Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

Book of Common Prayer

Daily Old and New Testament readings based on the Book of Common Prayer.
Duration: 861 days
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Version
Mga Awit 45

Sa Pangulong Manunugtog; itinugma sa Sosannim. Awit ng mga anak ni Core. Masquil. Awit tungkol sa pagibig.

45 Ang aking puso ay nananagana sa isang mainam na bagay:
Aking sinasalita ang mga bagay na aking ginawa tungkol sa hari:
Ang aking dila ay panulat (A)ng bihasang manunulat.
Ikaw ay maganda kay sa mga anak ng mga tao;
(B)Biyaya ay nabubuhos sa iyong mga labi:
Kaya't pinagpala ka ng Dios magpakailan man.
Ibigkis mo ang iyong (C)tabak sa iyong hita, Oh makapangyarihan,
Kalakip ang iyong (D)kaluwalhatian at ang iyong kamahalan.
At sa iyong kamahalan ay sumakay kang may kaginhawahan, Dahil sa katotohanan, at sa kaamuan, at sa katuwiran:
At ang iyong kanan ay magtuturo sa iyo ng (E)kakilakilabot na mga bagay.
Ang iyong mga (F)palaso ay matulis;
Ang mga bayan ay nangabubuwal sa ilalim mo:
Sila'y nangasa puso ng mga kaaway ng hari.
(G)Ang iyong luklukan, Oh Dios, ay magpakailan-kailan man:
Cetro ng kaganapan ang cetro ng iyong kaharian.
(H)Iyong iniibig ang katuwiran, at pinagtataniman ang kasamaan:
Kaya't ang Dios, ang iyong Dios, ay nagpahid sa iyo (I)ng langis
Ng langis (J)ng kasayahan na higit kay sa iyong mga kasama.
Ang lahat ng iyong mga damit ay amoy mira, at aloe, at kasia:
Mula sa bahay-haring garing ay pinasasaya ka ng mga panugtog na kawad.
(K)Ang mga anak na babae ng hari ay nangasa gitna ng iyong mga marangal na babae:
(L)Sa iyong kanan ay nakatayo ang reyna na may (M)ginto sa Ophir.
10 Iyong dinggin, Oh anak na babae, at iyong pakundanganan, at ikiling mo ang iyong pakinig;
(N)Kalimutan mo naman ang iyong sariling bayan, at ang bahay ng iyong magulang;
11 Sa gayo'y nanasain ng hari ang iyong kagandahan;
Sapagka't siya'y iyong panginoon; at sumamba ka sa kaniya.
12 At ang anak na babae ng Tiro ay dodoon na (O)may kaloob;
Pati ng mayaman sa gitna ng iyong bayan ay (P)mamamanhik ng iyong lingap.
13 Ang anak na babae ng hari ay totoong maluwalhati sa bahay-hari.
Ang kaniyang suot ay yaring may ginto.
14 Siya'y ihahatid sa hari na (Q)may suot na bordado:
Ang mga dalaga, na kaniyang mga kasama na nagsisisunod sa kaniya, ay
Dadalhin sa iyo.
15 May kasayahan at kagalakan na ihahatid sila:
Sila'y magsisipasok sa bahay-hari.
16 Sa halip ng iyong mga magulang ay ang iyong mga anak,
(R)Na siya mong gagawing mga pangulo sa buong lupa.
17 Aking ipaaalaala ang iyong pangalan sa lahat ng sali't saling lahi:
Kaya't ang mga bayan ay mangagpapasalamat sa iyo magpakailan-kailan man.

Mga Awit 47-48

Sa Pangulong Manunugtog; Awit ng mga anak ni Core.

47 Oh (A)ipakpak ang inyong mga kamay ninyong lahat na mga bayan;
Magsihiyaw kayo sa Dios ng tinig ng pagtatagumpay.
Sapagka't ang Panginoong kataastaasan (B)ay kakilakilabot;
(C)Siya'y dakilang Hari sa buong lupa.
(D)Kaniyang pasusukuin ang mga bayan sa ilalim natin,
At ang mga bansa sa ilalim ng ating mga paa.
Kaniyang ipipili tayo (E)ng ating mana,
(F)Ang karilagan ni Jacob na kaniyang minahal. (Selah)
(G)Ang Dios ay napailanglang na may hiyawan,
Ang Panginoon na may tunog ng pakakak.
Kayo'y magsiawit ng mga pagpuri sa Dios, kayo'y magsiawit ng mga pagpuri:
Kayo'y magsiawit ng mga pagpuri sa ating Hari, kayo'y magsiawit ng mga pagpuri.
Sapagka't ang Dios (H)ay Hari ng buong lupa:
(I)Magsiawit kayo ng mga pagpuri na may pagunawa.
(J)Ang Dios ay naghahari sa mga bansa:
Ang Dios ay nauupo sa kaniyang banal na luklukan.
Ang mga pangulo ng mga bayan ay nangapipisan
Upang maging bayan ng Dios ni Abraham;
Sapagka't ang mga (K)kalasag ng lupa ay ukol sa Dios;
Siya'y totoong bunyi.

Awit; Salmo ng mga anak ni Core.

48 Dakila ang Panginoon, at marapat pakapurihin,
(L)Sa bayan ng aming Dios, sa kaniyang (M)banal na bundok.
(N)Maganda sa kataasan, ang kagalakan ng buong (O)lupa,
Siyang bundok ng Sion, sa mga dako ng hilagaan,
(P)Na bayan ng dakilang Hari.
Ang Dios ay napakilala sa kaniyang mga bahay-hari, na pinakakanlungan.
Sapagka't narito, ang mga hari ay nagpupulong,
Sila'y nagsidaang magkakasama.
Kanilang nakita, nagsipanggilalas nga sila;
Sila'y nanganglupaypay, sila'y (Q)nangagmadaling tumakas.
(R)Panginginig ay humawak sa kanila roon;
Sakit, gaya ng sa isang babae sa pagdaramdam.
(S)Sa pamamagitan ng hanging silanganan
Iyong binabasag ang mga sasakyan sa Tharsis.
Kung ano ang aming narinig, ay gayon ang aming nakita
Sa (T)bayan ng Panginoon ng mga hukbo, sa bayan ng aming Dios:
(U)Itatatag ito ng Dios magpakailan man. (Selah)
Aming inaalaala ang iyong kagandahang-loob, Oh Dios,
Sa gitna ng iyong templo.
10 Kung ano ang (V)iyong pangalan, Oh Dios,
Gayon ang pagpuri sa iyo hanggang sa mga wakas ng lupa;
Ang iyong kanan ay puspos ng katuwiran.
11 Matuwa ka bundok ng Sion,
Magalak ang mga (W)anak na babae ng Juda,
Dahil sa iyong mga kahatulan.
12 Libutin ninyo ang Sion, at inyong ligirin siya:
Inyong saysayin ang mga moog niyaon.
13 Tandaan ninyong mabuti ang kaniyang mga kuta,
Inyong masdan ang kaniyang mga bahay-hari;
Upang inyong maisaysay ito sa (X)susunod na lahi.
14 Sapagka't ang Dios na ito ay ating Dios magpakailan-kailan man:
Siya'y magiging ating (Y)patnubay hanggang sa kamatayan.

Exodo 32:21-34

21 At sinabi ni Moises kay Aaron, (A)Anong ginawa ng bayang ito sa iyo, na dinalhan mo sila ng isang malaking sala?

22 At sinabi ni Aaron, Huwag maginit ang galit ng aking panginoon: (B)iyong kilala ang bayan, na sila'y mahilig sa kasamaan.

23 Sapagka't kanilang sinabi sa akin, (C)Igawa mo kami ng mga dios na mangunguna sa amin: sapagka't tungkol sa Moises na ito, na lalaking nagsampa sa amin mula sa lupain ng Egipto ay hindi namin maalaman kung anong nangyari sa kaniya.

24 At aking sinabi sa kanila, Sinomang may ginto, ay magalis; na anopa't kanilang ibinigay sa akin: at aking inihagis sa apoy at lumabas ang guyang ito.

Pinarusahan ang mga tao.

25 At nang makita ni Moises na ang bayan ay nakakawala; sapagka't (D)pinabayaan ni Aarong makawala ng maging isang kabiruan sa gitna ng kanilang mga kaaway:

26 Ay tumayo nga si Moises sa pintuang-daan ng kampamento, at nagsabi, Sinomang sa Panginoon ang kiling ay lumapit sa akin. At lahat ng mga anak ni Levi ay nagpipisan sa kaniya.

27 At sinabi niya sa kanila, Ganito ang sabi ng Panginoon, ng Dios ng Israel: Ipatong ng bawa't lalake ang kaniyang tabak sa kaniyang hita, at yumaon kayong paroo't parito sa mga pintuang-daan, sa buong kampamento, at (E)patayin ng bawa't lalake ang kaniyang kapatid na lalake, at ng bawa't lalake ang kaniyang kasama, at ng bawa't lalake ang kaniyang kapuwa.

28 At ginawa ng mga anak ni Levi ang ayon sa salita ni Moises: at nabuwal sa bayan ng araw na yaon, ang may tatlong libong katao.

29 (F)At sinabi ni Moises, Italaga ninyo ang inyong sarili ngayon sa Panginoon, oo, bawa't lalake laban sa kaniyang anak na lalake, at laban sa kaniyang kapatid na lalake, upang kaniyang ipagkaloob sa inyo ang pagpapala sa araw na ito.

30 At nangyari ng kinabukasan, na sinabi ni Moises sa bayan, (G)Kayo'y nagkasala ng malaking kasalanan: at ngayo'y sasampahin ko ang Panginoon; (H)marahil ay aking matutubos ang inyong kasalanan.

31 At bumalik si Moises sa Panginoon, at nagsabi, Oh, ang bayang ito'y nagkasala ng malaking kasalanan, at gumawa sila ng mga dios na ginto.

32 Gayon ma'y ngayon, kung iyong ipatatawad ang kanilang kasalanan—; at kung hindi, (I)ay alisin mo ako, isinasamo ko sa iyo, (J)sa iyong aklat na sinulat mo.

33 At sinabi ng Panginoon kay Moises, (K)Ang magkasala laban sa akin ay siya kong aalisin sa aking aklat.

34 At ngayo'y yumaon ka, iyong patnubayan ang bayan sa dakong aking sinalita sa iyo: narito, ang (L)aking anghel ay magpapauna sa iyo: gayon ma'y sa araw na aking dalawin sila ay aking dadalawin ang kanilang kasalanang ipinagkasala nila.

1 Tesalonica 1

Si (A)Pablo, at si (B)Silvano, at si (C)Timoteo, sa (D)iglesia ng mga taga Tesalonica sa Dios Ama at sa Panginoong Jesucristo: (E)Sumainyo nawa ang biyaya at kapayapaan.

(F)Nangagpapasalamat kaming lagi sa Dios dahil sa inyong lahat, (G)na aming binabanggit kayo sa aming mga panalangin;

Na aming inaalaalang walang patid sa harapan ng ating Dios at Ama, (H)ang inyong gawa sa pananampalataya at pagpapagal sa pagibig at (I)pagtitiis sa pagasa sa ating (J)Panginoong Jesucristo;

Yamang aming nalalaman, mga kapatid na minamahal ng Dios, (K)ang pagkahirang sa inyo,

Kung paanong ang (L)aming evangelio ay hindi dumating sa inyo sa salita lamang, kundi sa kapangyarihan din naman, at sa Espiritu Santo, at (M)sa lubos na katiwasayan; na gaya ng (N)inyong nalalaman kung anong pagkatao namin ang aming ipinakita sa inyo dahil sa inyo.

At kayo'y nagsitulad sa amin, at sa Panginoon, (O)nang inyong tanggapin ang salita sa malaking kapighatian, (P)na may katuwaan sa Espiritu Santo;

Ano pa't kayo'y naging (Q)uliran ng lahat ng nangananampalatayang nangasa (R)Macedonia at nangasa Acaya.

Sapagka't mula sa inyo'y nabansag ang salita ng Panginoon, hindi lamang sa Macedonia at Acaya, kundi (S)sa lahat ng mga dako ay natanyag ang inyong pananampalataya sa Dios; ano pa't kami ay wala nang kailangang magsabi pa ng anoman.

Sapagka't sila rin ang nangagbalita tungkol sa amin (T)kung paanong nangakapasok kami sa inyo; at (U)kung paanong nangagbalik kayo sa Dios mula sa mga (V)diosdiosan, upang mangaglingkod sa (W)Dios na buhay at tunay,

10 (X)At upang hintayin ang kaniyang Anak na mula sa langit, na kaniyang ibinangon sa mga patay, si Jesus nga (Y)na nagligtas (Z)sa atin mula sa galit na darating.

Mateo 5:11-16

11 Mapapalad kayo pagka kayo'y inaalimura, at kayo'y pinaguusig, at kayo'y pinagwiwikaan ng sarisaring masama na pawang kasinungalingan, dahil sa akin.

12 Mangagalak kayo, at mangagsayang totoo: sapagka't malaki ang ganti sa inyo sa langit: sapagka't gayon din ang (A)kanilang pagkausig sa mga propeta na nangauna sa inyo.

13 Kayo ang asin ng lupa: (B)nguni't kung ang asin ay tumabang, ay ano ang ipagpapaalat? wala nang ano pa mang kabuluhan, kundi upang itapon sa labas at yurakan ng mga tao.

14 Kayo ang ilaw (C)ng sanglibutan. Ang isang bayan na natatayo sa ibabaw ng isang bundok ay hindi maitatago.

15 Hindi rin nga pinaniningasan ang isang ilawan, (D)at inilalagay sa ilalim ng isang takalan, kundi sa talagang lalagyan ng ilaw; at lumiliwanag sa lahat ng nangasa bahay.

16 Lumiwanag na gayon ang inyong ilaw sa harap ng mga tao; (E)upang mangakita nila ang inyong mabubuting gawa, at (F)kanilang luwalhatiin ang inyong Ama na nasa langit.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978