Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

Revised Common Lectionary (Semicontinuous)

Daily Bible readings that follow the church liturgical year, with sequential stories told across multiple weeks.
Duration: 1245 days
Ang Salita ng Diyos (SND)
Version
1 Juan 5:1-12

Pananampalataya sa Anak ng Diyos

Ang sinumang sumampalataya na si Jesus ang Mesiyas, ang kaniyang kapanganakan ay mula sa Diyos. Ang sinumang umiibig sa kaniya na pinagmulan ng kapanganakan ay umiibig din naman sa kaniya na ipinanganak niya.

Sa pamamagitan nito ay nalalaman natin na iniibig natin ang mga anak ng Diyos kung iniibig natin ang Diyos at sinusunod ang kaniyang mga utos. Ito ang pag-ibig ng Diyos: Tuparin natin ang kaniyang mga utos at ang kaniyang mga utos ay hindi mabigat. Dahil ang sinuman na ang kapanganakan ay mulasa Diyos ay nagtatagumpay sa sanlibutan at ito ang pagta­tagumpay na dumadaig sa sanlibutan, ang ating pananam­palataya. Sino ang nagtatagumpay sa sanli­butan? Hindi ba ang sumasampalataya na si Jesus ang Anak ng Diyos?

Siya itong naparito sa pamamagitan ng tubig at dugo, si Jesucristo. Hindi siya naparito sa pamamagitan ng tubig lamang kundi sa pamamagitan ng tubig at dugo. Ang nagpapatotoo ay ang Espiritu sapagkat ang Espiritu ay katotohanan. May tatlong nagpapatotoo sa langit, ang Ama, ang Salita, ang Banal na Espiritu at ang tatlong ito ay iisa. May tatlong nagpapatotoo sa lupa, ang Espiritu, ang tubig at ang dugo. Ang tatlong ito ay nagkakaisa. Yamang tinatanggap natin ang patotoo ng mga tao, higit na dakila ang patotoo ng Diyos sapagkat ito ang patotoo ng Diyos na pinapatunayan niya patungkol sa kaniyang Anak. 10 Ang sumasampalataya sa Anak ng Diyos ay nagtataglay ng patotoo sa kaniyang sarili. Ang hindi sumasampalataya sa Diyos, siya ang nagsasabi na ang Diyos ay sinungaling sapagkat hindi niya sinampalatayanan ang patotoo na pinatotohanan ng Diyos patungkol sa kaniyang Anak. 11 At ito ang patotoo: Binigyan tayo ng Diyos ng buhay na walang hanggan at ang buhay na ito ay nasa kaniyang Anak. 12 Ang kinaroroonan ng Anak ay kinaroroonan ng buhay. Siya na hindi kinaroroonan ng Anak ng Diyos ay hindi kinaroroonan ng buhay.

Ang Salita ng Diyos (SND)

Copyright © 1998 by Bibles International