Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

Book of Common Prayer

Daily Old and New Testament readings based on the Book of Common Prayer.
Duration: 861 days
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Version
Mga Awit 95

Pagpuri sa Panginoon at babala laban sa di pagsampalataya.

95 (A)Oh magsiparito kayo, tayo'y magsiawit sa Panginoon:
(B)Tayo'y magkaingay na may kagalakan (C)sa malaking bato na ating kaligtasan.
Tayo'y magsiharap sa kaniyang harapan na may pagpapasalamat,
Tayo'y magkaingay na may kagalakan sa kaniya na may mga pagaawitan.
Sapagka't ang (D)Panginoon ay dakilang Dios,
At dakilang Hari sa lahat ng mga dios,
Na sa kaniyang kamay ang mga malalim na dako ng lupa,
Ang mga kataasan ng mga bundok ay kaniya rin.
Ang dagat ay kaniya, at kaniyang ginawa:
At ang kaniyang mga kamay ay lumikha ng tuyong lupa.
Oh magsiparito kayo, tayo'y magsisamba at magsiyukod;
Tayo'y magsiluhod sa harap ng Panginoon na May-lalang sa atin.
Sapagka't siya'y ating Dios,
At tayo'y (E)bayan ng kaniyang pastulan, at mga tupa ng kaniyang kamay.
Ngayon, kung (F)inyong didinggin ang kaniyang tinig!
Huwag ninyong papagmatigasin ang inyong puso, gaya sa Meriba,
Gaya sa kaarawan ng Masa (G)sa ilang:
(H)Nang tuksuhin ako ng inyong mga magulang,
Tinikman ako, at nakita ang gawa ko.
10 Apat na pung taong namanglaw ako sa lahing yaon,
At aking sinabi, Bayan na nagkakamali sa kanilang puso.
At hindi naalaman ang aking mga daan:
11 Kaya't ako'y sumumpa sa aking poot,
(I)Na sila'y hindi magsisipasok sa aking (J)kapahingahan.

Mga Awit 40

Ang pagbabata sa pagpuri at panalangin ng tulong. Sa Pangulong Manunugtog. Awit ni David.

40 (A)Aking hinintay na may pagtitiis ang Panginoon;
At siya'y kumiling sa akin, at dininig ang aking daing.
Isinampa naman niya ako mula sa isang kakilakilabot na balon, (B)mula sa balahong malagkit;
(C)At itinuntong niya ang aking mga paa sa isang malaking bato, at (D)itinatag ang aking mga paglakad.
(E)At siya'y naglagay ng bagong awit sa aking bibig, sa makatuwid baga'y pagpuri sa aming Dios:
Marami ang mangakakakita at mangatatakot,
At magsisitiwala sa Panginoon.
(F)Mapalad ang tao na ginagawang kaniyang tiwala ang Panginoon,
At hindi iginagalang ang palalo, ni ang mga naliligaw man sa pagsunod sa mga kabulaanan.
(G)Marami, Oh Panginoon kong Dios, ang mga kagilagilalas na mga gawa na iyong ginawa,
(H)At ang iyong mga pagiisip sa amin:
Hindi malalagay na maayos sa harap mo;
Kung ako'y magpapahayag at sasalitain ko sila,
Sila'y higit kay sa mabibilang.
(I)Hain at handog ay hindi mo kinaluluguran;
Ang aking pakinig ay iyong binuksan:
Handog na susunugin, at handog tungkol sa kasalanan ay hindi mo hiningi.
Nang magkagayo'y sinabi ko: Narito, dumating ako;
(J)Sa balumbon ng aklat ay (K)nakasulat tungkol sa akin:
(L)Aking kinalulugurang sundin ang iyong kalooban, Oh Dios ko;
Oo, ang iyong kautusan ay (M)nasa loob ng aking puso.
Ako'y nagpahayag ng mabuting balita ng katuwiran (N)sa dakilang kapisanan;
Narito, hindi ko pipigilin ang aking mga labi,
Oh Panginoon, iyong nalalaman.
10 Hindi ko ikinubli ang iyong katuwiran sa loob ng aking puso;
Aking ibinalita ang iyong pagtatapat, at ang iyong pagliligtas:
Hindi ko inilihim ang iyong kagandahang-loob at ang iyong katotohanan sa dakilang kapisanan.
11 Huwag mong pigilin sa akin ang iyong mga malumanay na kaawaan, Oh Panginoon:
Panatilihin mong lagi sa akin ang (O)iyong kagandahang-loob at ang iyong katotohanan.
12 Sapagka't kinulong ako ng walang bilang na kasamaan.
Ang mga kasamaan ko ay (P)umabot sa akin, na anopa't hindi ako makatingin;
Sila'y (Q)higit kay sa mga buhok ng aking ulo,
At ang aking puso ay nagpalata sa akin.
13 Kalugdan[a] mo nawa, Oh Panginoon, na iligtas ako:
Ikaw ay (R)magmadaling tulungan mo ako, Oh Panginoon.
14 (S)Sila'y mangapahiya nawa at mangatulig na magkakasama
Na nagsisiusig ng aking kaluluwa upang ipahamak:
Sila nawa'y mangapaurong at mangadala sa kasiraang puri
Na nangalulugod sa aking kapahamakan.
15 Mangapahamak nawa sila dahil sa kanilang kahihiyan
Na nangagsasabi sa akin, Aha, (T)Aha.
16 Mangagalak at mangatuwa nawa sa iyo ang lahat na nagsisihanap sa iyo:
Yaong nangagiibig ng iyong kaligtasan ay (U)mangagsabi nawang palagi,
(V)Ang Panginoon ay dakilain.
17 (W)Nguni't ako'y dukha at mapagkailangan;
Gayon ma'y inalaala ako (X)ng Panginoon:
Ikaw ang aking saklolo at aking tagapagligtas;
Huwag kang magluwat, Oh Dios ko.

Mga Awit 54

Sa Pangulong Manunugtog; sa mga panugtog na kawad. Masquil ni David: nang ang mga (A)Zipheo ay dumating at magsabi kay Saul, Hindi ba nagtatago si David doon sa amin?

54 Iligtas mo ako, Oh Dios, sa pamamagitan ng iyong pangalan.
At hatulan mo ako sa iyong kapangyarihan.
Dinggin mo ang aking dalangin, Oh Dios;
Pakinggan mo ang mga salita ng aking bibig.
Sapagka't (B)ang mga tagaibang lupa ay nagsibangon laban sa akin,
At ang mga mangdadahas na tao ay nagsisiusig ng aking kaluluwa:
Hindi nila inilagay ang Dios sa harap nila. (Selah)
Narito, ang Dios ay aking katulong:
(C)Ang Panginoon ay sa kanila na nagsisialalay ng aking kaluluwa.
Kaniyang ibabalik ang kasamaan sa aking mga kaaway:
(D)Gibain mo sila sa iyong katotohanan.
(E)Ako'y maghahain sa iyo ng kusang handog:
Ako'y magpapasalamat sa iyong pangalan, Oh Panginoon, (F)sapagka't mabuti.
Sapagka't iniligtas niya ako sa lahat ng kabagabagan;
(G)At nakita ng aking mata ang aking nasa sa aking mga kaaway.

Mga Awit 51

Sa Pangulong Manunugtog. Awit ni David: nang si (A)Nathan na propeta, ay dumating sa kaniya, pagkatapos na siya'y makapasok kay Bath-seba.

51 (B)Maawa ka sa akin, Oh Dios, ayon sa iyong kagandahang-loob:
Ayon sa karamihan ng iyong malumanay na mga kaawaan (C)ay pinawi mo ang aking mga pagsalangsang.
(D)Hugasan mo akong lubos sa aking kasamaan,
At linisin mo ako sa aking kasalanan.
Sapagka't (E)kinikilala ko ang aking mga pagsalangsang:
At ang aking kasalanan ay laging nasa harap ko.
(F)Laban sa iyo, sa iyo lamang ako nagkasala,
At nakagawa ng kasamaan sa iyong paningin:
(G)Upang ikaw ay ariing ganap pag nagsasalita ka,
At maging malinis pag humahatol ka.
(H)Narito, ako'y inanyuan sa kasamaan;
At sa kasalanan ay ipinaglihi ako ng aking ina,
Narito, ikaw ay nagnanasa ng katotohanan sa mga loob na sangkap;
At sa kubling bahagi ay iyong ipakikilala sa akin ang karunungan.
(I)Linisin mo ako ng hisopo, at ako'y magiging malinis:
Hugasan mo ako (J)at ako'y magiging lalong maputi kay sa nieve.
Pagparinggan mo ako ng kagalakan at kasayahan;
Upang (K)ang mga buto na iyong binali ay mangagalak.
Ikubli mo ang iyong mukha sa aking mga kasalanan,
At pawiin mo ang aking lahat na mga kasamaan.
10 Likhaan mo ako ng isang malinis na puso, Oh Dios;
At (L)magbago ka ng isang matuwid na espiritu sa loob ko.
11 Huwag mo akong paalisin sa (M)iyong harapan;
(N)At huwag mong bawiin ang iyong santong Espiritu sa akin.
12 Ibalik mo sa akin ang kagalakan ng iyong pagliligtas:
At alalayan ako (O)ng kusang espiritu.
13 Kung magkagayo'y ituturo ko sa mga mananalangsang ang iyong mga lakad;
At ang mga makasalanan ay (P)mangahihikayat sa iyo.
14 Iligtas mo ako sa salang pagbububo ng dugo, Oh Dios, ikaw na Dios ng aking kaligtasan;
At ang aking dila ay aawit ng malakas tungkol sa iyong katuwiran.
15 Oh Panginoon, bukhin mo ang aking mga labi;
At ang aking bibig ay magsasaysay ng iyong kapurihan.
16 Sapagka't (Q)hindi ka nalulugod sa hain; na kung dili ay bibigyan kita:
Wala kang kaluguran sa handog na susunugin.
17 (R)Ang mga hain sa Dios ay bagbag na loob:
Isang bagbag at may pagsisising puso, Oh Dios, ay hindi mo wawaling kabuluhan.
18 (S)Gawan mo ng mabuti ang iyong mabuting kasayahan sa Sion:
(T)Itayo mo ang mga kuta ng Jerusalem.
19 Kung magkagayo'y malulugod ka (U)sa mga hain ng katuwiran,
Sa handog na susunugin at sa (V)handog na susunuging buo:
Kung magkagayo'y mangaghahandog sila ng mga toro sa iyong dambana.

Deuteronomio 10:12-22

Ipinapayo ang paggalang sa Panginoon.

12 At ngayon, Israel, (A)ano ang hinihingi sa iyo ng Panginoon mong Dios, kundi (B)matakot ka sa Panginoon mong Dios, (C)lumakad ka sa lahat ng kaniyang mga daan, at (D)ibigin mo siya, at paglingkuran mo ang Panginoon mong Dios, ng buong puso mo at ng buong kaluluwa mo.

13 Na ganapin mo ang mga utos ng Panginoon, at ang kaniyang mga palatuntunan, na aking iniuutos sa iyo sa araw na ito (E)sa iyong ikabubuti?

14 Narito, sa Panginoon mong Dios nauukol ang langit, at ang langit ng mga langit, ang lupa, sangpu ng lahat na nangariyan.

15 (F)Ang Panginoon ay nagkaroon lamang ng hilig sa iyong mga magulang na ibigin sila, at kaniyang pinili ang kanilang binhi pagkamatay nila, sa makatuwid baga'y kayo, sa lahat ng mga bayan na gaya ng nakikita sa araw na ito.

16 Tuliin nga ninyo (G)ang balat ng inyong puso, at (H)huwag ninyong papagmatigasin ang inyong ulo.

17 Sapagka't ang Panginoon ninyong Dios, ay siyang Dios ng mga dios, at (I)Panginoon ng mga panginoon, siyang dakilang Dios, siyang makapangyarihan at siyang kakilakilabot, (J)na hindi nagtatangi ng tao ni tumatanggap ng suhol.

18 (K)Kaniyang hinahatulan ng matuwid ang ulila at babaing bao, at iniibig ang taga ibang lupa, na binibigyan niya ng pagkain at kasuutan.

19 (L)Ibigin nga ninyo ang taga ibang lupa: sapagka't kayo'y naging taga ibang lupa sa lupain ng Egipto.

20 (M)Katatakutan mo ang Panginoon mong Dios; sa kaniya'y maglilingkod ka, at sa kaniya'y lalakip ka, at sa pamamagitan ng kaniyang pangalan susumpa ka.

21 (N)Siya ang iyong kapurihan, at siya ang iyong Dios, na iginawa ka niya nitong mga dakila at kakilakilabot na mga bagay, na nakita ng iyong mga mata.

22 (O)Ang iyong mga magulang ay lumusong sa Egipto na may pitong pung tao; at ngayo'y ginawa ka ng Panginoon mong Dios na (P)gaya ng mga bituin sa langit ang dami.

Mga Hebreo 4:11-16

11 Magsipagsikap nga tayo ng pagpasok sa kapahingahang yaon, upang huwag marapa ang (A)sinoman ayon sa gayong halimbawa ng pagsuway.

12 Sapagka't (B)ang salita ng Dios ay (C)buhay, at mabisa, at matalas kay sa alin mang tabak na may dalawang talim, at bumabaon hanggang sa paghihiwalay (D)ng kaluluwa at espiritu, ng mga kasukasuan at ng utak, at (E)madaling kumilala ng mga pagiisip at mga haka ng puso.

13 At walang anomang nilalang na hindi nahahayag sa kaniyang paningin: nguni't ang lahat ng mga bagay ay hubad at hayag sa harapan ng mga mata niyaong ating pagsusulitan.

14 Yaman ngang tayo'y mayroong (F)isang lubhang dakilang saserdote, (G)na pumasok sa kalangitan, si Jesus na Anak ng Dios, ay (H)ingatan nating matibay ang ating (I)pagkakilala.

15 Sapagka't tayo'y (J)walang isang dakilang saserdote (K)na hindi maaaring mahabag sa ating kahinaan, kundi isa na (L)tinukso sa lahat ng mga paraan gaya rin naman natin (M)gayon ma'y walang kasalanan.

16 (N)Magsilapit nga tayong may pagkakatiwala sa luklukan ng biyaya, upang tayo'y magsipagtamo ng awa, at mangakasumpong ng biyaya upang tumulong sa atin sa panahon ng pangangailangan.

Juan 3:22-36

22 Pagkatapos ng mga bagay na ito ay nagsiparoon si Jesus at ang kaniyang mga alagad sa lupain ng Judea; at doon siya tumira na kasama nila, (A)at bumabautismo.

23 At bumabautismo rin naman si Juan sa Enon na malapit sa Salim, sapagka't doo'y maraming tubig: at sila'y nagsiparoon, at nangabautismuhan.

24 Sapagka't hindi pa ipinapasok sa bilangguan si (B)Juan.

25 Nagkaroon nga ng isang pakikipagtalo ang mga alagad ni Juan sa isang Judio tungkol sa (C)paglilinis.

26 At sila'y nagparoon kay Juan, at sa kaniya'y sinabi, Rabi, yaong kasama (D)mo sa dako pa roon ng Jordan, (E)na binigyan mong patotoo, narito, siya'y bumabautismo, at ang lahat ng mga tao'y nagsisiparoon sa kaniya.

27 Sumagot si Juan at sinabi, Hindi makatatanggap ng anoman ang isang tao, malibang ito'y ipinagkaloob sa kaniya mula sa langit.

28 Kayo man ay magsisisaksi sa akin, na aking sinabi, (F)Hindi ako ang Cristo, kundi, na (G)ako'y sinugo sa unahan niya.

29 Ang nagtatangkilik sa kasintahang babae (H)ay ang kasintahang lalake: datapuwa't ang (I)kaibigan ng kasintahang lalake, na nakatayo at nakikinig sa kaniya, ay nagagalak na lubos dahil sa tinig ng kasintahang lalake: ito ngang aking kaligayahan ay naganap.

30 (J)Siya'y kinakailangang dumakila, ngunit ako'y kinakailangang bumaba.

31 (K)Ang nanggagaling sa itaas ay sumasaibabaw ng lahat: (L)ang galing sa lupa ay taga lupa nga, at ang ukol sa lupa ang sinasalita niya: ang nanggagaling sa langit ay sumasaibabaw ng lahat.

32 At kaniyang (M)nakita at (N)narinig, ay siyang pinatototohanan niya; at (O)walang taong tumatanggap ng kaniyang patotoo.

33 Ang tumatanggap ng kaniyang patotoo ay naglagay dito ng kaniyang tatak, na ang (P)Dios ay totoo.

34 Sapagka't ang sinugo ng Dios ay nagsasalita ng mga salita ng Dios: sapagka't hindi niya ibinibigay ang Espiritu sa pamamagitan ng sukat.

35 (Q)Sinisinta ng Ama ang Anak, at inilagay sa kaniyang kamay ang lahat ng mga bagay.

36 (R)Ang sumasampalataya sa Anak ay may buhay na walang hanggan; ngunit ang hindi tumatalima sa Anak ay hindi makakakita ng buhay, kundi ang poot ng Dios ay sumasa kaniya.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978