Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

Book of Common Prayer

Daily Old and New Testament readings based on the Book of Common Prayer.
Duration: 861 days
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Version
Mga Awit 119:97-120

MEM.

97 (A)Oh gaanong iniibig ko ang iyong kautusan!
Siya kong gunita buong araw.
98 Pinarunong ako kay sa aking mga kaaway (B)ng iyong mga utos;
Sapagka't mga laging sumasa akin.
99 Ako'y may higit na unawa kay sa lahat ng tagapagturo sa akin;
(C)Sapagka't ang iyong mga patotoo ay gunita ko.
100 Ako'y nakakaunawa na (D)higit kay sa may katandaan,
Sapagka't aking iningatan ang mga tuntunin mo.
101 Aking pinigil ang mga paa ko sa lahat ng masamang lakad,
Upang aking masunod ang salita mo.
102 Ako'y hindi lumihis sa iyong mga kahatulan;
Sapagka't iyong tinuruan ako.
103 (E)Pagkatamis ng iyong mga salita sa aking lasa!
Oo, matamis kay sa pulot sa aking bibig!
104 Sa iyong mga tuntunin ay nagkakamit ako ng unawa:
Kaya't aking (F)ipinagtatanim ang bawa't lakad na sinungaling.

NUN.

105 (G)Ang salita mo'y ilawan sa aking mga paa,
At liwanag sa aking landas.
106 (H)Ako'y sumumpa, at pinagtibay ko,
Na aking tutuparin ang mga matuwid mong kahatulan.
107 Ako'y nagdadalamhating mainam:
(I)Buhayin mo ako, Oh Panginoon, ayon sa iyong salita.
108 Tanggapin mo, isinasamo ko sa iyo, (J)ang mga kusang handog ng aking bibig, Oh Panginoon,
At ituro mo sa akin ang mga kahatulan mo.
109 Ang kaluluwa ko'y (K)laging nasa aking kamay;
Gayon ma'y hindi ko kinalilimutan ang kautusan mo.
110 Ipinaglagay ako ng silo ng masama;
Gayon ma'y hindi ako lumihis sa iyong mga tuntunin.
111 Ang mga patotoo mo'y inari kong (L)pinakamana magpakailan man;
Sapagka't (M)sila ang kagalakan ng aking puso.
112 Ikiniling ko ang puso ko na ganapin ang mga palatuntunan mo,
Magpakailan man, sa makatuwid baga'y (N)hanggang sa wakas.

SAMECH.

113 Ipinagtatanim ko sila na may salawahang pagiisip;
Nguni't ang iyong kautusan ay iniibig ko.
114 Ikaw ang (O)kublihan kong dako at (P)kalasag ko:
Ako'y umaasa (Q)sa iyong salita.
115 (R)Magsihiwalay kayo sa akin, kayong mga manggagawa ng kasamaan;
Upang aking maingatan ang mga utos ng aking Dios.
116 Alalayan mo ako ayon sa iyong salita, upang ako'y mabuhay;
(S)At huwag mo akong hiyain (T)sa aking pagasa.
117 Alalayan mo ako, at ako'y maliligtas,
At magkakaroon ako ng laging pitagan sa iyong mga palatuntunan.
118 (U)Inilagay mo sa wala silang lahat na naliligaw sa iyong mga palatuntunan;
Sapagka't ang kanilang pagdaraya ay kasinungalingan.
119 Inaalis mo ang lahat ng masama sa lupa na gaya ng taing bakal;
(V)Kaya't iniibig ko ang mga patotoo mo.
120 (W)Ang laman ko'y nanginginig dahil sa takot sa iyo;
At ako'y takot sa iyong mga kahatulan.

Mga Awit 81-82

Sa Pangulong Manunugtog; itinugma sa Gittith. Awit ni Asaph.

81 Magsiawit kayo ng malakas sa Dios na ating kalakasan:
(A)Mangagkaingay kayo na may kagalakan sa Dios ni Jacob,
Magsiawit kayo at dalhin ninyo rito ang pandereta,
Ang masayang alpa sangpu ng salterio.
Magsihihip kayo ng (B)pakakak (C)sa bagong buwan,
Sa kabilugan ng buwan, sa ating dakilang kapistahan.
Sapagka't pinakapalatuntunan sa Israel,
Ayos ng Dios ni Jacob.
Kaniyang inilagay na pinakapatotoo (D)sa Jose,
(E)Nang siya'y lumabas na maglakbay sa lupain ng Egipto:
(F)Na aking kinaringgan ng wika na di ko nauunawa.
(G)Aking inihiwalay ang kaniyang balikat sa pasan:
Ang mga kamay niya'y napabitiw sa luwelang.
Ikaw ay tumawag (H)sa kabagabagan, at iniligtas kita;
(I)Sinagot kita sa lihim na dako ng kulog;
(J)Sinubok kita sa tubig ng Meriba. (Selah)
Dinggin mo, Oh bayan ko, at ako'y sasaksi sa iyo:
Oh Israel, kung ikaw ay makikinig sa akin!
(K)Hindi magkakaroon ng ibang dios sa iyo;
At hindi ka man sasamba sa anomang ibang dios.
10 (L)Ako ang Panginoon mong Dios,
Na naglabas sa iyo mula sa lupain ng Egipto:
(M)Bukhin mong maluwang ang iyong bibig, at aking pupunuin.
11 Nguni't hindi nakinig sa aking tinig ang bayan ko;
At (N)hindi ako sinunod ng Israel.
12 (O)Sa gayo'y aking pinasunod sa pagmamatigas ng kanilang puso,
Upang sila'y makalakad sa kanilang sariling mga payo.
13 (P)Oh kung ako'y didinggin ng aking bayan,
Kung ang Israel ay lalakad sa aking mga daan!
14 Aking pasusukuing madali ang kanilang mga kaaway,
At ibabalik ko ang aking kamay laban sa kanilang mga kaaway.
15 (Q)Ang mga mapagtanim sa Panginoon ay magsisisuko sa kaniya:
Nguni't ang kanilang panahon ay mananatili kailan man,
16 Kaniya ring pakakanin sila ng katabaan ng trigo:
(R)At ng pulot na mula sa bato ay bubusugin kita.

Awit ni Asaph.

82 Ang Dios ay tumatayo sa kapisanan ng Dios;
Siya'y humahatol sa gitna ng mga dios.
Hanggang kailan magsisihatol kayo ng kalikuan,
At (S)magsisigalang sa mga pagkatao (T)ng masama? (Selah)
Hatulan mo ang dukha at ulila:
Gawan mo ng kaganapan ang napipighati at walang nagkakandili.
Sagipin mo ang dukha at mapagkailangan:
Iligtas ninyo sila sa kamay ng masama,
Hindi nila nalalaman, ni nauunawa man;
(U)Sila'y nagsisilakad na paroo't parito sa kadiliman:
(V)Lahat ng patibayan ng lupa ay nangakilos.
(W)Aking sinabi, Kayo'y mga dios,
At kayong lahat ay mga anak ng Kataastaasan.
Gayon ma'y mangamamatay kayong (X)parang mga tao,
At mangabubuwal na parang isa sa mga pangulo.
Bumangon ka, O Dios, hatulan mo ang lupa:
(Y)Sapagka't iyong mamanahin ang lahat ng mga bansa.

2 Mga Hari 6:1-23

Si Eliseo at ang sumasalakay na taga Siria.

At sinabi ng mga (A)anak ng mga propeta kay Eliseo, Narito ngayon, ang dakong aming kinatitirahan sa harap mo ay totoong gipit sa ganang amin.

Isinasamo namin sa iyo na kami ay paparoonin sa Jordan, at kumuha roon ang bawa't isa ng sikang, at gumawa kami para sa amin ng isang dako roon, na aming matatahanan. At siya'y sumagot, Magsiyaon kayo.

At sinabi ng isa, Isinasamo ko sa iyo na ikaw ay matuwa, at yumaon na kasama ng iyong mga lingkod. At siya'y sumagot, Ako'y yayaon.

Sa gayo'y yumaon siyang kasama nila. At nang sila'y dumating sa Jordan, sila'y nagsiputol ng kahoy.

Nguni't samantalang ang isa'y pumuputol ng isang sikang, ang talim ng palakol ay nalaglag sa tubig: at siya'y sumigaw, at nagsabi, Sa aba ko, panginoon ko! sapagka't hiram.

At sinabi ng lalake ng Dios, Saan nalaglag? At itinuro niya sa kaniya ang dako. At siya'y pumutol ng isang patpat, (B)at inihagis doon, at pinalutang ang bakal.

At kaniyang sinabi, Kunin mo. Sa gayo'y kaniyang iniunat ang kaniyang kamay, at kinuha.

Ang hari nga sa Siria ay nakipagdigma sa Israel; at siya'y kumuhang payo sa kaniyang mga lingkod, na nagsasabi, Sa gayo't gayong dako malalagay ang aking kampamento.

At ang lalake ng Dios ay nagsugo sa hari sa Israel, na nagsasabi, Magingat ka na huwag dumaan sa dakong yaon; sapagka't doo'y lumulusong ang mga taga Siria.

10 At nagsugo ang hari sa Israel sa dakong isinaysay sa kaniya ng lalake ng Dios at ipinagpauna sa kaniya; at siya'y lumigtas doon, na hindi miminsan o mamakalawa.

11 At ang puso ng hari sa Siria ay nabagabag na mainam dahil sa bagay na ito; at kaniyang tinawag ang kaniyang mga lingkod, at sinabi sa kanila, Hindi ba ninyo ipakikilala sa akin kung sino sa atin ang sa hari sa Israel?

12 At sinabi ng isa sa kaniyang mga lingkod, Hindi panginoon ko, Oh hari: kundi si Eliseo, na propeta na nasa Israel, ay nagsaysay sa hari sa Israel ng mga salita na iyong sinalita sa iyong silid na tulugan.

13 At kaniyang sinabi, Ikaw ay yumaon at tingnan mo kung saan siya nandoon, upang ako'y makapagpasundo at dalhin siya. At nasaysay sa kaniya, na sinabi, Narito, siya'y nasa (C)Dothan.

Ang Samaria ay kinubkob.

14 Kaya't siya'y nagsugo roon ng mga kabayo at mga karo, at ng isang malaking hukbo: at sila'y naparoon sa gabi, at kinubkob ang bayan sa palibot.

15 At nang (D)ang lingkod ng lalake ng Dios ay magbangong maaga, at maglabas, narito, isang hukbo na may mga kabayo at mga karo ay nakalibot sa bayan. At ang kaniyang lingkod ay nagsabi sa kaniya, Sa aba natin, panginoon ko! paano ang ating gagawin?

16 At siya'y sumagot, Huwag kang matakot: sapagka't ang sumasaatin ay (E)higit kay sa sumasa kanila.

17 At si Eliseo ay nanalangin, at nagsabi, Idinadalangin ko sa iyo, Panginoon, na idilat ang kaniyang mga mata, upang siya'y makakita. At idinilat ng Panginoon ang mga mata ng binata; at siya'y nakakita, at narito, ang bundok ay puno ng mga kabayo (F)at ng mga karo ng apoy sa palibot ni Eliseo.

18 At nang kanilang lusungin siya, ay nanalangin si Eliseo sa Panginoon, at nagsabi, Idinadalangin ko sa iyo, na bulagin mo ang bayang ito. (G)At kaniyang binulag sila ayon sa salita ni Eliseo.

19 At sinabi ni Eliseo sa kanila, Hindi ito ang daan, o ang bayan man: sumunod kayo sa akin, at dadalhin ko kayo sa lalake na inyong hinahanap. At kaniyang pinatnubayan sila hanggang sa Samaria.

20 At nangyari, nang sila'y magsidating sa Samaria, na sinabi ni Eliseo, Panginoon, idilat mo ang mga mata ng mga lalaking ito, upang sila'y makakita. At idinilat ng Panginoon ang kanilang mga mata, at sila'y nangakakita; at, narito, sila'y nangasa gitna ng Samaria.

21 At sinabi ng hari sa Israel kay Eliseo, nang makita niya sila, (H)Ama ko, sasaktan ko ba sila? sasaktan ko ba sila?

22 At siya'y sumagot. Huwag mong sasaktan sila; sasaktan mo ba ang iyong binihag ng iyong tabak at ng iyong busog? (I)maghain ka ng tinapay at tubig sa harap nila, upang kanilang makain at mainom, at magsiparoon sa kanilang panginoon.

23 At ipinaghanda niya ng malaking pagkain sila: at nang sila'y makakain at makainom, kaniyang pinayaon sila, at sila'y nagsiparoon sa kanilang panginoon. At ang (J)pulutong ng Siria ay hindi na naparoon pa sa lupain ng Israel.

1 Corinto 5:9-6:8

Isinulat ko sa inyo sa aking sulat na huwag kayong makisama sa mga mapakiapid;

10 Tunay nga hindi ang ibig sabihin ay sa mga mapakiapid sa sanglibutang ito, o sa mga masasakim at mga manglulupig, o sa mga mananamba sa diosdiosan; sapagka't kung gayo'y kinakailangang (A)magsialis kayo sa sanglibutan:

11 Datapuwa't sinusulatan ko nga kayo, na huwag kayong makisama (B)sa kanino mang tinatawag na kapatid, kung siya'y mapakiapid, o masakim, o mananamba sa diosdiosan, o mapagtungayaw, o manglalasing, o manglulupig; sa gayo'y huwag man lamang kayong makisalo.

12 Sapagka't ano sa akin ang humatol (C)sa nangasa labas? Hindi baga kayo nagsisihatol (D)sa nangasa loob?

13 Datapuwa't sa nangasa labas ay Dios ang humahatol. (E)Alisin nga ninyo sa inyo ang masamang tao.

Nangangahas baga ang sinoman sa inyo, kung mayroong anomang bagay laban sa iba, na siya'y magsakdal sa harapan ng mga liko, at (F)hindi sa harapan ng mga banal?

O hindi baga ninyo nalalaman na (G)ang mga banal ay magsisihatol sa sanglibutan? at kung ang sanglibutan ay hahatulan ninyo, hindi kaya baga dapat magsihatol kayo sa mga bagay na pinakamaliit?

Hindi baga ninyo nalalaman na ating (H)hahatulan ang mga anghel? gaano pa kaya ang mga bagay na nauukol (I)sa buhay na ito?

Kung kayo nga'y mayroong usapin na mga bagay na nauukol sa buhay na ito, ilalagay baga ninyo upang magsihatol ang mga taong walang halaga sa iglesia?

Sinasabi ko ito (J)upang mangahiya kayo. Ano, diyata't wala baga sa inyo na isa mang marunong na makapagpapayo sa kaniyang mga kapatid,

Kundi ang kapatid ay nakikipagusapin laban sa kapatid, at ito'y sa harapan ng mga hindi nagsisipanampalataya?

Ngayon nga, tunay na isang pagkukulang sa inyo ang kayo-kayo'y magkaroon ng mga usapin. Bakit hindi bagkus ninyong tiisin ang mga kalikuan? (K)bakit hindi bagkus kayo'y padaya?

Nguni't kayo rin ang mga nagsisigawa ng kalikuan, at nangagdaraya, at ito'y sa mga kapatid ninyo.

Mateo 5:38-48

38 Narinig ninyong sinabi, (A)Mata sa mata, at ngipin sa ngipin:

39 (B)Datapuwa't sinasabi ko sa inyo, (C)Huwag kayong makilaban sa masamang tao: kundi sa sinomang sa iyo'y sumampal sa kanan mong pisngi, iharap mo naman sa kaniya ang kabila.

40 At sa magibig na ikaw ay ipagsakdal, at kunin sa iyo ang iyong tunika, ay iwan mo rin naman sa kaniya ang iyong balabal.

41 At sa sinomang pipilit sa iyo na ikaw ay lumakad ng isang milya, ay lumakad ka ng dalawang milya na kasama niya.

42 Bigyan mo ang sa iyo'y humihingi, at huwag mong talikdan ang sa iyo'y nangungutang.

43 Narinig ninyong sinabi, (D)Iibigin mo ang iyong kapuwa, at (E)kapopootan mo ang iyong kaaway:

44 Datapuwa't sinasabi ko sa inyo, (F)Ibigin ninyo ang inyong mga kaaway, at (G)idalangin ninyo ang sa inyo'y nagsisiusig;

45 Upang kayo'y maging mga anak ng inyong Ama na nasa langit: sapagka't pinasisikat niya ang kaniyang araw sa masasama at sa mabubuti, at nagpapaulan sa mga ganap at sa mga hindi ganap.

46 Sapagka't kung kayo'y iibig (H)sa nangagsisiibig lamang sa inyo, ano ang ganti na inyong kakamtin? hindi baga gayon din ang ginagawa (I)ng mga maniningil ng buwis?

47 At kung ang mga kapatid lamang ninyo ang inyong babatiin, ano ang kalabisan ng inyong ginagawa? hindi baga gayon din ang ginagawa ng mga Gentil?

48 (J)Kayo nga'y mangagpakasakdal, na gaya ng inyong Ama sa kalangitan na sakdal.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978