Book of Common Prayer
Ang paghahari ng matuwid na hari. Awit ni Salomon.
72 Ibigay mo sa hari ang iyong mga kahatulan, Oh Dios,
At ang (A)iyong katuwiran sa anak na lalake ng hari.
2 (B)Kaniyang hahatulan ang iyong bayan, ng katuwiran,
At ang iyong dukha, ng kahatulan.
3 (C)Ang mga bundok ay magtataglay ng kapayapaan sa bayan,
At ang mga gulod, sa katuwiran.
4 Kaniyang hahatulan ang dukha sa bayan,
Kaniyang ililigtas ang mga anak ng mapagkailangan,
At pagwawaraywarayin ang mangaapi.
5 Sila'y mangatatakot sa iyo habang nananatili (D)ang araw,
At habang sumisilang ang buwan, sa lahat ng sali't saling lahi.
6 (E)Siya'y babagsak na parang ulan sa tuyong damo:
Gaya ng ambon na dumidilig sa lupa.
7 Sa kaniyang mga kaarawan ay (F)giginhawa ang mga matuwid;
At saganang kapayapaan, hanggang sa mawala ang buwan.
8 (G)Siya naman ay magtataglay ng pagpapakapanginoon sa dagat at dagat,
At mula sa Ilog hanggang sa mga wakas ng lupa.
9 Silang nagsisitahan sa ilang ay magsisiyukod (H)sa kaniya;
At hihimuran ng (I)kaniyang mga kaaway ang alabok.
10 (J)Ang mga hari ng Tharsis, at (K)sa mga pulo ay mangagdadala ng mga kaloob;
Ang mga hari sa (L)Sheba at (M)Seba ay mangaghahandog ng mga kaloob.
11 Oo, lahat ng mga hari ay magsisiyukod sa harap niya:
Lahat ng mga bansa ay mangaglilingkod sa kaniya.
12 Sapagka't kaniyang ililigtas ang mapagkailangan pagka dumadaing;
At ang dukha na walang katulong.
13 Siya'y maaawa sa dukha at mapagkailangan,
At ang mga kaluluwa ng mga mapagkailangan ay kaniyang ililigtas.
14 Tutubusin niya ang kanilang kaluluwa sa kapighatian at karahasan;
(N)At magiging mahalaga ang kanilang dugo sa kaniyang paningin:
15 At siya'y mabubuhay at sa kaniya'y ibibigay ang ginto ng Sheba:
At dadalanginang lagi siya ng mga tao:
Pupurihin nila siya buong araw.
16 Magkakaroon ng saganang trigo sa lupa sa taluktok ng mga bundok;
Ang bunga niyao'y uugang gaya ng Libano:
At silang sa bayan ay giginhawa na (O)parang damo sa lupa.
17 Ang kaniyang pangalan ay (P)mananatili kailan man;
Ang kaniyang pangalan ay magluluwat na gaya ng araw:
(Q)At ang mga tao ay pagpapalain sa kaniya;
(R)Tatawagin siyang maginhawa ng lahat ng mga bansa.
18 (S)Purihin ang Panginoong Dios, ang Dios ng Israel,
Na siya lamang gumagawa ng mga kababalaghang bagay:
19 At purihin ang kaniyang maluwalhating pangalan magpakailan man;
(T)At mapuno ang buong lupa ng kaniyang kaluwalhatian.
(U)Siya nawa, at Siya nawa.
20 Ang mga dalangin ni David na anak ni Isai ay nangatapos.
JOD.
73 (A)Ginawa ako at inanyuan ako ng iyong mga kamay:
(B)Bigyan mo ako ng unawa, upang matutuhan ko ang iyong mga utos.
74 (C)Silang nangatatakot sa iyo ay makikita ako, at matutuwa;
Sapagka't ako'y umasa (D)sa iyong salita;
75 Talastas ko, Oh Panginoon na ang mga kahatulan mo ay matuwid,
At sa (E)pagtatapat, iyo akong dinalamhati.
76 Isinasamo ko sa iyo na maging kaaliwan ko ang iyong kagandahang-loob,
Ayon sa iyong salita sa iyong lingkod.
77 Dumating nawa sa akin ang iyong malumanay na kaawaan upang ako'y mabuhay:
Sapagka't (F)ang kautusan mo'y aking kaaliwan.
78 (G)Mahiya ang palalo; sapagka't dinaig nila ako ng walang kadahilanan:
Nguni't (H)ako'y magbubulay sa iyong mga tuntunin.
79 Bumalik nawa sa akin yaong nangatatakot sa iyo,
At silang nangakakakilala ng iyong mga patotoo.
80 Maging sakdal nawa ang aking puso sa iyong mga palatuntunan;
Upang huwag akong mapahiya.
CAPH.
81 Pinanglulupaypayan ng (I)aking kaluluwa ang iyong pagliligtas:
Nguni't umaasa ako sa iyong salita.
82 (J)Pinangangalumatahan ng aking mga mata ang iyong salita,
Samantalang aking sinasabi, Kailan mo ako aaliwin?
83 Sapagka't ako'y naging parang balat na lalagyan ng alak sa usok;
Gayon ma'y hindi (K)ko kinalilimutan ang iyong mga palatuntunan.
84 (L)Gaano karami ang mga kaarawan ng iyong lingkod?
(M)Kailan ka gagawa ng kahatulan sa kanila na nagsisiusig sa akin?
85 Inihukay ako (N)ng palalo ng mga lungaw
Na hindi mga ayon sa iyong kautusan.
86 Lahat mong mga utos ay tapat.
Kanilang inuusig ako (O)na may kamalian; (P)tulungan mo ako.
87 Kanilang tinunaw ako halos sa ibabaw ng lupa;
Nguni't hindi ko pinabayaan ang mga tuntunin mo.
88 Buhayin mo ako ayon sa iyong kagandahang-loob;
Sa gayo'y aking iingatan ang patotoo ng iyong bibig.
LAMED.
89 (Q)Magpakailan man, Oh Panginoon,
Ang iyong salita ay natatag sa langit.
90 Ang iyong (R)pagtatapat ay sa lahat ng sali't saling lahi:
Iyong itinatag ang lupa, (S)at lumalagi.
91 (T)Namamalagi sa araw na ito ayon sa iyong mga alituntunin;
Sapagka't lahat ng bagay ay mga lingkod mo.
92 Kundi ang kautusan mo'y naging aking kaaliwan,
Namatay nga sana ako sa aking kadalamhatian.
93 Hindi ko kalilimutan kailan man ang mga tuntunin mo;
Sapagka't sa pamamagitan ng mga yaon ay binuhay mo ako.
94 Ako'y iyo, iligtas mo ako,
Sapagka't aking hinanap ang mga tuntunin mo,
95 Inabatan ako ng masama upang ako'y patayin;
Nguni't aking gugunitain ang iyong mga patotoo.
96 Aking nakita ang wakas (U)ng buong kasakdalan;
Nguni't ang utos mo'y totoong malawak.
6 Bukod dito'y sinabi sa akin ng Panginoon sa kaarawan ni Josias na hari, Iyo bagang nakita ang ginawa ng tumatalikod na Israel? (A)siya'y yumaon sa bawa't mataas na bundok at sa ilalim ng bawa't sariwang punong kahoy, at doon siya nagpatutot.
7 At aking sinabi pagkatapos na magawa niya ang lahat na bagay na ito, Siya'y babalik sa akin; nguni't hindi siya bumalik: at nakita ng taksil (B)niyang kapatid na Juda.
8 At aking nakita, nang, dahil dito sa pangangalunya ng tumatalikod na Israel, akin siyang pinalayas at binigyan ko siya ng (C)sulat ng paghihiwalay, gayon ma'y hindi natakot ang taksil niyang kapatid na Juda; kundi siya man ay yumaon at nagpatutot.
9 At nangyari, sa walang kabuluhan niyang pagsamba sa diosdiosan, na ang lupain ay nadumhan, at siya'y sumamba sa pamamagitan (D)ng mga bato at ng mga kahoy.
10 At gayon ma'y sa lahat ng ito ay hindi bumalik sa akin ang taksil niyang kapatid na Juda, ng kaniyang buong puso, kundi paimbabaw, sabi ng Panginoon.
Ang gawi ng Juda ay higit na masama kay sa Israel.
11 At sinabi ng Panginoon sa akin, Ang tumatalikod na Israel ay napakilala na lalong matuwid kay sa taksil na Juda.
12 Ikaw ay yumaon, at itanyag mo ang mga salitang ito sa dakong (E)hilagaan, at iyong sabihin, Ikaw ay manumbalik, ikaw na tumatalikod na Israel, sabi ng Panginoon; hindi ako titinging may galit sa inyo: sapagka't ako'y maawain, sabi ng Panginoon, hindi ako magiingat ng galit magpakailan man.
13 Kilalanin mo lamang ang iyong kasamaan, (F)na ikaw ay sumalansang sa Panginoon mong Dios, at iyong ikinalat ang iyong mga kaugalian sa (G)mga taga ibang lupa (H)sa ilalim ng bawa't sariwang punong kahoy, at kayo'y hindi nagsisunod sa aking tinig, sabi ng Panginoon.
14 Kayo'y manumbalik, Oh tumatalikod na mga anak, sabi ng Panginoon, (I)sapagka't ako'y asawa ninyo; at kukuha ako sa inyo ng (J)isa sa isang bayan, at dalawa sa isang angkan, at dadalhin ko kayo sa Sion.
15 At bibigyan ko kayo ng mga pastor ayon sa aking kalooban, na kakandili sa inyo ng kaalaman at unawa.
16 At mangyayari, pagka kayo'y dumami at lumago sa lupain sa mga araw na yaon, sabi ng Panginoon, hindi na nila sasabihin, Ang kaban ng tipan ng Panginoon; ni mapapasaisip nila yaon: ni aalalahanin nila yaon: ni nanaisin nila yaon; ni mayayari pa man.
17 Sa panahong yaon ay tatawagin nila ang Jerusalem na luklukan ng Panginoon, at (K)lahat ng mga bansa ay mapipisan doon, sa pangalan ng Panginoon, sa Jerusalem: hindi na rin lalakad pa man sila ng ayon sa pagmamatigas ng kanilang masamang kalooban.
18 Sa mga araw na yaon ang sangbahayan ni Juda ay (L)lalakad na kasama ng sangbahayan ni Israel, at sila'y manggagaling na magkasama sa lupain (M)ng hilagaan (N)sa lupain na ibinigay kong pinakamana sa inyong mga magulang.
28 At palibhasa'y hindi nila minagaling na kilalanin ang Dios, ibinigay sila ng (A)Dios sa isang mahalay na pagiisip, upang gawin yaong mga bagay na hindi nangararapat;
29 Nangapuspus sila ng buong kalikuan, ng kasamaan, ng kasakiman, ng kahalayan; puspos ng kapanaghilian, ng pagpatay sa kapuwa tao, ng pagtatalo, ng pagdaraya, ng mga kasamaan; mga mapagupasala,
30 Mga mapanirang puri, mga napopoot sa Dios, mga manglalait, mga palalo, mga mapagmapuri, mga mangangatha ng mga kasamaan, mga masuwayin sa mga magulang,
31 Mga haling, mga hindi tapat sa tipanan, mga walang katutubong paggiliw, mga walang habag:
32 Na, (B)bagama't nalalaman nila ang kautusan ng Dios, na ang mga nagsisigawa ng gayong mga bagay (C)ay mga karapatdapat sa kamatayan, ay hindi lamang gayon ang ginagawa, kundi naman (D)pinapayagan ang mga nagsisigawa ng mga yaon.
2 Dahil dito'y wala kang madadahilan, Oh tao, sino ka man na humahatol: (E)sapagka't sa iyong paghatol sa iba, ay ang iyong sarili ang hinahatulan mo; sapagka't ikaw na humahatol ay gumagawa ka ng gayon ding mga bagay.
2 At nalalaman natin na ang hatol ng Dios ay ayon sa katotohanan laban sa kanila na mga nagsisigawa ng gayong mga bagay.
3 At iniisip mo baga ito, Oh tao, na humahatol sa mga nagsisigawa ng gayong mga bagay, at ginagawa mo ang gayon din, na ikaw ay makatatanan sa hatol ng Dios?
4 O hinahamak mo ang (F)mga kayamanan ng kaniyang kabutihan at (G)pagtitiis (H)at pagpapahinuhod, (I)na hindi mo nalalaman na ang kabutihan ng Dios ay siyang umaakay sa iyo sa pagsisisi?
5 Datapuwa't ayon sa iyong katigasan at iyong pusong hindi nagsisisi ay (J)nagtitipon ka sa iyong sarili ng poot sa kaarawan ng kapootan at pagpapahayag ng tapat na paghuhukom ng Dios;
6 (K)Na siya ang magbibigay sa bawa't tao ayon sa kaniyang mga gawa:
7 Sa mga nagsisipagtiyaga sa mabubuting gawa sa paghanap ng kaluwalhatian at puri at ng di pagkasira, ay (L)ang buhay na walang hanggan:
8 Datapuwa't ang sa mga palaaway, at mga (M)hindi nagsisitalima sa katotohanan, kundi bagkus nagsisisunod sa kalikuan, ay ang kagalitan at kapootan,
9 Kapighatian at kahapisan, ang sa bawa't kaluluwa ng tao na gumagawa ng masama, (N)ng Judio (O)una-una, at gayon din ng Griego;
10 Datapuwa't kaluwalhatian at karangalan at kapayapaan ang sa bawa't taong gumagawa ng mabuti, sa Judio ang una-una, at gayon din sa Griego:
11 Sapagka't ang Dios (P)ay hindi nagtatangi ng mga tao.
5 Pagkatapos ng mga bagay na ito'y nagkaroon ng pista ang mga Judio; at umahon si Jesus sa Jerusalem.
2 Sa Jerusalem nga'y may isang tangke sa tabi ng pintuan ng mga tupa, na sa wikang Hebreo ay tinatawag na Betesda, na may limang portiko.
3 Na sa mga ito ay nangaghandusay ang marami sa kanilang mga maysakit, mga bulag, mga pilay, mga[a]natutuyo.
5 At naroon ang isang lalake, na may tatlongpu't walong taon nang maysakit.
6 Nang makita ni Jesus na siya'y nakahandusay, at mapagkilalang siya'y malaon nang panahong maysakit, ay sinabi niya sa kaniya, Ibig mo bagang gumaling?
7 Sumagot sa kaniya ang lalaking maysakit, Ginoo, wala ng taong maglusong sa akin sa tangke, pagkalawkaw sa tubig: datapuwa't samantalang ako'y naparoroon, ay nakalusong na muna ang iba bago ako.
8 Sinabi sa kaniya ni Jesus, (A)Magtindig ka, buhatin mo ang iyong higaan, at lumakad ka.
9 At pagdaka'y gumaling ang lalake, at binuhat ang kaniyang higaan at lumakad. (B)Noon nga'y araw ng sabbath.
10 Kaya sinabi ng mga Judio sa kaniya na pinagaling, Ito'y araw ng sabbath, at (C)hindi matuwid na buhatin mo ang iyong higaan.
11 Nguni't sila'y sinagot niya, Ang nagpagaling sa akin, ang siya ring sa akin ay nagsabi, Buhatin mo ang iyong higaan, at lumakad ka.
12 Tinanong nila siya, Sino ang taong sa iyo'y nagsabi, Buhatin mo ang iyong higaan, at lumakad ka?
13 Nguni't hindi nakikilala ng pinagaling kung sino siya; sapagka't si Jesus ay humiwalay, palibhasa'y may isang karamihan sa dakong yaon.
14 Pagkatapos ay nasumpungan siya ni Jesus sa templo, at sa kaniya'y sinabi, Narito, ikaw ay gumaling na: (D)huwag ka nang magkasala, baka mangyari pa sa iyo ang lalong masama.
15 Umalis ang tao, at sinaysay sa mga Judio na si Jesus ang sa kaniya'y nagpagaling.
16 At dahil dito'y pinagusig ng mga Judio si Jesus, sapagka't ginagawa niya ang mga bagay na ito sa araw ng sabbath.
17 Datapuwa't sinagot sila ni Jesus, Hanggang ngayo'y gumagawa ang (E)aking Ama, at ako'y gumagawa.
18 Dahil dito nga'y lalo nang pinagsikapan ng mga Judio na siya'y patayin, sapagka't hindi lamang sinira ang araw ng sabbath, kundi tinatawag din naman na kaniyang sariling Ama ang Dios, (F)na siya'y nakikipantay sa Dios.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978