Hukom 5
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
Ang Awit ni Debora at ni Barak
5 Nang araw na iyon na silaʼy nanalo, umawit si Debora at si Barak na anak ni Abinoam. Ito ang awit nila:
2 Purihin ang Panginoon! Sapagkat ang mga pinuno ng Israel ay nangunang lumaban at kusang-loob na sumunod ang mga mamamayan.
3 Makinig kayong mga hari at mga pinuno!
Aawit ako ng mga papuri sa Panginoon, ang Dios ng Israel!
4 O Panginoon, nang umalis kayo sa Bundok ng Seir,
at nang lumabas kayo sa lupain ng Edom,
ang mundoʼy nayanig at umulan nang malakas.
5 Nayanig ang mga bundok sa harapan nʼyo, O Panginoon.
Kayo ang Dios ng Israel na nagpahayag ng inyong sarili sa Bundok ng Sinai.
6 Nang panahon ni Shamgar na anak ni Anat at nang panahon ni Jael, walang dumadaan sa mga pangunahing lansangan.
Ang mga naglalakbay doon ay dumadaan sa mga liku-likong daan.
7 Walang nagnanais tumira sa Israel, hanggang sa dumating ka, Debora, na kinikilalang ina ng Israel.
8 Nang sumamba ang mga Israelita sa mga bagong dios, dumating sa kanila ang digmaan.
Pero sa 40,000 Israelita ay wala ni isang may pananggalang o sibat man.
9 Nagagalak ang aking puso sa mga pinuno ng Israel at sa mga Israelita na masayang nagbigay ng kanilang sarili.
Purihin ang Panginoon!
10 Kayong mayayaman na nakasakay sa mga puting asno at nakaupo sa magagandang upuan nito,
at kayong mga mahihirap na naglalakad lang, makinig kayo!
11 Pakinggan nʼyo ang mga salaysay ng mga tao sa paligid ng mga balon.
Isinasalaysay nila ang mga pagtatagumpay[a] ng Panginoon sa pamamagitan ng kanyang mga sundalo sa Israel.
Pagkatapos, nagmartsa ang mga mamamayan ng Panginoon sa may pintuan ng lungsod na nagsasabi,
12 “Tayo na Debora, lumakad tayo habang umaawit ng mga papuri sa Dios.
Tayo na Barak na anak ni Abinoam, hulihin mo ang iyong mga bibihagin.”
13 Ang mga natirang buhay na mga mamamayan ng Panginoon ay kasama kong bumaba para lusubin ang mga kilala at mga makapangyarihang tao.
14 Ang iba sa kanilaʼy nanggaling sa Efraim – ang lupaing pagmamay-ari noon ng mga Amalekita – at ang ibaʼy mula sa lahi ni Benjamin.
Sumama rin sa pakikipaglaban ang mga kapitan ng mga kawal ng Makir at ang lahi ni Zebulun.
15 Sumama rin ang mga pinuno ng lahi ni Isacar kina Debora at Barak papunta sa lambak.
Pero ang lahi naman ni Reuben ay walang pagkakaisa, kaya hindi makapagpasya kung sasama sila o hindi.
16 O lahi ni Reuben, magpapaiwan na lang ba kayo kasama ng mga tupa?
Gusto nʼyo lang bang makinig sa pagtawag ng mga tagapagbantay ng kanilang mga tupa?
Wala talaga kayong pagkakaisa, kaya hindi kayo makapagpasya kung ano ang dapat ninyong gawin.
17 Nagpaiwan din ang lahi ni Gad sa silangan ng Jordan,
at ang lahi ni Dan naman ay nagpaiwan sa trabaho nila sa mga barko.
Ang lahi ni Asher naman ay nagpaiwan sa tinitirhan nila sa tabi ng dagat.
18 Pero itinaya ng lahi nina Zebulun at Naftali ang kanilang buhay sa pakikipaglaban.
19 Dumating ang mga haring Cananeo at nakipaglaban sa mga Israelita sa Taanac na nasa tabi ng Ilog ng Megido,
pero kahit isang pilak ay wala silang nasamsam.
20 Hindi lang ang Israel ang nakipaglaban kay Sisera, kundi pati rin ang mga bituin.
21 Inanod sila sa Lambak ng Kishon, ang napakatagal nang lambak.
Magpapatuloy ako sa pakikipaglaban sa pamamagitan ng lakas ng Panginoon.
22 At ngayon, maririnig ang yabag ng mga paa ng mga kabayo.
23 Pagkatapos, sinabi ng anghel ng Panginoon, “Sumpain ang Meroz!
Sumpain kayong mga naninirahan dito dahil hindi kayo tumulong nang makipaglaban ang Panginoon sa mga makapangyarihang tao.”
24 Higit na mapalad si Jael na asawa ni Heber na Keneo kaysa sa lahat ng babae na nakatira sa mga tolda.
25 Nang humingi ng tubig si Sisera, gatas ang kanyang ibinigay na nakalagay sa mamahaling sisidlan.
26 Pagkatapos, kumuha siya ng martilyo at tulos ng tolda at ipinukpok sa sentido ni Sisera.
27 At namatay si Sisera na nakahandusay sa paanan ni Jael.
28 Nakamasid sa bintana ang ina ni Sisera, na hindi mapakali at nagtatanong kung bakit hindi pa dumadating ang kanyang anak.
29 Sumagot ang mga pinakamatalino sa kanyang mga kababaihan, at ito rin ang paulit-ulit niyang sinasabi sa kanyang sarili,
30 “Baka natagalan sila sa pangunguha at paghahati ng mga bagay na nasamsam nila sa kanilang mga kalaban:
isa o dalawang babae para sa bawat sundalo, mamahaling damit para kay Sisera,
at binurdahang damit na napakaganda para sa akin.”
31 Kaya malipol sana ang lahat ng kalaban mo, O Panginoon.
Pero ang mga nagmamahal sana sa inyo ay matulad sana sa pagsikat ng araw na sobrang liwanag.
At nagkaroon ng kapayapaan sa Israel sa loob ng 40 taon.
Footnotes
- 5:11 mga pagtatagumpay: o, mga matuwid na ginawa.
Mga Hukom 5
Ang Dating Biblia (1905)
5 Nang magkagayo'y umawit si Debora at si Barac na anak ni Abinoam nang araw na yaon, na sinasabi,
2 Sapagka't namatnubay ang mga tagapatnubay sa Israel, Sapagka't ang bayan ay humandog na kusa, Purihin ninyo ang Panginoon.
3 Dinggin ninyo, Oh ninyong mga hari; pakinggan ninyo, Oh ninyong mga prinsipe; Ako, ako'y aawit sa Panginoon, Ako'y aawit ng pagpupuri sa Panginoon, na Dios ng Israel.
4 Panginoon, nang ikaw ay lumabas sa Seir, Nang ikaw ay yumaon mula sa bukid ng Edom, Ang lupa'y nayanig, ang langit naman ay pumatak, Oo, ang mga alapaap ay nagpatak ng tubig.
5 Ang mga bundok ay humuho sa harap ng Panginoon, Pati yaong Sinai, sa harap ng Panginoon, ng Dios ng Israel.
6 Sa mga kaarawan ni Samgar na anak ni Anat, Sa mga kaarawan ni Jael, ang mga paglalakbay ay naglikat, At ang mga manglalakbay ay bumagtas sa mga lihis na landas.
7 Ang mga pinuno ay naglikat sa Israel, sila'y naglikat, Hanggang sa akong si Debora, ay bumangon, Na ako'y bumangon na isang ina sa Israel.
8 Sila'y nagsipili ng mga bagong dios; Nang magkagayo'y nagkaroon ng digma sa mga pintuang-bayan: May nakita kayang kalasag o sibat sa apat na pung libo sa Israel?
9 Ang aking puso ay nasa mga gobernador sa Israel, Na nagsihandog na kusa sa bayan; Purihin ninyo ang Panginoon!
10 Saysayin ninyo, ninyong mga nakasakay sa mapuputing asno, Ninyong nangakaupo sa maiinam na latag, At ninyong nangagsisilakad sa daan.
11 Malayo sa ingay ng mga manghuhutok, sa mga dakong igiban ng tubig, Doon sila magpapanibagong magsanay sa mga matuwid na gawa ng Panginoon, Ng mga matuwid na gawa ng kaniyang pagpupuno sa Israel. Bumaba nga ang bayan ng Panginoon sa mga pintuang-bayan.
12 Gumising ka, gumising ka, Debora; gumising ka, gumising ka, bumigkas ka ng awit: Bumangon ka, Barac, at ihatid mo ang iyong mga bihag, ikaw na anak ni Abinoam.
13 Nagsibaba nga ang nalabi sa mga mahal, at ang bayan; Ang Panginoon ay bumaba dahil sa akin laban sa mga makapangyarihan.
14 Sa Ephraim nangagmula silang nasa Amalec ang ugat; Sa likuran mo, ay ang Benjamin, na kasama ng iyong mga bayan; Sa Machir nangagmula ang mga gobernador, At sa Zabulon yaong nangaghahawak ng tungkod ng pagpupuno.
15 At ang mga prinsipe sa Issachar ay kasama ni Debora; Na kung paano si Issachar ay gayon si Barac, Sa libis nagsisubasob sa kaniyang paanan. Sa tabi ng mga agusan ng tubig ng Ruben ay nagkaroon ng mga dakilang pasiya ng puso.
16 Bakit ka nakaupo sa gitna ng mga kulungan ng tupa, Upang makinig ba ng mga tawag sa mga kawan? Sa agusan ng tubig ng Ruben Nagkaroon ng mga dakilang pasiya ng puso.
17 Ang Galaad ay tumahan sa dako roon ng Jordan: At ang Dan, bakit siya'y natira sa mga sasakyan sa tubig? Ang Aser ay nanatili sa mga baybayin ng dagat, At nanahan sa kaniyang mga daong.
18 Ang Zabulon ay isang bayan na isinapanganib ang kanilang buhay sa ikamamatay, At ang Nephtali, ay sa matataas na dako ng bukiran.
19 Ang mga hari ay nagsiparito at nagsilaban; Nang magkagayo'y nagsilaban ang mga hari ng Canaan, Sa Taanach na nasa tabi ng tubig sa Megiddo: Sila'y hindi nagdala ng mga pakinabang na salapi.
20 Ang mga bituin ay nakipaglaban mula sa langit, Sa kanilang paglakad sila'y nakipaglaban kay Sisara.
21 Tinangay sila ng ilog Cison, Ng matandang ilog na yaon, ng ilog Cison. Oh kaluluwa ko, lumakad kang may lakas.
22 Nang magkagayo'y nagsiyabag ang mga kuko ng mga kabayo, Dahil sa mga pagdamba, sa pagdamba ng kanilang mga malakas.
23 Sumpain ninyo si Meroz, sabi ng anghel ng Panginoon, Sumpain ninyo ng kapaitpaitan ang mga tagaroon sa kaniya; Sapagka't sila'y hindi naparoon na tumulong sa Panginoon, Na tumulong sa Panginoon, laban sa mga makapangyarihan.
24 Pagpalain sa lahat ng babae si Jael, Ang asawa ni Heber na Cineo, Pagpalain siya sa lahat ng babae sa tolda.
25 Siya'y humingi ng tubig, at binigyan niya ng gatas; Kaniyang binigyan siya ng mantekilya sa pinggang mahal.
26 Kaniyang hinawakan ng kaniyang kamay ang tulos, At ng kaniyang kanang kamay ang pamukpok ng mga manggagawa; At sa pamamagitan ng pamukpok ay kaniyang sinaktan si Sisara, pinalagpasan niya sa kaniyang ulo, Oo, kaniyang tinarakan at pinalagpasan ang kaniyang pilipisan.
27 Sa kaniyang paanan ay nasubasob, siya'y nabuwal, siya'y nalugmok: Sa kaniyang paanan siya'y nasubasob, siya'y nabuwal. Kung saan siya sumubasob, doon siya nalugmok na patay.
28 Sa dungawan ay sumungaw, at sumigaw; Ang ina ni Sisara ay humiyaw mula sa mga silahia: Bakit kaya ang kaniyang karo ay nagluluwat ng pagdating? Bakit kaya bumabagal ang mga gulong ng kaniyang mga karo?
29 Ang kaniyang mga pantas na babae ay sumagot sa kaniya, Oo, siya'y nagbalik ng sagot sa kaniyang sarili,
30 Hindi ba sila nakasumpong, hindi ba nila binahagi ang samsam? Isang dalaga, dalawang dalaga sa bawa't lalake; Kay Sisara ay samsam na damit na may sarisaring kulay, Samsam na sarisaring kulay ang pagkaburda, Na sarisaring kulay, na burda sa dalawang tagiliran, Na suot sa leeg ng mga bihag?
31 Gayon malipol ang lahat ng iyong mga kaaway, Oh Panginoon: Nguni't yaong mga umiibig sa kaniya ay maging parang araw pagka lumalabas sa kaniyang kalakasan. At ang lupain ay nagpahinga na apat na pung taon.
Mga Hukom 5
Ang Biblia (1978)
Ang awit ni Debora.
5 Nang magkagayo'y (A)umawit si Debora at si Barac na anak ni Abinoam nang araw na yaon, na sinasabi,
2 (B)Sapagka't namatnubay ang mga tagapatnubay sa Israel,
(C)Sapagka't ang bayan ay humandog na kusa,
Purihin ninyo ang Panginoon.
3 (D)Dinggin ninyo, Oh ninyong mga hari; pakinggan ninyo, Oh ninyong mga prinsipe;
Ako, ako'y aawit sa Panginoon,
Ako'y aawit ng pagpupuri sa Panginoon, na Dios ng Israel.
4 (E)Panginoon, nang ikaw ay lumabas sa Seir,
Nang ikaw ay yumaon mula sa bukid ng Edom,
(F)Ang lupa'y nayanig, ang langit naman ay pumatak,
Oo, ang mga alapaap ay nagpatak ng tubig.
5 (G)Ang mga bundok ay humuho sa harap ng Panginoon,
Pati yaong Sinai, sa harap ng Panginoon, ng Dios ng Israel.
6 Sa mga kaarawan ni (H)Samgar na anak ni Anat,
Sa mga kaarawan ni Jael, ang mga paglalakbay ay naglikat,
At ang mga manglalakbay ay (I)bumagtas sa mga lihis na landas.
7 Ang mga pinuno ay naglikat sa Israel, sila'y naglikat,
Hanggang sa akong si Debora, ay bumangon,
Na ako'y bumangon na isang ina sa Israel.
8 (J)Sila'y nagsipili ng mga bagong dios;
Nang magkagayo'y nagkaroon ng digma sa mga pintuang-bayan:
(K)May nakita kayang kalasag o sibat sa apat na pung libo sa Israel?
9 Ang aking (L)puso ay nasa mga gobernador sa Israel,
Na nagsihandog na kusa sa bayan;
Purihin ninyo ang Panginoon!
10 (M)Saysayin ninyo, ninyong mga nakasakay sa mapuputing asno,
Ninyong nangakaupo sa maiinam na latag,
At ninyong nangagsisilakad sa daan.
11 Malayo sa ingay ng mga manghuhutok, sa mga dakong igiban ng tubig,
Doon sila magpapanibagong magsanay sa mga matuwid na gawa ng Panginoon,
Ng mga matuwid na gawa ng kaniyang pagpupuno sa Israel.
Bumaba nga ang bayan ng Panginoon sa mga pintuang-bayan.
12 (N)Gumising ka, gumising ka, Debora; gumising ka, gumising ka, bumigkas ka ng awit:
Bumangon ka, Barac, at (O)ihatid mo ang iyong mga bihag, ikaw na anak ni Abinoam.
13 Nagsibaba nga ang nalabi sa mga mahal, at ang bayan; (P)Ang Panginoon ay bumaba dahil sa akin laban sa mga makapangyarihan.
14 (Q)Sa Ephraim nangagmula silang nasa (R)Amalec ang ugat;
Sa likuran mo, ay ang Benjamin, na kasama ng iyong mga bayan;
Sa (S)Machir nangagmula ang mga gobernador,
At sa Zabulon yaong nangaghahawak ng tungkod ng pagpupuno.
15 At ang mga prinsipe sa Issachar ay kasama ni Debora;
Na kung paano si Issachar ay (T)gayon si Barac,
Sa libis nagsisubasob sa kaniyang paanan.
Sa tabi ng mga agusan ng tubig ng Ruben ay nagkaroon ng mga dakilang pasiya ng puso.
16 Bakit ka nakaupo sa gitna ng mga kulungan ng tupa,
Upang makinig ba ng mga tawag sa mga kawan?
Sa agusan ng tubig ng Ruben
Nagkaroon ng mga dakilang pasiya ng puso.
17 (U)Ang Galaad ay tumahan sa dako roon ng Jordan:
(V)At ang Dan, bakit siya'y natira sa mga sasakyan sa tubig?
(W)Ang Aser ay nanatili sa mga baybayin ng dagat,
At nanahan sa kaniyang mga daong.
18 (X)Ang Zabulon ay isang bayan na isinapanganib ang kanilang buhay sa ikamamatay,
At ang Nephtali, ay sa matataas na dako ng bukiran.
19 Ang mga hari ay nagsiparito at nagsilaban;
Nang magkagayo'y nagsilaban ang mga hari ng Canaan,
Sa Taanach na nasa tabi ng tubig sa Megiddo:
Sila'y hindi nagdala ng mga pakinabang na salapi.
20 Ang mga bituin ay nakipaglaban mula sa langit,
Sa kanilang paglakad sila'y nakipaglaban kay Sisara.
21 (Y)Tinangay sila ng ilog Cison,
Ng matandang ilog na yaon, ng ilog Cison.
Oh kaluluwa ko, lumakad kang may lakas.
22 Nang magkagayo'y nagsiyabag ang mga kuko ng mga kabayo,
Dahil sa mga pagdamba, sa pagdamba ng kanilang mga malakas.
23 Sumpain ninyo si Meroz, sabi ng anghel ng Panginoon,
Sumpain ninyo ng kapaitpaitan ang mga tagaroon sa kaniya;
(Z)Sapagka't sila'y hindi naparoon na tumulong (AA)sa Panginoon,
Na tumulong sa Panginoon, laban sa mga makapangyarihan.
24 Pagpalain sa lahat ng babae si Jael,
Ang asawa ni Heber na Cineo,
Pagpalain siya sa lahat ng babae sa tolda.
25 (AB)Siya'y humingi ng tubig, at binigyan niya ng gatas;
Kaniyang binigyan siya ng mantekilya sa pinggang mahal.
26 Kaniyang hinawakan ng kaniyang kamay ang tulos,
At ng kaniyang kanang kamay ang pamukpok ng mga manggagawa;
At sa pamamagitan ng pamukpok ay kaniyang sinaktan si Sisara, pinalagpasan niya sa kaniyang ulo,
Oo, kaniyang tinarakan at pinalagpasan ang kaniyang pilipisan.
27 Sa kaniyang paanan ay nasubasob, siya'y nabuwal, siya'y nalugmok:
Sa kaniyang paanan siya'y nasubasob, siya'y nabuwal.
Kung saan siya sumubasob, doon siya nalugmok na patay.
28 Sa dungawan ay sumungaw, at sumigaw;
Ang ina ni Sisara ay humiyaw mula sa mga silahia:
Bakit kaya ang kaniyang karo ay nagluluwat ng pagdating?
Bakit kaya bumabagal ang mga gulong ng kaniyang mga karo?
29 Ang kaniyang mga pantas na babae ay sumagot sa kaniya,
Oo, siya'y nagbalik ng sagot sa kaniyang sarili,
30 Hindi ba sila nakasumpong, hindi ba nila binahagi ang samsam?
Isang dalaga, dalawang dalaga sa bawa't lalake;
Kay Sisara ay samsam na damit na may sarisaring kulay,
Samsam na sarisaring kulay ang pagkaburda,
Na sarisaring kulay, na burda sa dalawang tagiliran,
Na suot sa leeg ng mga bihag?
31 (AC)Gayon malipol ang lahat ng iyong mga kaaway, Oh Panginoon:
Nguni't yaong mga umiibig sa kaniya ay (AD)maging parang araw (AE)pagka lumalabas sa kaniyang kalakasan.
(AF)At ang lupain ay nagpahinga na apat na pung taon.
Съдии 5
Библия, синодално издание
5 В оня ден запя Девора и Варак, син Авиноамов, с тия думи:
2 За Израиля е отмъстено, народът показа усърдие; прославете Господа!
3 Слушайте, царе, внимавайте, велможи; аз ще пея и свиря на Господа, на Господа, Бога Израилев.
4 (A)Когато излизаше Ти, Господи, от Сеир, когато идеше от полето Едомско, земята се тресеше, небесата капеха и облаците вода проливаха;
5 (B)планините се топяха от лицето на Господа, дори тоя Синай потрепери пред лицето на Господа, Бога Израилев.
6 (C)В дните на Самегара, Анатов син, в дните на Иаил, пътищата пустееха, и които преди ходеха по правите пътища, тогава ходеха по околните пътеки.
7 Нямаше у Израиля жители в селата, нямаше, докле аз, Девора, не въстанах, докле не въстанах аз, майка на Израиля.
8 (D)Избраха нови богове, затова войната беше пред вратата. Видя ли се щит и копие у четирийсет хиляди от Израиля?
9 Сърцето ми е към вас, началници Израилеви, към ревнителите у народа: прославете Господа!
10 (E)Вие, които яздите на бели ослици, които седите на килими и ходите по пътя, пейте песен!
11 Сред гласовете на ония, които събират стада при кладенци, там да се изпее хвала Господу, хвала на вождите Израилеви! Тогава народът Господен потегли към портите.
12 Стани, стани, Деворо! стани, стани, та запей песен! Стани, Варако, и води своите пленници, сине Авиноамов!
13 Тогава на малцина от силните Той подчини народа; Господ мен подчини храбрите.
14 (F)От Ефрема дойдоха ония, които бяха хванали корен в земята Амаликова; подир тебе е Вениамин, сред народа ти; от Махира идеха началници, а от Завулона боравещи с писарска тръст.
15 (G)И князете Исахарови с Девора, и Исахар също, като Варака, се спусна пеша в долината. В Рувимовите племена – голямо разногласие.
16 Защо ми си седнал между кошарите и слушаш блеенето на стадата? В Рувимовите племена – голямо разногласие.
17 (H)Галаад си живее спокойно отвъд Иордан, и защо Дан да се бои с корабите? Асир седи на морския бряг и спокойно си живее при своите пристанища.
18 (I)Завулон е народ, обрекъл душата си на смърт, и Нефталим – на полските височини.
19 (J)Дойдоха царе, сбиха се, сбиха се тогава царете ханаански в Танаах, при водите Мегидонски, ала ни късче сребро не получиха.
20 (K)От небето се биеха, биеха се звездите от своите пътища със Сисара.
21 (L)Поток Кисон ги завлече, поток Кедумим, поток Кисон. Тъпчи, душо моя, силата!
22 (M)Тогава се чупеха конски копита на коне от бягане, от бягането на ездачите им.
23 (N)Прокълнете Мероз, казва Ангел Господен, прокълнете, прокълнете жителите му, задето не дойдоха на помощ Господу, на помощ Господу с храбрите.
24 Да бъде благословена между жените Иаил, жената на кенееца Хевера, между жените в шатрите да бъде благословена!
25 (O)Той поиска вода; тя му мляко подаде, във велможка чаша донесе най-доброто мляко.
26 (P)Лявата си ръка тя протегна към кола, а дясната – към чука работнишки; удари Сисара, разби главата му, смаза и прониза слепите му очи.
27 При нозете ѝ се сгърчи, падна и се простря, при нозете ѝ се сгърчи, падна; дето се сгърчи, там и падна поразен.
28 През прозореца поглежда и вика Сисарова майка през решетката: защо не иде още конницата му, защо се бавят колелетата на колесницата му?
29 Мъдрите нейни дворкини ѝ отговарят, и сама тя отговаря на думите си:
30 навярно, намерили са плячка и я делят, по мома, по две моми на войник; получената в плячка пъстра дреха за Сисара, получената в плячка пъстра дреха, от две страни везана, снета от рамената на пленника.
31 (Q)Тъй да погинат всички Твои врагове, Господи! А ония, които Го обичат, да бъдат като слънце, кога изгрява във всичката си сила! – И спокойна беше земята през четирийсет години.
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) Copyright © 2009, 2011, 2014, 2015 by Biblica, Inc. ®
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978
Дигитална версия: Copyright by © Българско библейско дружество 2016. Използвани с разрешение.

