Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

Book of Common Prayer

Daily Old and New Testament readings based on the Book of Common Prayer.
Duration: 861 days
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Version
Mga Awit 37

Katatagan ng nagtitiwala sa Panginoon at di katatagan ng makasalanan.

37 Huwag (A)kang mabalisa dahil sa mga manggagawa ng kasamaan,
(B)Ni managhili ka man sa kanila na nagsisigawa ng kalikuan.
Sapagka't sila'y madaling puputuling (C)gaya ng damo,
At matutuyong gaya ng sariwang damo.
Tumiwala ka sa Panginoon, at gumawa ka ng mabuti;
Tumahan ka sa lupain, at gawin mong kumain sa
kaniyang pagkatapat.
(D)Magpakaligaya ka naman sa Panginoon;
At bibigyan ka niya ng nasa ng iyong puso.
Ihabilin mo ang iyong lakad (E)sa Panginoon;
Tumiwala ka rin naman sa kaniya, at kaniyang papangyayarihin.
At kaniyang palalabasing gaya ng liwanag ang iyong katuwiran,
At ang iyong kahatulan ay gaya ng katanghaliang tapat.
(F)Ikaw ay magpahinga sa Panginoon, (G)at maghintay kang may pagtitiis sa kaniya:
(H)Huwag kang mabalisa ng dahil sa kaniya na gumiginhawa sa kaniyang lakad,
Dahil sa lalake na nagpapangyari ng mga masamang katha.
Maglikat ka ng pagkagalit, at bayaan mo ang poot:
Huwag kang mabalisa, iya'y maghahatid lamang sa paggawa ng kasamaan.
(I)Sapagka't ang mga manggagawa ng kasamaan ay mangahihiwalay:
Nguni't yaong nagsipaghintay sa Panginoon, (J)ay mangagmamana sila ng lupain.
10 (K)Sapagka't sangdali na lamang, at ang masama ay mawawala na:
(L)Oo, iyong uusisaing mainam ang kaniyang dako, at siya'y mawawala na.
11 (M)Nguni't ang maamo ay magmamana ng lupain,
At masasayahan sa kasaganaan ng kapayapaan.
12 Ang masama ay kumakatha laban sa ganap,
At pinagngangalit sa kaniya ang kaniyang mga ngipin.
13 Tatawanan siya (N)ng Panginoon:
Sapagka't kaniyang nakikita na ang (O)kaniyang kaarawan ay dumarating.
14 Hinugot ng masama ang tabak, at inihanda ang kanilang busog:
Upang ilugmok ang dukha at mapagkailangan,
Upang patayin (P)ang matuwid sa paglakad:
15 Ang kanilang tabak ay masasaksak sa kanilang sariling puso,
(Q)At ang kanilang busog ay mababali.
16 (R)Mainam ang kaunti na tinatangkilik ng matuwid,
Kay sa kasaganaan ng maraming masama.
17 Sapagka't (S)ang mga bisig ng masasama ay mangababali:
Nguni't inaalalayan ng Panginoon ang matuwid.
18 (T)Nalalaman ng Panginoon ang kaarawan ng sakdal:
At ang kanilang mana ay magiging sa magpakailan man.
19 Hindi sila mangapapahiya sa panahon ng kasamaan:
At (U)sa mga kaarawan ng kagutom ay mangabubusog sila.
20 Nguni't ang masama ay mamamatay,
At ang mga kaaway ng Panginoon ay magiging gaya ng taba ng mga kordero:
Sila'y mangapupugnaw: sa usok (V)mangapupugnaw sila.
21 (W)Ang masama ay humihiram, at hindi nagsasauli:
Nguni't (X)ang matuwid ay nahahabag, at nagbibigay.
22 (Y)Sapagka't ang mga gayong pinagpala ng Panginoon ay mangagmamana ng lupain;
At silang sinumpa niya ay mahihiwalay.
23 Ang lakad ng tao ay itinatag (Z)ng Panginoon;
At siya'y nasasayahan sa kaniyang lakad.
24 Bagaman siya'y mabuwal, (AA)hindi siya lubos na mapapahiga:
Sapagka't inaalalayan siya ng Panginoon ng kaniyang kamay.
25 Ako'y naging bata, at ngayo'y matanda;
Gayon ma'y hindi ko nakita ang matuwid na pinabayaan,
Ni ang kaniyang lahi man ay (AB)nagpapalimos ng tinapay.
26 (AC)Lahat ng araw ay nahahabag, at nagpapahiram;
At ang kaniyang lahi ay pinagpapala.
27 (AD)Ikaw ay humiwalay sa kasamaan, at gumawa ka ng mabuti;
(AE)At manahan ka magpakailan man.
28 Sapagka't iniibig ng Panginoon ang kahatulan,
At hindi pinababayaan ang kaniyang mga banal;
Sila'y iniingatan magpakailan man:
(AF)Nguni't ang lahi ng masama ay mahihiwalay.
29 Mamanahin ng matuwid ang lupain,
At tatahan doon magpakailan man.
30 (AG)Ang bibig ng matuwid ay nangungusap ng karunungan,
At ang kaniyang dila ay nagsasalita ng kahatulan.
31 (AH)Ang kautusan ng kaniyang Dios ay nasa kaniyang puso,
Walang madudulas sa kaniyang mga hakbang.
32 Inaabatan ng masama ang matuwid,
At pinagsisikapang patayin niya siya.
33 Hindi siya iiwan ng Panginoon sa kaniyang kamay,
(AI)Ni parurusahan man siya pagka siya'y nahatulan.
34 (AJ)Hintayin mo ang Panginoon, at ingatan mo ang kaniyang daan,
At ibubunyi ka upang manahin mo ang lupain:
(AK)Pagka nahiwalay ang masama, iyong makikita.
35 (AL)Aking nakita ang masama sa malaking kapangyarihan,
At lumalaganap na gaya ng sariwang punong kahoy sa kaniyang lupang tinubuan.
36 Nguni't may dumaan at, narito, wala na siya:
Oo, hinanap ko siya, nguni't hindi siya masumpungan.
37 Tandaan mo ang sakdal na tao, at masdan mo ang matuwid:
Sapagka't may isang maligayang wakas sa taong may (AM)kapayapaan.
38 Tungkol sa mga mananalangsang, mangalilipol silang magkakasama:
(AN)Ang huling wakas ng masama ay mahihiwalay.
39 Nguni't ang kaligtasan ng matuwid ay sa Panginoon:
Siya'y ang kanilang kuta sa panahon ng kabagabagan.
40 At sila'y tinutulungan ng Panginoon, at sinasagip sila:
(AO)Sinasagip niya sila sa masama, at inililigtas sila.
Sapagka't sila'y nagsipagkanlong sa kaniya.

Deuteronomio 7:6-11

(A)Sapagka't ikaw ay isang banal na bayan sa Panginoon mong Dios; (B)pinili ka ng Panginoon mong Dios upang maging bayan sa kaniyang sariling pagaari, na higit sa lahat ng mga bayan na nasa ibabaw ng balat ng lupa.

Hindi kayo inibig ng Panginoon, ni pinili kayo ng dahil sa kayo'y marami sa bilang kay sa alin mang bayan; sapagka't kayo (C)ang pinakamaliit sa lahat ng mga bayan:

Kundi (D)dahil sa inibig kayo ng Panginoon, at dahil sa kaniyang tinupad (E)ang sumpa na kaniyang isinumpa sa inyong mga magulang, ay inilabas kayo ng Panginoon sa pamamagitan ng makapangyarihang kamay at tinubos kayo sa bahay ng pagkaalipin, mula sa kamay ni Faraon na hari sa Egipto.

Talastasin mo nga, na ang Panginoon ninyong Dios, ay siyang Dios: (F)ang tapat na Dios, na (G)nag-iingat ng tipan at naggagawad ng kagandahang-loob sa mga umiibig sa kaniya, at tumutupad ng kaniyang mga utos, hanggang sa isang libong salin ng lahi;

10 At (H)pinanghihigantihan sa kanilang mukha, ang mga napopoot sa kaniya, upang lipulin: (I)siya'y hindi magpapaliban doon sa napopoot sa kaniya, kaniyang panghihigantihan sa kaniya ring mukha.

11 Iyo ngang iingatan ang utos, at ang mga palatuntunan, at ang mga kahatulan, na aking iniutos sa iyo sa araw na ito, na iyong ganapin.

Tito 1

Si Pablo, na alipin ng Dios, at apostol ni Jesucristo, ayon sa pananampalataya ng (A)mga hinirang ng Dios, at (B)sa pagkaalam ng katotohanan na ayon sa kabanalan,

Sa pagasa sa buhay na walang hanggan, na (C)ipinangako ng Dios (D)na di makapagsisinungaling buhat pa ng mga panahong walang hanggan;

(E)Nguni't sa kaniyang mga panahon ay ipinahayag ang kaniyang salita sa pangangaral, na sa akin ay ipinagkatiwala (F)ayon sa utos ng Dios na (G)ating Tagapagligtas;

Kay (H)Tito na aking (I)tunay na anak ayon sa pananampalataya ng lahat: Biyaya at kapayapaan nawang mula sa Dios Ama at kay Cristo Jesus na Tagapagligtas natin.

(J)Dahil dito'y iniwan kita sa Creta, upang husayin mo ang mga bagay na nagkukulang, at (K)maghalal ng (L)mga matanda sa bawa't bayan, na gaya ng ipinagbilin ko sa iyo;

(M)Kung ang sinoman ay walang kapintasan, asawa ng isang babae lamang, na may mga anak na nagsisisampalataya, na hindi maisusumbong sa pangliligalig o suwail.

Sapagka't dapat na ang obispo ay walang kapintasan, palibhasa siya'y (N)katiwala ng Dios; hindi mapagsariling kalooban, hindi magagalitin, hindi manggugulo, hindi palaaway, hindi masakim sa mahalay na kapakinabangan;

Kundi mapagpatuloy, maibigin sa mabuti, mahinahon ang pagiisip, matuwid, banal, mapagpigil;

Na (O)nananangan sa (P)tapat na salita na ayon sa turo, upang umaral ng magaling na aral, at papaniwalain ang nagsisisalangsang.

10 Sapagka't may maraming mga suwail, na mapagsalita ng walang kabuluhan at mga magdaraya, (Q)lalong lalo na yaong mga sa pagtutuli,

11 Na ang kanilang mga bibig ay nararapat matikom; mga taong nagsisipanggulo sa buong mga sangbahayan, na nangagtuturo ng mga bagay na di nararapat, (R)dahil sa mahalay na kapakinabangan.

12 Sinabi ng isa sa kanila rin, ng isang propetang sarili nila,

Ang mga taga Creta kailan pa man ay mga sinungaling, masasamang hayop, matatakaw na mga tamad.

13 Ang patotoong ito ay tunay. Dahil dito'y (S)sawayin mong may kabagsikan sila, upang (T)mangapakagaling sa pananampalataya,

14 Na (U)huwag mangakinig sa mga (V)katha ng mga Judio, at sa mga utos ng mga tao na nangagsisisinsay sa katotohanan.

15 (W)Sa malinis ang lahat ng mga bagay ay malinis: datapuwa't sa nangahawa at di nagsisisampalataya ay walang anomang malinis; kundi pati ng kanilang (X)pagiisip at kanilang budhi ay pawang nangahawa.

16 Sila'y nangagpapanggap na nakikilala nila ang Dios; nguni't ikinakaila (Y)sa pamamagitan ng kanilang mga gawa, palibhasa'y mga malulupit, at mga masuwayin, at mga itinakuwil sa bawa't gawang mabuti.

Juan 1:29-34

29 Nang kinabukasan ay nakita ni Juan si Jesus na lumalapit sa kaniya, at sinabi, Narito, (A)ang Cordero ng Dios, na nagaalis ng kasalanan ng sanglibutan!

30 (B)Ito yaong aking sinasabi, Sa hulihan ko'y dumarating ang isang lalake na magiging una sa akin: sapagka't siya'y una sa akin.

31 At siya'y hindi ko nakilala; datapuwa't upang siya'y mahayag sa Israel, (C)dahil dito'y naparito ako na bumabautismo sa tubig.

32 At nagpatotoo si Juan, na nagsasabi, (D)Nakita ko ang Espiritu na bumababang tulad sa isang kalapati na buhat sa langit; at dumapo sa kaniya.

33 At siya'y hindi ko nakilala; datapuwa't ang nagsugo sa akin upang bumautismo sa tubig, ay siyang nagsabi sa akin, Ang makita mong babaan ng Espiritu, at manahan sa kaniya, ay (E)siya nga ang bumabautismo sa Espiritu Santo.

34 At aking nakita, at pinatotohanan kong ito (F)ang Anak ng Dios.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978