Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

Book of Common Prayer

Daily Old and New Testament readings based on the Book of Common Prayer.
Duration: 861 days
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Version
Mga Awit 24

Ang hari ng kaluwalhatian ay pumasok sa banal na bundok. Awit ni David.

24 (A)Ang lupa ay sa Panginoon at ang buong narito;
Ang sanglibutan, at silang nagsisitahan dito.
(B)Sapagka't itinatag niya sa ibabaw ng mga dagat,
At itinatayo sa ibabaw ng mga baha.
(C)Sinong aahon sa bundok ng Panginoon?
At sinong tatayo sa kaniyang (D)dakong banal?
(E)Siyang may malinis na mga kamay at (F)may dalisay na puso;
Na hindi nagmataas ang kaniyang kaluluwa sa walang kabuluhan,
At hindi sumumpa na may kabulaanan.
Siya'y tatanggap ng pagpapala sa Panginoon,
At ng katuwiran sa (G)Dios ng kaniyang kaligtasan.
Ito ang lahi ng mga nagsisihanap sa kaniya,
Na nagsisihanap ng iyong mukha, sa makatuwid baga'y Jacob. (Selah)
Itaas ninyo ang inyong mga ulo,
Oh kayong mga pintuang-bayan;
At kayo'y mangataas, kayong mga walang hanggang pintuan:
At ang hari ng kaluwalhatian ay (H)papasok.
Sino ang Hari ng kaluwalhatian?
Ang Panginoong malakas at makapangyarihan,
Ang Panginoong makapangyarihan sa pagbabaka.
Itaas ninyo ang inyong mga ulo, Oh kayong mga pintuang-bayan;
Oo, magsitaas kayo, kayong mga walang hanggang pintuan:
At ang hari ng kaluwalhatian ay papasok.
10 Sino itong Hari ng kaluwalhatian?
Ang Panginoon ng mga hukbo,
Siya ang Hari ng kaluwalhatian. (Selah)

Mga Awit 29

Ang tinig ng Panginoon ay nasa malakas na hangin. Awit ni David.

29 Mangagbigay kayo sa Panginoon, (A)Oh kayong mga anak ng makapangyarihan,
Mangagbigay kayo sa Panginoon ng kaluwalhatian at kalakasan.
Ibigay ninyo sa Panginoon ang kaluwalhatiang marapat sa kaniyang pangalan:
Inyong sambahin ang Panginoon sa (B)kagandahan ng kabanalan.
(C)Ang tinig ng Panginoon ay nasa ibabaw ng tubig:
Ang Dios ng kaluwalhatian ay kumukulog,
Sa makatuwid baga'y ang Panginoon sa ibabaw ng (D)maraming tubig.
Ang tinig ng Panginoon ay makapangyarihan;
Ang tinig ng Panginoon ay puspos ng kamahalan.
Ang tinig ng Panginoon ay bumabali ng mga cedro;
Oo, pinagpuputolputol ng Panginoon ang mga cedro ng Libano.
Kaniya namang (E)pinalulukso na gaya ng guya:
Ang Libano at (F)Sirion na gaya ng mailap na guyang baka.
Humahawi ng liyab ng apoy ang tinig ng Panginoon.
Niyayanig ng tinig ng Panginoon ang ilang:
Niyayanig ng Panginoon ang ilang ng Kades.
Pinapanganganak ng tinig ng Panginoon ang mga usa,
At hinuhubdan ang mga gubat:
At sa kaniyang templo ay nagsasabi ang bawa't bagay: Kaluwalhatian.
10 Ang Panginoon ay (G)naupo sa Baha na parang Hari;
(H)Oo, ang Panginoon ay nauupong parang Hari magpakailan man.
11 (I)Ang Panginoon ay magbibigay ng kalakasan sa kaniyang bayan;
Pagpapalain ng Panginoon ang kaniyang bayan ng kapayapaan.

Mga Awit 8

Ang kaluwalhatian ng Panginoon at ang karangalan ng tao. Sa Pangulong Manunugtog; itinugma sa Gittith. Awit ni David.

Oh Panginoon, aming Panginoon,
(A)Pagkarilag ng iyong pangalan sa buong lupa!
(B)Na siyang naglagay ng inyong kaluwalhatian sa mga langit.
(C)Mula sa bibig ng mga sanggol at ng mga sumususo ay iyong itinatag ang kalakasan,
Dahil sa iyong mga kaaway,
Upang iyong patahimikin ang kaaway at ang manghihiganti.
(D)Pagka binubulay ko ang iyong mga langit, ang gawa ng iyong mga daliri,
Ang buwan at ang mga bituin na iyong inayos;
(E)Ano ang tao upang iyong alalahanin siya?
At ang anak ng tao, upang iyong dalawin siya?
Sapagka't iyong ginawa siyang kaunting mababa lamang kay sa Dios,
At pinaputungan mo siya ng kaluwalhatian at karangalan.
(F)Iyong pinapagtataglay siya ng kapangyarihan sa mga gawa ng iyong mga kamay;
(G)Iyong inilagay ang lahat ng mga bagay sa ilalim ng kaniyang mga paa:
Lahat na tupa at baka,
Oo, at ang mga hayop sa parang;
Ang mga ibon sa himpapawid, at ang mga isda sa dagat,
Anomang nagdaraan sa mga kalaliman ng mga dagat.
(H)Oh Panginoon, aming Panginoon,
Pagkarilag ng iyong pangalan sa buong lupa!

Mga Awit 84

Sa Pangulong Manunugtog; itinugma sa Gittith. Awit ng mga anak ni Core.

84 Kay (A)iinam ng iyong mga tabernakulo,
Oh Panginoon ng mga hukbo!
(B)Ang kaluluwa ko'y aasamasam, oo, nanglulupaypay sa mga looban ng Panginoon;
Ang puso ko't laman ay dumadaing sa buháy na Dios.
Oo, (C)ang maya ay nakasumpong ng bahay,
At ang langaylangayan ay nagpugad para sa kaniya, na mapaglalapagan niya ng kaniyang inakay,
Sa makatuwid baga'y iyong mga dambana, Oh Panginoon ng mga hukbo,
Hari ko, at Dios ko.
(D)Mapalad silang nagsisitahan sa iyong bahay:
Kanilang pupurihin kang (E)palagi. (Selah)
Mapalad ang tao na ang kalakasan ay nasa iyo;
Na may mga daan sa kaniyang puso na tungo sa Sion.
Na nagdaraan sa libis ng Iyak na ginagawa nilang dako ng mga bukal;
Oo, tinatakpan ng pagpapala ng maagang ulan.
(F)Sila'y nagsisiyaon sa kalakasa't kalakasan,
Bawa't isa sa kanila ay (G)napakikita sa harap ng Dios sa Sion.
Oh Panginoong Dios ng mga hukbo, dinggin mo ang aking dalangin:
Pakinggan mo, Oh Dios ni Jacob. (Selah)
Masdan mo, (H)Oh Dios na aming kalasag,
At tingnan mo ang mukha ng (I)iyong pinahiran ng langis.
10 Sapagka't isang araw sa iyong mga looban ay mabuti kay sa isang libo.
Aking minagaling na maging tagatanod-pinto sa bahay ng aking Dios,
Kay sa tumahan sa mga tolda ng kasamaan.
11 Sapagka't ang Panginoong Dios (J)ay araw at kalasag:
Ang Panginoo'y magbibigay ng biyaya at kaluwalhatian:
(K)Hindi siya magkakait ng anomang mabuting bagay sa nagsisilakad ng matuwid.
12 Oh Panginoon ng mga hukbo,
(L)Mapalad ang tao na tumitiwala sa iyo.

Levitico 8:1-13

Pagtatalaga ng mga saserdote.

At sinalita ng Panginoon kay Moises, na sinasabi,

(A)Dalhin mo si Aaron at pati ng kaniyang mga anak, (B)at ang mga kasuutan, (C)at ang langis na pangpahid, at ang torong handog dahil sa kasalanan, at ang dalawang tupang lalake, at ang bakol ng mga tinapay na walang lebadura:

At pulungin mo ang buong kapisanan sa pintuan ng tabernakulo ng kapisanan.

At ginawa ni Moises ayon sa iniutos sa kaniya ng Panginoon; at nagpupulong ang kapisanan sa pintuan ng tabernakulo ng kapisanan.

At sinabi ni Moises sa kapisanan, (D)Ito ang ipinagawa ng Panginoon.

(E)At dinala ni Moises si Aaron at ang kaniyang mga anak, at hinugasan ng tubig.

(F)At isinuot sa kaniya ang (G)kasuutan, at binigkisan ng pamigkis, at ibinalabal sa kaniya ang balabal, at sa kaniya'y ipinatong ang epod, at ibinigkis sa kaniya ang pamigkis ng epod na mainam ang pagkayari, at tinalian nito.

At ipinatong sa kaniya ang pektoral: (H)at inilagay sa loob ng pektoral ang Urim at ang Thummim.

(I)At ipinatong ang mitra sa kaniyang ulo; at ipinatong sa mitra sa harap, ang laminang ginto, ang banal na putong; (J)gaya ng iniutos ng Panginoon kay Moises.

10 (K)At kinuha ni Moises ang langis na pang-pahid, at pinahiran ang tabernakulo, at ang lahat ng nandoon, ay pinapaging banal.

11 At winisikan niya niyaon ang ibabaw ng dambana na makapito, at pinahiran ng langis ang dambana at ang lahat ng kasangkapan niyaon, at ang hugasan at ang tungtungan niyaon, upang ariing banal.

12 (L)At binuhusan ng langis na pangpahid ang ulo ni Aaron, at pinahiran niya ng langis siya upang papagbanalin.

13 (M)At pinalapit ni Moises ang mga anak ni Aaron, at sila'y sinuutan ng mga kasuutan, at binigkisan ng mga pamigkis, at itinali sa kanilang ulo ang mga tiara; gaya ng iniutos ng Panginoon kay Moises.

Levitico 8:30-36

30 (A)At kumuha si Moises ng langis na pangpahid, at ng dugong nasa ibabaw ng dambana, at iniwisik kay Aaron, sa kaniyang mga suot, at sa kaniyang mga anak, at sa mga suot ng kaniyang mga anak na kasama niya; at pinapaging banal si Aaron at ang kaniyang mga suot, at ang kaniyang mga anak at ang mga suot ng kaniyang mga anak na kasama niya.

31 At sinabi ni Moises kay Aaron at sa kaniyang mga anak, (B)Pakuluan ninyo ang laman sa pintuan ng tabernakulo ng kapisanan: at doon ninyo kanin, at ang tinapay na nasa bakol ng itinatalaga, ayon sa iniutos ko, na sinasabi, Kakanin ni Aaron at ng kaniyang mga anak.

32 (C)At ang labis sa laman at sa tinapay ay susunugin ninyo sa apoy.

33 At sa pintuan ng tabernakulo ng kapisanan ay huwag kayong lalabas na pitong araw, hanggang sa maganap ang mga kaarawan ng inyong pagtalaga: (D)sapagka't pitong araw na kayo'y matatalaga.

34 Kung paano ang ginawa sa araw na ito, ay gayon ang iniutos ng Panginoon na gawin upang itubos sa inyo.

35 At sa pintuan ng tabernakulo ng kapisanan ay matitira kayo gabi't araw na pitong araw, (E)at inyong tutuparin ang kautusan ng Panginoon, upang huwag kayong mamatay: sapagka't gayon ang iniutos ko.

36 At ginawa ni Aaron at ng kaniyang mga anak ang lahat na iniutos ng Panginoon sa pamamagitan ni Moises.

Mga Hebreo 12:1-14

12 Kaya't yamang nakukubkob tayo ng makapal na bilang ng mga saksi, itabi namang walang liwag ang bawa't (A)pasan, at ang pagkakasalang pumipigil sa atin, at (B)ating takbuhing may pagtitiis ang takbuhing inilagay sa harapan natin,

Na masdan natin si Jesus na gumawa at (C)sumakdal ng ating pananampalataya, (D)na siya dahil sa kagalakang inilagay sa harapan niya ay nagtiis ng krus, na niwalang bahala ang kahihiyan, at (E)umupo sa kanan ng luklukan ng Dios.

Sapagka't (F)dilidilihin ninyo yaong nagtiis ng (G)gayong pagsalangsang ng mga makasalanan laban sa kaniyang sarili, upang kayo'y huwag magsihina, na manglupaypay sa inyong mga kaluluwa.

Hindi pa kayo (H)nakikipaglaban hanggang sa mabubo ang dugo, na nakikipagaway laban sa kasalanan:

At inyong nilimot ang iniaral na ipinakikipagtalo sa inyong tulad sa mga anak,

(I)Anak ko, huwag mong waling bahala ang parusa ng Panginoon,
O manglupaypay man kung ikaw ay pinagwiwikaan niya;
Sapagka't pinarurusahan ng Panginoon ang kaniyang iniibig,
At hinahampas ang bawa't tinatanggap na anak.

Na dahil sa ito'y parusa kayo'y nagtitiis; inaari kayo ng (J)Dios na tulad sa mga anak; sapagka't alin ngang anak ang hindi pinarurusahan ng kaniyang ama?

Datapuwa't kung kayo'y hindi pinarurusahan, (K)na pawang naranasan ng lahat, kung gayo'y mga anak sa ligaw kayo, at hindi tunay na anak.

Bukod dito, tayo'y nangagkaroon ng mga ama ng ating laman upang tayo'y parusahan, at sila'y ating iginagalang: hindi baga lalong tayo'y pasasakop (L)sa Ama ng mga espiritu, at tayo'y mabubuhay?

10 Sapagka't katotohanang tayo'y pinarusahan nilang ilang araw ayon sa kanilang minagaling; nguni't siya'y sa kapakinabangan natin, (M)upang tayo'y makabahagi ng kaniyang kabanalan.

11 Lahat ng parusa sa ngayon ay tila man din hindi ikaliligaya kundi ikalulungkot; (N)gayon ma'y pagkatapos ay namumunga ng bungang mapayapa ng katuwiran sa mga nagsipagsanay sa pamamagitan nito.

12 Kaya't itaas ninyo (O)ang mga kamay na nakababa, ang mga tuhod namang nanginginig;

13 At magsigawa kayo ng matuwid na landas (P)sa inyong mga paa, upang huwag maligaw ang pilay, (Q)kundi bagkus gumaling.

14 Sundin ninyo (R)ang kapayapaan sa lahat ng mga tao, (S)at ang pagpapakabanal (T)na kung wala ito'y sinoman ay di makakakita sa Panginoon:

Lucas 4:16-30

16 (A)At siya'y napasa Nazaret (B)na kaniyang nilakhan: at ayon sa kaniyang kaugalian, siya'y pumasok sa sinagoga nang araw ng sabbath, at (C)nagtindig upang bumasa.

17 At ibinigay sa kaniya ang aklat ng propeta Isaias. At binuklat niya ang aklat, na nasumpungan niya ang dakong kinasusulatan,

18 (D)Sumasa akin ang Espiritu ng Panginoon,
Sapagka't ako'y pinahiran niya upang ipangaral ang mabubuting balita sa mga dukha:
Ako'y sinugo niya upang itanyag sa mga bihag ang pagkaligtas,
At sa mga bulag ang pagkakita,
Upang bigyan ng kalayaan ang nangaaapi,
19 Upang itanyag ang kaayaayang taon ng Panginoon.

20 At binalumbon niya ang aklat, at isinauli sa naglilingkod, at naupo: at ang mga mata ng lahat ng nangasa sinagoga ay nangakatitig sa kaniya.

21 At siya'y nagpasimulang magsabi sa kanila, Ngayo'y naganap ang kasulatang ito sa inyong mga pakinig.

22 At siya'y pinatotohanan ng lahat, at (E)nangagtataka sa mga salita ng biyaya na lumalabas sa kaniyang bibig: at sinabi nila, (F)Hindi baga ito ang anak ni Jose?

23 At sinabi niya sa kanila, Walang salang sasabihin ninyo sa akin itong talinghaga, (G)Manggagamot, gamutin mo ang iyong sarili: ang anomang aming narinig na ginawa sa (H)Capernaum, ay gawin mo naman dito sa (I)iyong lupain.

24 At sinabi niya, Katotohanang sinasabi ko sa inyo, (J)Walang propetang kinalulugdan sa kaniyang tinubuang lupa.

25 Datapuwa't katotohanang sinasabi ko sa inyo, Maraming mga baong babai sa Israel nang mga araw ni Elias, nang sarhan ang langit sa loob ng (K)tatlong taon at anim na buwan, noong datnan ng malaking kagutom ang buong sangkalupaan;

26 At sa kanino man sa kanila ay hindi sinugo si Elias, kundi (L)sa Sarepta sa lupa ng Sidon, sa isang babaing bao.

27 At maraming ketongin (M)sa Israel nang panahon ni Eliseo na propeta; at sinoman sa kanila'y hindi nilinis, kundi lamang si Naaman na Siro.

28 At nangapuspos ng galit ang lahat ng nangasa sinagoga, sa pagkarinig nila ng mga bagay na ito;

29 At sila'y nagsitindig, at ipinagtabuyan siya sa labas ng bayan at dinala siya hanggang sa ibabaw ng taluktok ng gulod na kinatatayuan ng kanilang bayan, upang siya'y maibulid nila ng patiwarik.

30 Datapuwa't (N)pagdaraan niya sa gitna nila, ay yumaon ng kaniyang lakad.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978