Apocalipsis 1
Ang Biblia (1978)
1 Ang (A)Apocalipsis ni Jesucristo, na ibinigay ng (B)Dios sa kaniya upang ipahayag sa kaniyang mga alipin, sa makatuwid ay ang mga bagay na nararapat mangyaring madali: at kaniyang ipinadala at ipinaalam (C)sa pamamagitan ng kaniyang anghel sa kaniyang alipin na si Juan;
2 Na sumaksi (D)sa salita ng Dios, at sa patotoo ni Jesucristo, sa lahat ng mga bagay na nakita niya.
3 Mapalad (E)ang bumabasa, at ang nangakikinig ng mga salita ng hula, at tumutupad ng mga bagay na nangasusulat doon: sapagka't (F)ang panaho'y malapit na.
4 Si Juan sa (G)pitong iglesia na nasa Asia: (H)Biyaya ang sumainyo nawa, at kapayapaang mula (I)doon sa kaniya na ngayon, at nang nakaraan at darating; at mula sa (J)pitong Espiritu na nasa harapan ng kaniyang luklukan;
5 At mula kay Jesucristo na siyang (K)saksing tapat, (L)na panganay sa mga patay, at pangulo ng mga hari sa lupa. (M)Doon sa umiibig sa atin, at sa nagkalag (N)sa atin sa ating mga kasalanan sa pamamagitan ng kaniyang dugo;
6 At ginawa (O)tayong kaharian, mga saserdote sa kaniyang Dios at Ama; sumakaniya nawa ang kaluwalhatian at ang paghahari magpakailan kailan man. Siya nawa.
7 Narito, (P)siya'y pumaparitong (Q)nasasa mga alapaap; at makikita siya ng bawa't mata, at (R)ng nangagsiulos sa kaniya; at ang lahat ng mga angkan sa lupa ay magsisitaghoy dahil sa kaniya. Gayon din, Siya nawa.
8 Ako ang Alpha (S)at ang Omega, sabi ng Panginoong Dios, (T)ngayon at nang nakaraan at sa darating, ang Makapangyarihan sa lahat.
9 Akong si Juan, na inyong kapatid at inyong karamay sa kapighatian at sa kaharian at sa pagtitiis na kay Jesus, ay nasasa pulo na tinatawag na Patmos, (U)dahil sa salita ng Dios at sa patotoo ni Jesus.
10 Ako'y (V)nasa Espiritu (W)nang araw ng Panginoon, at narinig ko sa aking likuran ang (X)dakilang tinig, na tulad sa isang pakakak.
11 Na nagsasabi, Ang iyong nakikita, ay isulat mo sa isang aklat at iyong ipadala sa (Y)pitong iglesia: sa (Z)Efeso, at sa (AA)Smirna, at sa (AB)Pergamo, at sa (AC)Tiatira, at sa (AD)Sardis, at sa (AE)Filadelfia, at sa (AF)Laodicea.
12 At ako'y lumingon upang makita ang tinig na nagsasalita sa akin. At nang ako'y lumingon ay (AG)nakita ko ang pitong kandelerong ginto:
13 At sa gitna ng mga kandelero ay may (AH)isang katulad ng isang anak ng tao, (AI)na may suot na (AJ)damit hanggang sa paa, at (AK)may bigkis ang dibdib na isang pamigkis na ginto.
14 At ang kaniyang ulo at ang (AL)kaniyang buhok ay mapuputing gaya ng balahibong maputi ng tupa, gaya ng niebe; at ang (AM)kaniyang mga mata ay gaya ng ningas ng apoy;
15 At ang kaniyang mga paa ay katulad ng (AN)tansong binuli, na gaya ng dinalisay sa isang lutuang-bakal; at ang (AO)kaniyang tinig ay gaya ng lagaslas ng maraming tubig.
16 At sa kaniyang kanang kamay ay may pitong bituin: at sa kaniyang bibig ay lumabas ang isang matalas na tabak na may dalawang talim: at ang kaniyang mukha ay gaya ng araw na sumisikat ng matindi.
17 At (AP)nang siya'y aking makita, ay nasubasob akong waring patay sa kaniyang paanan. At (AQ)ipinatong niya sa akin ang kaniyang kanang kamay, na sinasabi, Huwag kang matakot; (AR)ako'y ang una at ang huli,
18 At ang Nabubuhay; at ako'y namatay, at narito, ako'y nabubuhay magpakailan man, at (AS)nasa akin ang mga susi ng (AT)kamatayan at ng Hades.
19 Isulat mo nga (AU)ang mga bagay na nakita mo, (AV)at ang mga bagay ngayon, (AW)at ang mga bagay na mangyayari sa darating;
20 Ang hiwaga (AX)ng pitong bituin na iyong nakita sa aking kanang kamay, at (AY)ng pitong kandelerong ginto. Ang pitong bituin ay ang mga anghel ng pitong iglesia: at ang pitong kandelero ay ang pitong iglesia.
Pahayag 1
Ang Dating Biblia (1905)
1 Ang Apocalipsis ni Jesucristo, na ibinigay ng Dios sa kaniya upang ipahayag sa kaniyang mga alipin, sa makatuwid ay ang mga bagay na nararapat mangyaring madali: at kaniyang ipinadala at ipinaalam sa pamamagitan ng kaniyang anghel sa kaniyang alipin na si Juan;
2 Na sumaksi sa salita ng Dios, at sa patotoo ni Jesucristo, sa lahat ng mga bagay na nakita niya.
3 Mapalad ang bumabasa, at ang nangakikinig ng mga salita ng hula, at tumutupad ng mga bagay na nangasusulat doon: sapagka't ang panaho'y malapit na.
4 Si Juan sa pitong iglesia na nasa Asia: Biyaya ang sumainyo nawa, at kapayapaang mula doon sa kaniya na ngayon, at nang nakaraan at darating; at mula sa pitong Espiritu na nasa harapan ng kaniyang luklukan;
5 At mula kay Jesucristo na siyang saksing tapat, na panganay sa mga patay, at pangulo ng mga hari sa lupa. Doon sa umiibig sa atin, at sa nagkalag sa atin sa ating mga kasalanan sa pamamagitan ng kaniyang dugo;
6 At ginawa tayong kaharian, mga saserdote sa kaniyang Dios at Ama; sumakaniya nawa ang kaluwalhatian at ang paghahari magpakailan kailan man. Siya nawa.
7 Narito, siya'y pumaparitong nasasa mga alapaap; at makikita siya ng bawa't mata, at ng nangagsiulos sa kaniya; at ang lahat ng mga angkan sa lupa ay magsisitaghoy dahil sa kaniya. Gayon din, Siya nawa.
8 Ako ang Alpha at ang Omega, sabi ng Panginoong Dios, ngayon at nang nakaraan at sa darating, ang Makapangyarihan sa lahat.
9 Akong si Juan, na inyong kapatid at inyong karamay sa kapighatian at sa kaharian at sa pagtitiis na kay Jesus, ay nasasa pulo na tinatawag na Patmos, dahil sa salita ng Dios at sa patotoo ni Jesus.
10 Ako'y nasa Espiritu nang araw ng Panginoon, at narinig ko sa aking likuran ang dakilang tinig, na tulad sa isang pakakak.
11 Na nagsasabi, Ang iyong nakikita, ay isulat mo sa isang aklat at iyong ipadala sa pitong iglesia: sa Efeso, at sa Smirna, at sa Pergamo, at sa Tiatira, at sa Sardis, at sa Filadelfia, at sa Laodicea.
12 At ako'y lumingon upang makita ang tinig na nagsasalita sa akin. At nang ako'y lumingon ay nakita ko ang pitong kandelerong ginto:
13 At sa gitna ng mga kandelero ay may isang katulad ng isang anak ng tao, na may suot na damit hanggang sa paa, at may bigkis ang dibdib na isang pamigkis na ginto.
14 At ang kaniyang ulo at ang kaniyang buhok ay mapuputing gaya ng balahibong maputi ng tupa, gaya ng niebe; at ang kaniyang mga mata ay gaya ng ningas ng apoy;
15 At ang kaniyang mga paa ay katulad ng tansong binuli, na gaya ng dinalisay sa isang lutuang-bakal; at ang kaniyang tinig ay gaya ng lagaslas ng maraming tubig.
16 At sa kaniyang kanang kamay ay may pitong bituin: at sa kaniyang bibig ay lumabas ang isang matalas na tabak na may dalawang talim: at ang kaniyang mukha ay gaya ng araw na sumisikat ng matindi.
17 At nang siya'y aking makita, ay nasubasob akong waring patay sa kaniyang paanan. At ipinatong niya sa akin ang kaniyang kanang kamay, na sinasabi, Huwag kang matakot; ako'y ang una at ang huli,
18 At ang Nabubuhay; at ako'y namatay, at narito, ako'y nabubuhay magpakailan man, at nasa akin ang mga susi ng kamatayan at ng Hades.
19 Isulat mo nga ang mga bagay na nakita mo, at ang mga bagay ngayon, at ang mga bagay na mangyayari sa darating;
20 Ang hiwaga ng pitong bituin na iyong nakita sa aking kanang kamay, at ng pitong kandelerong ginto. Ang pitong bituin ay ang mga anghel ng pitong iglesia: at ang pitong kandelero ay ang pitong iglesia.
Pahayag 1
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
Panimula
1 Ang pahayag ni Jesu-Cristo na ibinigay sa kanya ng Diyos upang ipakita sa kanyang mga lingkod kung ano ang malapit nang maganap. Ipinaalam ito ni Jesu-Cristo sa pamamagitan ng pagsugo ng kanyang anghel sa lingkod niyang si Juan, 2 na nagpatotoo sa salita ng Diyos at sa ipinahayag ni Jesu-Cristo, at maging sa mga bagay na nakita niya. 3 Pinagpala ang bumabasa ng mga salita ng propesiyang ito sa mga tao, at ang mga nakikinig at tumutupad ng mga bagay na nakasulat dito, sapagkat malapit na ang takdang panahon.
4 Mula (A) kay Juan: Sa pitong iglesya sa Asia:
Sumainyo nawa ang biyaya at kapayapaan mula sa kanya na siyang kasalukuyan, nakaraan at siyang darating, at mula sa pitong espiritu na nasa harapan ng kanyang trono, 5 at (B) mula kay Jesu-Cristo, ang tapat na saksi, ang pangunahin sa mga binuhay mula sa kamatayan, at pinuno ng mga hari sa lupa.
Doon sa umiibig at nagpalaya[a] sa atin mula sa ating mga kasalanan sa pamamagitan ng kanyang dugo, 6 at ginawa (C) tayong isang kaharian, mga pari para sa kanyang Diyos at Ama, sa kanya ang kaluwalhatian at kapangyarihan magpakailanman. Amen.
7 Tingnan (D) ninyo! Dumarating siyang nasa mga ulap;
makikita siya ng bawat mata,
maging ng mga sumaksak sa kanya,
at tatangis dahil sa kanya ang lahat ng lipi sa daigdig.
Mangyari nawa. Amen.
8 “Ako (E) ang Alpha at ang Omega,” ang sabi ng Panginoong Diyos, na siyang kasalukuyan, nakaraan at siyang darating, ang Makapangyarihan sa lahat.
Pangitain tungkol kay Cristo
9 Akong si Juan, ang inyong kapatid na kabahagi ninyo sa pag-uusig, sa kaharian at sa pagtitiis para kay Jesus, ay nasa pulo na tinatawag na Patmos alang-alang sa salita ng Diyos at pagpapatotoo ni Jesus. 10 Sa araw ng Panginoon, ako ay nasa Espiritu, at narinig ko sa aking likuran ang isang malakas na tinig na parang sa trumpeta 11 na nagsasabi, “Isulat mo sa balumbon ang nakikita mo at ipadala mo ito sa pitong iglesya: sa Efeso, sa Smirna, sa Pergamo, sa Tiatira, sa Sardis, sa Filadelfia, at sa Laodicea.”
12 Lumingon ako para tingnan kung kaninong tinig ang nangusap sa akin. Sa aking paglingon nakakita ako ng pitong gintong ilawan, 13 (F) at sa gitna ng mga ilawang ito, nakita ko ang isang gaya ng Anak ng Tao na nakasuot ng mahabang damit at sa kanyang dibdib ay may bumabalot na gintong bigkis. 14 Ang (G) (H) kanyang ulo at buhok ay puti tulad ng balahibo ng tupa, kasimputi ng niebe; ang kanyang mga mata'y tulad ng ningas ng apoy, 15 (I) ang kanyang mga paa'y tulad ng tansong pinakintab na parang dinalisay sa pugon, at ang kanyang tinig ay tulad ng ingay ng rumaragasang tubig. 16 Ang kanang kamay niya'y may hawak na pitong bituin, at mula sa kanyang bibig, lumabas ang isang matalas na tabak na dalawa ang talim, at ang mukha niya'y tulad ng araw na matinding sumisikat.
17 Nang makita (J) ko siya, bumulagta akong parang patay sa kanyang paanan. Ipinatong niya ang kanyang kamay sa akin at sinabi, “Huwag kang matakot; Ako ang una at ang huli, 18 at ang nabubuhay! Ako'y namatay, ngunit tingnan mo, ako ay buhay magpakailanpaman. Hawak ko ang mga susi ng kamatayan at ng Hades.[b] 19 Kaya isulat mo ang nakita mo, kung ano ang kasalukuyan, at kung ano ang mangyayari pagkatapos nito. 20 Tungkol naman sa hiwaga ng pitong bituin na nakita mo sa aking kanang kamay, at ang pitong gintong ilawan: ang pitong bituin ay ang mga anghel ng pitong iglesya, at ang pitong ilawan ay ang pitong iglesya.
Footnotes
- Pahayag 1:5 Sa ibang manuskrito naghugas.
- Pahayag 1:18 o daigdig ng mga patay.
Revelation 1
New International Version
Prologue
1 The revelation from Jesus Christ, which God gave(A) him to show his servants what must soon take place.(B) He made it known by sending his angel(C) to his servant John,(D) 2 who testifies to everything he saw—that is, the word of God(E) and the testimony of Jesus Christ.(F) 3 Blessed is the one who reads aloud the words of this prophecy, and blessed are those who hear it and take to heart what is written in it,(G) because the time is near.(H)
Greetings and Doxology
4 John,
To the seven churches(I) in the province of Asia:
Grace and peace to you(J) from him who is, and who was, and who is to come,(K) and from the seven spirits[a](L) before his throne, 5 and from Jesus Christ, who is the faithful witness,(M) the firstborn from the dead,(N) and the ruler of the kings of the earth.(O)
To him who loves us(P) and has freed us from our sins by his blood,(Q) 6 and has made us to be a kingdom and priests(R) to serve his God and Father(S)—to him be glory and power for ever and ever! Amen.(T)
7 “Look, he is coming with the clouds,”[b](U)
and “every eye will see him,
even those who pierced him”;(V)
and all peoples on earth “will mourn(W) because of him.”[c]
So shall it be! Amen.
8 “I am the Alpha and the Omega,”(X) says the Lord God, “who is, and who was, and who is to come,(Y) the Almighty.”(Z)
John’s Vision of Christ
9 I, John,(AA) your brother and companion in the suffering(AB) and kingdom(AC) and patient endurance(AD) that are ours in Jesus, was on the island of Patmos because of the word of God(AE) and the testimony of Jesus.(AF) 10 On the Lord’s Day(AG) I was in the Spirit,(AH) and I heard behind me a loud voice like a trumpet,(AI) 11 which said: “Write on a scroll what you see(AJ) and send it to the seven churches:(AK) to Ephesus,(AL) Smyrna,(AM) Pergamum,(AN) Thyatira,(AO) Sardis,(AP) Philadelphia(AQ) and Laodicea.”(AR)
12 I turned around to see the voice that was speaking to me. And when I turned I saw seven golden lampstands,(AS) 13 and among the lampstands(AT) was someone like a son of man,[d](AU) dressed in a robe reaching down to his feet(AV) and with a golden sash around his chest.(AW) 14 The hair on his head was white like wool, as white as snow, and his eyes were like blazing fire.(AX) 15 His feet were like bronze glowing in a furnace,(AY) and his voice was like the sound of rushing waters.(AZ) 16 In his right hand he held seven stars,(BA) and coming out of his mouth was a sharp, double-edged sword.(BB) His face was like the sun(BC) shining in all its brilliance.
17 When I saw him, I fell at his feet(BD) as though dead. Then he placed his right hand on me(BE) and said: “Do not be afraid.(BF) I am the First and the Last.(BG) 18 I am the Living One; I was dead,(BH) and now look, I am alive for ever and ever!(BI) And I hold the keys of death and Hades.(BJ)
19 “Write, therefore, what you have seen,(BK) what is now and what will take place later. 20 The mystery of the seven stars that you saw in my right hand(BL) and of the seven golden lampstands(BM) is this: The seven stars are the angels[e] of the seven churches,(BN) and the seven lampstands are the seven churches.(BO)
Footnotes
- Revelation 1:4 That is, the sevenfold Spirit
- Revelation 1:7 Daniel 7:13
- Revelation 1:7 Zech. 12:10
- Revelation 1:13 See Daniel 7:13.
- Revelation 1:20 Or messengers
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.
Holy Bible, New International Version®, NIV® Copyright ©1973, 1978, 1984, 2011 by Biblica, Inc.® Used by permission. All rights reserved worldwide.
NIV Reverse Interlinear Bible: English to Hebrew and English to Greek. Copyright © 2019 by Zondervan.