Add parallel Print Page Options

Ang Landas ng Kabanalan

35 Muling sasaya ang ulilang lupain na matagal nang tigang;
    mamumulaklak ang mga halaman sa disyerto.
Ang disyerto ay aawit sa tuwa,
    ito'y muling gaganda tulad ng mga Bundok ng Lebanon
    at mamumunga nang sagana tulad ng Carmel at Sharon.
Mamamasdan ng lahat ang kaluwalhatian
    at kapangyarihan ni Yahweh.

Inyong(A) palakasin ang mahinang kamay,
    at patatagin ang mga tuhod na lupaypay.
Ito ang sabihin sa pinanghihinaan ng loob:
    “Huwag kang matakot, lakasan mo ang iyong loob!
    Darating na ang Diyos,
    at ililigtas ka sa mga kaaway.”

Ang(B) mga bulag ay makakakita,
    at makakarinig ang mga bingi.
Ang mga pilay ay lulundag na parang usa,
    aawit sa galak ang mga pipi.
Mula sa kaparangan ay aagos ang tubig,
    at dadaloy sa disyerto ang mga batis.
Ang nakakapasong buhanginan ay magiging isang lawa,
    sa tigang na lupa ay bubukal ang tubig.
Ang dating tirahan ng mga asong-gubat,
    ay tutubuan ng tambo at talahib.

Magkakaroon ng isang maluwang na lansangan,
    na tatawaging Landas ng Kabanalan.
Sa landas na ito ay hindi makakaraan,
    ang mga makasalanan at mga hangal.
Walang leon o mabangis na hayop
    na makakapasok doon;
ito'y para lamang sa mga tinubos.
10 Babalik sa Jerusalem ang mga tinubos ni Yahweh
    na masiglang umaawit ng pagpupuri.
Paghaharian sila ng kaligayahan.
    Ang lungkot at dalamhati ay mapapalitan ng tuwa at galak magpakailanman.

Ang hinaharap ng Sion.

35 Ang ilang (A)at ang tuyong lupa ay sasaya; at ang ilang ay magagalak, at mamumulaklak na gaya ng rosa.

Mamumulaklak ng sagana, (B)at magagalak ng kagalakan at awitan; ang kaluwalhatian ng Libano ay mapaparoon, ang karilagan ng Carmel at ng Saron: kanilang makikita ang kaluwalhatian ng Panginoon, ang karilagan ng ating Dios.

Inyong palakasin (C)ang mga mahinang kamay, at patatagin ang mga mahinang tuhod.

Inyong sabihin sa kanila na matatakuting puso, Kayo'y mangagpakatapang, huwag kayong mangatakot: narito, ang inyong Dios ay pariritong may panghihiganti, may kagantihan ng Dios; siya'y paririto at ililigtas kayo.

Kung magkagayo'y madidilat ang mga mata (D)ng bulag, at (E)ang mga pakinig ng bingi ay mabubuksan.

Kung magkagayo'y lulukso ang (F)pilay na parang usa, at (G)ang dila ng pipi ay aawit: sapagka't sa ilang ay bubukal (H)ang tubig, at magkakailog sa ilang.

At ang buhanginang kumikislap ay magiging lawa, at ang uhaw na lupa ay mga bukal ng tubig; sa (I)tahanan ng mga chakal, na kanilang hinihiligan, magkakaroon ng damo pati ng mga tambo at mga yantok.

At magkakaroon doon ng isang lansangan, at ng isang daan, at tatawagin Ang daan ng kabanalan; ang marumi ay (J)hindi daraan doon; kundi magiging sa kaniyang bayan: ang mga palalakad na tao, oo, maging ang mga mangmang, ay hindi mangaliligaw roon.

Hindi magkakaroon ng leon doon, (K)o sasampa man doon ang anomang mabangis na hayop, hindi mangasusumpungan doon; kundi ang nangatubos ay lalakad doon.

10 At ang pinagtutubos (L)ng Panginoon ay mangagbabalik, at magsisiparoong nagaawitan sa Sion; at walang hanggang kagalakan ay mapapasa kanilang mga ulo: sila'y mangagtatamo ng kasayahan at kagalakan, at ang kapanglawan at ang pagbubuntong-hininga ay (M)mapaparam.

'Isaias 35 ' not found for the version: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version.

35  Ka koa te koraha me te wahi mokemoke, ka hari te koraha, koia ano kei te rohi te whai puawai.

Nui atu te tupu, ka koa, ae ra, koa ana, waiata ana: ka hoatu te kororia o Repanona ki reira, te nui o Karamere, o Harono: ka kite ratou i te kororia o Ihowa, i te nui o to tatou Atua.

Whakakahangia nga ringa ngoikore, whakaungia nga turi ngonge.

Mea atu ki te hunga ngakau potatutatu, Kia kaha, kaua e wehi: nana, ka haere mai to koutou Atua, me te rapu utu, me te whakautu a te Atua; ka haere mai ano ia ki te whakaora i a koutou.

Ko reira nga kanohi o nga matapo kite ai, a ka puare nga taringa o nga turi.

Ko reira te kopa tupeke ai, ano he hata, ka waiata te arero o te whango; no te mea ka pakaru mai nga wai i te koraha, nga awa i te wahi titohea.

Na ka meinga te kirikiri mumura hei harotoroto, te whenua maroke hei puputanga wai: a i te nohoanga i takoto ai nga kirehe mohoao, ko te tarutaru, ko te kakaho, ko te wiwi.

Ka whai huanui ano a reira, me tetahi ara, ka kiia hoki, Ko te ara o te tapu; e kore te poke e haere i reira; engari ka waiho mo ratou; a ko te tangata haere ara, ahakoa he wairangi, e kore e he ki reira.

Kahore o reira raiona, e kore ano tetahi kararehe kai kino e tika na reira, e kore e kitea ki reira; engari ka haereerea e te hunga i hokona.

10 Na, ko a Ihowa i hoko ai ka hoki mai, ka haere mai i runga i te waiata ki Hiona; i runga i o ratou mahunga ko te haringa e kore e mutu: ka whiwhi ratou ki te koa, ki te hari, a rere atu ana te pouri me te aue.