?

17 Gayon din naman ang bawa't mabuting punong kahoy ay nagbubunga ng mabuti; datapuwa't ang masamang punong kahoy ay nagbubunga ng masama.

18 Hindi maaari na ang mabuting punong kahoy ay magbunga ng masama, at ang masamang punong kahoy ay magbunga ng mabuti.

19 Bawa't punong kahoy (D)na hindi nagbubunga ng mabuti ay pinuputol, at inihahagis sa apoy.

20 Kaya't sa kanilang mga bunga ay mangakikilala ninyo sila.

21 (E)Hindi ang bawa't nagsasabi sa akin, Panginoon, Panginoon, ay papasok sa kaharian ng langit; kundi ang gumaganap ng kalooban ng aking Ama na nasa langit.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978