Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

Book of Common Prayer

Daily Old and New Testament readings based on the Book of Common Prayer.
Duration: 861 days
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Version
Mga Awit 61-62

Sa Pangulong Manunugtog; sa panugtog na kawad. Awit ni David.

61 Dinggin mo ang aking daing, Oh Dios;
Pakinggan mo ang aking dalangin.
Mula sa wakas ng lupa ay tatawag ako sa iyo, pagka nanglupaypay ang aking puso:
Patnubayan mo ako sa malaking bato na lalong mataas kay sa akin.
Sapagka't ikaw ay naging aking kanlungan,
(A)Matibay na moog sa kaaway.
(B)Ako'y tatahan sa iyong tabernakulo magpakailan man:
Ako'y manganganlong sa lilim ng iyong mga pakpak. (Selah)
Sapagka't dininig mo, Oh Dios, ang aking mga panata: Ibinigay mo ang mana sa nangatatakot sa iyong pangalan.
(C)Iyong pahahabain ang buhay ng hari:
Ang kaniyang mga taon ay magiging parang malaong panahon.
Siya'y tatahan sa harap ng Dios magpakailan man: Oh maghanda ka ng kagandahang-loob (D)at katotohanan, upang mapalagi siya.
Sa gayo'y aawit ako ng pagpuri sa iyong pangalan magpakailan man.
(E)Upang maisagawa ko araw-araw ang aking mga panata.

Sa Pangulong Manunugtog; ayon sa paraan ni Jeduthun. Awit ni David.

62 Sa (F)Dios lamang naghihintay ng tahimik ang aking kaluluwa:
Sa kaniya galing ang aking kaligtasan.
Siya lamang ang aking kanlungan at aking kaligtasan:
Siya ang (G)aking matayog na moog; hindi ako lubhang makikilos.
Hanggang kailan maghahaka kayo ng masama laban sa isang tao.
Upang patayin siya ninyong lahat,
(H)Na gaya ng pader na tumagilid, o bakod na nabubuwal?
Sila'y nagsisisangguni lamang upang ibagsak siya sa kaniyang karilagan;
Sila'y natutuwa sa mga kasinungalingan:
Sila'y nagsisibasbas ng kanilang bibig, (I)nguni't nanganunumpa sa loob. (Selah)
Kaluluwa ko, maghintay kang tahimik sa Dios lamang;
Sapagka't ang aking pagasa ay mula sa kaniya.
Siya lamang ang aking malaking bato at aking kaligtasan:
Siya'y aking matayog na moog; (J)hindi ako makikilos.
(K)Nasa Dios ang aking kaligtasan at aking kaluwalhatian;
Ang malaking bato ng aking kalakasan, at ang kanlungan ko'y nasa Dios.
Magsitiwala kayo sa kaniya buong panahon, kayong mga bayan;
(L)Buksan ninyo ang inyong dibdib sa harap niya;
Dios ay kanlungan sa atin. (Selah)
(M)Tunay na walang kabuluhan ang mga taong may mababang kalagayan, at ang mga taong may mataas na kalagayan ay kabulaanan:
Sa mga timbangan ay sasampa sila;
Silang magkakasama ay lalong magaan kay sa walang kabuluhan.
10 Huwag kang tumiwala sa kapighatian,
At huwag maging walang kabuluhan sa pagnanakaw:
(N)Kung ang mga kayamanan ay lumago, huwag ninyong paglalagakan ng inyong puso.
11 Ang Dios ay nagsalitang (O)minsan,
Makalawang aking narinig ito;
(P)Na ang kapangyarihan ay ukol sa Dios:
12 Sa iyo naman, Oh Panginoon, ukol ang (Q)kagandahang-loob:
Sapagka't (R)ikaw ay nagbabayad sa bawa't tao ayon sa kaniyang gawa.

Mga Awit 68

Sa Pangulong Manunugtog. Salmo ni David, Awit.

68 Bumangon nawa ang (A)Dios, mangalat ang kaniyang mga kaaway;
Sila namang nangagtatanim sa kaniya ay magsitakas sa harap niya.
(B)Kung paanong napaparam ang usok ay gayon nangapaparam sila.
(C)Kung paanong natutunaw ang pagkit sa harap ng apoy,
Gayon mamatay ang masama sa harapan ng Dios.
Nguni't mangatuwa (D)ang matuwid; mangagalak sila sa harap ng Dios:
Oo, mangagalak sila ng kasayahan.
Kayo'y magsiawit sa Dios, kayo'y magsiawit ng kapurihan sa kaniyang pangalan:
(E)Ipaghanda ninyo ng maluwang na lansangan siya na nangangabayo sa mga ilang;
(F)Ang kaniyang pangalan ay JAH; at mangagalak kayo sa harap niya.
(G)Ama ng mga ulila, at hukom ng mga babaing bao,
Ang Dios sa kaniyang banal na tahanan.
Pinapagmamaganak (H)ng Dios ang mga nagiisa:
(I)Kaniyang inilalabas sa kaginhawahan ang mga bilanggo:
Nguni't (J)ang mga mapanghimagsik ay magsisitahan sa tuyong lupa.
Oh Dios, (K)nang ikaw ay lumabas sa harap ng iyong bayan,
Nang ikaw ay lumakad sa ilang; (Selah)
(L)Ang lupa ay nayanig,
Ang mga langit naman ay tumulo sa harapan ng Dios:
Ang (M)Sinai na yaon ay nayanig sa harapan ng Dios, ng Dios ng Israel.
Ikaw, Oh Dios, naglagpak ng saganang ulan,
Iyong pinatibay ang iyong mana, noong ito'y mahina.
10 Ang iyong kapisanan ay tumahan doon:
Ikaw, Oh Dios, ipinaghanda mo ng iyong kabutihan ang dukha.
11 Nagbibigay ng salita ang Panginoon:
Ang mga babaing nangaghahayag ng mga balita ay malaking hukbo.
12 Mga hari ng mga hukbo ay (N)nagsisitakas, sila'y nagsisitakas:
(O)At nangamamahagi ng samsam ang naiwan sa bahay.
13 (P)Mahihiga ba kayo sa gitna ng mga kulungan ng mga kawan,
(Q)Na parang mga pakpak ng kalapati na natatakpan ng pilak,
At ng kaniyang balahibo ng gintong madilaw?
14 Nang ang Makapangyarihan sa lahat ay magkalat ng mga hari roon,
Ay tila nagka nieve sa (R)Salmon.
15 Bundok ng Dios ay ang bundok ng Basan;
Mataas na bundok ang bundok ng Basan.
16 Bakit kayo'y nagsisiirap, kayong matataas na mga bundok,
(S)Sa bundok na ninasa ng Dios na maging kaniyang tahanan?
Oo, tatahan doon ang Panginoon magpakailan man.
17 (T)Ang mga karo ng Dios ay dalawang pung libo samakatuwid baga'y libolibo:
Ang Panginoon ay nasa gitna nila, kung paano sa Sinai, gayon sa santuario.
18 (U)Sumampa ka sa mataas, (V)pinatnubayan mo ang iyong bihag sa pagkabihag;
Tumanggap ka ng mga (W)kaloob sa gitna ng mga tao, Oo, pati sa mga mapanghimagsik, upang makatahang kasama nila ang Panginoong Dios.
19 Purihin ang Panginoon na nagpapasan araw-araw ng aming pasan,
Sa makatuwid baga'y ang Dios na siyang aming kaligtasan. (Selah)
20 Ang Dios sa amin ay Dios ng mga kaligtasan;
At (X)kay Jehova na Panginoon ukol ang pagpapalaya sa kamatayan.
21 (Y)Nguni't sasaktan ng Dios ang ulo ng kaniyang mga kaaway.
Ang bunbunang mabuhok ng nagpapatuloy sa kaniyang sala.
22 Sinabi ng Panginoon, (Z)Ibabalik ko uli mula sa Basan,
Ibabalik ko uli sila mula sa mga kalaliman ng dagat:
23 (AA)Upang madurog mo sila, na nalulubog ang iyong paa sa dugo,
(AB)Upang ang dila ng iyong mga aso ay magkaroon ng kaniyang pagkain sa iyong mga kaaway.
24 Kanilang nakita ang iyong mga lakad, Oh Dios,
Sa makatuwid baga'y ang lakad ng aking Dios, ng aking Hari, sa loob ng santuario.
25 (AC)Ang mga mangaawit ay nangagpauna, ang mga manunugtog ay nagsisunod,
(AD)Sa gitna ng mga dalaga na nagtutugtugan ng mga pandereta.
26 Purihin ninyo ang Dios sa mga kapisanan,
Sa makatuwid baga'y ang Panginoon, ninyong mga sa bukal ng (AE)lahi ng Israel.
27 Doo'y (AF)ang munting Benjamin ay siyang kanilang puno,
Ang mga pangulo ng Juda at ang kanilang pulong,
Ang mga pangulo ng Zabulon, ang mga pangulo ng Nephtali.
28 Ang Dios mo'y (AG)nagutos ng iyong kalakasan:
Patibayin mo, Oh Dios, ang ginawa mo sa amin.
29 Dahil sa iyong templo sa Jerusalem
(AH)Mga hari ay mangagdadala ng mga kaloob sa iyo.
30 Sawayin mo ang mga mailap na hayop sa mga puno ng tambo,
Ang karamihan ng mga toro na kasama ng mga guya ng mga bayan,
Na niyayapakan sa ilalim ng paa ang mga putol ng pilak;
Iyong pinangalat ang mga bayan na nangagagalak sa pagdidigma.
31 Mga pangulo ay (AI)magsisilabas sa Egipto;
Magmamadali ang (AJ)Etiopia na igawad ang kaniyang mga kamay sa Dios.
32 Magsiawit kayo sa Dios, kayong mga kaharian sa lupa;
Oh magsiawit kayo ng mga pagpuri sa Panginoon.
33 Sa kaniya na (AK)sumasakay sa langit ng mga langit, na noon pang una:
Narito, binibigkas niya ang kaniyang tinig, na makapangyarihang tinig,
34 Inyong isa Dios ang kalakasan:
Ang kaniyang karilagan ay nasa Israel,
At ang kaniyang kalakasan ay nasa mga langit.
35 Oh Dios, ikaw ay (AL)kakilakilabot mula sa iyong mga dakong banal:
Ang Dios ng Israel, ay nagbibigay ng kalakasan at kapangyarihan sa kaniyang bayan.
Purihin ang Panginoon.

1 Mga Hari 21:17-29

17 At ang salita ng Panginoon ay dumating kay Elias na (A)Thisbita, na nagsabi,

18 Bumangon ka, panaugin mong salubungin si Achab na hari ng Israel, na tumatahan sa (B)Samaria: narito, siya'y nasa ubasan ni Naboth na kaniyang pinapanaog upang ariin.

19 At iyong sasalitain sa kaniya, na sasabihin, Ganito ang sabi ng Panginoon, Iyo bang pinatay at iyo rin namang inari? at iyong sasalitain sa kaniya, na sasabihin, Ganito ang sabi ng Panginoon, (C)Sa dakong pinaghimuran ng mga aso ng dugo ni Naboth ay hihimuran ng mga aso ang iyong dugo, sa makatuwid baga'y ang iyong dugo.

20 At sinabi ni Achab kay Elias, Nasumpungan mo ba ako, Oh aking kaaway? At sumagot siya, Nasumpungan kita: sapagka't (D)ikaw ay napabili upang gumawa ng kasamaan sa paningin ng Panginoon.

21 Narito, aking dadalhan ng kasamaan ka, at (E)aking lubos na papalisin ka, at aking ihihiwalay kay Achab ang bawa't anak na lalake, at ang nakukulong at ang naiwan sa kaluwangan sa Israel.

22 At aking gagawin ang iyong sangbahayan na gaya ng sangbahayan ni (F)Jeroboam na anak ni Nabat, at gaya ng sangbahayan ni (G)Baasa na anak ni Ahia, dahil sa pamumungkahi na iyong iminungkahi sa akin sa galit, at (H)iyong pinapagkasala ang Israel.

23 (I)At tungkol kay Jezabel ay nagsalita naman ang Panginoon, na nagsabi, Lalapain ng mga aso si Jezabel sa tabi ng kuta ng Jezreel.

24 (J)Ang mamatay kay Achab sa bayan ay lalapain ng mga aso; at ang mamatay sa parang ay tutukain ng mga ibon sa himpapawid.

25 (Nguni't (K)walang gaya ni Achab na nagbili ng kaniyang sarili upang gumawa ng kasamaan sa paningin ng Panginoon, na hinikayat ni Jezabel na kaniyang asawa.

26 At siya'y gumawa ng totoong karumaldumal sa pagsunod sa mga diosdiosan, ayon sa lahat na (L)ginawa ng mga Amorrheo, na pinalayas ng Panginoon sa harap ng mga anak ni Israel.)

27 At nangyari, nang marinig ni Achab ang mga salitang yaon, na kaniyang hinapak ang (M)kaniyang mga damit, at (N)nagsuot ng kayong magaspang sa kaniyang katawan, at (O)nagayuno, at nahiga sa kayong magaspang, at lumakad ng marahan.

28 At ang salita ng Panginoon ay dumating kay Elias na Thisbita, na sinabi,

29 Nakita mo ba kung paanong si Achab ay nagpakababa sa harap ko? sapagka't siya'y nagpakababa sa harap ko, hindi ko dadalhin ang kasamaan sa kaniyang mga kaarawan: (P)kundi sa mga kaarawan ng kaniyang anak dadalhin ko ang kasamaan sa kaniyang sangbahayan.

1 Corinto 1:20-31

20 Saan naroon ang marunong? saan naroon ang eskriba? saan naroon ang mapagmatuwid (A)sa sanglibutang ito? hindi baga (B)ginawa ng Dios na kamangmangan ang karunungan ng sanglibutan?

21 Sapagka't yamang sa karunungan ng Dios ay hindi nakilala ng sanglibutan ang Dios sa pamamagitan ng kaniyang karunungan, ay kinalugdan ng Dios na iligtas ang mga nagsisipanampalataya sa pamamagitan ng kamangmangan ng pangangaral.

22 (C)Ang mga Judio nga ay nagsisihingi ng mga tanda, at ang mga Griego ay nagsisihanap ng karunungan:

23 Datapuwa't ang (D)aming ipinangangaral ay ang Cristo na napako sa krus, na sa mga Judio ay (E)katitisuran, at sa mga Gentil ay kamangmangan;

24 Nguni't sa kanila na mga tinawag, maging mga Judio at mga Griego, si Cristo ang (F)kapangyarihan ng Dios, at (G)ang karunungan ng Dios.

25 Sapagka't ang kamangmangan ng Dios ay lalong marunong kay sa mga tao; at ang kahinaan ng Dios ay lalong malakas kay sa mga tao.

26 Sapagka't masdan ninyo ang sa inyo'y (H)pagkatawag, mga kapatid, na (I)hindi ang maraming marurunong ayon sa laman, hindi ang maraming may kapangyarihan, hindi ang maraming mahal na tao ang mga tinawag:

27 Kundi pinili ng Dios (J)ang mga bagay na kamangmangan ng sanglibutan, upang hiyain niya ang mga marurunong; at pinili ng Dios ang mga bagay na mahihina ng sanglibutan, upang hiyain niya ang mga bagay na malalakas;

28 At ang mga bagay na mababa ng sanglibutan, at ang mga bagay na hinamak, ang pinili ng Dios, (K)oo at ang mga bagay na walang halaga (L)upang mawalang halaga ang mga bagay na mahahalaga:

29 Upang walang (M)laman na magmapuri sa harapan ng Dios.

30 Datapuwa't sa kaniya kayo'y nangasa kay Cristo Jesus, na sa atin ay ginawang (N)karunungang mula sa Dios, at (O)katuwiran at (P)kabanalan, (Q)at katubusan:

31 Na, ayon sa nasusulat, (R)Ang nagmamapuri, ay magmapuri sa Panginoon.

Mateo 4:12-17

12 Nang marinig nga niya na si (A)Juan ay dinakip, (B)ay umuwi siya sa Galilea;

13 At pagkaiwan sa (C)Nazaret, ay naparoon siya at tumahan sa Capernaum, na nasa tabi ng dagat, sa mga hangganan ng Zabulon at Neftali:

14 Upang maganap ang sinalita sa pamamagitan ng propeta Isaias na nagsasabi,

15 Ang lupa ni Zabulon (D)at ang lupa ni Neftali,
Sa gawing dagat, sa dako pa roon ng Jordan,
Galilea ng mga Gentil,
16 Ang bayang nalulugmok sa kadiliman, ay
Nakakita ng dakilang ilaw,
At sa nangalulugmok sa pook at lilim ng kamatayan, ay
Lumiwanag sa kanila ang ilaw.

17 Mula noon ay nagpasimulang mangaral si Jesus, at magsabi, Mangagsisi kayo; sapagka't malapit na ang kaharian ng langit.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978