Book of Common Prayer
Panalangin ng nagdudusang lingkod. Awit ni (A)David, sa pagaalaala.
38 Oh Panginoon, (B)huwag mo akong sawayin sa iyong pagiinit:
Ni parusahan mo man ako sa iyong mahigpit na sama ng loob.
2 Sapagka't ang (C)iyong mga pana ay nagsitimo sa akin,
At (D)pinipisil akong mainam ng iyong kamay.
3 Walang kagalingan sa aking laman dahil sa iyong pagkagalit;
(E)Ni may kaginhawahan man sa aking mga buto dahil sa aking kasalanan.
4 Sapagka't ang (F)aking mga kasamaan ay nagsidaan sa ibabaw ng aking ulo:
Gaya ng isang pasang mabigat ay (G)napakabigat sa akin.
5 (H)Ang aking mga sugat ay mabaho, at putokputok,
Dahil sa aking kamangmangan.
6 Ako'y nahirapan at ako'y (I)nahukot;
Ako'y tumatangis buong araw.
7 Sapagka't ang aking mga balakang ay lipos ng hirap;
At walang kagalingan sa aking laman.
8 Ako'y nanglalata, at bugbog na mainam:
(J)Ako'y umangal dahil sa kaba ng aking loob.
9 Panginoon, lahat ng aking nais ay nasa harap mo;
At ang aking hibik ay hindi lingid sa iyo.
10 Ang aking loob ay kakabakaba, ang aking kalakasan ay nanglalata:
Tungkol sa (K)liwanag ng aking mga mata, ay napawi rin ito sa akin.
11 (L)Ang mga mangliligaw at mga kaibigan ko ay nangatayong malayo sa aking paghihirap;
At ang aking mga kamaganak (M)ay nakalayo.
12 Sila namang nangaguusig ng aking buhay ay (N)nangaglagay ng mga silo na ukol sa akin;
(O)At silang nagsisihanap ng aking ikapapahamak ay nangagsasalita ng mga masasamang bagay,
At nangagiisip ng pagdaraya buong araw.
13 Nguni't ako'y gaya ng binging tao, na hindi nakakarinig;
(P)At ako'y gaya ng piping tao, na hindi ibinubuka ang kaniyang bibig.
14 Oo, ako'y gaya ng tao na hindi nakakarinig,
At sa kaniyang bibig ay walang mga kasawayan.
15 Sapagka't sa iyo, Oh Panginoon ay umaasa ako:
Ikaw ay sasagot, Oh Panginoon kong Dios.
16 Sapagka't aking sinabi: (Q)Baka ako'y kagalakan nila:
Pagka ang aking paa ay nadudulas, ay nagsisipagmataas sila laban sa akin.
17 Sapagka't ako'y madali ng mahulog,
At ang aking kapanglawan ay laging nasa harap ko.
18 Sapagka't aking ipahahayag ang aking kasamaan;
(R)Aking ikamamanglaw ang aking kasalanan.
19 Nguni't ang aking mga kaaway ay buháy at malalakas:
At silang nangagtatanim sa akin na may kamalian ay (S)dumami.
20 (T)Sila namang nangagbabayad ng kasamaan sa mabuti
Ay mga kaaway ko, (U)sapagka't aking sinunod ang bagay na mabuti.
21 Huwag mo akong pabayaan, Oh Panginoon:
Oh Dios ko, huwag kang lumayo sa akin.
22 Magmadali kang tulungan mo ako,
Oh Panginoon na aking kaligtasan.
DALETH.
25 (A)Ang kaluluwa ko'y dumidikit sa alabok:
(B)Buhayin mo ako ayon sa iyong salita.
26 Aking ipinahayag ang mga lakad ko, at ikaw ay sumagot sa akin:
Ituro mo sa akin ang mga palatuntunan mo.
27 (C)Ipaunawa mo sa akin ang daan ng iyong mga tuntunin:
Sa gayo'y aking bubulayin ang iyong kagilagilalas na mga gawa.
28 Ang kaluluwa ko'y natutunaw sa kabigatan ng loob:
Iyong palakasin ako ayon sa iyong salita.
29 Ilayo mo sa akin ang daan ng kasinungalingan:
At ipagkaloob mo sa aking may pagbibiyaya ang iyong kautusan.
30 Aking pinili ang daan ng pagtatapat:
Ang mga kahatulan mo'y inilagay ko sa harap ko.
31 Ako'y kumapit sa iyong mga patotoo:
Oh Panginoon, huwag mo akong ilagay sa kahihiyan.
32 Aking tatakbuhan ang daan ng iyong mga utos,
Pagka iyong (D)pinalaki ang aking puso.
HE.
33 Ituro mo sa akin, Oh Panginoon, ang daan ng iyong mga palatuntunan;
At aking iingatan hanggang sa wakas.
34 Bigyan mo ako ng pagkaunawa at aking iingatan ang iyong kautusan;
Oo, aking susundin ng aking buong puso.
35 Payaunin mo ako sa landas ng iyong mga utos;
Sapagka't siya kong (E)kinaaliwan.
36 Ikiling mo ang aking puso sa iyong mga patotoo,
At huwag sa (F)kasakiman.
37 (G)Alisin mo ang aking mga mata (H)sa pagtingin ng walang kabuluhan.
At buhayin mo ako sa iyong mga daan.
38 (I)Papagtibayin mo ang iyong salita sa iyong lingkod,
Na ukol sa takot sa iyo.
39 Alisin mo ang aking kadustaan na aking kinatatakutan:
Sapagka't ang mga kahatulan mo'y mabuti.
40 Narito, ako'y (J)nanabik sa iyong mga tuntunin;
Buhayin mo ako sa iyong katuwiran.
VAU.
41 (K)Padatingin mo rin sa akin ang iyong mga kagandahang-loob, Oh Panginoon,
Sa makatuwid baga'y ang iyong kaligtasan, ayon sa iyong salita.
42 Sa gayo'y magkakaroon ako ng kasagutan sa kaniya na dumuduwahagi sa akin;
Sapagka't ako'y tumitiwala sa iyong salita.
43 At huwag mong lubos na kunin ang salita ng katotohanan sa aking bibig;
Sapagka't ako'y umasa sa iyong mga kahatulan.
44 Gayon ko susundin ang iyong kautusan na palagi
Magpakailan-kailan pa man.
45 At lalakad ako sa kalayaan;
Sapagka't aking hinanap ang iyong mga tuntunin.
46 (L)Ako nama'y magsasalita ng iyong mga patotoo sa harap ng mga hari,
At hindi ako mapapahiya.
47 At ako'y maaaliw sa iyong mga utos,
Na aking iniibig.
48 (M)Akin namang itataas ang aking mga kamay sa iyong mga utos, na aking inibig;
At ako'y magbubulay sa iyong mga palatuntunan.
Ang nalalapit na katapusan ng Israel ay hinulaan.
8 (A)Ganito nagpakita ang Panginoong Dios sa akin: at, narito, ang isang bakol ng bunga ng taginit.
2 At kaniyang sinabi, Amos, anong iyong nakikita? At aking sinabi, Isang bakol ng bunga ng taginit. Nang magkagayo'y sinabi ng Panginoon sa akin, Ang wakas ay dumating sa aking bayang Israel; (B)hindi na ako daraan pa uli sa kanila.
3 At ang mga awit sa templo ay magiging mga pananambitan sa araw na yaon, sabi ng Panginoong Dios: ang mga bangkay ay magiging marami; sa bawa't dako ay tahimik silang itatapon.
4 Pakinggan ninyo ito, Oh kayong nananakmal ng mapagkailangan, at inyong pinagkukulang ang dukha sa lupain,
5 Na sinasabi, Kailan daraan ang bagong buwan, upang tayo'y makapagbili ng gugulayin at ang sabbath, upang ating mailabas ang trigo? na (C)gawing munti ang efa, at malaki ang siklo, at gumawa ng karayaan (D)sa magdarayang timbangan;
6 Upang ating mabili (E)ng pilak ang dukha, at ng dalawang paang panyapak ang mapagkailangan, at maipagbili ang pinagbithayan sa trigo.
7 Ang Panginoon ay sumumpa alangalang (F)sa karilagan ng Jacob, Tunay na (G)hindi ko kalilimutan kailan man ang alin man sa kanilang mga gawa.
8 Hindi baga manginginig ang lupain dahil dito, at mananaghoy ang bawa't tumatahan doon? oo, sasampang buo na gaya ng Ilog; at mababagabag at lulubog uli, gaya ng Ilog ng Egipto.
9 At mangyayari sa araw na yaon, sabi ng Panginoong Dios, (H)na aking palulubugin ang araw sa katanghaliang tapat, at aking padidilimin ang lupa sa maliwanag na araw.
10 At aking papalitan ng panaghoy ang inyong mga kapistahan, at taghoy ang lahat ninyong awit; at ako'y maglalagay ng kayong magaspang sa lahat na balakang, at (I)kakalbuhan sa bawa't ulo; at aking gagawing (J)gaya ng pagtaghoy sa isang bugtong na anak, at ang wakas niyaon ay gaya ng mapanglaw na araw.
Ang pagkakagutom sa buong lupa ay ibinabala.
11 Narito, ang mga araw ay dumarating, sabi ng Panginoong Dios, na ako'y magpapasapit ng kagutom sa lupain, hindi kagutom sa tinapay, o kauhawan man dahil sa tubig, kundi (K)sa pagkarinig ng mga salita ng Panginoon.
12 At sila'y magsisilaboy sa dagat at dagat, at mula sa hilagaan hanggang sa silanganan; sila'y magsisitakbo ng paroo't parito upang hanapin ang salita ng Panginoon, at hindi masusumpungan.
13 Sa araw na yaon ay manglulupaypay sa uhaw ang mga magandang dalaga at ang mga binata.
14 Silang nagsisisumpa sa pamamagitan ng (L)kasalanan ng Samaria, at nagsasabi, Buhay ang Dios mo, Oh (M)Dan; at, Buhay ang daan ng (N)Beer-seba; sila'y mangabubuwal, at kailan may hindi na mangakababangon.
17 At (A)nang siya'y aking makita, ay nasubasob akong waring patay sa kaniyang paanan. At (B)ipinatong niya sa akin ang kaniyang kanang kamay, na sinasabi, Huwag kang matakot; (C)ako'y ang una at ang huli,
18 At ang Nabubuhay; at ako'y namatay, at narito, ako'y nabubuhay magpakailan man, at (D)nasa akin ang mga susi ng (E)kamatayan at ng Hades.
19 Isulat mo nga (F)ang mga bagay na nakita mo, (G)at ang mga bagay ngayon, (H)at ang mga bagay na mangyayari sa darating;
20 Ang hiwaga (I)ng pitong bituin na iyong nakita sa aking kanang kamay, at (J)ng pitong kandelerong ginto. Ang pitong bituin ay ang mga anghel ng pitong iglesia: at ang pitong kandelero ay ang pitong iglesia.
2 Sa (K)anghel ng iglesia sa (L)Efeso ay isulat mo:
Ang mga bagay na ito ay sinasabi ng may hawak ng (M)pitong bituin sa kaniyang kanang kamay, na (N)yaong lumalakad sa gitna ng pitong kandelerong ginto:
2 Nalalaman ko ang iyong mga gawa, at ang iyong pagpapagal at pagtitiis, at hindi mo matiis ang masasamang tao, at sinubok mo ang mga (O)nagpapanggap na apostol, at sila'y hindi gayon, at nasumpungan mo silang pawang bulaan;
3 At may pagtitiis ka at nagbata ka dahil sa aking pangalan, at hindi ka napagod.
4 Nguni't mayroon akong laban sa iyo, na (P)iyong iniwan ang iyong unang pagibig.
5 Kaya't alalahanin mo kung saan ka nahulog, at magsisi ka at gawin mo ang iyong mga unang gawa; o kung hindi ay (Q)paririyan ako sa iyo, at aalisin ko ang (R)iyong kandelero sa kaniyang kinalalagyan, maliban na magsisi ka.
6 Nguni't ito'y nasa iyo, na iyong kinapopootan ang mga gawa ng (S)mga Nicolaita, na kinapopootan ko naman.
7 Ang may pakinig, ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesia. Ang magtagumpay, ay siya kong pakakanin (T)ng punong kahoy ng buhay, na nasa (U)Paraiso ng Dios.
23 Nang magkagayo'y (A)nagsalita si Jesus sa mga karamihan at sa kaniyang mga alagad,
2 Na nagsasabi, Nagsisiupo ang mga eskriba at mga Fariseo (B)sa luklukan ni Moises.
3 Lahat nga ng mga bagay na sa inyo'y kanilang ipagutos, ay gawin ninyo at ganapin: datapuwa't huwag kayong magsigawa ng alinsunod sa kanilang mga gawa; sapagka't kanilang sinasabi, at hindi ginagawa.
4 Oo, sila'y nangagbibigkis ng mabibigat na pasan (C)at mahihirap na dalhin, at ipinapasan nila sa mga balikat ng mga tao; datapuwa't ayaw man lamang nilang kilusin ng kanilang daliri.
5 Datapuwa't ginagawa nila ang lahat ng kanilang mga gawa (D)upang mangakita ng mga tao: sapagka't nangagpapalapad sila ng kanilang mga (E)pilakteria, at nangagpapalapad ng mga (F)laylayan ng kanilang mga damit,
6 At iniibig ang mga pangulong dako sa mga pigingan, at ang mga pangulong luklukan sa mga sinagoga,
7 At pagpugayan sa mga pamilihan, at ang sila'y tawagin ng mga tao, Rabi.
8 Datapuwa't kayo'y huwag patawag na Rabi: sapagka't iisa ang inyong (G)guro, at kayong lahat ay magkakapatid.
9 At huwag ninyong tawaging inyong ama ang sinomang tao sa lupa: (H)sapagka't iisa ang inyong ama, sa makatuwid baga'y siya na nasa langit.
10 Ni huwag kayong patawag na mga panginoon; sapagka't iisa ang inyong panginoon, sa makatuwid baga'y ang Cristo.
11 Datapuwa't (I)ang pinakadakila sa inyo ay magiging (J)lingkod ninyo.
12 At sinomang nagmamataas (K)ay mabababa; at sinomang nagpapakababa ay matataas.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978